Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] Si Ex, Si Crush O Si Best friend?

TEASER

Si BENJ

Ang ex-boyfriend kong basketball player sa school varsity team. Nag-break kami a year ago but we had a lot of good memories together. Am I over him? I think so. Pero nang magparamdam siya na gusto niyang magkabalikan kami, naalarma ako. Napatanong ulit ako kay self, am I over him completely?

Si JP

Ang crush kong vocalist ng school alternative rock band. Ang tagal ko nang nagfa-fangirl sa kanya. Palagi kong in-imagine na ako ‘yong kinakantahan niya. Akala ko talaga, hanggang imagination na lang ako. Hanggang isang araw, nagulat na lang ako nang bigla niya akong “haranahin” sa school. OMG.

At si NOAH

Ang guy best friend kong artist. He has always been there for me. Kahit madalas niya akong asarin at pagkatuwaan, never niya akong pinabayaan kapag kailangan ko siya. Wala sa hinagap ko na puwede niya akong magustuhan romantically. Kaya shookt ako nang ipagtapat niyang higit na raw sa isang kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Akalain mo ‘yon? Sabay-sabay nila akong p-in-ursue! Ang haba ng hair ko, ‘di ba? Pero ang hirap, bes! Lahat kasi sila, may space sa puso ko. Si Benj—siya ang first love ko at ang sabi nila, first love never dies daw. Si JP—matagal ko na siyang pangarap. At si Noah—he’s someone I could not live without.

So, sino na ang pipiliin ko? Si Ex, si Crush, o si Best friend?

 

 

PREVIEW

 

The Queen

I COULDN’T believe this. I was standing in front of so many people cheering for me. Sa akin nakatapat ang limelight. Para sa akin ang mga palakpak na naririnig ko sa paligid. I couldn’t believe this was all happening. I mean, hinangad ko na mapasaakin ang gabing ito. Pero, somehow, hindi ko pa rin in-expect na sa akin talaga mapupunta ang korona.

I was just an ordinary senior psychology student in De La Real University. Hindi ako campus crush o campus babe. I never thought I could be a campus figure at all. Pero isang araw, biglang nag-back out ang pambato ng psychology department sa “Campus Queen”—ang taunang popularity and beauty pageant sa DLRU—due to personal reasons.

Lahat ng puwedeng pumalit sa nag-back out na muse ng psychology department, hindi nag-comply. Kesyo maganda nga, hindi naman ganoon katalino o kaya naman masyadong mahiyain o kaya naman, hindi spontaneous kaya nangambang lumagpak sa Q & A. Kaya sa kadesperadahan ng student council president namin, ako ang isinali.

Well, hindi nga ako sobrang ganda pero marami namang nagsasabing maganda ako, lalo na kung maaayusan. Hindi ako top student pero quick-witted at articulate daw ko. Hindi nag-uumapaw ang self-confidence ko but I could carry myself well naman.

In short, nandoon lang ako sa space in between average and above average. Kaya hindi ko akalain na kaya ko palang maging above the rest.

Shookt ang lahat dahil nang i-make over ako, ang simpleng ganda ko ay naging diyosa-level. Hindi rin nila in-expect na magiging ganoon kaganda ang sagot ko sa Q & A at kahanga-hanga ang confidence na ipinamalas ko sa stage. Kaya nang matapos ang competition, mukhang lahat ay satisfied sa resulta ng pageant.

I, myself, was surprised with myself. Doon ko na-realize na kaya ko palang mag-excel kung gugustuhin ko. This whole experience was a major eye-opener for me. It taught me that we would never know our full potential until we pushed our limits—or the limits that we set for ourselves.

I am Sabrina de Leon, from College of Science, Psychology department. DLRU’s Campus Queen 2018.

 

The Newest Campus Figure

ALANGANIN ang ngiti ko nang sa paglapit ko sa upuan ko sa classroom, may nakita na naman akong love letter sa desk. Alam kong love letter iyon kasi may kasamang maliit na pink teddy bear. Noong isang araw lang, may natanggap akong letter na may kasamang isang tangkay ng red rose. Mukhang sa ibang tao na naman galing iyon.

Simula nang maging Campus Queen ako, halos araw-araw yata, may natatanggap akong love letter. At sa tuwing naglalakad ako sa campus, nakatingin sa akin ang boys—nginingitian at binabati ako. Dati naman, deadma lang sila sa akin. Ngayon, kung ano-ano nang ginagawa nila para magpapansin sa akin.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o mabu-burden. I mean, hindi naman kasi ako sanay sa too much attention. Hindi ko naman talaga pinangarap na maging super sikat. Well, may fantasy ako na maging crush ng bayan noong high school ako pero alam ko naman kasing hindi iyon mangyayari kaya f-in-antasize ko lang. Malay ko bang puwede palang magkatotoo. Iba na pala kapag totoo na. Medyo nakakawindang pala.

Hindi ako masyadong ligawin dati. Kaya wala akong idea kung paano ko pakikitunguhan itong mga lalaking pinanggagalingan ng love letters at mga hayagang nagpapa-cute at nagyayaya sa akin ng date. Mahirap din pala kapag maraming lalaki ang nagkakainteres sa ‘yo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing hindi ko sila type at sa ngayon, ayoko munang pumasok ulit sa isang relationship.

Yes. Once na akong pumasok sa isang romantic relationship. When I was eighteen, nagkaroon ako ng boyfriend. Kaya lang, tumagal lang ang relationship namin ng nine months. Siguro kasi, medyo immature pa kami noon at hindi pa ready para sa isang commitment. Kaya ayoko muna sanang intindihin ang love sa ngayon. Kasi baka nga hindi pa ako ready para sa bagay na iyon.

Well, gusto ko rin namang ma-in love ulit. Kasi masarap naman talagang ma-in love. Pero as much as possible gusto ko munang iwasan sa ngayon. Hanggang pa-crush-crush lang muna ako. Masaya naman kahit hanggang crush lang. In fact, meron akong longtime crush sa school. Kaya kahit wala akong boyfriend, may inspirasyon ako. Bago pa ako magkaroon ng boyfriend, crush ko na siya. Hanggang ngayon, crush ko pa rin siya. At hanggang doon lang iyon kasi sigurado akong hindi niya ako liligawan.

“Hay, nakoh…”

Napatingin ako kay Issa na nasa tabi ko. Naka-twitch ang lips niya kaya kitang-kita ang makapal na braces ng best girl friend ko.

“I’m starting to get jealous na.”

Yes, coño siya. Napakaarte niyang magsalita. Palibhasa rich kid. Although walang nakakaalam na anak si Issa ng may-ari ng isang sikat na group of companies dahil illegitimate daughter siya. Just the same, namuhay pa rin siya sa luho simula pagkabata dahil sustentado ng mayamang biological father. Patago nga lang.

We started getting along when we shared a school project two years ago. Sa dinami-dami ng rich kids sa university, ako pa ang napili niyang maging bestie. Imbes na maki-hang out siya sa mga kapwa niya coño, sa akin siya naging close. Hindi naman ako mahirap. Nasa upper middle class kami. Pero hindi kasing yaman ng daddy niya ang daddy ko.

Alam ko kung bakit mas pinili ni Issa na makipagkaibigan sa akin. Ayaw kasi niyang mabuking ang sekreto ng pakatao niya. Maliit lang kasi ang social circle ng mga mayayaman. Posibleng mahalukay kung sino ang daddy ni Issa kung sasama siya sa mga kabilang sa social class niya.

