[PREVIEW] Confessions Of A Serial Liar

 

HI! I’M Sasha Montesa. Twenty-six years old.

(Long pause)

Alright. I’m thirty. And my real name isn’t really Sasha Montesa. It’s Soledad Balacubac. So, tell me. If you have this horrible name, would you not learn to lie?

Yes, I am a compulsive liar. And this is my “real” story.

 

 

PROLOGUE

A LIE was like a lifebuoy.

If you did not know how to swim and you did not have a lifebuoy, you’re going to sink. Life was like a wide and deep ocean. It was dangerous. That was why you need a lifebuoy to save you.

May factory yata ako ng salbabida. Dahil hindi ako nauubusan ng kasinungalingan. Para itong credit card na nandiyan lang palagi sa oras ng pangangailangan at kagipitan. Napakabilis lang gamitin, pa-swipe-swipe lang. Pero walang credit limit ang “credit card” ko.

I lied about practically everything. Kahit tungkol sa trivial things ay ipinagsisinungaling ko pa. It was a compulsion. Hindi ko sinasadyang magsinungaling minsan. Basta na lang lumalabas sa bibig ko ang mga kasinungalingan na iyon at nagugulat na lang ako kung bakit ko sinabi ang mga iyon kahit puwede ko namang sabihin ang totoo.

I knew it’s not healthy to lie all the time. But what could I do? This was my natural. But I was not a bad person just because I lied a lot. Hindi ko naman ginagamit ang pagsisinungaling para makapagnakaw o makasakit ng kapwa.

Mainly, my purpose in lying was to save my face and not to hurt anyone. Isa pa, marami naman akong kasinungalingan na nakakatulong sa kapwa ko. Para rin akong “superhero” na ang super powers ay ang mag-super lie. In short, may pakinabang naman minsan sa mankind ang pagiging sinungaling ko. Pero siyempre, most of the times ay ako ang nakikinabang ng mga kasinungalingan ko.

I discovered the handiness of lying when I was a kid. Nabasag ko nang hindi sinasadya ang pinakamamahal na vase ng mama ko. Takot na takot ako noon na mapalo. Kaya nang magtanong siya ay naisipan kong sabihin na ang pusa naming si Marti ang nakabasag niyon dahil tinalunan nito ang vase. Hindi ako napalo. Iniligtas ako ng pagsisinungaling.

Simula noon ay natanim na sa isip ko na ang pagsisinungaling ang nakakapagligtas sa isang tao sa halos lahat ng mess. Kaya nakaugalian ko na ang pagkakaila at pagsasabi ng mga bagay na hindi totoo para mapagtakpan ang mga kapalpakan at kasalanan ko. Na-master ko na rin kung paano ang magsinungaling nang convincing at hindi nabubuking. Hanggang sa masanay na ako na parte ng araw-araw na buhay ko ang pagsasabi ng hindi totoo kahit hindi iyon kailangan.

Humantong ako sa punto na para nang makeup ang pagsisinungaling para sa akin. It was like a concealer stick. It hid my skin’s imperfections in a handy. Naitatago ko ang kaimperpektuhan ng buhay ko sa pamamagitan ng pagsisinungaling.

Yes, I was a perfectionist. I hated imperfections.

Kaya naman hangga’t matatakpan ko ang mga hindi ko gusto sa buhay ko ay ginagawa ko. Sukdulang magtahi-tahi ako ng mga istorya para lang gawing perfect ang buhay ko ay ginagawa ko.

Tulad na lang noong high school ako. Nag-aral ako sa isang exclusive school, hindi dahil mayaman kami kundi dahil iyon ang pangarap ng mama ko para sa amin ng kuya ko. Hindi kami mayaman. Kailangan pang mag-abroad ng papa ko para magkaroon kami ng medyo magaan na buhay. Isang cable operator ang papa ko sa Saudi pero ang sabi ko sa mga kaklase kong mayayaman, isa siyang architect sa Amerika.

Noong college ako ay nag-aral ako sa De La Salle University. Siyempre, lahat ng mga kaklase ko ay sosyal. Manager na ang papa ko sa isang kompanya sa Saudi noon pero hindi ko pa rin masabi ang totoo. Hindi naman pangit ang bahay namin. Hindi nga lang kasing laki at bongga ng mga bahay ng mga kaklase ko. Some of them lived in mansions. Kaya never akong nagdala ng kaklase sa bahay namin.

Minsang inihatid nila ako mula sa isang pag-gimik ay nagpababa ako sa isang malaking bahay. Mabuti na lang at hindi na sila nagpilit na pumasok doon kundi ay baka pare-pareho kaming nakagat ng Doberman sa pangge-gate crash! Nang umalis sila ay umeskapo na ako.

One time, ang sabi ng kaklase ko ay pinuntahan niya ako sa bahay na iyon pero wala daw Soledad na nakatira doon. Para makalusot, ang sinabi ko na lang ay lumipat na kami ng bahay. Ibinenta na namin kasi nagsawa na kami kaya bumili kami ng bago.

Hindi ko lang naman ginagawa ang pagtatakip sa tunay na estado ng pamumuhay ng pamilya ko dahil ambisyosa ako. Gusto ko lang namang mapabilang sa kanila. I just wanted to fit in. I wanted them to accept me. Alam kong mahihirapan akong makapasok sa grupo nila kung hindi ako kasing yaman nila.

I lied for acceptance.

