Book Preview

[Preview] SCU 20: Meg, The Mysterious Girl

CHAPTER ONE

DEAR Miss Terry,

Hi. Can you help me? I’ve been in a relationship with this guy for over two years. But lately, things have begun to change. Feeling ko, nababawasan na ‘yong feelings niya para sa akin. Hindi na siya masyadong sweet. Hindi na siya masyadong thoughtful. Hindi na siya masyadong naghahanap ng paglalambing from me.

Dati-rati, umaga pa lang, tatawag o magte-text agad siya pero ngayon, kung hindi pa ako mag-text, hindi pa siya magpaparamdam. Dati-rati, paglabas ko ng classroom kapag lunch time, palagi ko siyang nakikita sa labas ng pinto, naghihintay sa akin para sunduin ako. Ngayon, nagkikita na lang kami sa school café. Minsan pa nga, hindi na siya nakakasabay sa akin. Actually, napapadalas na kasi busy siya sa extra-curricular activities niya.

Dati-rati, palagi niya akong niyayayang lumabas. Ngayon, bihira na. Kahit walang occasion, may gifts siya sa akin. Ngayon, nakakalimutan na niya ang monthsaries namin. Dati-rati, hindi siya nakakatulog nang hindi niya naririnig ‘yong voice ko over the phone o kahit nakaka-receive ng text from me. Ngayon, he doesn’t even say “goodnight” anymore. Dati-rati, siya ‘yong madalas na unang nag-a-I love you sa akin. Ngayon, kailangan ko pang mag-I love you sa kanya bago ko marinig ang “I love you” niya.

Medyo napapadalas na din kaming nag-a-argue kahit over trivial things lang. Dati-rati naman, chill lang siya. Pinagpapasensiyahan niya ‘yong tantrums ko. Pero ngayon, naiinis na siya. Wala naman akong alam na ginawa kong kakaiba. All these years, ganoon pa rin naman ako sa kanya. Kung gaano ako kalambing at ka-toyoin, ganoon pa rin naman ako hanggang ngayon. Kaya alam ko na siya ang nagbago. Nabawasan na ang pagiging malambing niya at pati ang tolerance niya sa imperfections ko.

Secretly, I tried to investigate if he was cheating on me but he’s clean. He’s not secretly seeing or chatting with any other woman. But it doesn’t mean he’s not starting to be interested with someone else, right?

Tell me, Miss Terry, ibig bang sabihin ng mga ikinikilos niya, hindi na niya ako mahal? Possible kayang may iba na siyang nagugustuhan kaya nagbago na siya? I really wanted to talk to him about it but I’m scared to know the truth. I’m scared that he would leave me if I say anything. I love him so much, Miss Terry. I don’t want to lose him. Please tell me what to do.

Sincerely,

   Joan

Napabuntonghininga si Meg matapos basahin ang mga himutok ng letter sender na si Joan tungkol sa pag-ibig. Isa lang ang sulat na iyon sa labing-isang emails na natanggap niya sa araw na iyon mula sa visitors ng kanyang blog—ang Dear Miss Terry,.

Dear Miss Terry, was a blog which offered free love advice to those who sent letters to “Miss Terry” in form of e-mails. It started out as a love and relationships blog na ang tema ay letters and replies. Si Meg na nagtatago sa likod ng pseudonym na “Miss Terry” mismo ang nagpo-provide ng mga sitwasyon at problema tungkol sa pag-ibig at romantic relationships na binibigyan niya ng mga suggested solutions.

Na-inspire kasi siya nang mapanood ang pelikulang Letters To Juliet na tungkol sa isang organisasyong tumatanggap at sumasagot sa mga sulat mula sa mga taong may problema sa pag-ibig. Na-imagine niya ang kanyang sarili na nagbabasa ng mga sulat na iyon at sumusulat pabalik sa mga taong nagpapadala ng mga iyon. Kaya nag-decide siyang bumuo ng isang blog na ganoon ang konsepto.

