Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] The Naked Ruth

NAPAPITLAG si Ruth nang biglang tumili si Joyce nang sabihin niya sa kaibigan ang nangyari sa pad ni Romeo. Noong una ay nakanganga lang ito at manghang-mangha dahil siguro naisipan niyang akitin ang isang beki sa pamamagitan ng paghuhubad pero noong banggitin niya ang pangalan ni Travis ay nagliwanag ang mukha nito.

“Gusto ko sanang sabihin kung gaano ka kagaga sa naisip mong gawin para mang-akit ng isang bakla pero dahil iba ang kinahinatnan ang kagagahan mo, I’m happy for you.”

“Huh?”

“Nakakainggit ka, bakla!” patilig sabi nito. “Magaling bang humalik? Ano’ng lasa ng laway niya? Mesherep?”

Napanganga siya. Kahit kailan ay hindi pa na-excite si Joyce sa tuwing nagkukuwento siya tungkol sa sex life niya, ngayon lang.

“Nahawakan mo ba? Daks? For sure, daks `yon.”

Hindi niya nahawakan pero naramdaman niya sa puson nang idikit nito ang pang-ibabang katawan niya rito. At oo, daks pero hindi niya sasabihin sa makiring babaeng ito.

“Tumigil ka nga, Joyce. Sinabi ko sa `yo `to dahil gusto kong makiramay ka sa `kin pero natuwa ka pa na muntik na akong matsuktsak ng lalaking hindi ko gusto.”

“Makiramay? Sa kagagahan mo? Iniligtas ka na nga ng tadhana sa kagagahang gagawin mo dapat, eh. Ibinigay ka sa tunay na lalaki. At hindi lang basta lalaking-lalaki, sobrang hot pa!”

“At playboy!”

“Eh, ano naman? May karapatan namang maging playboy. `Yong iba, ampapangit pero malakas ang loob na maging playboy. At least, si Travis, overall package, may K.”

Nagbuga si Ruth ng hangin. “Kaya maraming playboy, eh. Dahil sa mga babaeng tulad mo na tino-tolerate at dyina-justify pa ang kalokohan nila.”

“O, eh, ano? Ipapasok mo na naman `yong tatay mong playboy? Jusko, Ruth. Mag-move on ka na sa tatay mo. Hindi lahat ng playboy, tulad niya. Marami nang playboy ang nagbago nang mag-mature at ma-in love nang totoo.”

Nag-roll eyes siya. Speaking of her dad, narinig niyang kabilang ito sa cast ng bagong pelikulang shinu-shoot ng isang sikat na love team. Matagal na nawala sa industriya si Pablo. Ang akala ni Ruth ay nag-retire na ito.

“Teka, hindi ba uli kayo nagkita ni Travis pagkatapos ng nangyari? Nakilala ka ba niya? `Di ba, magkakilala naman kayo `ka mo noong high school kayo?”

Parang ayaw na lang niyang sabihin kay Joyce na nagkita sila ni Travis kinabukasan mismo at niyaya siya ng lalaki na ituloy ang nasimulan nila sa pad ni Romeo.

Bumalik sa isip ni Ruth ang eksenang iyon. Kung paano inilapit ni Travis ang mukha sa kanya, kung paano nito hayagang tiningnan ang mga labi niya nang buong pananabik at titigan siya nang may paghahangad. Hinding-hindi niya aaminin sa kaibigan na imbes na mag-cringe siya in disgust ay iba ang kilabot na naramdaman niya. Masarap na kilabot na hindi niya inasahan.

Noong una ay nalito siya kung bakit ganoon ang naramdaman niya samantalang inis siya kay Travis. Pero na-figure out kaagad niya kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya sa pang-aakit nito. Hawig kasi ito ni Romeo. Puwede ngang mapagkamalang magkapatid ang dalawa. Kaya paano naman siya makararamdam ng disgust habang nakatingin sa mukha nitong kay lapit sa kanya kung may resemblance ito sa mukha ng taong gusto niya?

“Ayoko na siyang makita,” sabi na lang ni Ruth.

Nag-twitch ng lips si Joyce. Mukhang nanghinayang ito. “Oh, well. Basta `wag na `wag mo nang uulitin `yong ginawa mo. There’s a reason why your plan was disrupted. Kasi hindi mo `yon dapat ginawa.”

Bumuntunghininga siya. “Siguro nga. Muntik pa akong mapahamak sa ginawa ko.”

Ngumisi ito. “Sana all kapag napahamak, eh, sa kasing hot ni Travis.”

Napailing-iling na lang si Ruth. Gusto na lang niyang kalimutan ang nangyari. Siguro naman ay hindi na niya makikita pang muli si Travis. Walang dahilan para mag-krus ulit ang mga landas nila.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

3 Comments

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.