Wala akong naging boyfriend habang nag-aaral ako. Hindi kasi ako ligawin noon. I was not strikingly beautiful but definitely not ugly. Isa pa, sa palagay ko ay magiging magulo lang ang buhay ko kapag nagka-boyfriend ako. Madaling magsinungaling sa mga kaibigan pero kapag sa boyfriend na, mahirap na. Pero dahil need ko pa rin ng kaunting “love life” at source of kilig kahit papaano, nagkasya ako noon sa pakikipag-chat sa Yahoo Messenger.

Kung counted siguro ang magkaroon ng virtual boyfriends, “playgirl” na ang tawag sa akin. Ang dami kong naging online boyfriends at ka-M.U. sa YM at MySpace noon. Tatlo-tatlo ang poser accounts ko. Each with different lovely name and desirable personality.

It was fun because they liked me so much. I mean, they liked those characters that I portrayed. Well, bata pa ako noon kaya nag-e-enjoy pa ako sa pagiging poser. But I outgrew doing that.

Now-a-days, hindi na ako nagpapanggap bilang tatlong magkakaibang tao. Isang tao na lang. Isang taong hindi pa rin ang tunay na ako. While I showed my real face to everyone around, they still did not know who I really was. Marami pa rin akong itinatago at tinatapalan ng “concealer” sa pagkatao ko.

For starters, hindi ko pa rin kayang ipagmalaki ang pangalan ko. Understandable naman siguro. Sino ba naman kasi ang magmamalaki na Soledad Balacubac ang pangalan nila? I had a pseudonym. Sa business card ko, Sasha Montesa ang nakalagay. Pinakatago-tago ko ang IDs ko sa wallet kong may hidden pockets.

As the managing editor of a premier fashion lifestyle magazine in the Philippines—Snazz Magazine—hindi bagay sa akin ang magkaroon ng ganoon kabahong pangalan. Kaya umpisa pa lang ng career ko sa Snazz six years ago bilang isang staff writer, hiniling ko na sa editor in chief na gagamit ako ng alias na babagay sa propesyon ko. Sa sobrang luma at kadiri ng pangalan ko, pumayag siya agad-agad.

At dahil nag-assume ako ng isang sexy, attractive at pang-bold star na pangalan, naisip tuloy ng editor in chief na pagsulatin ako sa Love And Sex section ng magazine.

Inuulit ko, sex.

The irony was, I was still a virgin. Twenty-four pa lang ako noon at no-boyfriend-since-birth. Wala nga akong experience sa pakikipagrelasyon, sa sex pa kaya?

Pero nang tanungin ako ni Miss Loreen kung nagka-boyfriend na ba ako at kung kaya kong magsulat ng articles tungkol sa sex, sinabi kong, “yes.” Dahil, hello? Twenty-four na ako noon at nakakahiyang sabihing NBSB pa rin ako.

So, in-assume na niyang hindi na ako virgin dahil tumangu-tango lang ako nang pagbilinan niya akong kung may boyfriend ako ay mag-explore ako sa kama with him para mas magkaroon ako ng ideas na isusulat. At hinayaan ko siyang mag-assume dahil ayokong malaman niyang ni hindi ko pa nga nararanasan ang mahalikan sa buong buhay ko. Nakakahiya.

Wala akong boyfriend na pag-e-eksperimentuhan sa kama kaya ang ginawa ko, nagbasa na lang ako ng maraming articles tungkol sa love… lalong-lalo na sa sex. Nanood ako ng maraming… well, porn. That’s called “research.” Trabaho lang, walang personalan. Wala rin naman akong pagagagamitan ng mga natutuhan ko kundi sa trabaho lang.

Nagbunga naman ang pag-exploit ko sa inosente kong utak. I became Miss Loreen’s instant favorite staff writer. And eventually, na-promote nang na-promote hanggang sa maging managing editor. It happened in just a span of six years.

At thirty, ako na ang may pangalawa sa may pinakamataas na posisyon sa editorial department. Kaya kapag nag-resign na si Miss Loreen, walang iba kundi sa akin mapupunta ang posisyong maiiwan niya.

You see where my lies took me? It took me to success.

But then everyone assumed I had been in a few relationships before and I had an active sex life because I could write like I had experienced love, romantic relationships and sex before. Kailangan ko tuloy panindigan sa office friends ko na marami na nga akong naging boyfriend o naging casual dates.

So, I had to lie over and over again about my invented relationships and non-existent ex-boyfriends. I had to lie about those few casual dates that actually did not get to second date, let alone end up in bed. So they would not suspect that I was, in fact, an NBSB and a virgin at thirty.

Yup. Umabot ako ng thirty years old na NBSB at virgin pa rin. Although na-experience ko na ang mahalikan ng ilang mga lalaking naka-date ko. Pero hanggang doon lang iyon. I never let anyone have my body. And they could not capture my heart either. Because it belonged to one person ever since I set foot on FRM Publishing—kahit hindi siya aware.

Six years ko nang pinapangarap si Mr. Dave Mondragon—ang publisher naming thirty-eight years old pa lang. Bukod sa ang ganda ng surname niya, ang yaman at guwapo pa. He was just perfect. Kaya lang, may longtime girlfriend siya—ang fashion model at ex-beauty queen na si Lana. Eh, ano namang panama ko doon, ‘di ba?

Kaya nga ako nakikipag-date. Humahanap ako ng ibang lalaking kayang maalis siya sa puso ko. Kaya lang, hinahanap ko siya sa bawat lalaking nakikilala ko. Kaya tuloy, walang lalaking nagtagumpay na makuha ang interes at puso ko.

Oo na. Siguro nga ambisyosa ang puso ko para hangarin ang isang tulad ni Sir Dave. Pero tanggap ko namang hindi siya kahit kailan mapapasaakin. Tanggap kong hanggang imagination na lang ang love affair namin.

