Book Preview,  Upcoming Books

[PREVIEW] The Naked Ruth

‘SABI NILA, the best way to a man’s heart was through his stomach. Kaya naman nang pumunta si Ruth sa pad ni Romeo ay nagprisinta siyang magluto ng dinner nito. Kasama iyon sa naisip niyang paraan kung paano makukuha ang puso ng beki. Ang goal niya sa ngayon ay maging super attached sa kanya ito. Iyong tipong ma-realize ni Romeo na hindi na nito kayang mabuhay nang wala siya. Kung magugustuhan nito ang luto niya ay hahanap-hanapin siya nito.

Habang abala sa kitchen area ay lumapit ito sa kanya at nag-alok ng tulong.

“No, just sit there. Noon ka lang muna ng TV habang naghihintay.”

“No, I want to help. Konti pa lang ang alam kong lutuin until now. I need to learn more recipes. Para kapag nag-asawa na `ko, marunong na rin akong magluto.”

Natigil si Ruth sa paghihiwa ng carrot at napatingin sa beki sa nanlalaking mga mata. “May balak kang mag-asawa?”

“Oo naman! Basta kapag nahanap ko na si Mr. Right, aamin na ako sa daddy ko. Then magtatanan kami ng dyowa ko kapag hindi ako natanggap ni Daddy.”

Nalaglag ang mga balikat niya sa narinig. Hindi nga naman limited sa magkaparehang may opposite sex ang pag-aasawa. In fact, kung aalis uli ng bansa si Romeo ay puwede pa itong makapagpakasal doon. At saka sa lamya ng boses nito ngayon, naisip talaga niyang posibleng mag-asawa ito ng babae?

“Ikaw?” tanong ni Romeo habang binabalatan ang patatas na nakita sa counter. “Kailan ka mag-aasawa? `Di ba, next year, thirty ka na? Baka need mo nang mag-asawa. `Di ba dapat nasa mid-twenties until late twenties, may-asawa na ang girls?”

Bumuntunghininga si Ruth. Mukhang malabo ang makapag-asawa siya kaagad dahil wala siyang karelasyon sa kasalukuyan. Maliban na lang kung mapikot niya ang baklitang ito.

“Okay lang `yon. Iba na ang normal marrying age ngayon dahil marami nang career woman ngayon kaysa noong panahon ng mga nanay at lola natin na sa pagiging misis lang ang bagsak ng lahat ng mga babae kaya hindi kailangang patagalin pa bago mag-asawa.”

“Hindi mo pa rin naaakit `yong first love mo?”

“Hindi pa.” At mukhang mahihirapan talaga siyang maaakit ito. Iniisip pa rin niya kung dapat niyang ipagtapat ang damdamin kay Romeo o ipagpatuloy ang subtle na pagpapaibig dito.

“Ang hina mo, girl! Kung ako ang may katawang ganyan, nakuha ko na siya.”

Kung alam lang nito ang ginawa niya two weeks ago sa pad nito. Ginamit niya ang katawang iyon pero iba ang nakakita ng kahubdan niya at ngayon ay parang asong nabitin sa butong binubuntutan siya ng pinsan nito.

“Sino ba `yon? Bakit parang ang choosy niya masyado para walang talab ang beauty mo sa kanya? Ano’ng pangalan? Patingin nga ng face niyan.”

“`Wag na muna. Baka ma-type-an mo din. Ayokong pagnasaan mo rin siya.”

“Gaga! As if naman makukuha ko `yon. Ikaw ngang maganda at may pechay, dine-deadma, ako pa kaya?” Biglang suminghap ito. “Oh my god… hindi kaya closet gay din siya like me kaya deadma sa beauty mo?”

Closet gay nga talaga siya at ikaw mismo `yon, gaga, sabi niya sa isip. “Hindi, no!”

“Well then, I think you need to work hard, girl.”

Tumunog ang cellphone ni Romeo na nasa sala kaya bumalik ito roon. Hindi niya naririnig kung sino ang kausap nito dahil maingay ang TV na kaharap ng beki pero lumingin ito sa kanya habang nakikipag-usap sa tumawag.

“Sino `yon?” tanong ni Ruth nang bumalik ito sa kusina.

“Si Travis.”

“Bakit daw?”

Mukhang hindi inaasahan ni Romeo na magtatanong siya kung ano ang pinag-usapan nila ng pinsan nito sa telepono. Hindi kasi dapat siya nag-uusisa nang ganoon tungkol sa personal calls nito.

“Nakahalata ba siya?” patuloy ni Ruth para i-justify ang pagtatanong.