Bago pa ako makaupo sa seat ko, binati ako ng ilan kong male classmates. Habang ang ilang female classmates ko, masama ang tingin sa akin. Yes, hindi lang admirers at suitors ang nagsitubuan na parang kabote simula nang manalo ako as Campus Queen. Pati haters. Mostly, girls.

Being a campus figure had its advantages and disadvantages. Actually, at this point, mas dama ko ang disadvantages. Dati, kahit walang may gusto sa akin, wala rin namang may ayaw sa akin. Imagine getting scowled at kahit wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Kung hindi ako sanay na maraming nagkakagusto sa akin, mas hindi ako sanay na maraming nagagalit sa akin.

Dati, dahil wala naman akong hawak na beauty title, hindi ako masyadong nag-e-effort na magpaganda. Ngayon—bilang ako na ang Campus Queen—kailangang palagi akong maganda dahil mayroon na akong kailangang pangalagaang image. Dati, wala akong pakialam sa pagkilos ko. Ngayon ay kailangan ko nang magpaka-poised. Dala-dala ko ang korona kaya may obligasyon akong kumilos accordingly.

“Ang hirap, bes!” Iyon ang himutok ko kay Issa just the other day. Kaya alam kong gusto lang niya akong asarin nang sabihin niyang naiinggit na siya sa akin. Alam ng kaibigan ko na hindi ko ganoon ka-bet ang pagbabago ng buhay ko after winning the pageant. Na-realize ko na mas masarap pa rin palang maging isang ordinaryong nilalang.

“So, ano na’ng schedule for today ng DLRU Campus Queen two thousand eighteen?”

“Tigilan mo nga ako, Issa.” Ipinasok ko sa bag ang letter at maliit na stuffed toy. Sa bahay ko na lang babasahin ang sulat.

“Kasi if you’re not busy with accepting love letters and gifts from your admirers, I will make yaya you sana to watch Rob’s first game this afternoon!”

Si Rob ‘yong crush na crush niyang bagong point guard sa basketball varsity team. Freshmen pa lang si Rob dahil naabutan ng K-12 pero nineteen years old na ang lalaki. Isang taon lang ang tanda namin sa crush ni Issa. Habang kami, nasa last year na ng college. Kung walang K-12, junior na sana si Rob ngayon.

I stared at her in disbelief. “Okay ka lang?”

Lumabi si Issa. Alam niya kung bakit ganoon ang reaksiyon ko. Palagi ko siyang sinasamahan sa lahat ng gusto niyang kasama ako pero hindi sa basketball game.

“Why ba? Because of Benj ba? You’re over him na naman, ‘di ba?”

 

  The Ex-boyfriend

Benjamin Romero, Jr.

Age: 20

Claim to fame: Captain at power forward ng DLRU basketball varsity team.

Course: Mechanical engineering, 4th year.

Benj was my ex-boyfriend. He was my first love. He was the first guy who made me feel special. We had a lot of good memories together. Kaya lang, ni hindi kami umabot ng isang taon.

Noong kami pa a year ago, hindi pa siya captain ng basketball team. Hindi pa siya campus figure. Ako pa lang ang fangirl niya. Pero habang tumatagal, dumadami na ang mga tumitiling girls kay Benj. Okay lang naman sa akin iyon noon. Proud pa nga ako na maraming humahanga sa boyfriend ko. Pero nang tumagal, medyo nahirapan na ako.

Iyon na ang madalas na pinagkakatampuhan at pinagtatalunan namin noon. Maraming mas magagandang babae ang nagkaka-crush kay Benj. Hindi niya puwedeng isnabin ang fangirls dahil sociable talaga siya. Naging insecure ako dahil sa dami ng mga babaeng nangangarap na makuha ang atensyon niya. Feeling ko noon, any moment, ipagpapalit niya ako sa isa sa fangirls niya.

Hiniling ko pa nga noon na sana, hindi na lang siya sumikat. Na sana, hindi na lang siya naging campus figure. Wala sanang naging threat sa relationship namin. I know, that was immature of me. Pero bata pa ako noon at siya ang unang boyfriend ko. Kaya hindi ko rin masisisi ang sarili ko sa naging desisyon ko. Nakipag-break ako sa kanya nang mag-away kami dahil kay Leah—iyong pinakamaganda sa mga nagfa-fangirl sa kanya. Nakita ko kasi silang magkayakap.

Ang sabi sa akin ni Benj, inaalo lang niya sa pag-iyak ‘yong babae. Pero hindi ako naniwala. Isa pa, I’d had enough. Sa tingin ko noon, hindi ko na kaya pang intindihin ang pagiging sikat niya at lapitin ng mga babaeng hindi niya maitaboy.

I could still remember how I cried a river when he did not reject my suggestion that we should part ways.

“Kung iyon ang gusto mo, igagalang ko ang desisyon mo.”

Just like that. He broke my heart by letting me go. Pagkatapos n’yon, na-realize ko na hindi pa ako handa sa isang romantic commitment. Kaya lumipas ang isang taon na hindi ako nagka-boyfriend ulit.

Si Benj… well, nagkaroon siya ng girlfriend six months pagkatapos naming mag-break pero hindi si Leah iyon. Member ng cheerleading squad ang naging next girlfriend niya pero rin sila nagtagal. Four months lang siguro ang itinagal nila. After n’yon, wala na akong nabalitaang naging girlfriend ni Benj.

Of course, I was over him. For me, he was just somebody that I used to love. Nakikita at nakakasalubong ko siya sa school. Nagbabatian na rin naman kami kahit paano. Pero never kaming nag-usap. Kaya imposible ang gustong mangyari ni Issa. Ayokong makita ni Benj na nanonood ako ng game niya dahil baka mag-isip siya ng kung ano.

Nag-lean ako sa kanya para makausap siya nang mahina dahil ayaw ko siyempre na may makarinig sa topic ng usapan namin. “Syempre, I’m over him. Kaya lang , ayoko lang na mag-isip siya nang kung ano kapag nakita niya ako roon.”

“Duh? If you’re not affected at all, you wouldn’t care na kahit makita ka niya do’n. Unless… you still care?”

“Hindi na, ‘no! Wala na akong feelings para sa kanya!” I hissed.

Nagdududa ang tinging ibinigay sa akin ni Issa.

“If you don’t come with me, iisipin ko that you still have feelings for him.”

Pinandilatan ko si Issa. Hindi na ako nakahirit sa kanya dahil dumating na ang prof. namin.

 

NAPILITAN akong sumama kay Issa sa school gym para panoorin ang unang game ni Rob dahil wala siyang ginawa buong klase kundi ang kantiyawan ako. Gusto kong patunayan sa kanya na wala na akong feelings para kay Benj para tigilan na niya ako.

Habang nanonood kami, parang wala namang interes si Issa sa reaksiyon ko habang pinanonood na maglaro si Benj para makompirma niyang wala na akong feelings para sa ex ko. Busy siya sa pagpa-fangirl kay Rob. Gusto ko pa namang ipakita sa kanya na wala na talagang epekto sa akin kahit makita ko pa uli kung gaano kagaling si Benj sa court.