Hindi ko alam kung paano ako magkakaroon ng tunay na love life kung hindi maaalis si Sir Dave sa puso ko. I was already thirty and yet I had never experienced anything real. Walang nakakaalam kung gaano ako ka-inexperienced sa love, romantic relationship at sex kahit tungkol sa mga iyon ang laman ng weekly column ko sa Snazz Magazine. At walang dapat makaalam n’yon.

I’d rather be known as a promiscuous woman who had dated and had sex with tons of men than be exposed as an inexperienced, NBSB and virgin love and sex guru.

I’d rather die than be exposed. Luckily, I would not die anytime soon, dahil may “factory” ako ng salbabida at concealer makeup. At palagi akong magtatagumpay kung palagi kong gagamitin ang “talent” ko sa pagsisinungaling.

So, yeah, welcome to my life… a life filled of pretensions and lies.

 

 

CHAPTER ONE

“WE’RE getting married!”

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang in-announce ng Kuya Boni ko. Nabitin ang pagpasak ko ng steak sa bibig ko.

Iyon pala ang tunay na dahilan kung bakit pinauwi ako ng kuya sa Carmona. Ang sabi niya lang kasi noong isang araw, miss na raw niya ang kumain kami nang magkakasama nina Mama at Papa sa bahay. Pinauwi niya ako galing sa Maynila para daw sa isang salo-salo. Sagot daw niya ang steak.

Chef sa isang cruise ship si Kuya Boni pero kasalukuyang nakabakasyon. Miss ko na ang steak ng kuya ko kaya pumunta ako para pagbigyan ang nostalgic drama niya.

Ang akala ko, kami lang talagang apat ang kakain ng steak ni Kuya Boni. Kasama pala ang girlfriend niya. At may surprise announcement pala kaya may paganito ang kuya. Pero parang ako lang mag-isa ang na-surprise. Sa hitsura ng parents namin, mukhang nagpaalam na rin si Kuya sa kanila bago mag-propose kay Lalaine kaya hindi na masyadong nagulat.

Mabilis na nag-zoom in ang vision ko sa daliri ni Lalaine na sinadya niyang itaas. Aba at talagang may singsing na nga. Nalipat ang tingin ko sa mukha ng fiancée ni Kuya. She was smiling from ear to ear.

Really? Nakukuha talaga nitong ngumiti nang ganoon?

Akalain mo ‘yon? Pumayag talaga si Lalaine na magpakasal sa kuya ko? As in, okay lang talaga sa babaeng ito na maging isang “Balacubac?” Ang ganda-ganda ng apelido ni Lalaine pero ipagpapalit nito sa Balacubac?

“Talaga ba?” lumabas sa bibig ko.

Napatingin ang lahat sa akin. Naglaho ang ngiti nila. Saka ko lang na-realize kung ano ang hitsura ko sa mga oras na iyon. Lukot na lukot ang mukha ko. Iyong tipong nakakita ng ipis na kakahampas lang ng tsinelas na nagkalat ang dagta. Diring-diri ang hitsura ko.

Inayos ko ang mukha ko dahil baka masamain ni Lalaine at isiping ayaw ko siya para sa kuya ko. Ang totoo, ang kuya ko ang ayaw ko para sa kanya. I mean, nag-aalala lang naman ako sa future niya. Kailangan niyang baguhin ang apelido niya. Unless, magpa-annul sila, forever na niyang dadalhin ang kahindik-hindik naming apelido.

“Sorry. Nagulat lang ako. Lalaine, sigurado ka ba? Gusto mo talagang maging isang Balacubac?”

Narinig ko ang hagikgik ni Mama at ang “ito talagang batang ito,” ni Papa. Alam ng pamilya ko kung gaano ko kaayaw ang apelido namin. Well, I was sure hindi rin naman nila gusto pero hindi sila kasing vocal ko.

Bumalik ang ngiti ni Lalaine. “Oo naman, Sol. I love your brother and I want to be with him for the rest of my life kaya tanggap na tanggap ko ang apelido niya. I want to be a Balacubac forever.”

Ngiting tagumpay si Kuya Boni na nakipagpalitan ng ngiti sa fiancée. Parang gusto kong isuka ang steak na isinubo ko kanina. Tumingin sa akin ang kuya at inilabas ang dila para belatan ako.

Noong mga bata pa kami, ang palaging pang-asar ko sa kanya ay walang babaeng magpapakasal sa kanya dahil walang babaeng gugustuhing mapalitan ang apelido nito ng mabantot naming apelido kaya tatanda siyang binata. Ininggit ko pa siya. Ang sabi ko, buti pa ako ay puwedeng mapalitan ang apelido kapag nag-asawa. Kaya ang goal ko talaga ay makapag-asawa nang maaga. Pero…

Pero pinaglaruan yata ako ng tadhana. Makakapag-asawa na ang kuya ko at ako… single pa rin at thirty.

Isinaksak ko ang piraso ng steak sa bibig ko at nginuya iyon nang may gigil. Kanina lang, sarap na sarap pa ako sa steak na iyon pero ngayon, bakit parang biglang pumait at pumakla ang lasa? Umabot na yata sa dila ko ang bitterness sa dibdib ko.

Halatang natuwa si Mama Imelda sa sinabi ni Lalaine. “Ganyan din ang sinabi ko noon. ‘Ka ko sa mga kumukutya sa apelido ni Ramon, bale-wala sa akin kahit hindi maganda ang tunog ng apelido niya. Kasi mahal ko siya at gusto ko siyang makasama habangbuhay.”

Hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko.