“Huh?”

“Iba kasi `yong tingin niya sa `tin habang kasabay natin siyang mag-gym two days ago.”

Suminghap si Romeo. “Beshie… ano’ng ibig mong sabihin?”

“Wala lang. Na-paranoid lang ako. Iba kasi `yong tingin niya sa `tin. Para bang may alam niyang nagpapanggap lang tayo.”

Nanlaki ang mga mata nito. “No way…” Halatang nag-isip ang beki. “Hindi naman niya alam na mermaid ako so bakit niya maiisip na nagpapanggap lang tayo?”

Kating-kati ang dila niyang sabihin na mali ng iniisip si Romeo pero alam niyang wala siya sa posisyong sabihin ang tungkol doon.

“Kulang pa ba `yong sweetness ko sa `yo noong nasa gym tayo?”

Naalala ni Ruth ang ilang beses na pag-akbay at paghawak ni Romeo sa baywang niya noong araw na iyon. Nagpapunas din ito sa kanya ng pawis at nagpaasikaso na parang isang tunay na boyfriend. Somehow ay may naging pakinabang sa kanya ang unwelcome presence ni Travis nang araw na iyon.

“Baka nga kulang pa. Baka dapat ni-lips to lips mo `ko sa harapan niya.” Sinundan niya ng tawa ang sinabi para kunwari ay nagbibiro lang siya.

Umungol si Romeo na wagas ang lukot sa mukha. “Do we really need to go to that extent?”

Nagkibit lang ng balikat si Ruth habang nakangisi. Pumunta siya sa harapan ng stove.

“Pero hindi naman natin kaya `yon. Sa cheek lang siguro.”

Lihim siyang napangiti habang kumukuha ng frying fan sa ibabang cabinet. Ano kaya ang pakiramdam ng madampian ng mga labi ni Romeo sa mga pisngi?

Bigla ay bumalik sa isip ni Ruth ang pagdampi ng mga labi ni Travis sa leeg niya pababa sa kanyang dibdib nang gabing iyon. Nabitiwan niya ang hawak na frying fan nang maramdaman ulit ang pagguhit ng init sa bandang puson niya sa alaalang iyon.

“What happened?” tanong ni Romeo habang lumalapit sa kanya.

“Dumulas lang sa kamay ko `yong handle.”

Tumayo na si Ruth at inilagay sa stove ang kawali. Bakit kailangang bumalik sa isip niya ang sandaling iyon? At bakit parang naapektuhan siya sa pagbabalik ng alaala?

Tumunog ulit ang cellphone na hawak ni Romeo. “Huh? Why?” Mukhang nabahala ito sa sinabi ng kausap sa kabilang linya. “Fine.” Pinatay nito ang tawag at tumingin sa kanya. “Maybe you can kiss me on the cheek later if it’s okay with you.”

“Huh?”

“Travis asked if he could come over now. He’ll join us for dinner. Hindi ako puwedeng tumanggi dahil baka isipin niya ngang may itinatago tayo.”

Nanlaki ang mga mata niya. “What?!”

—————————————————

HINDI napigilan ni Travis ang mapangiti sa mabilis na pagpapapalit-palit ng ekspresyon ng mukha ni Ruth. Nakangiti ito kapag titingin o babaling si Romeo rito pero kapag hindi nakatingin ang pinsan niya ay parang nagliliyab ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Well, he could understand why she was upset. It looked like she was planning something for Romeo tonight but she would not be able to do it because Travis came. Tinawagan niya si Romeo kanina para yayain itong uminom sa bar pero sinabi ng pinsan na hindi ito puwedeng lumabas dahil nasa pad nito ang “girlfriend” at ipinagluto ito ng dinner.

Gusto na kasing sabihin ni Travis sa pinsan na alam niya ang sikreto nito. Tuloy ay papayuhan niya itong umamin na sa ama para makawala na si Ruth sa panggagamit nito. Nang dahil sa paglilihim ni Romeo sa tunay na sekswalidad ay hindi nito sinasadyang bigyan ng pagkakataon si Ruth na mapikot ito.

Pagkatapos tawagan si Romeo kanina ay naalala ni Travis ang binitiwang mga salita ni Ruth noong pinuntahan niya ito sa isang coffee shop. Parang kampanteng-kampante ito na magagawa talagang straight si Romeo. Bigla niyang naisip na posibleng hindi mismo iyon ang gustong gawin ng babae. She could resort into forcing Romeo into marrying her. Kung mabubuntis si Ruth ay posibleng ipakasal ni Uncle Dan ang anak sa babae dahil hindi papayag ang tiyo niya na magkaroon ng apong bastardo.