Naghiyawan ang mga tao nang makapasok ng three points si Benj. Dati, kapag nakakagawa siya ng remarkable shots, todo tili at cheer ako. Ngayon, deadma. Eh, ano naman ngayon kung nakapasok siya ng three points? May mapapala ba ako roon?

May foul na naganap kaya tumira ng free throw ang isang player. Natigilan ako nang mapansin kong nakatingin sa gawi ko si Benj. Ako ba ang tinitingnan niya? Nagtataka ba siya kung bakit nandoon ako? O iniisip na niyang may feelings pa rin ako sa kanya kaya nanonood ulit ako ng game niya?

Ngumiti si Benj. Ako ba ang nginingitian niya? Ah, baka iyong fangirls sa likod ko na parang mapapatiran na ng litid sa kakatili. Mukhang hanggang ngayon, tuwang-tuwa pa rin siya sa atensiyon ng tagahanga niyang girls. Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya pero nagulat ako nang biglang itaas ni Benj ang hinliliit at pagkatapos ay nagporma ng puso sa dalawang kamay. Itinapat niya iyon sa dibdib at pagkatapos ay itinuro ang dalawang hintuturo sa gawi ko.

No way. Ganoon ang ginagawa niya noong kami pa. Sa tuwing nasa gitna ng court si Benj, ginagawa niya iyon habang nakatingin sa akin. Iyon ang way niya para sabihing mahal niya ako kahit habang may laro siya. Hindi niya iyon ginagawa sa iba, sa akin lang. Kaya nakasiguro akong sa akin siya nakatingin at hindi sa mga babae sa likod ko.

Suddenly, I felt like I was thrown back to the days when I was still his girl and he was motioning that gesture at me. Naalala ko ang nararamdaman kong kilig noon every time na ginagawa niya iyon. Hindi ako nakagalaw habang nakatingin kay Benj. Was it nostalgia? Why would I feel nostalgic?

Wala na siyang space sa puso ko ngayon. Naka-move na ako. Oo, may iniwan siyang scar sa puso ko dahil iyon ang unang beses na nasaktan ako nang dahil sa love pero hindi ibig sabihin n’yon, may space pa rin siya dito.

Baka nami-miss ko lang ang feeling ng in love—not necessarily with him. Kaya bigla akong naging nostalgic.

Pero, teka, hindi ang feelings ko ang point dito, eh. Kundi ‘yong ginawang pagsenyas ni Benj. Bakit niya ginawa iyon? Bakit kailangan niyang gawin ulit iyon?

Nag-iwas ako ng tingin kay Benj at bumaling kay Issa. Napapitlag pa ako dahil nasalubong ko ang tingin niya. May panunudyo sa mga mata ng kaibigan ko. Nakita ba niya ang ginawa ni Benj?

“He’s looking at you pa rin ,” sabi ni Issa, pagkatapos igalaw ang eyeballs.

Nag-squint ako sa kanya. “Kasalanan mo ‘to. Iniisip siguro niya na nandito ako para panoorin siya.”

Ngumiti lang siya. “I think he wants you back.”

Benj wanted me back? Imposible. Hindi siya kumontra noong nag-suggest ako na mag-break na lang kami. Hinintay ko siya noon na mag-attempt na makipagbalikan sa akin pero hindi niya ginawa. Tapos ngayon, gusto niya akong balikan after a year?

Why? Dahil ba bigla ulit siyang nagkainteres sa akin nang makita niya na malaki ang iginanda ko noong pageant night? I saw him that night. He was in the crowd. He was watching me like he was proud of me.

O baka dahil sikat na rin ako ngayon. Kaya naakit ulit siya. You know what they say, success is attractive. Na-attract ba ulit siya sa akin dahil doon? Well, if that was the case, I won’t be happy about it.

“No, he won’t.”

“What if he pursues you ulit? Babalik ka ba to him?”

“Hindi.” Sinaktan na ako ni Benj noon. I won’t give him the chance to hurt me again.

“But he’s your first love, right? And sabi nila, first love never dies. And even if it died at some point, it could resurrect. Kasi he’s the first person you loved and loved you back and the first one who broke your heart, too. Kaya it would be impossible to forget that person. There will be something deep down in your heart for that person no matter how much time passes. Therefore, it is very likely na mabuhay ulit ang feelings and–”

“Shut up,” putol ko sa sinasabi ni Issa dahil parang nakaramdam ako ng anxiety sa sinabi niya.

 

First Love never Dies?

NAGULAT ko nang habang naglalakad ako sa corridor, biglang umagapay sa akin si Benj. Ngumiti siya sa akin—iyong ngiting nananantiya.

“Hi,” bati niya.

Oo, nagbabatian na naman talaga kami kapag nagkakasalubong. Pero first time niyang umagapay sa akin habang naglalakad ako. Hindi ito iyong eksenang magdadaan lang kami sa isa’t-isa. Mukhang lalagpas sa seconds ang encounter namin this time.

Tatanungin ba ako ni Benj kung bakit pinanood ko ang game niya? Sige lang. Gusto ko rin namang sabihin sa kanya na hindi siya ang ipinunta ko roon.

“Hello,” ganting-bati ko, with a slight smile.

“Congrats nga pala, ha.”

One week na simula nang nanalo ako as Campus Queen. Hanggang ngayon talaga, may bumabati pa rin sa akin.

“Congrats din kasi nanalo kayo sa laro n’yo kahapon.” Ako na ang nag-open ng tungkol doon para mabilis ko nang masabi ang kailangan kong sabihin.

Lumaki ang ngiti niya. “Thanks! Na-surprise talaga ako nang makita kita kahapon.”

“Kung iniisip mo na nanood ako ng game mo dahil gusto ko, nagkakamali ka. Pinilit lang ako ni Issa na samahan siya dahil crush na crush niya ‘yong bagong player n’yo.”

Imbes na ma-offend sa pagiging prangka ko, ngumiti pa rin si Benj. “You sound so defensive.”

“At least, naipaalam ko sa ‘yo, ‘di ba? Baka kasi kung anong isipin mo.” Ibinalik ko sa nilalakaran ang tingin.

“Alam ko naman na hindi ako ‘yong ipinunta mo roon, eh. Pero hindi ko pa rin naiwasan na mag-pretend na nando’n ka para sa akin kahapon.”

Teka. Nagsisimula ba siyang makipag-flirt sa akin?

“For a moment, naalala ko ‘yong dati. ‘Yong palagi kitang nakikita sa audience kapag may laro ako o kahit practice games lang. Kaya tuloy, hindi ko napigilan ang sarili ko. Just like then… I did the gesture.”

Napahinto ako sa paghakbang at bumaling sa kanya. Nakita ko ang tenderness at longing sa mga mata niya.

“Did I make you feel uncomfortable when I did that? I’m sorry kung hindi ko napigilan. Na-miss ko lang kasing gawin ‘yon. Na-miss kita.”

I shouldn’t feel anything, right? Pero bakit parang naapektuhan ako sa sinabi niya… sa titig niya?

“I want you to know na kaya ganoon kataas ‘yong stats ko kahapon… kasi nando’n ka. I was really inspired. So, thank you, pumpkin.” He paused as if he realized he just called me how he used to call me then. “I mean… Sab. Thank you so much for being there kahit hindi ako ang ipinunta mo roon. I got to experience being watched by you again as I play. It brought back some good memories.”

