Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] The Naked Ruth

CHAPTER FIVE

KAAGAPAY ni Travis si Ariel papunta sa parking area ng NAIA, nakabihis ng uniporme nila bilang mga piloto at hila-hila ang mga maleta nang sabihin niya sa kaibigan ang desisyon.

“What? Are you out of your mind?”

Inaasahan na ni Travis ang ganoong reaksiyon mula sa kaibigan. Alam niyang hindi ito sasang-ayon sa desisyon niyang mag-resign sa trabaho at manirahan na sa ibang bansa.

“You know why I need to do this,” sabi niya. “I need to go somewhere far away where no one knows me. Bago pa matuklasan ng mga kakilala ko `tong problema ko. I would die in shame if anybody finds out about this.”

“Bakit naman nila malalaman?”

“Pare, ilang babae na ang sinabihan ko ng palusot ko na papasok ako sa seminaryo. Lately, I even had to stay away from women. Our other friends and workmates would soon start to wonder why I’m not going out with women anymore. I don’t attend to parties anymore because of fear that girls would approach me and I’d have to reject them because I can’t perform in bed. This is torture. I can’t take this anymore. Kailangan ko na lang lumayo. Kailangan kong tumira sa isang lugar na hindi ko kailangang ingatan ang image ko dahil walang nakakilala sa akin, `yong wala akong kailangang panindigan. Babalik na lang ako kapag magaling na `ko.”

Bumuntonghininga si Ariel. Alam niya tutol ang kaibigan sa desisyon niya dahil magkakalayo sila pero naiintindihan din nito ang paghihirap niya.

“Saan mo balak pumunta? Kailan mo balak na umalis?”

“Probably next month. Aasikasuhin ko na muna `yong resignation ko. Iniisip ko pa rin kung saan ako pupunta. But definitely, doon sa lugar na walang masyadong seksing babae para hindi na masyadong ma-torture si Jun-jun. Don’t worry, we’ll stay in touch. Ayokong ma-miss mo `ko. Kapag nagkabiyahe ka roon, puntahan mo `ko. Let’s hang out.”

Nang makarating sila sa parking ay ipinasok na nila ni Ariel ang mga maleta sa likod ng kani-kaniyang kotse.

“Sa pad ko muna ka dumiretso,” pagyayaya ni Ariel. “Buksan na natin `yong alak na matagal mo nang gustong buksan.”

Ngumisi siya. “`Langya ka, p’re. Kailangan ko lang palang umalis para buksan mo `yong alak na `yon. Gawin natin sa ibang araw. I’m tired. `Saka dadaan pa `ko sa pad ni Romeo. Kukunin ko `yong mga naiwan kong golf clubs doon. Bukas kasi ng maaga, may maggo-golf kami ni Uncle Dan. Ang tagal ko na rin palang hindi nakapag-golf.”

Parang biglang may naalala si Ariel. “Speaking of Romeo, nakita raw ni Maggie `yong pinsan mo na may kaabriseteng lalaki palabas ng Unplugged Bar.”

“Huh?” Nakita ng girlfriend ni Ariel si Romeo na may kaharutang lalaki?

Ano ang nangyayari sa pinsan niya? Nagiging careless na yata ito. Bakit ba kasi kailangan pa nitong bumalik sa Pilipinas kung alam na may kailangan itong itago?

Lingid kay Romeo ay alam niya ang sikreto nito. Natuklasan ni Travis nang hindi sinasadya na isa itong closet gay pero pinili na lang niyang ilihim iyon. At wala siyang balak na ipagsabi iyon sa iba kahit sa best friend.

“So? He’s probably drunk kaya nakakapit sa kainuman.” Nagbuga siya ng hangin. “Bakit ba iniisip ng girlfriend mo na closet gay si Romeo?”

“Ewan ko ba do’n. Malakas daw ang gaydar niya. Don’t mind her. Anyway, pare, i-text mo na lang ako kung kailan ka pupunta sa bahay.”

Tumango na lang si Travis at pumasok na sa kotse. Hinubad muna niya ang pang-itaas na uniporme at nagpalit ng preskong t-shirt bago pinaandar ang sasakyan paalis.

