• Uncategorized

    [STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter Five

    HINDI ako sa bedroom ko sa bahay nagising ng umagang iyon kung hindi sa room na ipina-reserve ni Mama para sa akin sa venue ng kasal ni Sara. Kumunot ang noo ko habang nakatitig sa kisame. Hindi ako umuwi pagkatapos ng wedding reception? Bakit? Bakit doon ako natulog sa halip na umuwi? Tinamad ba akong mag-drive? Pero hindi. Kating-kati na akong umuwi bago pa mag-reception. Gusto ko na agad makaalis sa lugar na iyon kahapon kaya bakit ako nag-overnight doon? Nang subukan kong bumangon ay nakaramdam ako ng kirot sa ulo. I squinted. Shit. Did I get myself drunk? The reason why I limit myself to one glass of cocktail…

  • Uncategorized

    [STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter Four

    NATAPOS ng photoshoot na halatang nagtanim ng grudge sa akin ang pamintang photographer. Ang sama ng tingin niya sa akin habang nagliligpit ng camera at tripod. Binelatan ko na lang siya at lumayo na ako sa bridesmaids. So, sino ngayon ang lifeless at frigid? Mukhang na-intimidate sa akin ang mga kasama ko sa photoshoot. I’m sure halos nakanganga lang sila sa mga pictures. Mabuti na lang at sa medyo secluded na location sa wedding venue ginanap ang photoshoot, kung hindi ay marami ang nakasaksi sa pang-aasar ko sa photographer at kay Sara. “Maureen!” Kay Sara ang boses na iyon. Nang lumingon ako ay nakita ko siyang papalapit sa akin, hawak…

  • Uncategorized

    [STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter Three

    “OH MY god, ang ganda-ganda talaga ng anak ko!” Sobrang galing siguro ng makeup artist na kinuha ng wedding coordinator ni Sara para kahit sambakol ang mukha ko, maganda pa rin daw ako sabi ng mama ko. “Kung aayusin mo lang sana ‘yang expression ng mukha mo, mas maganda ka pa.” Hindi ko siya sinunod. Hindi ko inayos ang pagkaka-twich ng lips ko. Hindi ko inalis ang pagsasalubong ng mga kilay ko ang talim sa mga mata ko habang nakatitig sa salamin sa harap ng dresser. Paano naman kasi? Paanong hindi magiging sambakol ang mukha ko kung pinilit lang akong maging abay sa kasal ng stepsister ko? Nang sabihin sa…

  • Uncategorized

    [STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter Two

    NAKATINGIN ako sa monitor habang nagsasalita ang gastroenterologist kong si Dr. Andres na sa tantiya ko ay nasa early fifties na. Nasa screen ang loob ng esophagus ko. Kanina ay pinatulog niya ako at pinasukan ng endoscope camera sa loob ng bibig. Ine-explain ni Dr. Andres sa akin ang nakita niya sa loob ng esophagus ko habang itinuturo ng daliri ang screen. Namumula ang lower esopahagus ko pero hindi pa naman daw ulcers iyon. Kaya lang, natuklasan daw niyang may slight deformity na ang esophageal sphincter ko—iyong parte na parang pintuan na naghihiwalay sa esophagus at stomach na bumubukas-sara kapag kumakain ang isang tao. Iyon daw ang isa sa mga…

  • Uncategorized

    [STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter One

    MALAKI ang nakuha kong payment sa latest project ko as a freelance graphic artist, so I decided to invest it in a mutual fund. After I received the check, I immediately went straight to the bank to put half of the money in my savings and the other half in a mutual fund. I already have like three mutual funds and this is going to be my fourth. Wala naman kasi akong masyadong paggagamitan since I’m not really a high-maintenance person kaya ang kinikita ko, napupunta sa insurance at investments. Fully-paid na ang townhouse ko. Fully-paid na rin ang kotse ko. Hindi ko naman kailangang abutan ng pera ang mama…