Habang nakatingin ako kay Benj, mabilis na nag-flashback sa isip ko ang ilan sa good memories na tinutukoy niya—the first time he held my hand and said he loved me… his ‘I love you’ gesture during his games… our first kiss… our laughter…

Mabilis kong ipinilig ang ulo. I shouldn’t be thinking about our past. Matagal ko nang ibinaon sa pinakailalim ng hippocampus ko ang mga alaala namin ni Benj. Wala siyang karapatang halukayin iyon at ipaalala sa akin ang nakaraan namin na wala nang halaga ngayon.

“I… I have to go. Male-late na ko sa class.” Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad ko. Hindi ko na naramdaman ang pag-agapay ni Benj.

 

I FOUND myself sitting on one of the benches at the school’s soccer field that night after class. Imbes na umuwi, doon ako dinala ng mga paa ko. Nagulat na nga lang ako nang ma-realize ko kung nasaan ako. Sa sobrang busy ng isip ko, hindi ko na namalayan na napadpad na ako doon.

Doon sa mismong bench na iyon… doon kami unang nagkakilala ni Benj almost two years ago. Doon nagsimula ang lahat.

Almost two years ago, pumunta ako doon dahil hinahanap ko ang nawawala kong key chain na memorable sa akin dahil bigay pa ng high school girl best friend kong si Alyna na nag-migrate na sa States kasama ang family. Earlier that day, nanood kami ng classmates ko ng soccer game kaya naisip kong baka doon ko naiwala ang key chain. Gabi na noon at pauwi na dapat ako pero bumalik ako doon nang nag-iisa para maghanap, dala ang maliit na flashlight na palagi kong dala.

Nakahiga si Benj noon sa bench nang maabutan ko. Hindi ko in-expect na may tao roon. Nakapikit siya. Akala ko tulog pero nagulat ako nang bigla siyang magsalita habang nakatuwad ako sa ilalim ng bench na kinahihigaan niya. Muntik ko na ngang mabitiwan ang flashlight na hawak ko. Nang mag-angat ako ng mukha, nasalubong ko ang tingin niya.

Ang cute ng chinky eyes, iyon agad ang naisip ko habang nakatingin sa kanya. Sa kalituhan ko, naitapat ko sa kanya ang flashlight. Ngumiwi si Benj dahil nasilaw siya. Bigla siyang bumangon. Panay ang “sorry” ko dahil nakita ko siyang nakapikit nang mariin na parang nasaktan ang mga mata niya sa pagkasilaw dahil sa kagagawan ko.

Mabuti na lang at hindi siya iyong typical suplado type. Tinulungan pa nga niya ako sa paghahanap ng key chain ko. Hindi namin nahanap ang nawawala sa akin pero ang sabi niya, puwede naman akong mag-request na mkapag-post sa lost and found board sa school lobby kahit pa raw key chain lang ang nawawala sa akin.

We ended up sitting on that bench. Ikinuwento ni Benj sa akin ang tungkol sa dahilan kung bakit nandoon siya at nag-iisa sa dilim. Iniisip niya raw ang parents niyang naghiwalay na recently. Hindi ko in-expect na ipagkakatiwala ni Benj sa akin ang tungkol sa sensitibong parte ng private life niya. Dinamayan ko siya at sinabi na dapat siyang magpakatatag at huwag hayaan na maapektuhan ang pag-aaral niya dahil sa nangyari sa kanyang parents. He had to think about his future.

“You have to accept that some relationships are not bound to last forever,” ang sabi ko kay Benj noon. “Ganoon talaga, eh. Hindi por que napasaatin ngayon, puwede na nating mahawakan habangbuhay.”

Eversince that night, palagi na kaming nagkikita ni Benj doon. Hanggang sa tanungin niya ako kung puwede niya akong maging girlfriend. By that time, feeling ko, hulog na hulog na ako sa kanya kaya pumayag kaagad akong maging kami.

Our nine months together were filled with beautiful and painful memories. Tanggap ko naman na walang perpektong relasyon. At dahil mahal ko siya, kaya kong tiisin ang lahat para magtagal kami. Gusto ko kasi na ang first love ko ang maging “forever” ko. Pero hindi ko iyon nakuha dahil nag-break kami ng first love ko.

I had to accept that some relationships are not bound to last forever. Hindi por que napasaakin nang minsan, puwede ko nang mahawakan habangbuhay.

Ang tagal bago ko nasabi na naka-move on na ako kay Benj. Dumating iyong time na hindi ko na siya talaga naiisip at tanggap ko na talagang hindi kami para sa isa’t-isa. Iyong kahit nakikita at nakakasalubong ko siya, wala na akong nararamdaman.

Pero kanina nang mag-usap kami sa corridor, may naramdaman ako. Hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Kaya buong araw akong lutang at occupied ang isip. The longing in his eyes, the tenderness in his voice when he called me “pumpkin” again and told me he missed me would not leave my thoughts. It was obvious that Benj wanted to stir something in me when he said those things. Maybe he wanted to come back to me.

Gusto ko ba siyang bumalik sa buhay ko kung sakali? I don’t know.

Napapitlag ako nang maramdaman na may ibang presensiya sa paligid. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pamilyar na figure na papalapit sa kinaroroonan ko.

Sa ilalim ng liwanag ng buwan, luminaw ang mukha ng lalaking papalapit. It was Benj. Halatang hindi niya ine-expect na makikita ako roon. Teka, bakit nandoon din siya?

 

Second Chances

“SAB? Bakit ka nandito?”

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Benj nang tuluyan na siyang makalapit. Paano ko sasabihin sa kanya na basta na lang akong dinala ng mga paa ko sa lugar na iyon kung saan kami unang nagkakilala at nabuo ang lahat sa pagitan namin noon?

Nakita ko ang anticipation sa mga mata ni Benj. He was looking at me like he was thinking that I missed him, as well.

“Did you… drop something here again?” tanong niya.

Tumayo ako. “Late na pala. Kailangan ko nang umuwi.” Lumakad ako para lagpasan si Benj pero hinawakan niya ako sa braso.

As soon as I felt the familiar warmth from his hand on my skin, I felt the rapid beating of my heart.

“Pumunta ka ba rito dahil naalala mo rin ‘yong past natin?” tanong ni Benj. “Pumunta ka ba dahil na-miss mo rin ‘yong dati?”

Umiling ako at pasimpleng inalis ang kamay ni Benj sa braso ko. “Na-realize ko lang na iniwasan kong puntahan itong lugar na ‘to for a year. Bumalik lang ako para tingnan kung may epekto pa rin sa akin itong lugar na ‘to.”

Nakita ko ang pag-asam sa mga mata ni Benj habang nakatitig sa akin na para bang hinihintay ang resulta ng ginawa kong pagbalik sa spot na iyon.

“Wala na,” sabi ko. Although I knew I was lying. Hindi totally wala akong naramdaman. Mayroon, pero hindi ko alam kung ano iyon.

Nakita ko ang disappointment sa mga mata ni Benj. “Sab… I often go here at night. And when I do, always think of you.”

Hindi ako nakasagot. Nakikiusap ang mga tingin niya. Why was he doing this?

“Will you…” He paused. “Will you give us another chance, Sab?”

 

ALAS-TRES na ng madaling araw pero mulat na mulat pa rin ako. Mabuti na lang, wala akong pasok kinabukasan. Kundi, mahahalata ni Benj na hindi ako nakatulog sa mga sinabi niya sa akin kagabi kapag nakita niya ulit ako.