Kahit pa siguro “Tacla” ang apelido ng Papa ay papatulan pa rin ni Mama kung sakali. Natural naman kasi siyang walang taste sa pangalan. Pinangalanan nga niya ang kuya ko ng Bonifacio at ako ng Soledad in the twentieth century! Sino ang magpapangalan ng ganoon sa mga anak nila sa makabagong panahon? Habang ang ibang kaedad namin ay Lalaine, Bianca, Sophia, Alexander, James, Vincent ang pangalan, kami ay Soledad at Bonifacio. Para kaming ipinanganak sa sixties.

Nagngitian naman ang dalawang oldies. Bigla akong na-OP. Ano ako dito, fifth wheel?

Dinampot ko ang baso ng iced tea at inuman iyon. Bakit pati ang iced tea, biglang pumait? Bigla yatang nagkaroon ng diperensiya ang taste bud ko.

Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa balak ng mga ito sa kasal na magaganap six months from now habang ako ay pinipilit na i-digest ang kinakain. Isa raw ako sa gustong kunin ni Lalaine bilang bridesmaids. Sapphire blue daw ang gusto nilang color motif sa kasal. Sa isang simbahan sa Quezon City daw ang kasal. Sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Lalaine bilang front desk clerk ang reception.

Blah. Blah. Blah.

Their wedding sounded plain and boring. Walang-wala sa dream wedding ko na matagal ko nang pinagplanuhan.

Romantic ang theme ng wedding ko. You know, with soft hues, delicate lighting and plenty of florals. Peach and gray ang gusto kong color motif. Gusto ko ng garden wedding. I wanted a big venue filled with flowers and wedding decorations. Doon din mismo ang reception. Gusto ko ng peach-colored bridal car. The honeymoon would be in Bali, Indonesia…

Kung sana lang, kaya akong mahalin ni Sir Dave… Ako dapat ang ikakasal. O matagal nang ikinasal. Hindi na sana Balacubac ang apelido ko sa mga oras na iyon. At hindi sana ako binebelatan ng kuya ko ngayon. Kung sana lang kasi ay hindi ganito ka-imperfect ang buhay ko…

Tumikhim si Papa. “Ilan naman ang balak n’yong maging anak?”

Napatingin ako sa engaged couple na nagngitian na naman.

“The more the merrier,” nakangising sagot ng kuya ko.

Natigil ang paghiwa ko sa steak sa narinig. Ibinagsak ko ang tinidor at table knife sa plato na lumikha ng ingay kaya lahat sila ay napatingin sa akin.

“Talagang balak mong magparami ng Balacubac?” nanghihilakbot na sita ko kay Kuya Boni.

 

AFTER dinner, nagkuwentuhan pa kaming lima habang nag-iinuman sina Papa at Kuya, nagti-tsa si Mama at nagmi-milk tea kami ni Lalaine. Isang oras na ang nakakalipas pero wala ni isa sa kanila ang nagtanong kung kailan ako mag-aasawa.

Noong huling beses kasi nila akong tanungin, naghalo ang balat sa tinalupan. Nag-meltdown talaga ako. Kulang na lang, magbasag ako ng mga gamit sa sobrang warla ko noong time na iyon. Napundi na kasi ako sa kakaasar ni Kuya Boni sa akin tungkol sa pagiging NBSB ko, sa kakabanggit ni Papa na hindi raw niya naranasan ang makakilala ng lalaking umaakyat ng ligaw para sa unica hija niya at sa kakatanong ni Mama kung kailan ako mag-aasawa dahil tumatanda na ako.

Sa harap nila, madalas akong magpanggap na hindi ko kailangan ng lalaki, that I was a strong, independent woman who was not interested in love and only wanted a great career. You know, just to save my ego.

Wala naman kasi talagang nanligaw sa akin noong nakatira pa ako sa bahay na iyon. As I had said, hindi ako ligawin. At kung may iilan mang nanligaw sa akin, hindi ko naman type kaya dine-deadma ko lang at hindi pinaaakyat sa bahay. Isa pa, sa dami ng kasinungalingan at pagpapanggap ko noon, alam kong mahihirapan akong magkaroon ng boyfriend.

I was scared that he would find out that I lied about myself a lot. Somehow, I also did not want him to know who I really was behind all my lies. That was why I sort of shielded myself from falling in love.

Nang maging adult na ako at maramdaman ang pressure na magkaroon ng love life, doon na ako naghangad na magkaroon ng boyfriend. Bukod sa pinangarap kong mapansin ni Sir Dave, nagsimula na akong makipag-date sa mga lalaki para subukang magkaroon ng love life. But I realized it was all futile effort.

I could not even tell my real name to those guys, paano ko bubuksan sa kanila ang totoo kong sarili?

Kaya siguro nagkakasya na lang ako sa pangangarap ko kay Sir Dave. Kasi alam kong hindi siya mapapasaakin kaya hindi ko kailangang mag-alala kung matatanggap niya kung sino talaga ako.

Pero kanina, nang marinig ko na ikakasal na si Kuya Boni, na-realize ko na gusto ko na rin talagang ma-in love at magkaroon ng love life. Iyong totoong love life. Hindi iyong mga binubuo ko lang sa isip ko at sinasabi sa mga kakilala ko para paniwalain silang napaka-exciting buhay ko.

I wanted to get married. But if I would get married I would have to expose my real self to that person. You know, all my imperfections, secrets, pretensions and my being a compulsive liar. I could not keep lying and pretending to be someone else if I would be in his life forever.

But could I do that? Could I really take the risk and expose all my shameless lies to that person? That man would definitely leave me.

“Anong gusto mo, Sol? Candle, veil o cord?” nakangiting tanong ni Lalaine.