Napatingin si Travis sa mga pagkaing inihain ni Ruth sa dining table. May pork adobo, chopseuy at baked stuffed fish. May aphrodisiac bang inilagay roon ang babae? Tumigil ang tingin niya sa brownies na nakalagay sa isang maliit na plato. O baka sinamahan na rin ng drugs. A gay man would not probably mind screwing a woman when stoned.   

Puwede rin namang hindi na itinuloy ni Ruth ang paghahalo ng kung anuman sa kakainin ni Romeo dahil nalaman nitong darating siya at hindi na magagawa pa ang kung anumang pinaplano sa pinsan niya. Kaya siguro ganoon katalim ang tingin sa kanya ng babae dahil mauunsiyami ang pamimikot nito kay Romeo.

“Why aren’t you eating yet?” tanong niya at sinimulan nang damputin ang serving spoon ng adobo dahil mukhang walang balak magsimula ang dalawa sa pagkain. Ruth was busy glaring at him and Romeo was probably still wondering why Travis had to join a “couple’s” private dinner.

“Don’t do this again, Travis,” bilin ni Romeo sa pinsan sa lalaking-lalaking tono. “Don’t barge into a couple’s private time again.”

Natigil sa pagsandok ng ulam si Travis at tinitigan ang seryosong mukha ng pinsan. Mukha talaga itong boyfriend na nabitin sa private moment kasama ang girfriend. He could pass for a great actor. Bakit hindi nag-artista ang pinsan niya?

Umangat ang isang sulok ng mga labi niya. “Ah, dude… don’t be upset. Gusto ko lang namang tikman ang luto ng girlfriend mo. No’ng sinabi mo kasi sa `kin sa phone na ipinagluto ka ni Ruth, parang sobrang proud ng tono mo. Kaya naisip ko, ang sarap sigurong magluto ng girlfriend mo. Na-curious ako. Plus I was hungry.”

Lumarawan ang pagka-proud sa mukha ni Romeo. “Oo naman. Sobrang sarap niya magluto. Kaya kapag cheat day at siya ang nagluluto, napaparami ang kain ko.” Bumaling ito sa katabi.

Tinapunan ni Travis ng tingin ang braso ng kanyang pinsan na awtomatikong sumampay sa balikat ni Ruth. Nakangiti ang babae habang magkaharap ang mukha ng dalawa. Ah, they looked like a real couple. May pakiramdam siyang maaalibadbaran na naman siya sa pag-arte ng mga ito. He had enough of it at the golf club and in the fitness gym.

“Kaya mahal na mahal ko `to, eh,” patuloy ni Romeo nang humarap na ulit sa kanya. “She’s good at everything. I’m so lucky to have her.”

Humagikgik si Ruth na mukhang hindi umaarte para sa kanya kundi para kay Romeo. “Honeybunch naman. You’re overrating me.”

Travis groaned in disgust. “Stop it. You’re cringey.”

Ngumisi si Romeo. “You should start falling in love, dude. Para naman maka-relate ka sa sweetness namin.”

Sinimulan ni Ruth na lagyan ng ulam ang plato ng katabi. Mukhang feel na feel nito ang pagiging isang maasikasong “girlfriend.”

Tumawa si Travis sa sinabi ng pinsan. “Dude. Hindi sweetness ang tawag diyan sa ginagawa n’yo. It’s more on ‘cheesy romantic crap.’”

Umiling-iling si Travis. “Ah, Travis… I hope you find the girl that would sweep you off your feet and make you do the cheesiest and the silliest things.”

Travis groaned. Why did it feel like Romeo just put a curse on him? “Kain na nga lang tayo.”

Nang magsimula siyang kumain ay nagsimula na ring magsubuan ng pagkain ang dalawa. Kahit masarap ang mga iniluto ni Ruth ay parang gusto niyang isuka ang mga iyon sa nasasaksihan. Alam ng babae na wala namang silbi ang pagpapanggap bilang girlfriend ni Romeo sa mga oras na iyon dahil alam nitong aware siya na gay ang pinsan niya pero ginagalingan pa rin nito ang pag-arte para makatiyansing kay Romeo. This woman was obviously enjoying this. She was taking advantage of Romeo’s situation.

Hindi pa rin talaga niya maintindihan kung bakit parang patay na patay si Ruth kay Romeo sa kabila ng sexual orientation nito. Yes, his cousin was good-looking but he liked boys, too. Bakit hindi iyon maintindihan ni Ruth?

