Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] The Naked Ruth

CHAPTER TWO

PINAGMASDAN ni Ruth kung paano dumampot ng coffee cup si Romeo at kung paano nito iyon idinikit sa mga labi. Lalaking-lalaki ang boses at paraan nito ng pagsasalita. Deep inside, mangha-mangha siya. Wala talagang ka-trace-trace na isa itong beki. Kung hindi lang niya nakausap ito sa loob ng dressing room noong photoshoot, inisip niyang nagmilagro ang langit at bigla itong naging straight.

Nasa kasulok-sulukan sila ng isang coffee shop. Malungkot ang mga mata ni Romeo. Dapat ay nakikisimpatya si Ruth sa pait na nararamdaman nito habang ikinukuwento sa kanya ang tungkol sa recent ex pero nakaka-distract kasi ang mga kilos nito. Pati pag-e-emote naman kasi, barako style. Kahit kung sakaling may lumapit sa kanila sa sulok na iyon, hinding-hindi maiisip na lalaki ang ex na tinutukoy ni Romeo.

Guwapo na ito noon. Pero ngayon, three times yata ang iginuwapo ng bruha.

Habang malungkot na ikinukuwento ni Romeo kung paano ito pinagtaksilan ng ex, pasekretong naglalandas ang paningin ni Ruth sa umbok ng biceps nito. Sino’ng mag-aakala na magkakaroon ito ng ganoon kalalaking mga braso? Ng ganoon ka-yummy na abs? Ng ganoon kalalaking biceps at katambok na pectorals?

Napabuntunghininga si Ruth. Bakit kasi kailangang maging Barbie pa si Romeo? Kung naging straight lang ito, baka hindi niya napigilang dambahin ito ngayon at sibasibin ang sexy lips nito.

“Ruth!”

Napapitlag siya. “Huh?”

“Are you listening?”

What the heck was she thinking a while ago? Gusto niyang lamusukin ng halik ang mga labi ng baklang ito?

“O-oo naman.”

Nagbuga ng hangin si Romeo. “Aminin mo. Hindi ka nakikinig.”

“S-sorry.”

“Naisip mo rin ba `yong ex mo?”

“Hindi. Wala na akong pake sa mga ex ko.”

“Eh, nasa’n ang isip mo kanina? Halatang nagpa-fly-laloo a while ago.” Tumikhim si Romeo. Siguro ay na-realize na hindi dapat ito gumagamit ng beki lingo in public dahil kailangang lalaking-lalaki ito. “Lumilipad `yong isip mo.”

“Huh? Uhmm…” Dinampot ni Ruth ang coffee cup at uminom muna bago sumagot. “Iniisip ko kasi `yong guy na crush na crush ko dati. Recently kasi… nakita ko ulit siya.” Humigop ulit siya ng kape.

“Na-realize mong crush mo pa rin siya until now?”

Muntik nang maibuga ni Ruth ang kapeng hinigop. “P-paano mo… nasabi?” Inilapag niya ang baso sa mesa.

“Eh, kasi iniisip mo siya. Guwapo ba?”

Napatitig siya sa guwapong mukha ng beki. Tumango siya. “Sobra.”

Mukhang na-excite si Romeo. Wala itong kamalay-malay na ito ang tinutukoy niya. “Single?”

Tumango ulit siya.

“Eh, ano pa’ng hinihintay mo? Go get him!”

Napatanga si Ruth. “Huh?”

“Obviously, hindi ka niya pinansin noon pero puwedeng iba na ang sitwasyon ngayon. Sa ganda at sexy mong `yan, siguradong hindi ka niya tatanggihan kapag nagpakita ka ng interest.” Tinapunan nito ng tingin ang bandang dibdib ni Ruth. “Babaan mo lang nang kaunti `yang neckline ng suot mo. Walang lalaking hindi naaakit sa deep cleavage.”

“Talaga?” Na-imagine niya na pinapakitaan niya ng deep cleavage si Romeo pero kahit sa imagination, nakita niyang nagsususuka ang bakla.

