Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] The Naked Ruth

NAPAPITLAG si Ruth nang muli ay i-call out siya ni Madam Felicia. Muntik nang masagi ng tuhod niya ang nakabalandrang junk ni Travis na natatakpan lang ng hapit na black boxers habang nakahiga sa isang smoked chaise lounge. Nakadukwang kasi siya rito, nakatukod ang tuhod sa pagitan ng mga hita ng lalaki habang nakatitig sila sa isa’t-isa.

“You look really awkward,” prangkang comment ng may edad nang beki. “What is happening with you, Ruth? This shoot is taking so long because you seem to be not you today.”

Nang tapunan ni Ruth ng tingin ang photographer na si Anton ay mukhang wala itong balak na salungatin ang creative director. Nang ibalik niya ang tingin kay Travis na nasa ilalim niya ay parang wala naman itong pakialam kahit kanina pa siya pinupuna ng creative director. In fact, parang lihim pa ngang nag-e-enjoy ito.

Nag-e-enjoy ba si Travis dahil nararamdaman nito ang awkwardness niya kahit pilit niyang itinatago? Paano naman kasi sita hindi ma-o-awkward kung muntik nang may mamagitan sa kanila ng lalaking ito?

Kanina, bago sumalang si Ruth sa photoshoot ay ikinundisyon na niya ang sarili at inisip na isang normal na male model lang si Travis na tulad ng mga nakakatrabaho niyang male models. Pero nang magsimula na silang mag-pose nang naka-underwear lang ay hindi na niya nasupil ang uncomfortable feeling na iyon. Hindi siya makapaniwalang nai-intimidate siya sa lalaking ito.

Hindi maiwasang lagyan ni Ruth ng malisya ang bawat pagsayad ng palad ni Travis sa balat niya kahit alam niyang utos iyon ng photographer. Kasing init ng palad nito ang mga pisngi niya sa bawat intimate poses na ginagawa nila. Sa tuwing kailangang magtama ng mga paningin nila ay nakikita niya ang matinding pagnanasa sa mga mata nito. Oo, iyon ang utos sa kanila pero mukhang tunay ang paghahangad na nakita niya at hindi lang acting para sa pictorial.

“Can we… can we take a quick break?” tanong ni Ruth sa creative director at photographer.

Nag-roll ng mga mata si Madam Felicia. “Fine. Ayusin mo ang sarili mo.”

Maingat na umalis si Ruth sa posisyon niya dahil baka totoong may masagi talaga siya. Pagtayo niya ay mabilis na lumapit sa kanya ang isang production assistant na nag-abot ng roba niya. Tinapunan niya ng tingin si Joyce na mukhang agad naman niyang nakuha sa tingin. Kaya nang lumakad siya palayo sa mababang platform sa set ay sumunod sa kanya ang kaibigan. Pumasok siya sa isang empty dressing room na agad niyang isinara nang makapasok din si Joyce.

“Ano’ng nangyayari sa ‘yo, bakla?” tanong nito na mukhang wala ni katiting na guilt sa ginawa. “Kaya nga ikaw ang madalas naming inirerekomenda sa clients kasi madali kang katrabaho. Bakit ngayon, para kang naging amateur?”

Pinandilatan ni Ruth ang kaibigan. “Ano’ng nangyayari sa ‘kin? Alam mo dapat, ‘di ba? Bakit si Travis ang kinuha mong ka-partner ko sa gig na ‘to? Alam mo kung ano’ng nangyari sa ‘min. Kaya ngayon, hindi ko maiwasang maging awkward. Sino ba namang hindi maiilang? Habang magkadikit kami, naaalala ko ‘yong nangyari. Naaalala ko na wala na akong maitatago pa sa kanya.”

“Hindi naman ako ang nag-decide niyan, baks. Talent coordinator ako pero hindi lahat ng talent dumadaan sa ‘kin. Lalo na kapag kasing-VIP ni Travis, ang management minsan ang kausap. I mean, hindi siya professional model pero matagal na siyang ino-offer-an ng talent agency namin pero tumatanggi siya kaya considered VIP siya. Actually…” Parang saglit pang nagtalo ang loob ni Joyce bago itinuloy ang sinasabi. “Ikaw talaga ang ni-request niya na makapareha sa shoot na ‘yan. It seems alam niyang talent ka namin kaya nagkainteres siyang tumanggap ng modeling gig through us kahit ayaw niya noon.”

Natigilan si Ruth sa narinig.

Unti-unting sumilay ang nanunudyong ngiti sa mga labi ni Joyce. “Mukhang interesado siya sa ‘yo, bakla. Nabitin yata sa ‘yo noong gabing ‘yon.”

Naramdaman niya ang pagkikiskisan ng mga ngipin. Kung totoong minanipula ni Travis na magkapareha sila sa gig na iyon, ibig sabihin ay hindi lang siya tinudyo nito noong huli nilang pagkikita. Mukhang seryoso ito sa imbitasyong ipagpatuloy nila ang naunsiyaming eksena sa pad ni Romeo kahit alam ng lalaking ang pinsan nito ang gusto niya.

“Ba’t parang galit ka?” nagtatakang tanong ni Joyce. “Hindi ka ba flattered na sa tagal naming kinukumbinsi si Travis sa talent agency, ikaw… ikaw lang, Ruth? Ikaw lang pala ang makakapagbago ng desisyon niya. Nakakakilig!”

“Bakit ako mapa-flatter? Gusto lang akong maikama ng lalaking ‘yon. Walang nakakakilig do’n! At saka alam mong hindi ako pumapatol sa—”

“Playboy,” mabilis na dugtong ng kaibigan sa sinasabi niya. “Pero sa bading, oo. Ang gaga mo talaga.”

Hindi na napigilan ni Ruth na hilahin ang buhok ni Joyce. Maarteng nag-“ouch!” ito. Matapos niyang palayasin ang kaibigan ay mag-isa siyang nanatili sa loob ng dressing room at pinag-isipan ang diskarteng gagawin para mapalayo si Travis. 

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

3 Comments

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.