Dumami ang blog visitors at followers ni Meg sa loob ng ilang buwan. Maraming tao ang naka-relate sa mga sitwasyong isinulat niya sa kanyang blog. Later on, nakatanggap na si “Miss Terry” ng tunay na mga sulat na nakukuha niya via e-mail. Halos araw-araw ay may ipino-post siyang letters mula sa anonymous sender na tinatalakay at binibigyan ni Meg ng kasagutan sa kanyang blog.

Hanggang sa medyo sumikat na ang kanyang blog at si “Miss Terry.” Sumikat na iyon at lahat pero walang nakakakilala kung sino ang nasa likod ng tinatawag nilang “love guru.” Nobody, except her best friend Eunice knew who was behind that blog.

Narinig ni Meg ang ungol ni Eunice na nakasalampak sa sahig ng kanyang kuwarto at may hawak na mga papel. Mula sa pagkakatitig sa screen ng laptop ay ibinalik niya sa kaibigan ang tingin.

“So, ano? Uunahin mo pang sagutin ‘yang letters mo kaysa sa project natin?” nakataas ang isang kilay na tanong nito.

“Paano mo nalamang nagbabasa ako ng letters?” Nakatalikod kasi kay Eunice ang laptop niya.

“Halata kasi sa face mo, ‘no? Full of sympathy. Nakikiproblema ka na naman sa problema ng ibang tao sa love. Tigilan mo na nga ‘yan, Meg. Ang gaan-gaan ng buhay mo dahil wala kang love life pero pinapabigat mo dahil sa problema ng ibang tao. Ang aga mong magkaka-wrinkles niyan, sige ka.”

It had been a year since she started running this blog. Siguro sa iba—tulad ni Eunice—ay nakaka-stress ang problemahin ang problema ng iba tungkol sa pag-ibig. Kay Meg ay hindi. Gusto niya ang ginagawa. Masaya siya sa tuwing may natutulungan siya.

 Pakiramdam niya, she was made for it—ang tumulong sa mga taong namomroblema sa pag-ibig. Well, hindi lang naman problema ang iniluluhog sa kanya ng blog visitors. Hindi naman puro brokenhearted at may on the rocks na relasyon ang letter senders niya. Nanghihingi rin ang mga ito ng tips kay Meg. Tulad ng kung paano magpapapansin sa crush o kung paano manliligaw sa isang babae. As if she was indeed an experienced love guru, she provided them romantic tips.

“Ni hindi ko nga alam kung saan mo pinagkukuha ‘yang mga pinag-a-advice mo sa mga taong ‘yan,” sabi ni Eunice. “I mean, hindi mo ba nare-realize na wala ka sa posisyon para magbigay ng advice about love? Hindi ka pa nga nagkaka-boyfriend.”

Siguro nga ay hindi eksperto ni Meg dahil bilang isang no-boyfriend-since-birth ay wala pa siyang karanasan sa love at romantic relationships pero nagagawa niyang masagot ang bawat problema sa pag-ibig na natatanggap. Call it instinct or innate knowledge. Maybe she was born romantic and had natural penchant for love. Marami siyang ideas at fantasies tungkol sa pag-ibig.

Well, she liked to read romance novels and magazine articles about love. Iyon siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit feeling knowledgeable sa love at relationships si Meg. Ganunpaman, hindi tulad ng ibang hopeless romantic ay hindi siya masyadong idealistic. She was also realistic. Kaya siguro nakikita ng kanyang blog visitors na credible siya ay dahil realistic ang mga advice na ibinibigay niya at hindi hango sa romance novels o fairy tales.

“Hindi naman nila malalaman iyon, ‘no?” sagot ni Meg. “Unless sasabihin mo, walang makakaalam na ako si Miss Terry. Kaya nga ‘Miss Terry,’ ‘di ba? Kasi ‘mystery.’ Mysterious. Hindi nila dapat malaman na isang twenty-year old college student na no-boyfriend-since birth ang nagbibigay sa kanila ng love tips at advice.”

Umpisa pa lang ay pinlano na ni Meg na magiging unidentifiable siya. Wala siyang balak magpakilala bilang si Meryll Grace San Mateo. Nakakahiya kapag nalaman ng kanyang blog visitors and followers na wala talaga siyang karapatang magbigay ng love advice. She knew she would be ridiculed once her identity was exposed. Kaya bukod kay Eunice ay wala siyang pinagsabihang iba tungkol sa kanyang alter ego.

