-
[Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl
CHAPTER ONE DEAR Miss Terry, Hi. Can you help me? I’ve been in a relationship with this guy for over two years. But lately, things have begun to change. Feeling ko, nababawasan na ‘yong feelings niya para sa akin. Hindi na siya masyadong sweet. Hindi na siya masyadong thoughtful. Hindi na siya masyadong naghahanap ng paglalambing from me. Dati-rati, umaga pa lang, tatawag o magte-text agad siya pero ngayon, kung hindi pa ako mag-text, hindi pa siya magpaparamdam. Dati-rati, paglabas ko ng classroom kapag lunch time, palagi ko siyang nakikita sa labas ng pinto, naghihintay sa akin para sunduin ako. Ngayon, nagkikita na lang kami sa school café. Minsan pa…
-
[PREVIEW] Confessions Of A Serial Liar
HI! I’M Sasha Montesa. Twenty-six years old. (Long pause) Alright. I’m thirty. And my real name isn’t really Sasha Montesa. It’s Soledad Balacubac. So, tell me. If you have this horrible name, would you not learn to lie? Yes, I am a compulsive liar. And this is my “real” story. PROLOGUE A LIE was like a lifebuoy. If you did not know how to swim and you did not have a lifebuoy, you’re going to sink. Life was like a wide and deep ocean. It was dangerous. That was why you need a lifebuoy to save you. May factory yata ako ng salbabida. Dahil hindi ako nauubusan…
-
[PREVIEW] Si Ex, Si Crush O Si Best friend?
TEASER Si BENJ Ang ex-boyfriend kong basketball player sa school varsity team. Nag-break kami a year ago but we had a lot of good memories together. Am I over him? I think so. Pero nang magparamdam siya na gusto niyang magkabalikan kami, naalarma ako. Napatanong ulit ako kay self, am I over him completely? Si JP Ang crush kong vocalist ng school alternative rock band. Ang tagal ko nang nagfa-fangirl sa kanya. Palagi kong in-imagine na ako ‘yong kinakantahan niya. Akala ko talaga, hanggang imagination na lang ako. Hanggang isang araw, nagulat na lang ako nang bigla niya akong “haranahin” sa school. OMG. At si NOAH Ang guy best friend…
-
[EXCERPT] Keep Calm And Walwal, Clara
Unedited excerpt from KEEP CALM AND WALWAL, CLARA (Book 3 of the trilogy): NAKATANGA lang ako habang pinagmamasdan ang lalaki sa paggawa ng cocktail drink sa likod ng bar counter kung saan pinaupo niya ako sa harapan niyon at pinaghintay. The guy is a bartender? If he is, then he’s probably the most gorgeous bartender in the universe. Pero bakit hindi siya nakauniporme gaya ng bartenders naratnan namin doon? Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa ang ginawa kanina. Hindi ba siya na-turn off sa akin kanina nang takbuhan ko siya at hindi man lang ako nagpasalamat sa ginawa niya? Is he that interested with me? Pakiramdam ko, namula ang…
-
[EXCERPT] Keep Calm And Walwal, Hara
Unedited excerpt from KEEP CALM AND WALWAL, HARA. (Book 2 of the trilogy): NGUMITI sa akin ang DJ. And I must admit, bumilis ang tibok ng puso ko. When was the last time my heart beat like this? Hindi ko na matandaan. He looked pleased. “You looked surprised. Why?” Umiling ako nang makabawi sa pagkabigla. Hindi ko lang ine-expect na lalapitan niya ako. Kakasabi ko lang kanina na hindi niya ako lalapitan. I mean, sa dami ng babae roon na mukhang sabik na sabik sa atensiyon niya. “Y-you just… startled me.” Did I just stammer? “Ang alam ko kasi, wala akong katabi tapos biglang may magsasalita.” “You recognized me.” “Huh?”…