Natural lang siguro na magkaganito ako. Natural lang na magulo ang isip at puso ko sa mga sinabi ni Benj dahil ex ko siya. Minahal ko siya noon. May pinagsamahan kami. At higit sa lahat, siya ang una at kaisa-isang lalaking minahal ko, so far.

Sabi nga ni Issa, natural lang na hindi ko siya makalimutan dahil siya ang lalaking nagparanas sa akin kung paano ang mahalin sa kauna-unahang pagkakataon. Deep down in my heart, he was still there and would always be there even when I found another person to love.

At saka may mga na-realize ako kagabi pagkatapos naming mag-usap ni Benj. Hindi ko siya naintindihan noon. Maybe I was really immature that time. Na-realize kong sarili ko lang ang inintindi ko.

“Gusto mo ba akong bumalik sa ‘yo dahil sikat na ako ngayon sa school?” direktang tanong ko. “Nagkainteres ka ba uli sa akin dahil marami nang nagkakainteres sa akin ngayon? Do you want to show them that you had me then and you can still have me now if you want to?”

Halatang nasaktan si Benj sa sinabi ko pero tumango siya. “Oo. Gusto kong bumalik ka sa ‘kin dahil sikat ka na.”

I scowled at him. Muntik ko na siyang layasan kung hindi niya dinugtungan ang sinabi.

“Pero hindi sa dahilang iniisip mo. Campus figure ka na. Pareho na tayo. Ngayong sikat ka na rin, naisip ko na baka puwede nang mag-work out ang relationship natin. Kasi I’m sure, by now, alam mo na kung anong buhay ng isang isang campus figure. Alam mo nang may kailangan tayong ingatang image. Alam mo nang kailangan mong pakitunguhan ang admirers mo kahit hindi ka komportable sa atensiyon nila at i-manage ang suitors mo sa paraang hindi sila magagalit sa ‘yo kahit i-turn down mo sila. Alam mo nang you have to be nice all the time, otherwise, magkakaroon ka ng maraming haters at magiging pangit ang image mo sa school kahit gaano ka pa nila hinangaan noon. Siguro by now, alam mo na kung anong sitwasyon ko noong tayo pa.”

Alam ko na ngayon. Sinabi na niya sa akin ang mga iyon noon pero hindi ko pinakinggan dahil hindi ko naiintindihan. Ngayong sikat na rin ako sa school, naiintindihan ko na kung bakit kailangang aluin ni Benj si Leah na dikit nang dikit sa kanya. Gaya rin nang kailangan kong maging nice sa isang admirer kong lesbiyana kahit hindi ako komportable dahil ayaw kong mapagbintangan na homophobe dahil kapag nangyari iyon, kakalat sa campus na against ako sa homosexuals at kakamuhian na ako ng LGBT. Ganoon ang sistema sa school. One bad rumor and you’d be doomed.

Ngayon ko lang naintindihan si Benj kung bakit pumayag siyang maghiwalay kami. Paulit-ulit ang naging problema namin tungkol sa pagiging sikat niya at insecurity ko. Pinakawalan na lang niya ako dahil kahit hawakan pa rin niya ako, paulit-ulit lang ang magiging problema namin dahil hindi ko siya naiintindihan kasi wala ako sa posisyon niya.

Na-realize ko na rin kung bakit hindi sinubukan ni Benj na makipagbalikan sa akin pagkatapos naming mag-break. Ayaw niyang magmukhang tanga na tulad ng daddy niya na ilang beses nag-attempt na pabalikin ang mommy niya sa bahay nila. Naalala ko noon kung paano siya awang-awa sa daddy niya dahil wala nang itinira ni katiting na pride sa sarili.

“A few days after you broke up with me, gusto kitang habulin at pabalikin sa akin pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong maging tulad ng daddy ko. I wanted to keep my pride. Hinintay ko na ikaw mismo ang maka-realize na hindi mo kayang mawala ako nang tuluyan sa ‘yo. Pero hindi ka na bumalik. You even looked fine. Parang tapos na talaga tayo. That’s when I started to try to forget about you. I moved on. Nagkaroon ako ng bagong girlfriend. Pero hindi nagtagal ‘yon kasi hindi ganoon kalalim ‘yong naging feelings ko para sa kanya. Maybe because I wasn’t totally over you, Sab.”

Kaya siguro hindi pa ako makatulog hanggang ngayon. Kasi pakiramdam ko, nase-sway ako ng mga sinabi ni Benj at ng realizations ko.

“Can we try it again, Sab? Can you give us a second chance?”

Second chance. Marami naman talagang lovers ang naghihiwalay pero nagkakabalikan din. They said, love is lovelier the second time around. I think, may katotohanan iyon. Kasi sa pangalawang chance, alam n’yo na kung paano sosolusyunan ang mga dati n’yo nang naging problema kaya maiiwasan na ang mauwi sa hiwalayan ang isang relasyon. Pero… gusto ko bang bigyan ng second chance ang relasyon namin ni Benj?

Kinapa ko ang dibdib ko habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Hindi ko pa rin sigurado kung ano’ng nararamdaman ko. Hindi ko sigurado kung mahal ko pa rin si Benj. Baka kaya ako nagkakaganito ay dahil na-overwhelm lang ako ng nostalgia dahil ang tagal rin naming hindi nag-usap o nagkalapit na tulad kahapon. At guilt kasi hindi lang naman pala si Benj ang dahilan kung bakit nasira ang samahan namin noon. May kasalanan din ako.

Umiling-iling ako. I needed to figure out what I really feel. Ayokong sumabak nang hindi ko pa sigurado ang feelings ko. Gusto ko munang makatiyak kung gusto ko ba talagang bumalik si Benj sa buhay ko.

 

“ARE you okay lang ba?” tanong sa akin ni Issa habang nakaupo kami sa isang bench sa ilalim ng mga puno sa loob ng campus.

Mula sa binabasa kong book, bumaling ako sa kanya. “Okay lang ako. Bakit?”

Umiling-iling si Issa. “You’re not okay. Kasi you were on that page for like ten minutes. You were just pretending na nagbabasa ka. But your mind was somewhere else. Do you have a problem ba?”

Napabuntunghininga ako. Kailangan ko nang sabihin kay Issa, kundi baka sumabog na ang dibdib ko. Tutal, wala namang tao sa paligid, ikinuwento ko sa kanya ang tungkol kay Benj. Puro OMG ang lumabas sa bibig ng kaibigan ko.

“I knew it talaga!” Nanlalaki ang mga mata ni Issa. “So, will you give him a second chance?”

“I don’t know.”

“Hmm… but the fact that your thoughts seem in chaos right now could mean… you wanted to consider, right? Otherwise, hindi ka magkakaganyan.”

Hindi ako nakasagot.

Bumuntonghinga si Issa. “First love love never dies nga yata talaga. That’s why I’m so maingat about who to fall in love with for the first time. I don’t want to mess up my first experience with love. Gusto kong mag-end up with my first love. I want him to be my forever.”

Iyon din siguro ang dahilan kung bakit parang gusto ko uling tanggapin si Benj sa buhay ko. I wanted my first love to be my last, too.

“Well, you still have a chance pa to make your first love your last. Wala namang mawawala if you try it again with him since you’d been with him na naman dati. And if you get hurt again, you know how to deal with it na kasi you’ve experienced it na before with him. So, madali ka na lang makaka-move on from him if ever.”