Umingos si Eunice. She had always been supportive of Meg but not with this one. Noong una ay na-amaze ito nang malamang siya si Miss Terry pero nang lumaon ay madalas na nitong kinokontra ang ginagawa niya. Kunsabagay ay may point naman ang kaibigan. Kumbaga sa isang doktor ay wala siyang lisensiyang manggamot.

But she enjoyed being a “love advisor.” Hindi basta-basta nagbibigay lang ng advice si Meg sa mga taong nanghihingi niyon sa kanya. Inilalagay niya ang sarili sa sitwasyon at iniisip nang mabuti ang gagawin kung siya ang nasa posisyong iyon. Kapag hindi siya sigurado sa nabuong idea, magbabasa siya ng articles mula sa Internet para mas maintindihan ang mga bagay-bagay na hindi pa niya nararanasan. Mukhang effective naman ang mga sinasabi ni Meg sa mga advice seeker dahil nagpapasalamat ang mga ito sa kanya at ang ilan ay totoong nasolusyunan ang mga problema.  

She knew some romance writers who had never experienced being in a relationship but they could write credible and realistic novels about love as if they had fallen in love a number of times already. Ganoon din siguro si Meg. Kaya niyang magbigay ng love advice kahit hindi pa niya nararanasang ma-in love nang totoo at magka-boyfriend.

“Kapag ba nagka-boyfriend ako,” tanong ni Meg kay Eunice, “magiging supportive ka na sa pagiging love advisor ko?”

 “Hindi pa rin. Kailangan mo munang magka-boyfriend ng at least five. Ma-heartbroken ng at least four, magkaroon ng sex life, mag-asawa at magka-edad para suportahan kita diyan.”

Binato niya si Eunice ng ballpen na nailagan naman nito. “OA mo. As if naman sa hitsura kong ‘to, magkaka-boyfriend ako ng lima.”

Well, hindi naman siya pangit. Hindi lang siya iyong masasabing may kapansin-pansing ganda. Kapag may nagde-describe sa kanya, parating may “matangkad” at “maputi” lang pero walang “maganda.” “May hitsura” lang. Isa pa ay hindi siya katulad ng mga karaniwang babae sa school. While most girls in school wore makeup and girly dresses, she had no interest in makeup and skirts.

Simple lang si Meg. She was the usual girl in ponytails clad in T-shirt, jeans and sneakers. Hindi rin siya ang tipo na masyadong pa-girl kung kumilos. Lumaki kasi siya kasama ang dalawang kapatid na lalaki. Usually, ang mga nagugustuhan ng boys in school ay iyong mga palaayos at feminine magsalita at kumilos. Kaya hindi siya pansinin at hindi ligawin. Isa pa ay intimidated din sa kanya ang mga lalaki dahil matalino siya. She was a consistent dean’s lister. And guys did not like smart girls, usually.

Kaya umabot siya ng twenty years old nang hindi nagkaka-boyfriend. Well, may ilan namang nagtangkang dumiga sa kanya—iyong mga lalaking ayaw ng high-maintenance girls at tipo ang brainy girls—pero hindi naman niya gusto ang mga ito. Occupied na kasi ng nag-iisang lalaki ang kanyang puso.

“Isang lalaki pa nga lang, hindi ko na makuha-kuha, lima pa kaya?”

Nagbuga ng hangin si Eunice. “Are we going to talk about Patrick again?”

Bumuntonghininga si Meg. Albert Patrick Domingo, Jr. Wala siyang ibang lalaking nagustuhan sa St. Catherine University kundi si Patrick. He was probably her first love. Kahit pa hindi sila. Kahit pa hindi siya kilala nito. At mukhang kahit kailan ay hinding-hindi mapapansin.

Patrick was a popular school dancer. Sa dance group ay ito ang pinakasikat at pinakamagaling. Not to mention, pinakaguwapo. Kaya naman marami ang humahanga sa lalaki. Isa na si Meg doon. Naa-amaze siya sa tuwing pinanonood itong sumayaw. She found his square jaw and dimples contradicting yet mesmerizing.