-
[EXCERPT] Keep Calm And Walwal, Janina
Unedited excerpt from KEEP CALM AND WALWAL, JANINA. (Book 1 of the trilogy): “So, now what?” “What?” balik-tanong ko sa tanong ni Tom. “How do we start being reckless?” Nag-isip ako. “Paano nga ba? Well, naumpisahan na natin noong umalis tayo nang hindi sinasabi kung saan tayo pupunta kahit kanino. Ngayon naman… gawin natin kung anong gusto natin. ‘Yong mga bagay na dati, hindi natin kayang gawin dahil masyado tayong responsibleng tao. Gawa tayo ng bucket list.” “Bucket list?” “Bucket list ng mga kabalahuraan na gusto nating ma-accomplish.” Halatang na-amuse si Tom. “Okay. We’ll start by creating our bucket list.” Tumango ako. “Anong una sa bucket list mo?” Halatang nag-isip…
-
[PREVIEW] Status: Self-Sufficient
Pasilip sa upcoming book kong Status: Self-sufficient. Wala lang. Naisipan ko lang i-share para sa single ladies dyan na kailangan ng konting female empowerment. 🙂 Please take note that what you are about to read are unedited and raw drafts only. So may errors dyan malamang at hindi pa yan final. Puwede pang may magbago sa dialogues at mga eksena at sa iba pang mga detalye once na ma-review ko na. So, hayun, happy reading! Mabuhay ang mga self-sufficient! 😀 CHAPTER ONE CHAPTER TWO CHAPTER THREE CHAPTER FOUR CHAPTER FIVE
-
[PREVIEW] The Grim Reaper
Read the unedited preview of The Grim Reaper. Click the links below to start reading. Enjoy! Teaser: Habang nakaupo sa parapet ng rooftop ng isang gusali ay namataan ni Azrael ang isang babaeng umaakyat sa balustre sa isang parte ng mahabang tulay at mukhang nagbabalak na tumalon mula roon. Walang boses sa kanyang isip na nagsasabing may partikular na babaeng mamamatay sa lugar na iyon sa mga oras na iyon. Samakatuwid, ang babaeng nakatakdang tumalon sa tulay ay hindi nangangailangan ng kanyang serbisyo. Hindi pa oras ng babae. Pero sa babagsakan nitong aspaltong kalsada, siguradong mamamatay ito. Hindi trabaho ni Azrael ang pumigil sa mga taong gustong madaliin ang kamatayan.…
-
[PREVIEW] 40 Days To Heaven
Kapag ang isang tao pala ay namatay sa isang dayuhang bansa, hindi na raw makakabalik sa bansang pinagmulan ang kaluluwa nito. Natuklasan ko iyon nang mamatay ako sa Hong Kong bilang isang turista. Hindi tuloy ako makabalik sa ‘Pinas. Gusto kong magbalik-bayan dahil gusto kong malaman kung sino ako at bakit ako nagdesisyong mag-suicide. Kailangan kong makabalik sa Pilipinas. Ayon sa isang Chinese shaman, magagawa ko lang iyon kung sasanib ako sa buhay na tao. Nakasanib nga ako sa isang babaeng nagngangalang Rebecca pero nawawala naman ang passport niya na kinailangan ko pang hanapin. Habang nasa katawan niya, nakilala ko ang fiance niyang Filipino-Chinese na si Chen Li at ang…
-
[PREVIEW] The Heroine
CHAPTER ONE “JUSKOLORD!” bulalas ng kaibigan ko. Naunahan lang ako ni Nancy pero iyon din sana ang ibubulalas ko kung wala lang akong isinaksak na pizza sa bibig ko bago binuksan ni Nancy ang TV at bumulaga ang isang segment sa isang showbiz talk show. Hindi ako makapaniwala sa breaking news. Umamin na raw sina Richmond Bueno at Elise Mendez na sila na! Six months na raw silang secretly dating! Juskolord. Why, Richmond, why? Tumingin ako kay Elise na nasa tabi ni Richmond at nahiya akong bigla sa balat ko dahil nagtanong pa talaga ako. Sino nga naman kasing lalaki ang hindi maaakit sa napakagandang babaeng itong bukod na…