[Unofficial Teaser] ‘Hate That I Love You

Certified fangirl si Felicity kay Julian Roldan. Siya lang naman ang vice president ng pinakamalaking fans club ng sikat na aktor. Kaya naman nang makabangaan ni Julian ang kapwa-aktor na si Dean Ramirez ay naging number one hater na siya ni Dean. Lalo na nang sabihin ni Dean na nagtatago lang sa isang wholesome image si Julian pero ang totoo ay maraming bahong itinatago ang idolo ni Felicity.

Alam niyang sinisiraan lang ni Dean si Julian dahil sila ang mahigpit na magkaribal sa kasikatan kaya hindi siya naniniwala sa kine-claim ni Dean. Isa pa, sino ba ang maniniwala sa maangas at malokong aktor na tulad nito?

Pero sa isang biro ng tadhana, natagpuan na lang ni Felicity ang sarili na nakaupo sa hanay ng searchees para sa isang dating game show at ang Mr. Searcher ay walang iba kundi si Dean. Dahil wala siyang kabalak-balak na maka-date ang kinamumuhiang lalaki, binalahura niya ang mga sagot sa mga tanong sa kanya ng hosts na manghang-mangha sa obvious resentment niya sa aktor.

Akalain mo nga naman at siya pa ang pinili ni Dean na sa halip na mabuwisit ay mukhang naaliw pa sa kanya.

Siya, makaka-date si Dean Ramirez?! What the fudge!

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.