Tanggap naman ni Meg na hindi siya magugustuhan ng isang tulad ni Patrick. Unfortunately, isa ito sa mga lalaki sa school na gusto ng girly girls at pansinin ang ganda. In fact, he was currently dating Iris. Si Iris ang front woman sa dance group. Ito at si Patrick ang face ng grupo. Sa tuwing pinapanood ni Meg na nagsasayaw ang dalawa, parang dinudurog ang puso niya. Nahihiling niya na sana ay magaling din siyang magsayaw para makasali sa dance group.

Ang kaso ay hindi sa paggalaw siya binigyan ng talent kundi sa pagkanta. Miyembro si Meg ng school choral group. Para tuloy silang worlds’ apart ni Patrick. She was obviously the exact opposite of Iris. So there was no way he would even look at her.

“Well,” sabi ni Eunice na inilapag na ang mga papel at dinampot ang sariling laptop na nasa lapag. “I have good news for you. Break na daw sila ni Iris.”

Nanlaki ang mga mata ni Meg. “Totoo?”

Tumango si Eunice habang nakatingin sa screen ng laptop.

Kaya ba lately ay hindi niya nakikita ang dalawa na magkasama? Umiling-iling siya. “No. baka tsismis lang ‘yan. Dati, napabalita nang nag-break sila pero hindi naman pala totoo.”

“Totoo na this time. Ang source ko, walang iba kundi ‘yong pinsan mismo ni Iris. ‘Di ba, nabanggit ko sa ‘yo, new friends sila ni Jenny, ‘yong pinsan ko?”

Inilapag ni Meg ang laptop sa sahig. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. For a moment, nagdiwang ang kanyang loob pero nang ma-realize na kahit naman maging single si Patrick ay hindi ito mapapasakanya ay nawala ang excitement niya.

“Bakit daw sila nag-break?” curious na tanong niya.

Nagkibit-balikat si Eunice. “Hindi ko alam. Hindi rin alam ni Gia. Pero ang napansin daw niya, hindi nagpapakita ng signs si Iris na sobrang affected sa breakup. May ugali daw kasi si Iris na gano’n. Hindi showy ‘pag may pinagdaraanan. Pero puwede rin na kaya gano’n siya, siya ang nakipag-break.”

Medyo mataas kasi ang ere ni Iris. Kaya understandable na hindi ito nagpapakita ng vulnerability sa mga tao. Kaya hindi rin matukoy ni Meg kung tama ang theory ni Eunice.

“So, hindi rin alam ni Gia kung sino ang nakipag-break kanino?”

“Hindi. Walang binigay na details si Iris. Parang wala lang daw. Ang sabi lang daw ‘maybe we’re just not meant to be.’ Akalain mo ‘yon? Hindi pa sila meant to be no’ng gano’n. Three years silang tumagal. Parehong dancer so pareho ng hilig at talent. Parehong popular sa school. Visually, they look evenly matched. What went wrong? Nagkasawaan lang ba?”

Nagkasawaan? gagad ni Meg sa isip. Napatingin siya sa laptop na inilapag sa sahig kung saan naka-open pa rin ang e-mail ng blog visitor niyang si Joan. That was the exact possible reason why Joan’s boyfriend had been acting that way lately.

Posible bang nagsawa na si Patrick kay Iris? O si Iris kay Patrick? O mutually?

Ang sabi sa nabasa kong article, sa umpisa talaga ng relasyon ay matindi pa ang excitement at passion ng isang magkapareha. Pero habang tumatagal na magkasama ang mga ito ay unti-unting humuhupa ang intense feelings na iyon. Walang ipinagkaiba sa isang maganda at bagong labas na kanta na noong una ay napapaindak pa ang isang tao tuwing pinakikinggan. Paulit-ulit iyong pinakikinggan hanggang sa maging normal na awitin na lang iyon at mawalan na ng dating epekto sa nakikinig. O sa isang bagong sapatos na excited pang isuot sa umpisa pero habang tumatagal ay pinagsasawaan na hanggang sa hindi na muling isuot.