—–

TULALA si Ruth habang pinagmamasdan ang sarili sa full-length mirror. Halos hindi niya nakilala ang sarili sa salamin nang humarap siya roon. Mukha siyang pornstar sa see-through lacy string lingerie na suot. Wala siyang anumang suot na panloob kaya hapit na hapit at kitang-kita ang mga “papaya” niya at kaka-Brazillian wax lang na “flower.”

Naroon siya sa condo unit ni Romeo nang mga oras na iyon. Wala ang beki pero alam niya ang oras ng dating nito. Dahil close na sila ay sinabi nito sa kanya ang door passcode ng condo unit nito kaya madali siyang nakapasok para isuot ang napakalaswang lingerie na iyon bago pa dumating ang aakitin niya. 

Hindi makapaniwala si Ruth na hahantong siya sa ganito. Well, she had fantasized this scene before but she never dared to do this kind of stunt or even wear something like this. Hindi ganito ka-adventurous sa kama ang dalawang ex niya. Ang isa ay medyo conservative dahil nagmula sa relihiyosong pamilya at ang isa naman ay tipong no-nonsense. Kung sex, vanilla sex lang at hindi na kailangan pa ng kinky foreplay, sexual roleplay, sex toys, BDSM o kung ano-ano pang kalokohang naiisip gawin ng ibang perverted couples.

Kaya naman ang lakas ng kaba ni Ruth sa mga oras na iyon dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay mangse-seduce siya ng isang lalaki… or in this case, isang gay.

Matapos patayin ang main lighting ng living room at sindihan ang dim lights ay lumapit siya sa coffee table kung saan may inihanda siyang isang bote ng red wine at dalawang wine glass. Mukhang dapat na niyang buksan iyon. Kailangan niyang pahupain ang kaba sa dibdib at mukhang espiritu lang ng alak ang makakapagpakalma sa kanyang nerves. Kailangan din niya ng lakas ng loob para makapag-“get, get, aww!” sa harapan ni Romeo.

Ang kaso ay hindi namalayan ni Ruth na napaparami na pala siya ng inom hanggang sa mapuna na lang niyang nanlalabo na ang paningin niya. Nang tangkaing tumayo ay muntik na siyang mabuwal dahil pakiramdam niya ay umikot ang paligid.

Nang ma-realize na tinamaan siya ng alcohol ay parang gusto niyang maglupasay. Paano siya makakapagsayaw ng Sexbomb kung nasira na ng alak ang balanse niya? Baka habang inaakit niya si Romeo ay bigla na lang siyang magsuka. May maaakit ba sa isang babaeng lasing?

Namalayan na lang ni Ruth na nakahiga na siya sa couch na nakatalikod sa pinto ng condo. Siguro ay dapat na siyang magbihis at mag-abort mission. Sa ibang araw na lang niya gagawin ang plano. Pero bago pa siya makabangon para kunin ang dress ay narinig na niya ang tunog ng electronic door lock.

Dumating na si Romeo!

Napabangon si Ruth paupo at pumaling sa maikling hallway kung saan manggagaling si Romeo sa oras na pumasok na ito sa pinto. Oo, medyo lasing siya pero at least ay wala siyang kakaba-kaba sa mga oras na iyon. Tutal ay naroon na lang din ang hinihintay niya, gagawin na niya ang plano.

Matapos marinig ang pagbukas at sara ng pinto ay namataan na nga ni Ruth ang malabong imahen ni Romeo na naglalakad sa hallway. Bukas ang ilaw sa hallway pero madilim sa living room dahil dim lights lang ang nakabukas kaya sillhoutte lang ng beki ang nakikita niya. Hindi niya nakita ang reaksiyon nito nang mapunang may taong nakaupo sa couch pero mukhang nabigla ito dahil napahinto sa paglapit.

“Nandito ka na pala,” sabi niya sa mapang-akit na tinig. “Kanina pa kita hinihintay.”

Tumayo si Ruth para sa wakas ay makita ni Romeo kung ano ang naghihintay rito.