All of Romeo’s life, he just wanted to be free to express who he really was but Ruth seemed to want to trap him all the more. Kung tama ang hinala niyang gustong pikutin ng dalaga si Romeo, lalong hindi makakawala ang pinsan niya sa matagal nang pinagkakulungan nito.

Right. He was there to save his cousin from this scheming woman. He would save Romeo while trying to save his own dick from extinction.

“Ang sarap naman nito, honeybunch!” bulalas ni Romeo habang ngumunguya. “The best ka talaga.”

Napatitig si Travis kay Ruth habang nakikipagngitian ito kay Romeo. Halatang kilig na kilig kahit alam na umaarte lang ang pinsan niya. She had a beautiful smile. Too bad he had never smiled at him even once.

Didn’t he go here to ruin her plan? Pero bakit mukhang nag-e-enjoy pa rin ang babae kahit naroon siya? How about if he also ruin that smile tonight?

“I rarely see couples act like that in front of a third wheel,” kaswal na komento ni Travis habang kumakain. “You must be really in love with each other. Kahit kasi may ibang tao, hindi n’yo mapigilan.”

Ngumisi si Romeo. “Obvious ba, dude? Nagkabalikan pa nga kami after so many years.”

Tinapunan ni Travis ng tingin si Ruth at nakita niya ang paghihinala sa mga mata nito. Iniisip siguro nitong nandoon siya at nagpapanggap na walang alam para paglaruan ang sitwasyon ng pinsan.

“Bakit nga pala naisipan n’yong magkabalikan?”

“Because love is lovelier the second time around,” sagot ni Romeo.

“Really?” maang-maangang reaksiyon niya.

“I never really had a proper relationship with a woman after her. Si Ruth ang first girlfriend ko. She was also my first love. Kaya siguro noong nagkita ulit kami, sparks flew again between us. So, we decided to come back with each other.”

Travis stuffed his mouth with food to keep himself from laughing. Sparks flew, my ass, sabi niya sa isip.

“What about you, Ruth?” Hindi niya pinansin ang nagbabantang tingin ng babae. “Bakit binalikan mo si Romeo? I heard the reason why your relationship had ended then was because he did not want a long-distance relationship. He broke up with you.”

Ngumiti si Ruth pero halatang pilit. “Bumalik `yong feelings ko para sa kanya noon, eh. And I wasn’t able to fight it. But you will only understand why I had to be with him again unless you have experienced loving someone before. Pero ang sabi, hindi ka raw nagkaroon ni isang serious relationship with a woman. Ibig sabihin, hindi ka pa nai-in love kaya kahit ipaliwanag ko sa `yo kung bakit ko binalikan si Romeo, hindi mo maiintindihan.”

May pagkain pa sa loob ng bibig si Travis pero saglit siyang natigil sa pagnguya habang nakikinig sa mahabang reply ng babae. Kanina pa tahimik si Ruth pero nang magsalita ay para siyang pinukol ng tinidor nito. Siya pa ngayon ang salat ang kakayahang umintindi sa sitwasyon gayong ito ang gustong ipagpilitan ang sarili sa isang lalaking ang gusto ay lalaki rin kahit alam nitong hindi dapat.

Nakita ni Travis ang pagbaling ni Romeo sa katabi. Mukhang nahimigan din ng pinsan niya ang mild disgust sa tono ni Ruth kahit pa nakangiti ang babae. Baka nagtaka rin kung bakit parang napaka-defensive ng sagot ng dalaga.

“Well,” chill na sagot niya, “I don’t think I need to experience romantic love para lang maintindihan ko kung bakit nagkakabalikan ang ex-lovers.” Inilipat niya ang tingin sa pinsan. “But there are other things I can’t put my finger on no matter how I try, like loving someone you’re not supposed to fall in love with. Sometimes love is weird, you know.”

Nang tapunan ni Travis ng tingin si Ruth ay napansin niya ang pagtigas ng mga panga nito, tanda na nakuha nito ang pasaring niya sa mga huling salitang binitiwan.

Tumangu-tango si Romeo. “I know what you mean, dude. Kaya nga dumarami ang istorya ng mga kabit sa mga Pinoy teleserye ngayon kasi masarap daw ang bawal na pag-ibig. What a shame.”

Hindi napigilan ni Travis ang mapangiti sa pagkakaintindi ng pinsan sa sinabi niya. This dude had no idea that he was talking about Ruth’s dysfunctional taste in men.

About Author

Pages: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18

3 Comments

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.