Tumango ito. “Kapag hindi nakuha sa deep cleavage, ibang ‘deep’ ang i-offer mo.” Ngumisi ito. “Siguradong bibigay na `yon.”

“Ano’ng ‘deep’ `yan?”

“Deep throat.”

Napanganga siya. Muntik na niyang hampasin ang beki. Ganoon ba ang ginagawa ni Romeo sa mga lalaking inaakit nito?

“`Yan.” Itinuro siya ni Romeo. “Lakihan mo pa ang buka. `Tapos kahit habang subo mo, don’t forget to combine it with a hand job. That’s the rule of thumb.”

Parang gustong mapaluha ni Ruth sa mga naririnig. Ilang “hotdog” na ba ang na-deep throat ng baklang ito? Ilang “saging” na ang na-hand job nito?

Hindi na niya kaya pang marinig ang mga pinagsasabi ng beki. Mukhang nagulat si Romeo sa bigla niyang pagtayo.

“Bakit?” nagtatakang tanong nito. “Ano’ng nangyari sa `yo?”

“Naiihi ako!” Lumakad siya papunta sa ladies room kahit hindi naman siya totoong naiihi.

Sa banyo ay pinagtatampal ni Ruth ang mga pisngi habang nakatayo sa harap ng bathroom mirror. Ano’ng nangyayari sa `kin? Pinagseselosan ko ba `yong mga hotdog at saging na iyon?

Paglabas niya mula sa banyo ay natanaw niya ang ilang kababaihang nakakumpol sa mesa nila ni Romeo. Kilig na kilig ang mga babae habang nakikipag-selfie sa beki na alam niyang umaakto lang na nag-e-enjoy sa atensiyon ng chicks pero ang totoo ay malamang na gusto nitong sabunutan ang mga babae at bugawin paalis dahil nandidiri ito sa kanila.

Napabuntunghininga si Ruth. Kung malalaman ng mga babaeng iyon na kanina lang ay pino-flaunt pa sa kanya ni Romeo ang blow job expertise nito, baka magsihimatayan ang mga buwitre.

—–

UM-ARAY si Ruth nang hampasin ni Joyce ang kanyang ulo pagkatapos niyang sabihin dito na feeling niya ay attracted na naman siya kay Romeo.

“Ipatingin mo na `yang ulo mo,” asik ni Joyce. “May sira, baks! May sira `yang ulo. Hindi normal `yang ganyan. Hindi normal na ma-attact ka sa bakla. Ni wala ngang tawag sa isang katulad mo, eh. Kapag ang babae, nagkagusto sa kapwa niya babae, lesbiyana. Kapag ang lalaki nagkagusto sa kapwa niya lalaki, bakla. Kapag ang isang lalaki o babae, nagkagusto sa parehong babae at lalaki, bisexual. Pero kapag ang isang straight na babae, nagkagusto sa bakla… baliw. Baliw ang tawag do’n. Kaya magpatingin ka na sa psychiatrist. At baka sa susunod, makita na lang kitang nangre-rape ka na ng mga bakla.”

“Ang OA mo.” Inagaw ni Ruth mula sa kaibigan ang throw pillow na kulay apple green at nilagay sa kandungan niya. Buong apartment ni Joyce ay iisa lang ang kulay—green. Iba-iba lang ang shades. “Kahit naman ikaw, `di ba, naglaway no’ng nakita mo siya sa photoshoot noon? Lalaki pa rin siya. Hunk. Guwapo. May etits…”

“At gusto rin ng etits.” Nag-roll ng mga mata si Joyce. “Hindi ko alam na closet gay siya kaya pinagnasaan ko nang slight. Pero noong sinabi mo sa akin na siya si Romeo na first love mong beki, naglahong parang bula `yong pagnanasa ko. Gano’n ang nangyayari sa normal na tao. Kaya ikaw, hindi `yan normal. Alam mong beki siya pero nagnanasa ka pa rin.”

Nagpakawala ng frustrated sigh si Ruth. “Hindi ko nga rin maintindihan `tong sarili ko. Alam ko namang hinding-hindi niya ako papatulan. Pero totoo yata talagang love has no gender.”