“Kahit ano. Basta dapat guwapo ‘yong kasama kong mag-march sa aisle para maganda sa pictures.”

Tumingin si Lalaine kay Kuya pero kausap ng huli si Papa. Halatang nag-isip siya. “Just yesterday, naglista agad ako ng mga kasama sa entourage. So far, si Reid ang pinakaguwapo. Kaso best man siya ni Boni. Kaya wala siyang partner kapag naglakad sa aisle.”

Natigil ako sa pagsipsip sa straw. Reid?

Reid Villados. Iyong preskong best friend ni Kuya Boni mula elementary. Sa katabing bahay lang siya nakatira noon kaya palaging nasa bahay namin na para bang doon na rin nakatira. Minsan nga, doon pa natutulog. Masyadong feel at home.

Nang ibenta ng parents ni Reid ang bahay na katabi nang sa amin, lumuwas sila sa Davao. Nagkahiwalay sila ni Kuya Boni. Alam ko na kahit nagkahiwalay ang dalawa, may communication pa rin sila. Noong eighteen ako, nakita ko si Reid na dumalaw sa bahay. Kaka-graduate lang yata niya sa college at lumuwas sa Maynila para doon magtrabaho. Pero pagkatapos noon, hindi na siya bumalik pa.

Hanggang sa hindi ko na naririnig na nababanggit ni Kuya si Reid. Ang akala ko nga, hindi na sila friends.

Napabuga ako ng hangin. “Buhay pa pala ‘yon?”

“Huh?”

Ngumiti ako kay Lalaine. “No, thanks. Hindi bale nang hindi guwapo ang ka-partner ko.” Huwag lang ang damuhong iyon.

I did not like him. Reid was quite a handful. An irritant. A thorn in my flesh. Kahit hindi pa siya nagsasalita, naaasar na agad ako sa kanya. Nakakaasar kasi ang ngiti na palagi niyang ibinibigay sa akin noon na para bang sinasabing, “I know what you’ve been hiding.”

Iyon pa ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw ko sa kanya. Dahil kapitbahay ko siya noon at palaging nakatambay sa bahay, marami siyang alam tungkol sa akin. Nasaksihan din niya ang ilang beses kong pagsisinungaling at pagkakaila. At si Kuya Boni na lahat na lang yata ay gustong i-share sa best friend, pati ang tungkol sa akin ay isine-share.

Kaya feeling ko tuloy, ang dami kong sekretong alam ni Reid. He must be secretly laughing at all my shameless lies and secrets.

Dahil best friend siya ni Kuya, accomplice siya sa pang-aasar sa akin ng kapatid ko noon. Kaya nga nang umalis na siya sa Carmona, nagdiwang ako.

Napansin ko ang pagngiti ni Lalaine habang nakatingin sa akin. Immediately, naisip ko na pati ang pagkaasar ko kay Reid ay sinabi ng kuya ko sa kanya. That was why I did not willingly share secrets with my brother. Hindi kasi siya marunong maglihim sa mga taong malalapit sa kanya.

Kaya nga hindi ko rin sinabi sa kanya na ako si Sasha Montesa. Gaya nang hindi rin alam ng parents ko na nagsusulat ako ng articles tungkol sa sex. Bukod sa conservative ang parents ko, alam kong mahihirapan akong ipaliwanag sa kanila kung bakit ako nagsusulat ng tungkol sa ganoon nang wala akong experience sa sex.

Alam ng pamilya ko na nagtatrabaho ako sa FRM Publishing pero hindi bilang staff writer o editor kundi isang copywriter na naging copy editor at ng lumaon ay naging advertising director. Kung sinabi ko kasi na writer ako sa magazine, babasahin nila ang mga sinusulat ko at hahanapin ang pangalan ko sa editorial page ng magazine. Kapag copywriter kasi, hindi nilalagyan ng pangalan ng writer ang mga isinusulat para sa advertisement pages. Wala rin sa editorial page ang pangalan.

Fortunately, tumagal ako doon nang hindi man lang nabuking ng pamilya ko na iba ang trabaho ko kaysa sa alam nila. It paid that my parents lived far away from me and my brother was working abroad so they never visited me in my workplace. Nobody in my clan knew about me as Sasha Montesa. Kaya wala akong kailangang paliwanagan kung bakit ang dami kong alam sa sex pero hindi ako nagkaroon ng boyfriend ni isa.

“Hindi ko ka-vibes ‘yong payatot na ‘yon.”

“Payatot?”

Tumango ako. “Bakit? Mataba na ba siya ngayon? He used to be lanky.” Pero totoo na guwapo si Reid. Kahit payatot iyon, hindi iyon nawawalan ng girlfriend.

Isang beses pa nga, may classmates akong nagpapalakad sa akin kay Reid. Akala kasi ng bruha, since best friend ng kuya ko si Reid ay close ko na rin iyon. Nakasaksi na rin ako ng dalawang babaeng nagsabunutan nang dahil sa lalaking iyon.

“Kailan mo siya huling nakita?” tanong ni Lalaine.

“I think eleven or twelve years ago.”

“Really? So, wala kang balita sa kanya for the past few years?”

“Hindi ako interesado. At saka parang nag-grow apart sila ni Kuya at some point. Kaya wala na akong narinig about him. Hindi ko nga alam na nag-reunion sila kaya hindi ko masyadong in-expect na siya ang kukunin ni Kuya as best man. Kasi marami naman siyang friends.”

“Well, apparently, they made a pact to each other na kukunin nila ang isa’t-isa as best man balang-araw. Tinupad ng kuya mo kahit nagkahiwalay sila after college.”