—–

NAHINTO sa paglakad si Travis nang may makitang ulo ng isang babae na nakalitaw sa ibabaw ng backrest ng nakatalikod na couch. Hindi niya inaasahan na may mararatnan siyang babae sa condo unit na ipinahiram kay Romeo.

Inalisan niya ang lugar na iyon nang makabili ng mas malaking pad. Balak sana niyang paupahan iyon noon pero nang dumating galing sa States ang pinsan ay pinatira muna niya nang libre doon pansamantala.

Alam ni Travis na wala si Romeo sa loob dahil tinawagan niya ito habang nagmamaneho papunta roon. Pauwi na raw ang pinsan pero kung mauuna siya ay pumasok na lang daw siya para kunin ang golf clubs. Ibinigay nito ang door passcode sa kanya kaya tuloy-tuloy na siyang nakapasok. Kaya lang ay napahinto siya dahil may tao pala roon.

Babae. Probably in her mid-twenties. May mahabang alun-along buhok at mukhang maganda ang mukha. Mapungay ang mga mata nito habang nakatutok ang tingin sa kanya. Madilim ang living room pero bukas ang ilaw sa hallway na dinaraanan niya kaya naiilawan ang parteng kinaroroonan ng babae.

Bakit may magandang babae sa condo unit na tinutuluyan ni Romeo? Of course, his gay cousin would not bring a woman here to fuck. Baka naman “beshie” ito ng pinsan niya.

Tatanungin sana ni Travis kung sino ito pero nagsalita ang babae.

“Nandito ka na pala,” the woman said in a sultry voice. “Kanina pa kita hinihintay.”

Natigilan siya. Siya? Hinihintay nito? Did he know her?

Tinitigan ni Travis ang babae. Come to think of it. She looked familiar.

Ibinuka niya ang bibig para magsalita pero nang umalis sa likod ng couch at tumayo ang babae ay natigilan siya sa nakita. The woman was wearing lingerie. Not just some sexy lingerie but a see-through one. She was practically naked! And damn, she’s hot.

Tuluyan nang naumid ang dila niya nang magsimulang lumapit sa kanya ang babae. Malayang naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan nito. Thanks to the light from behind, he was able to see the perfect plump of her breasts, those tiny pink nipples, her small waist and flat stomach and her hairless…

He swallowed hard. It was not as if that was his first time seeing a woman in see-through lingerie or one as hot as she was. But right that moment, he felt as if a horny teenager who was about to get his first sexual experience.

Nang tuluyang makalapit ang babae ay mas nakita niya ang magandang mukha nito. She looked really familiar but he had no time to recall who this woman was. He just wanted to taste those sexy lips and fuck her.

Umangat ang kamay ng babae at walang salitang dinama nito ang kanyang pisngi habang nakatitig sa mga labi niya. Saglit pang naglaro ang mga daliri nito sa two-day old stubbles ni Travis bago bumaba ang palad nito sa kanyang leeg, nagtuloy-tuloy sa dibdib at humipo iyon sa tiyan niya. Ipinasok ng babae ang palad sa loob ng T-shirt niya at dinama ang abs niya habang nakatitig sa kanya nang puno ng paghahangad.

He swallowed hard. He tried hard not to grab and kiss her senseless. And then it hit him. Something was happening down there. He could feel the stirring in his groin! Finally, he could feel an increased blood flow in his corpora cavernosa. Habang patuloy na dinadama ng babae ang mga pandesal ni Travis, nagsisimula na ang intensifying commotion sa loob ng kanyang puson.

Nang dumako ang kamay ng babae sa belt ni Travis ay may “flag-raising” nang nagaganap sa loob ng kanyang pants.

Jun-jun has risen! It finally came back from the dead!

—–

BAGAMAN medyo madilim ay napuna ni Ruth—habang sinisimulang i-undo ang belt ni Romeo—na sumisikip ang white pants nito. Suddenly, there was something poking out of his pants. Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize na erection iyon.

