The Naked Ruth
First love ni Ruth si Romeo. At kahit nalaman niyang isa pala itong paminta ay hindi nagbago ang damdamin niya para sa closet queen.
After several years, nakita ulit niya si Romeo. Isa na itong borta. Pa-mhin pa rin ang baklita. Pero muli ay na-fall siya sa beki na may six-pack abs. Kasabay niyon, natuklasan ni Ruth na hindi raw totoong totally irreversible ang kabadingan. Kaya naisip niyang may pag-asa pang maging straight si Romeo. Naging desidido siyang gawing tunay na lalaki ang first love at paibigin ito.
Sinubukan ni Ruth ang halos lahat ng subtle seduction stunts na alam niya pero walang tumalab sa mga iyon kaya naman humantong siya sa isang desisyon. Kung kinakailangang maghubad siya sa harapan ni Romeo ay gagawin niya para ma-reverse ang sexual preference nito.
Ang kaso, nang maghubad siya, hindi si Romeo ang nakakita ng kahubdan niya kundi ang pinsan nitong si Travis na asar na asar siya dahil nuknukan sa pagka-playboy!
Read the preview HERE
Buy a copy HERE
Also available in SHOPEE
Download the e-book format in KOBO
Published on: March 17, 2021