Ngumanga si Joyce. “So, in love ka ulit?”

Sa nakalipas ng mga araw, madalas silang magkita ni Romeo. Nag-kape sila minsan habang nagtsitsikahan sa naging buhay ng isa’t isa sa nakalipas ng labing-isang taon. Nag-dinner din sila minsan at dinala na siya ng beki sa condo unit nito. Sabay silang nagpunta sa fitness gym noong isang araw. Kahit panay ang lihim na pagsipat ng bakla sa puwit ng mga machong lalaki sa gym, nagawa pa rin talagang ma-turn on ni Ruth nang ngitian at kindatan siya ni Romeo habang sabay silang naglalakad sa treadmill.

Pakiramdam ni Ruth, bumalik ang dating feelings niya para sa beking first love. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa baklang iyon at kayang-kaya nitong bihagin ang puso niya kahit mas babae pa ito kung kumilos kaysa kapag silang dalawa na lang.

“Gano’n na nga yata. Bumalik yata `yong feelings ko para sa kanya noon.”

Ginulo ni Joyce ang red na buhok. “Maloloka ako sa `yo!”

“Mars, ano’ng gagawin ko?”

“Ano’ng gagawin mo? Gaga, eh `di, layuan mo siya. Hindi kayo talo. Alam mo `yan. Sigurado, kapag nalaman niyang pinagnanasaan mo siya, mandidiri `yon at lalayuan ka rin naman. So, mas mabuti nang ikaw na lang ang lumayo para hindi ka masyadong ma-hurt kapag binasted ka ng bakla.”

Natahimik si Ruth. Kaya ba niyang layuan ang guwapong baklang iyon? Noong nakasama ulit niya si Romeo, na-realize niya kung gaano niya na-miss ito. Kaya baka hindi niya mapangatawanan na layuan ito. Ngayon pang “beshie” na ang tawag ng beki sa kanya? Mukhang wala na itong balak na layuan ulit siya.

—–

KINAWAYAN ni Ruth si Joyce nang makita itong pumasok sa entrada ng coffee shop. Ready na ang caramel macchiato nito sa mesang inookupa niya.

“Bakit gusto mong makipagkita?” tanong ng kaibigan nang makaupo sa silya sa tapat niya sa mesa. “Kahapon lang nasa bahay kita. Masyado ka na yatang nagiging clingy now-a-days. Epekto ba `yan ng medyo matagal-tagal nang walang dyowa o epekto ng nagkakagusto ka na naman sa bakla?”

Hindi niya pinansin ang pabungad na pang-o-okray ni Joyce. “May nalaman kasi ako. Naalala mo `yong baklang naging classmate natin noong high school na patay na patay sa crush mo noong si Frederick?”

“Ah, `yon? Si Ramoncito. Ramona sa gabi. Mona sa madaling-araw.”

“Oo! Heto na siya ngayon.” Ipinakita niya sa kaibigan ang picture ng dati nilang kaklase sa kanyang cellphone. Family picture iyon.

Nanlaki ang mga mata ni Joyce habang nakatingin sa picture. “Oh my god!”

“Oo, oh my god talaga, mars!

Nag-angat ng mukha ito. “Ganap na siyang girl?”

“Gaga! Hindi siya `yong nanay diyan. Siya `yong tatay.”

“Tatay?” Ibinalik ni Joyce ang tingin sa picture. Napanganga ito. “Nag-asawa siya? Sabagay, marami namang bading na nag-aasawa ng babae. Ewan ko ba kung anong trip n’yo. Bading pero nag-aasawa ng babae. Straight woman pero nagkakagusto sa bading. `Lakas ng mga topak n`yo.”

“Hindi na siya bading, mars. Straight na siya ngayon!”

“Gaga? Irreversible ang homosexuality. Imposible `yang sinasabi mo.”

“Oh, eh `di panoorin mo `yong vlog ni Ramoncito.” Binawi niya ang cellphone mula sa kaibigan. “Ikinuwento niya `yong journey niya from being gay to being straight.”

“Kalokohan! Gusto lang niyang kumita sa YouTube. Naka-monetize malamang kaya nagkakakuwarta siya sa views.”