Tinayuan si Romeo sa kanya! Hindi na pala niya kailangang sayawan ng “spaghetti pababa” ito para ma-arouse sa kanya. Kailangan lang talaga niyang maghubad at himasin ito para magkareaksiyon ang katawan para sa kanya.

Ibig bang sabihin nito ay magiging straight na si Romeo na tulad ni Ramoncito? So… puwede na siyang mahalin nito? Napuno ng excitement ang dibdib niya.

Nag-angat ng mukha si Ruth para tanungin si Romeo tungkol sa reaksiyon ng katawan nito sa kanya pero hindi na niya nagawa pang makapagsalita dahil hinapit na siya nito at sinakop ang mga labi niya. Hindi niya akalaing ganoon pala kagaling humalik ang beki. Mas masarap pa itong humalik kaysa sa mga straight na lalaking nakahalik na sa kanya!

Kung makalamukos ito sa mga labi niya, parang wala nang bukas. Pero hindi naman siya nagrereklamo. She liked it. She liked how he seemed to want her so much. Wala rin siyang angal nang kubkubin ng malaking palad nito ang dibdib niya.

While kissing her, he grabbed a cheek of her buttocks and pushed her lower body towards his. Sa ginawa nito at naramdaman niya sa puson ang matinding pagkapukaw nito!

Napaka-effective naman pala ng method na itinuro ni Ramoncito! Kung lahat ng babae ay gagawin iyon sa bawat bakla, mauubos ang beki sa mundo!

Naramdaman na lang ni Ruth na iginigiya na siya ni Romeo papunta sa couch habang patuloy sa paghalik sa mga labi niya. Inihiga siya nito sa couch at naghubad ng shirt. Tumambad sa kanya ang chiseled trunk nito. God, he was sexy. He had muscles in all the right places.

Nang umibabaw ito sa kanya ay nag-landing kaagad ang mga labi nito sa kanyang leeg. Napapikit si Ruth.

“Ah, baby… you’re so hot…” sabi nito habang pababa nang pababa ang mga labi. “Tell me your name.”

Sukat sa sinabi nito ay napadilat si Ruth. Bakit tinatanong ni Romeo ang pangalan niya kung kilala naman siya nito? At saka bakit parang iba ang tunog ng boses nito?

Bago pa mag-landing sa dibdib niya ang mga labi nito ay hinawakan ni Ruth ang mukha ng lalaki at inangat iyon para dalhin sa paningin. Gamit ang ilaw mula sa hallway ay pinakatitigan niya ito at ganoon na lang ang gulat niya nang makitang hindi si Romeo ang lalaking nakadagan sa kanya.

And yes, she knew him! Travis!

“Shit!” lumabas sa bibig ni Ruth. Pakiramdam niya ay bigla siyang naging sober. Itinulak niya palayo ang lalaki at mabilis na bumangon.

Muntik na siyang makipagtalik sa playboy na pinsan ni Romeo!

Nakaharap na si Travis sa ilaw kaya kitang-kita na niya ang mukha nito. Halata ang pagtataka nito sa ginawa niya. Gusto sana niyang pagsalitaan ang lalaki sa muntik nang magawa sa kanya pero siya naman ang may kasalanan. Inakit niya ang lalaki sa pag-aakalang si Romeo ito.

“Why?” halatang naguguluhang tanong ni Travis. “What’s wrong?”

“This is a mistake!” sabi na lang ni Ruth at nagmamadaling kinuha ang damit.

“What?” maang na tanong ni Travis.

Mabilis siyang nagbihis. “Hindi ikaw ang inaasahan kong darating.”

Mukhang natigilan ang lalaki. Baka na-figure out nang inakala niyang si Romeo ito dahil madilim at nakainom siya.

Nang maisuot ang sapatos ay dinampot ni Ruth ang bag at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon sa kabila ng pagtawag ni Travis.

Nang makalabas sa condo unit ay sinabunutan niya ang sarili. Muntik na siyang magpa-jugjug sa lalaking kinaiinisan niya mula pa noong high school! Sa loob ng elevator ay pinakawalan niya ang pinipigilan na pagtili.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

3 Comments

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.