  • Uncategorized

    [Chapter Three] The Grim Reaper

    SINALUBONG ni Azrael ang matalim na tingin ng babae. Nang ibaba niya ang mga paa nito sa lupa ay nakita niya ang galit sa mukha ng babae. Nagagalit ba ito sa kanya dahil nag-interfere siya sa free will nito? Galit. Tulad ng pighati ay hindi maganda ang emosyong iyon para sa mga tao. Kapag ang isang tao ay may galit sa dibdib ay nag-iiba ang ugali nito at nawawala ang sensibility. Karaniwan ay gusto nitong makapanakit ng damdamin o sa pisikal na paraan. Mabuti na lang at walang pakiramdam si Azrael kaya hindi siya magagawang saktan ng babae dahil sa galit nito. Miski ang pagbayo nito sa likod niya kanina…

  • Uncategorized

    [Chapter Two] The Grim Reaper

    GABI. Puno ng mga bituin ang mga langit. Nakaupo si Azrael sa paborito niyang tambayan—sa parapet ng rooftop ng mataas na gusali—kung saan kitang-kita niya ang isang parte ng siyudad, ang city lights, mga sasakyan sa mahahabang kalsada at tulay at mga taong naglalakad. Mula sa distansiyang iyon ay kaya niyang makita ang hitsura ng bawat bagay sa kanyang paningin. May automatic zoom in ability ang mga mata niya na kayang makita kahit maliit na detalye ng mukha ng mga tao o kaluluwa gaano man iyon kalayo mula sa kanya. Kaya rin niyang marinig ang boses ng mga tao o kaluluwa mula sa distansiyang iyon kung gugustuhin niya. Ginamit na…

  • Uncategorized

    [Chapter One] The Grim Reaper

    HABANG naglalakad si Azrael sa kalsadang puno ng mga tao ay may isang lalaki siyang nakabanggaan ng balikat. Masama ang tinging ibinigay sa kanya ng lalaki. Nahuli pa niya ang ginawa nitong pagkapa sa bulsa sa likod ng pantalon upang marahil i-tsek kung naroon pa rin ang wallet. Nagpatuloy si Azrael sa paglalakad. Baka dahil sa itim na hoodie jacket na kanyang suot o marahil ay dahil sa mga mata niyang matiim kung tumingin kaya napagkamalan siyang masamang tao. Sa maraming taong pag-oobserba ni Azrael sa mundo ng mga buhay na tao, alam na niya ang klase ng mga taong nakatira doon. May mga mabubuti at masasama. Mga taong nabubuhay…

  • Uncategorized

    [Prologue] The Grim Reaper

    PATULOY sa pagtakbo si Ava. Pakiramdam niya ay may humahabol sa kanya kahit alam niyang nakalayo na siya nang husto. Panay ang paglingon niya. Pakiramdam ng dalaga ay mayroong taong bigla na lamang susulpot at huhulihin siya. Ayaw nang manatili pa ni Ava sa lugar na tinakasan niya. Sa lugar na iyon na imbes na gumaling ang emotional pain na nagpapahirap sa kanya ay parang lalo lamang siyang ginugupo ng matinding kalungkutan. Pumayag siya na ma-confine sa isang private mental health care facility para magamot ang matinding depression pero huli na nang ma-realize ni Ava na may ulterior motive si Lucinda sa pagrerekomenda sa kanya sa lugar na iyon. Siguro…

  • Uncategorized

    Chapter 6 – 40 Days To Heaven

    LULUGO-LUGO ako nang makalabas ako sa Philippine embassy ng Hong Kong. Nag-inquire lang ako kung puwedeng magpa-rush ng bagong passport. Tama si Chen Li. Fifteen working days ang kailangang hintayin para magawa ang bagong passport ni Rebecca. Kahit nakiusap na ako na baka puwedeng i-rush ang paggawa ng bagong passport, hindi ako pinagbigyan ng masungit na babaeng empleyado ng embahada. Hindi raw valid ang reason ko para ipa-rush ang passport ko. Pinangaralan pa ako ng bruha na dapat daw ay matagal ko nang inasikaso ang pagre-report ng pagkawala ng passport ko. Iyon na lang sana ang tanging pag-asa ko—ang makakuha ng passport nang mabilisan para magawa ko pa rin ang…