Napaisip ako sa sinabi ni Issa. May point naman siya. Pero hindi pa nae-experience ni Issa ang masaktan sa pag-ibig kaya hindi niya alam kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong naghiwalay kami ni Benj. Hindi niya alam ang pinagdaanan ko noon para lang maka-move on sa first love ko. I mean, she was there. Alam niya na nahirapan ako pero hindi niya alam ang mismong pakiramdam.

I don’t want to risk getting hurt again with the same person. Pero paano kung this time, mag-work out na ang relationship namin ni Benj? Pero dahil nag-hesitate ko, hindi ko malalaman iyon.

“OMG!” malakas na exclaim ni Issa habang nakatingin sa iPhone X niya.

“Ano yan?” tanong ko at dumikit ako sa kanya para tingnan ang pinapanood niya sa phone. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang picture. Inagaw ko ang phone ni Issa at in-scroll ang kabuuan ng page.

“You’re in Sherleak’s blog!” exclaim uli ni Issa.

Sherleak’s Blog. Ito ang official blog site ng anonymous school paparazzi. Usually, ang mga sikat na campus personalities sa DLRU ang laman ng blog. Ito ang dahilan kung bakit lahat ng sikat sa DLRU ay maingat sa image nila—maliban sa mga sikat na sadyang may bad image. Ito ang dahilan kung bakit simula nang maging Campus Queen ako, naging maingat na ako sa mga kilos ko dahil ayokong ma-isyu.

This blog had been running for seven years already. Kaya ang hinala ay hindi lang iisang tao ang nasa likod ng blog na iyon. Posibleng isang team. And yes, walang nakakakilala kung sino sila. Posibleng campus reporters mula sa school paper o taga-mass communications department. Walang umaamin at hindi siya o sila nahuhuli sa ginagawa nilang pag-invade sa privacy ng mga kilalang personalities sa DLRU.

Marami na ang sumikat in a good way at marami na rin ang nasira ang magandang image dahil sa gossips, scandals at controversies na nasa blog ni Sherleak.

Nasa blog site ng Sherleak ang pictures namin ni Benj sa benches ng soccer field! May picture kami kung saan nakatayo kami at makaharap at mayroon din kung saan nakahawak siya sa braso ko.

I continued to scroll down the article. Nakalagay doon ang scoop na mag-ex kami ni Benj na hindi naman talaga sekreto. Wala namang inilabas tungkol sa conversation namin ni Benj nang gabing iyon. Mukhang zoomed-in lang ang shots. Maingat ang “paparazzi” kaya siguro hindi lumapit ay dahil alam niya na sa tahimik ng paligid, maririnig namin kung sakaling may ibang tao sa paligid namin.

Are they trying to rekindle an old flame?

I snorted upon reading the highlighted line. Expected ko nang iyon ang magiging interpretation ng school paparazzi sa na-witness sa soccer field dahil gossip blog sila. Pero tama naman sila ng hinala. Hindi ko gustong mapabalita sa buong campus na sinusubukan ni Benj na mapabalik ako sa kanya at baka hindi rin niya gustong malaman iyon ng iba. Pero dahil pareho na kaming sikat at iniintriga na ngayon ng Sherleak, alam kong maya-maya lang, marami nang magtatanong na schoolmates sa amin kung totoo iyon.

“This is frustrating,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa phone ni Issa. “Alam mo ‘yong nalilito ka na nga kung anong gagawin mo at kung ano talagang nararamdaman mo, tapos maiintriga ka pa? Anong sasabihin ko kapag may magtanong sa akin tungkol dito?”

Nang balingan ko si Issa, nakita ko ang worry sa mga mata niya. Pero pakiramdam ko, hindi para sa akin ang pagkabahala niya kundi para sa sarili. Alam ko ang greatest fear ni Issa—ang malaman ng lahat kung sino talaga siya.

Naisip siguro ni Issa na since napunta na ako sa school gossip blog, hindi malayong mapunta rin siya roon kung sakaling may magkainteres sa private life niya. Hindi campus figure si Issa pero hindi naman limited sa famous school personalities ang Sherleak. Basta may malaking intriga silang makalap tungkol sa isa sa mga estudyante sa DLRU, ibina-blog nila with supporting pictures, videos and evidences.

Ngumiti si Issa pero nahalata kong pilit lang. “You’re famous na talaga, eh, ‘no? Nase-Sherleak ka na.”

Parang gusto ko nang pagsisihan ang pagsali sa Campus Queen dahil naging sikat ako. Hindi ko inambisyong ma-Sherleak. At saka nananahimik na ang puso ko, pero ngayon ginugulo na naman ni Benj. Kung hindi naman ako naging campus figure, hindi naman siguro niya ako maiisipang balikan.

Ibinalik ko na ang phone ni Issa nang marinig ang school bell. “Halika ka na nga. Next class na.”

Habang naglalakad kami pabalik sa building ng College of Science, pinagtitinginan ako ng ilang schoolmates namin. Mukhang nabasa na rin nila ang bagong scoop ng Sherleak. Hindi na lang ako magco-comment kapag may nagtanong kung totoo ang nasa blog. I have my right to privacy kahit papaano.

Napakurap-kurap ako nang matanaw ko na papasalubong sa amin si JP. Bumilis ang tibok ng puso ko. Makita ko lang kahit ang spiky hair niya, kinikilig na ako.

Pasimple ko lang siyang tiningnan habang lumiliit ang distance namin sa isa’t-isa. Hindi ko in-expect na magtatagal ang tingin niya sa akin. Mas lalong hindi ko in-expect na ngingitian niya ako. At ang pinaka-hindi ko inasahan… binati niya ako ng “hi!” nang malapit na kami sa isa’t-isa!

Pakiramdam ko, nangisay ang puso ko.

 

The Longtime Crush

John Paul Ybañez.

Age: 21

Claim to fame: Vocalist and bassist of the school alternative rock band called The Rockets.

Course: Performing arts, music major, 4th year.

Crush ko na si JP simula pa lang nang tumapak ako sa DLRU. Bago pa naging kami ni Benj, si JP ang naging inspirasyon ko noong nasa freshmen pa lang ako. Unang kita ko pa lang sa kanya, parang pinana na ni Kupido ang puso ko. Hindi lang dahil guwapo siya at magaling kumanta, gustung-gusto ko rin talaga iyong angas ng porma at kilos niya. Sobrang lakas ng dating niya.

Kaya nga lang, dahil naging instant campus figure si JP, naging isa lang ako sa fan girls niya. Hindi niya ako kilala. Isa lang ako sa mga tumitili kapag tumutugtog sila ng banda niya sa school events and programs. Isa lang ako sa mga nangangarap na mapansin niya… na alam ko namang hindi mangyayari dahil aware ako na hindi ang tipo ko ang magugustuhan ng isang tulad ni JP.

Palibhasa sikat, talented at guwapo, ang mga karaniwang nali-link sa kanya at idene-date niya ay iyong mga sikat at super gaganda rin sa school. Isa na roon ni Stef—ang pinakamagandang babae sa balat ng DLRU. Second year college kami nang maging sila. Nagtagal din sila ng two years. Right now, walang napapabalitang may steady girlfriend si JP.