Minsan talaga ay liability din ang pagkakaroon ng word of honor ng kuya ko. Makikita ko ulit tuloy si Reid sa kasal niya imbes na hindi ko na makita forever ang lalaking iyon. You know, sa liit ng mundo, kahit minsan—in the past several years—hindi kami pinagsalubong man lang sa daan ni isang beses.

“Nakilala mo na siya?” tanong ko kay Lalaine.

“Oo. Noong nag-reunite sila a couple of months ago.”

Hindi nabanggit sa akin ni Kuya Boni na nagkita ulit sila ni Reid. Kunsabagay, alam naman siguro niyang hindi ako interesado. “Is he married?”

Bumalik ang ngiti ni Lalaine. “Are you interested in him?”

“No!” nandidilat na sagot ko. “Naitanong ko lang, interested agad? Kung interesado ako sa bruhong ‘yon, dapat noon pa, nakikipagbangasan ako ng mukha sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya kahit payatot siya. Ang kaso, mas feel kong bangasin ‘yong mukha niya mismo sa sobrang kaasar ng lalaking ‘yon.”

Tumawa si Lalaine. “Tinanong ka kasi niya noong nag-reunite sila ni Boni.”

Tinanong ako ni Reid? Oo naman. Magtatanong talaga ang damuhong iyon tungkol sa akin para malaman niya kung paano ako aasarin kapag nagkita ulit kami.

Natigilan ako. Malamang ay nalaman na ni Reid mula sa kuya ko na hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kahit kailan. Siguradong aalaskahin ako ng bruhong iyon dahil NBSB pa rin ako at thirty.

Nakaka-frustrate isipin na hindi ko puwedeng gamitin ang “talent” ko kay Reid dahil bukod sa parents ko at kay Kuya Boni, siya ang pang-apat na taong mas nakakakilala sa akin. I mean, I never had any close friends. Sinadya kong hindi magkaroon ng malapit na kaibigan dahil sa dami ng gusto kong itago tungkol sa sarili ko na ayaw kong buksan sa kahit na sino.

Pero si Reid—he was not even a family member—pero marami siyang alam tungkol sa akin. Kung anong alam ng kuya ko, alam rin niya. Actually, may mga nalalaman pa nga siyang hindi alam ng kuya ko. That was why I did not want to see him again. I did not want to be reminded that someone like him knew a lot about me and a few of my secrets.

“Please don’t tell him na itinanong ko sa ‘yo kung married na siya,” bilin ko kay Lalaine. “Baka kasi mag-isip siya na interesado ako sa kanya. Baka mag-feeler na naman na may crush ako sa kanya just like then.”

Nakita ko ang curiosity sa mga mata ng soon-to-be hipag ko. “Pero hindi ka nga ba talaga nagka-crush sa kanya noon?”

Nandilat ulit ako. “Never! Never ako nagka-crush sa lalaking ‘yon ever.”

 

IF THERE was one secret that I would never want anyone to find out was I really had a crush on Reid way back.

Noong dumating sila sa katabi naming bahay at una ko siyang nakita, nagka-crush agad ako sa kanya dahil ang cute niya. He was actually my first crush ever.

I was ten years old that time. He was twelve.

He was the first boy I had ditched my Barbie dolls for. Wala akong interes sa ibang bagay noon bukod sa mga manyika ko pero nang makita ko si Reid, doon ako nagsimulang maging aware sa existence ng opposite sex at crush.

Pero dahil bata pa ako at hindi pa alam kung paano iha-handle ang ganoong klaseng pakiramdam, hindi ko ipinakita kay Reid na may pagtingin ako sa kanya. Sinusubukan ko pa nga siyang iwasan noon. Siguro ay dahil nahihiya ako. Umaakto akong hindi interesado sa presence niya sa tuwing nagpupunta siya sa bahay para makalaro ang kuya ko. Pero mula sa bintana ng kuwarto ko, sinisilip ko siya nang palihim sa garden.

I even listed our names on a piece of paper and crossed out similar letters. Iyon bang uso noon na FLAME. “Marriage” ang result ng computation. Kinilig pa nga ang musmos kong puso noon at c-in-laim ko nang si Reid ang mapapangasawa ko balang-araw.

Pero naglahong parang bula ang crush ko sa kanya isang araw nang ibuking niya ako kay Mama. Nasagi ko kasi ang baso na nakapatong sa center table dahil itinaas ko ang paa at ipinatong doon habang nanonood ako ng TV. Nabasag iyon at narinig ni Mama kaya bigla ay nandoon na ang nanay ko sa sala.

Sinabi ko agad kay Mama na hindi ako ang nakabasag kundi ang pusa naming si Pepper. Nakabingit kasi ang baso at inabot iyon ni Pepper kay bumagsak at nabasag. Naniwala naman ang Mama ko pero biglang may nagsalita sa likod namin.

Nakatayo si Reid doon. Sinabi niya kay Mama na ako ang nakabasag ng baso dahil nasaksihan niya mismo. Papasok siya sa bahay namin nang makita niya ang nangyari. Hindi ko nakita si Reid dahil nakatalikod sa front door ang kinauupuan kong sofa. Kinagalitan ako ni Mama dahil nagsinungaling ako.

Simula noon, hindi ko na naging crush si Reid dahil ipinahiya at ipinahamak niya ako. Hindi ko siya kinibo at all nang dalawang taon. Palagi ko lang siyang iniirapan at kapag nasa bahay siya ay hindi ako bumababa sa kuwarto ko.