The romance was the most exhilarating part of a relationship. The first few years of a relationship were the passionate stage of romantic love. After that stage, lovers would fall out of romantic love. When the passion subsided, couples would begin to see or become less tolerating of the not-so-good traits of their partners, their differences and difficulties in their relationship that they had chosen to overlook before. When a couple chose to stay with each other even after the intense passion had vanished, then that was true love.

Iyon mismo ang planong isagot ni Meg sa letter ni Joan. Falling out of romantic love was a normal occurrence for couples who had reached two years and up together. If they stayed together after falling out of romantic love, then they were on their way to finding true love with each other.

Patrick and Iris obviously had given up on each other. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na ma-discover ang true love pagkatapos ng passionate stage. Siguro ay tama si Iris kung ganoon. They were not meant to be. Because if they were, they would recognize true love after the passion subsided.  

“Happy ka ba?” tanong ni Eunice.

Somehow, she felt relieved. Hindi kasi maikakaila ni Meg na sa tuwing nakikita sina Patrick at Iris ay nagseselos siya kahit alam niyang wala siyang karapatan. Pero kung si Patrick ang aggrieved party, malulungkot siya para sa lalaki.

“As if naman may mapapala ako sa breakup nila, ‘di ba?”

“Ano ka ba? Bakit ba iniisip mo na hindi ka puwedeng magustuhan ni Patrick? Por que ba popular siya sa school, ikaw hindi? Por que ba magaling siyang sumayaw, tapos ikaw parehong kaliwa ang mga paa? Por que ba hindi ka mukhang girl kasi para kang manununtok sa porma mo?”

Ibinato ni Meg kay Eunice ang throwpillow na nasa lapag.

“Nakakarami ka na, ha!” tumatawang sikmat nito.

“Gusto mo pa?” Iniamba niya ang laptop.

“Hindi, pero seriously speaking, baka kapag naayusan ka, magkadating ka. Try mo kayang mag-makeup at magsuot ng dress sa school? Baka bigla kang mapansin ni Patrick.”

“Tigilan mo nga ako, Eunice. I don’t want to act like someone else. Kung may magkakagusto sa ‘kin, dapat magustuhan niya ako sa totoong ako.”

“Kahit pa si Patrick Domingo na ang usapan?”

“I don’t think magugustuhan niya ako just because naka-girly dress ako at naka-makeup. Hindi naman siguro siya ganoon kababaw.”

“Pero at least, mapapansin ka niya. Ikaw na rin ang nagsabi, sa physical attraction madalas na nagsisimula ang lahat.”

“But I’ve told you that I hate it. I hate the fact that everything starts with physical attraction. Mas maganda sana kung hindi ganoon ang normal setup. It would’ve been better if people fall for a person’s soul first.”

“But that’s not the case. Hindi naman kasi nakikita ang kaluluwa.”

Meg feigned a laugh at her friend’s supposed joke.

“So, anong balak mo?” tanong ni Eunice.

“Balak?” Hinila niya mula sa kaibigan ang mga papel na hawak nito at in-skim iyon. “Wala. Anong babalakin ko? Alam mong sobra akong mahiyain pagdating sa kanya. Let alone magpapansin pa sa kanya dahil nalaman kong single siya. Besides, ako yata ‘yong total opposite ni Iris kaya imposible talagang magkainteres siya sa akin kahit pa magpa-girl ako.”

Nagkibit-balikat na lang si Eunice. “Enough of Patrick and Iris. Ituloy na natin ‘tong ginagawa natin.”

Binabasa ni Meg ang printed materials pero wala roon ang kanyang atensiyon. Iniisip niya kung kumusta kaya si Patrick ngayon. Nasasaktan kaya ito ngayon? Kung puwede lang niyang damayan ito ay ginawa na niya.

In her dreams, she wanted Patrick to be hers. But since she knew it was unlikely, she just wanted him to find someone who would truly love him and make him happy.

Note: This preview is unedited.

Photo by Vlad Bagacian from Pexels

About Author

One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.