“Panoorin mo muna bago mo siya i-judge.”

“Alam mo, bakla, tigilan mo `ko. Alam kong gusto mo lang maniwala kasi gusto mo ring maging straight si Romeo mo na Juliet sa gabi at Lily `pag may dini-deep throat.”  

Pinandilatan ni Ruth ang kaibigan. Umirap lang ito.

“Tigilan mo na si Romeo. Malabong iwan niya `yong mga hotdog para sa tahong mo. Maghanap ka ng iba. `Yong straight tulad ng dalawang ex mo. Para hindi ka na lumayo, `yong pinsan na lang niyang kasing guwapo niya ang pagnasaan mo. Nakita ko siya sa Trinoma last week. In fairness, may hawig sila. Matangkad din, hunk… Pero `yon, straight na straight. Siguradong papatulan ka no’n.”

Si Travis ba ang tinutukoy ni Joyce? Ang pinsan ni Romeo na kasing-edad nito. A month ago lang ay nakita niya ito na may kaakbay na isang seksing babae sa isang lobby ng hotel. Totoong guwapo at matipuno si Travis. Ang angas din ng trabaho—pilot. Kaya naman ang daming babae ang nababaliw dito. Maraming babae ang nailipad na nito sa “langit.” Nuknukan ng playboy ang hinayupak na iyon. Kaya siguro nagpiloto ay para kada mapuntahang bansa ay may maka-fling na ibang lahi.

Schoolmate rin nila dati si Travis. Noon pa man ay habulin na ng mga babae at certified chickboy ang loko. Nalawayan na yata nito ang buong cheerleading squad, naka-date ang lahat ng school beauty pageant titlists at pati isang student teacher na babae ay natsismis na pinatulan din nito kaya ganoon kataas ang grade sa isang subject.

Nagbuga ng hangin si Ruth. “Gusto mo akong magkagusto sa isang playboy?”

“At least, babae ang gusto niya, hindi kapwa niya lalaki.”

“Mas mainam pang mabaliw na ako sa isang beki kaysa sa isang playboy. Parang mas may pag-asa pang magmahal ng babae ang mga beki kaysa sa mga playboy na tulad ni Travis. Tingnan mo si Ramoncito, nagpakasal sa babae. Pero si Travis, hanggang ngayon, nagbibilang pa rin ng mga babae.”

“Magseseryoso rin ng babae si Travis kapag nahanap na niya `yong babaeng magpapatibok ng puso niya.”

Napanganga si Ruth. Natuloy iyon sa paghalakhak. “Asa ka. Hindi marunong magmahal ang mga tulad niya.”

Napansin ni Ruth na nakatitig sa kanya si Joyce na parang may iniisip.

“Ano? Tama naman ako, `di ba? Gusto lang niya ng sex at good time. Wala silang kakayahang magmahal.”

“Iniisip mo pa rin ba `yong tatay mo?”

“Oo! Naaalala ko sa kanya `yong tatay kong walanghiya na nagkalat ng lahi sa buong Pilipinas. Hanggang ngayong matanda na si Pablo, wala siyang pinakasalan ni isa sa mga naanakan niya. Ngayon, sabihin mo sa `kin, hindi ba valid `yong tingin ko sa mga playboy?”

Inanakan lang ng dating sikat na matinee idol na si Pablo Legaspi ang nanay niya at ni hindi siya sinustentuhan. Mabuti na lang at may isang binatang nagmahal sa kanyang mama na pinakasalan ito kahit may anak na ito sa ibang lalaki.

“Hindi naman lahat ng playboy, tulad ng tatay mo. Merong totoong nagbabago. Pero ang mga beki, forever beki. At `yang Ramoncitong `yan, fake `yan. Either gusto lang niya ng attention o pera from YouTube views o trip niya lang lokohin ang sarili niya. `Wag kang magpa-scam sa baklitang `yan. At tigilan mo na `yang pagnanasa kay Romeo. Masasaktan ka lang.”

CLICK THE PAGE NUMBER BELOW TO CONTINUE READING

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

3 Comments

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.