I was twelve when he tried to approach me. Alam niya kung bakit ako nagalit sa kanya. Ang tagal ko naman daw magalit. Kahit hindi daw kami talaga close at suplada raw ako sa kanya, bati na daw sana kami. Pinangaralan pa ako ng bruho.

“Sorry kung nasaktan kita sa pagbubuko ko sa ‘yo. Pero hindi dapat tino-tolerate ang kasinungalingan. Lying is bad, ‘di ba? Liars go to hell. Do you want to go to hell?”

Sa sobrang hiya ko dahil p-in-point niya talaga ang pagiging sinungaling ko, na-“you go to hell!” ko tuloy siya, sabay layas.

I started to hate him. Sa tuwing nasa bahay si Reid at nag-uusap sila ni Kuya o ng parents ko, palagi ko siyang kinokontra at sinasarkastiko. Doon nagsimula ang “war” sa pagitan namin. Naging accomplice siya ng kuya ko sa pang-aasar sa akin hanggang sa nagsasalpukan na kami.

Isa sa mga pang-asar ni Reid sa akin ay iyong sinasabi niyang “the more you hate, the more you love” daw. Iniisip niyang kaya ko siya inaaway ay dahil nagpapapansin lang ako sa kanya pero ang totoo ay may secret crush ako sa kanya. Alam kong sinasabi lang ni Reid iyon para asarin ako dahil imposibleng nagkaroon siya ng idea na naging crush ko siya noong una.

Minsan, pumupunta na lang si Reid sa bahay para lang inisin ako dahil alam niyang buwisit na buwisit ako sa mere presence niya.

Nobody had to know that Reid was the first boy who made my heart flutter. I hated the fact that I had that kind of feeling towards that jerk. Naiinis ako kapag naaalala ko na siya ang kauna-unahang lalaking naging crush ko.

Nang bumukas ang elevator ay pumasok ako. Pipindutin ko na sana ang close pero nakita ko si Sir Dave na naglalakad palapit sa elevator kaya mabilis na lumipat ang daliri ko mula sa close papunta sa open. Kung mayroon nga sigurong “open wide” button doon, malamang pinagpipindot ko na.

Habang papalapit si Sir Dave, dumadagundong ang kabog ng dibdib ko sa sobrang excitement. Wala kasi akong ibang kasama sa loob ng lift. Ibig sabihin, sa oras na pumasok din doon si Sir Dave, kaming dalawa lang ang sasakay sa loob ng elevator.

Well, I would not mind if the elevator got broken suddenly and we got stuck inside for a couple of hours. Hindi naman ako acrophobic.

I mean, look at that perfect work of God walking towards me. Kada kaliit-liitang cell yata sa katawan ni Sir Dave ay perfect. Pati brain cells niya, amazing. Kapag nalahian kami ng isang tulad niya, siguradong gaganda ang lahi ng third generation ng Balacubac na mapapalitan na ng napaka-powerful na apelido niyang Mondragon. Kakayanin kong manganak ng labing-dalawa para matakpan ang kapalpakan ng lahi ng mga Balacubac.

Magpaparami ako ng Mondragon. Kailangan ko ng damage control sa balak ni Kuya Boni na magparami ng Balacubac.

“Miss Montesa?”

Napakurap-kurap ako habang nakatitig sa napakaguwapong mukha ni Sir Dave. Bakit lalo pang nagiging sultry ang tunog ng pseudonym ko kapag binabanggit niya? “Sir?”

Tinapunan niya ng tingin ang elevator buttons. “You can let go of the button.”

Noon ko lang na-realize na gigil na gigil pa rin ang hintuturo ko sa pagpindot sa open button. Mabilis ko iyong tinanggal. He smiled at me.

Shucks, ang puso ko… lumabas yata mula sa dibdib ko at tumalbog papunta sa kanya.

Bago pa sumara ang lift, namataan ko si Mariel na humahangos para makahabol bago magsara ang elevator panels. Mabilis kong pinindot ang close. And just in time, bago pa maging visible si Mariel sa paningin ni Sir Dave ay nagsara ang panels ng elevator. Nakahinga ako nang maluwang.

Mariel was the associate fashion editor and I did not like her. Karibal ko kasi siya sa pagpapantasya kay Sir Dave. I mean, lahat naman siguro ng single ladies—o kahit hindi na single—ay lihim na pinagpapantasyahan ang publisher pero kami lang ni Mariel ang nasa level na gustong pikutin si Sir Dave kung magkakaroon ng pagkakataon.

Pinindot ko na ang numero ng floor ng FRM at nang ibalik ko ang tingin kay Sir Dave at ngitian siya, ginantihan niya ang ngiti ko.

Guwapo, mayaman at successful pero approachable siya at palangiti. Nasa kanya na ang lahat. Kaya kung mapapasaakin siya, para na rin akong nanalo sa lotto. Ako na ang pinakasuwerteng babae sa mundo kung sakali.

Sa itinagal-tagal ko sa Snazz, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makasama si Sir Dave nang kaming dalawa lang sa isang elevator ride. Kaya dapat ko sigurong samantalahin ang pagkakataon. Bago pa may magtangkang pumasok na tao sa lift mula sa ibang floor.

“How are you, Sir?” tanong ko habang nakangiti nang buong tamis.

Bibihira ang pagkakataong solo ko lang ang paningin ni Sir Dave kaya ang saya-saya ng puso ko sa mga oras na iyon. Mabuti na lang at bago ako bumaba sa kotse kanina ay nag-retouch muna ako ng powder sa ibabaw ng full-coverage foundation na lahat ng pores ko sa mukha ay natatakpan. Alam kong on-fleek ang eyelashes at eyebrows ko. At ang lipstick kong stay-all-day na kahit makipaglaplapan pa ako nang bongga ay hindi matatanggal o mai-smudge man lang. Isama na rin ang fake full bangs na naka-clip sa anit ko.