Noong naging kami ni Benj, itinigil ko na ang pagpa-fan girl kay JP. Nag-subside ang crush ko sa kanya dahil ibinuhos ko ang atensiyon at pagmamahal ko kay Benj. Pero noong nag-decide akong mag-move on sa ex ko, bumalik ako sa pagpa-fan girl kay JP. Minsan pa nga, niyaya ko si Issa na samahan ako sa isang bar kung saan tumutugtog ang The Rockets. Kahit ayoko ng alak, tiniis ko lang ang lasa para lang mapanood si JP na mag-perform.

He did not know me. He did not know I exist. Kaya ngayong tiningnan niya ako nang matagal at binati sa kauna-unahang pagkakataon, pakiramdam ko, gusto kong himatayin.

“H-Hi!” halos hindi lumabas mula sa mga labi ko. Ngumiti ako. Gustung-gusto kong ngumiti nang abot-tainga pero pinigilan ko ang sarili ko.

Miski si Issa mukhang hindi makapaniwala na binati ako ni JP.

Huminto si JP sa tapat ko kaya natigil din ako sa paglalakad. Nilingon niya ang mga kabanda at sinabihan ang mga ito na mauna na. Pagkatapos, humarap ulit siya sa akin. I was freaking out inside. Why on earth would he stand in front of me and talk to me?

“You’re Sabrina, right?” tanong ni JP sa akin.

Oh my god. Oh my god. Oh my freaking god. Did he just say my name?

“Y-Yes.” Umayos ka nga, Sab! Iwasan mong mag-stammer kung ayaw mong mahalata niyang gusto mong mag-faint dahil kinausap ka niya, finally!

Pero… talaga bang kinakausap niya ako at kilala niya ako? Hindi ako nananaginip?

“I’m JP.” In-extend niya ang kamay sa akin.

Saglit akong napatitig sa kamay niya. Are we about to have our first ever skin contact? Nang tanggapin ko ang kamay ni JP, kinilabutan ako. Napakasarap na kilabot.

“You… didn’t have to introduce yourself,” sabi ko habang nilalabanan ang matinding kilig. “Sino bang hindi nakakakilala sa ‘yo sa school? I’m actually a fan… of your band.”

Lumuwang ang ngiti ni JP. Halatang na-flatter. “Really? Are you free tonight?”

“Huh?” Bakit niya tinatanong? Don’t tell me… yayayain niya ako ng date? “W-why?”

“May gig kami ng banda sa Nitelife. Baka gusto mong manood. Ipapa-reserve ko ang best seat para sa ‘yo…” parang noon lang napansin ni JP si Issa, “at sa friend mo. Hi!”

Nag-“hello!” si Issa.

“Sure!” kaagad na pagpayag ko kahit may kailangan akong tapusing term paper at hindi ko sigurado kung papayag si Issa na samahan ako.

Halatang nasiyahan si JP. “I will expect to see you tonight.”

Nakaalis na si JP pero nakatanga pa rin ako. Hindi ako makapaniwala na nangyari iyon. Kinausap ako ng ultimate crush ko! At hindi lang iyon, inimbitahan niya ako sa gig niya. He personally invited me!

Hinala ako ni Issa pero nakatulala pa rin ako. Namalayan ko na lang na dinala niya ako sa isang sulok kung saan walang tao. Nakita ko ang excitement sa mga mata niyang bilog na bilog habang nakatingin sa akin. As if on cue, sabay pa kaming tumili nang pigil na pigil habang magkakahawak kami ng mga kamay.

“OMG, bestie! Did he just lowkey ask you out on a date?” parang kinikilig na tanong ni Issa.

I gasped for air. “D-did he?”

“Yes! Because, for sure, after ng gig niya, he would invite you to eat somewhere!”

Sabay ulit kaming nagsitili. “Hindi ako makapaniwala, bestie! Kilala niya ‘ko!”

“Syempre he knows you na! You seem to always forget that you’re a campus figure na rin now, ‘no? You’re the Campus Queen two thousand eighteen! There’s nobody in this school who doesn’t know you na.”

Right. Nakilala ako ni JP dahil nanalo ako sa Campus Queen recently. Because there was no way he would know my existence if I didn’t. Kung ganoon, hindi ko na pinagsisisihan ang pagsali ko sa pageant dahil nalaman ni JP ang existence ko.

“Do you really think… he invited me over para makilala ako? Sa tingin mo, he suddenly became interested in me in that sort of way?”

“OMG, yes! The way he smiled and looked at you kanina… he looked like he’s attracted to you.”

“Really?” I said, gasping. Pinaypayan ko ang sarili ko ng mga palad dahil feeling ko magha-hyperventilate ako.

“Gosh, bestie, I’m so happy for you! I know how you like JP for so long and today, lumapit siya sa ‘yo and lowkey invited you on a date. This is a dream come true, right?”

Mabilis akong tumangu-tango. “So, sasamahan mo ako mamaya sa Nitelife?”

Unti-unting nalusaw ang ngiti ni Issa. “I can’t. My mom has a special guest tonight and we’ll have dinner at home. Kaya I can’t go outside tonight.”

“Huh? Pero… hindi puwedeng ako lang mag-isa ang pumunta doon. Ang awkward. Dalawa tayong niyaya niya, eh. Magmumukha akong assuming na yayayain niya talaga ako ng date after ng gig n’ya ‘pag ako lang mag-isa ang pumunta. Nakakahiya.”

“Duh? He just invited me to tag along with you kasi I was with you earlier. Pero I’m sure if I weren’t there, he’d tell you to come alone.”

“Pero hindi ako puwedeng pumunta doon nang mag-isa. Twenty na nga ako pero hindi pa rin maganda na magpunta ako nang mag-isa sa ganoong klaseng lugar. At saka baka hindi ako payagan ni Mama ‘pag ako lang mag-isa.”

Lumabi si Issa. “I’m sorry talaga, bestie. But I can’t talaga, eh. Mom will get mad at me. I don’t want her to get mad at me. Kasi, you know, she might cut down my allowance and my cards’ credit limit.”

Bagsak ang mga balikat ko habang naglalakad kami ni Issa sa corridor. Wala naman akong puwedeng isama kundi si Issa. Hindi ko naman puwedeng indiyanin si JP dahil ang tagal kong pinangarap na mapansin niya ako kaya hindi ko puwedeng palampasin ang pagkakataon na iyon.

Napapitlag ako nang bigla na lang may umakbay sa aming dalawa ni Issa.

“Anong nangyayari dito? Ba’t parang ang lungkot n’yong dalawa? Did someone die?” kaswal na tanong ni Noah.

 

The Best Boy Bud

Noah Jeremiah Castillo

Age: 20

Claim to fame: DLRU’s top painting artist. Have won several interschool painting competitions. He strongly believed he is an art prodigy.

Course: Fine arts, major in painting, 4th year.

I’ve known Noah since elementary. Barkada siya ng dalawang kuya ko kahit na mas bata siya ng isa at dalawang taon sa mga iyon. Noong elementary kami, iisa ang school na pinapasukan namin ng mga kuya ko. Classmate si Noah ni Kuya Lexter. Isang taon lang ang tanda sa akin ni Kuya Lexter pero late itong pumasok sa school kaya kasabayan namin ni Noah sa school year. Hindi namin siya kapitbahay pero madalas siyang dumadayo sa village namin.