“I’m good,” nakangiting sagot niya. “How about you?”

I’m in cloud nine kasi kasama kita… “I’m okay, Sir. Excited na ako para sa bagong projects na sisimulan today.”

Sa araw na ito sisimulan ang pag-execute ng mga nayaring plano para sa summer issue ng Snazz. The March issue would be hotter than the climate.

“That’s great. I like it that you are work-oriented and you always do your best in every projects.”

Kinilig pati ang fake bangs ko sa narinig ko. ‘I like it’ daw… Muntik nang maging ‘I like you.’ Kahit ang pagiging competent ko lang sa trabaho ang madalas purihin ni Sir Dave, kilig na kilig pa rin ako. Kaya nga palagi kong pinag-iigihan ang trabaho ko para palaging makuha ang “employee of the year.” Kasi personal akong ico-congratulate ng publisher kapag umakyat ako sa stage para tanggapin ang award at mahahawakan ko ang kamay niya kapag kinamayan ako.

“Thank you so much, Sir. Ah, Sir, may itatanong ako sa ‘yo.”

“What is it?”

Kailan kayo magbe-break ni Lana? “Anong perfume mo? Simula kasi no’ng pumasok ka, bumango na ‘tong lift.” Humagikgik ako nang mahina.

He laughed. Hay, bakit pati ang tawa niya, ang gandang pakinggan. Nagsisimula ko nang isipin na baka pati ang utot niya, hindi mabaho.

Sinabi ni Sir Dave brand ng pabango niya. “This is my favorite perfume.”

Ngayon ay alam ko na kung ano ang ireregalo ko sa kanya sa birthday niya. Sa nagdaang mga taon, palagi kong binabalak na bigyan ng regalo si Sir Dave pero nag-aalangan ako na baka isipin niyang nagsisipsip ako kaya hindi na lang ako nagbibigay. Pero sa pagkakataong ito, gusto ko na talaga siyang bigyan. Gusto ko na sa tuwing iwiwisik niya ang pabangong iyon, maalala niya ako.

“Really? The scent really suits you. So masculine, so powerful but not intimidating and really, really amazing.” Suminghot ako. “The scent is amazing.”

He grinned. He stared at me for a while and for a moment I thought he had finally noticed my not-so noticeable beauty.

Bumuka ang bibig ni Sir Dave pero hindi niya nagawang sabihin ang sasabihin dahil bumukas ang panels ng elevator. May pumasok na ibang tao sa loob. Hindi na niya itinuloy ang conversation namin hanggang sa makalabas na kami sa elevator. Paano kasi ay sinalubong kaagad siya ng kanyang assistant.

Habang naglalakad ako papunta sa opisina ko, kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko tungkol sa dapat ay sasabihin sa akin ni Sir Dave. Tatanungin ba dapat niya kung single ako? O yayayain akong magkape minsan? Sasabihin ba niya na ngayon lang niya napansin na ang ganda ko pala?

Nakaka-frustrate na ganoon lang kaikli ang naging pagkakataon ko para masolo ang lalaking pangarap ko. Pero malay ko naman at iyon pa lang ang simula ng love story namin. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa kilig.

Nagulat na lang ako nang bulagain ako ng editorial assistant na si Josie na biglang lumabas sa pinto ng editorial department bago pa ako makapasok doon.

“Good morning, Ma’am! Nasa studio na ‘yong creative director.”

“Ah, talaga?” Ang aga namang dumating ng bagong creative director na kinuha ni Badette para sa summer issue.

Nagtaka ako dahil nakangiti si Josie habang nakakagat labi. Mukha itong kinikilig.

“Ang guwapo niya, Ma’am!”

“Really? Kaso bading malamang.” Madalas kasi ay bading ang nagiging creative directors.

Marahas ang ginawang pag-iling ni Josie. “I don’t think so.”

“Eh, ‘di good.” He might be handsome but I was sure not as handsome as Sir Dave.

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit sa opisina ay tumuloy na ako sa photoshoot studio kung saan naratnan kong kausap ng project officer na si Badette ang isang matangkad na lalaki. Nakatalikod sa direksiyon ko ang lalaki kaya malaya kong napagmasdan ang likuran niya bago pa ako lumapit sa kanila.

In fairness, maganda ng bulto ng lalaki. Kung hindi ko nga lang alam na nandoon na ang creative director ay iisipin kong isa siya sa mga modelong nakatakdang magsuot ng swimming trunks sa isa sa mga photoshoots.

Kahit nakatalikod, kita namang curly ang buhok niya, malapad ang mga balikat, halatang may biceps, mahahaba ang mga biyas at… well, he had nice butt.

Ipinagpatuloy ko na ang paglapit hanggang sa mapansin ako ni Badette.

“Oh, hi, Sasha!”

Lumingon ang lalaking kausap ni Badette. In fairness, guwapo nga! Pero parang pamilyar siya. Ngumiti sa akin ang lalaki. Iyong klase ng ngiti na hindi ibinibigay sa bagong kakilala.

“The deputy creative director is here,” sabi ni Badette.

Habang papalapit ako, unti-unti kong na-realize kung sino ang lalaki at kung bakit ganoon ang pagkakangiti nito. Napatigil ako sa paglalakad nang makompirma ko ang identity ng creative director na kinuha ni Badette para maging temporary replacement sa naka-confine na in-house creative director.

Parang saglit na tumigil ang tibok ng puso ko.

No… no… this couldn’t be… Reid!

 

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.