Madalas silang maglaro ng basketball sa basketball court at video games sa bahay namin. Noong high school, hindi na sila magkaklase ni Kuya Lexter dahil ibang school na nag-aral si Noah. Pero kahit hindi na sila classmates, madalas pa ring magawi si Noah sa amin.

Noong mag-college na kami ni Noah, naging schoolmates kami. Iba ang college na pinasukan ng mga kuya ko kaya kay Noah ako ibinilin ng mga kuya ko. Noong hindi ko pa kaibigan si Issa, si Noah ang palagi kong kasama sa school. Ang overprotective pa nga niya sa akin noon kasi utos raw ng mga kuya ko. Naging close kami dahil palagi kaming magkasama. At dahil doon, itinuring ko na siyang guy best friend.

Ang sabi ng iba, socially awkward, silent at introverted ang mga painting artist pero hindi ganoon si Noah. He was friendly, cheerful and funny. He’s the life of the party. Kapag down na down ako, gusto kong siya ang kausap ko kasi nakakalimutan ko ang problema ko. Iyon nga lang, hindi ko sinasabi sa kanya lahat dahil karaniwan ng mga nagiging issues ko, girl stuff.

Just like this time, habang nakabaling ako sa kanya at siya sa akin, hindi ko masabi sa kanya ang tungkol sa pagyayaya sa akin ni JP na manood ng gig nito mamayang gabi at hindi ako masasamahan ni Issa.

Well, alam ni Noah na ultimate crush ko si JP dahil siya ang palagi kong kasama noong hindi ko pa friend si Issa. Kasama ko siya kapag nagfa-fan girl ako. Sinasamahan naman niya ako kahit naaalibadbaran siya. Pero iba na ngayon. Hindi ko siya puwedeng isama dahil hindi na ito ordinaryong pagpa-fan girl lang. Kilala na ako ni JP. In-invite pa nga akong manood ng gig nila. Baka totoo iyong sinabi ni Issa na may balak si JP na imbitahan akong kumain sa labas ng crush ko pagkatapos ng gig nila.

Kung si Noah ang isasama ko mamaya, imposible na akong yayain ni JP after gig, if ever, kasi may kasama akong lalaki—kahit pa kaibigan ko lang. And knowing Noah, eepal siya at sasabihin sa mga kuya ko na nakipag-date ako kay JP kung sakali. Sumbungero kaya itong lokong ‘to. Kaya nga “semi-unfriend” na siya sa akin noong naging close na kami ni Issa. Kasi hindi niya ako palaging kinukunsinti. Mas matatag pa rin ang loyalty niya sa mga kuya ko kaysa sa akin.

Hindi naman against ang mga kuya ko kung magkaka-boyfriend ulit ako after JP. Kaya lang, knowing those two, kakaliskisan muna nila ang lalaki at ibu-bully nang slight bago nila tanggapin. Ginawa na nila iyon kay Benj noon. Hiyang-hiya nga ako kay Benj noon dahil sa mga ginagawa ng mga kuya ko sa kanya. Fortunately, okay lang kay Benj ang makilatis nang matindi. In fairness to him, nakasundo naman niya ang mga kuya ko later on.

But I don’t think JP would tolerate that kind of thing. I mean, kung sakali lang na magkainteres siya sa akin, baka hindi niya magustuhan ang pagiging mapanghimasok ng mga kuya ko sa private life ko. Kahit hindi ko pa nakakasama si JP, alam kong malakas ang personality niya. Hindi siya ang tipo na nagba-bow down sa kahit sino. He’s an alpha male.

Kaya hangga’t maaari sana, ayoko munang malaman ng mga kuya ko ang tungkol kay JP. Lalo na at hindi naman ako sigurado kung ano ang pakay sa akin ni JP. Baka naman gusto lang niya akong maka-hang out pero hindi ibig sabihin, gugustuhin na niya akong maging girlfriend agad.

“Hoy, ano?” tanong sa akin ni Noah.

“Walang namatay,” sagot ko. “‘OA mo.”

Inalis na ni Noah ang mga braso sa pagkakasampay sa mga balikat namin ni Issa. “Eh, ba’t ganyan ang hitsura n’yo?”

Nagkatinginan kami ni Issa. Alam na ng kaibigan ko ang protocol. Hindi kami nagsasabi ng mga ganoong klaseng bagay kay Noah.

“Right!” exclaimed ni Issa.

Ang akala ko naman, mabilis na nakaisip ng ipantatakip si Issa pero napanganga ako nang sabihin ng loka kay Noah ang totoo. Pati details sinabi!

Tumigil sa paglalakad si Noah, nakakunot ang noo. “Huh? Si JP? ‘Yong crush ni Sab noong first year?”

“Until now, actually,” sabi ni Issa.

“What?” Noah did not look happy. “Ang tibay mo, ah.”

Ayaw ni Noah kay JP noon pa dahil nayayabangan daw siya kaya naaalibadbaran siya kapag nagfa-fan girl ako kay JP noong palagi pa kaming magkasama.

“You na lang,” sabi ni Issa kay Noah. “You accompany Sab para may companion siya sa gig ni JP.”

Pinandilatan ko si Issa pero hindi ako pinansin ng loka. Bumaling sa akin si Noah. With squinted eyes, pinakatitigan niya ako. He even leaned forward kaya napa-bend backward tuloy ako.

“Akala ko ba, ayaw mo muna ng boys?” tanong ni Noah. “Akala ko ba saka ka na lang uli magbo-boyfriend kapag naka-graduate ka na?”

Oo, sinabi ko iyon sa kanya at sa mga kuya ko pagkatapos naming mag-break ni Benj. At totoo naman na ayaw ko na muna. Pero alam ko namang hindi ko hawak ang puso ko at ang mga pangyayari sa buhay ko. I mean, just the other day, nagco-contemplate pa nga ako kung bibigyan ko ng second chance si Benj, eh. Tapos ngayon, bigla akong napansin ng long-time crush ko. Paano ko maiiwasan ang isipin ulit ang love kung may mga ganitong hindi inaasahang pangyayari?

“Boyfriend agad? Parang in-invite lang naman ako no’ng tao na manood ng gig nila.” Humakbang ako paatras. “Ang OA mo talaga.”

Nagdududa ang tingin ni Noah sa akin. Pagkatapos, dumiretso siya ng tayo kaya bumalik ako sa pagtingala sa kanya. Noah was really tall. Nasa six feet siya. Mas matangkad siya kaysa kina Benj at PJ.

“So you’re saying, in-invite ka lang niyang manood ng gig para makadagdag sa sales ng bar?” He snorted. “May komisyon siguro ‘yong mokong na ‘yon sa bar. Baka may bonus sa TF kapag nakarami siya ng hatak na customers. Loko ‘yon, ah. Gusto ka pa yatang pagkakitaan. O kaya baka walang nanonood sa gig nila kaya personal na siyang nang-iimbita ng manonood.”

Medyo nainsulto ako sa sinabi ni Noah kahit alam kong nang-aasar lang siya.

“Sige, sasamahan kita.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Huh?”

“‘Papauto tayo sa kanya. Idadagdag ko sarili ko sa manonood sa kanya para hindi langawin ‘yong gig nila.” Ngumisi si Noah.

I was about to say “No way!” but Issa exclaimed.

“Yey!” Pumapalakpak pa si Issa na mukhang bumalik ang excitement.

About Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.