[STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter One

MALAKI ang nakuha kong payment sa latest project ko as a freelance graphic artist, so I decided to invest it in a mutual fund. After I received the check, I immediately went straight to the bank to put half of the money in my savings and the other half in a mutual fund. I already have like three mutual funds and this is going to be my fourth.

Wala naman kasi akong masyadong paggagamitan since I’m not really a high-maintenance person kaya ang kinikita ko, napupunta sa insurance at investments. Fully-paid na ang townhouse ko. Fully-paid na rin ang kotse ko. Hindi ko naman kailangang abutan ng pera ang mama ko dahil mayaman naman ang stepfather ko. Only child ako kaya wala akong nakababatang kapatid na kailangang suportahan o pag-aralin.

I lost my father in a car accident when I was eighteen. Wala pang isang taong namamatay si Papa, may dyowa na agad ang mama ko. Alam ko namang on the rocks na ang pagsasama ng mga magulang ko bago pa mamatay si Papa pero nasaktan pa rin ako sa ginawa ng mama ko.

Tatlong buwan pagkatapos magbabang-luksa—o kung nagluksa nga talaga—nagpakasal uli si Mama sa boyfriend niyang mayaman. Tumira kami sa mansiyon ng asawa niya, kasama ang isang anak na babae ng stepfather ko. Hindi naman masama ang ugali ni Tito Arthur pero hindi ko ma-take na pinapakain at pinag-aaral ako ng lalaking ipinalit ng mama ko sa papa ko. Kaya at nineteen, nag-decide akong bumukod at maging independent.

Walang nagawa si Mama kahit ayaw niya dahil matigas ang ulo ko. Hindi ako humingi ng sustento sa kanya simula noon. Kinuha ko lang ang kalahati ng savings ni Papa bilang mana para makapagsimula ako nang mag-isa. Tumira ako sa isang boarding house at nagtrabaho habang nag-aaral. Nagtrabaho ako bilang isang service crew sa isang fast-food chain para pag-aralin ang sarili ko. Bukod doon, tumatanggap ako ng freelance graphic designing jobs for a measly fee bilang sideline.

Sa awa ng Diyos, napagtapos ko ang sarili ko nang hindi humihingi ni isang kusing sa mama ko. Nang maka-graduate ako ng college, I worked in a reputable graphic design and web development firm for six years. Hanggang sa magsawa ako sa pagiging isang empleyado. I decided to be a freelancer and work at home. Modesty aside, I am a talented web and graphic designer. Ako ang top designer sa previous firm na pinagtatrabahuhan ko. That’s why when I resigned, inalok pa ako ng mas mataas na suweldo ng boss ko pero hindi ko tinanggap.

Why, I already have a name and clients who trust me. Bakit pa ako magpapa-under sa isang firm na nilalagasan lang naman ang kita kong puwede ko namang makuha nang buo as a freelancer who works directly with clients through outsource.

You see, since I was nineteen, I’ve become an independent person. I’ve been living alone and feeding myself for ten years now. I am twenty-nine years old and I have a house of my own, a car of my own, I am insured and I have savings and a few investments for the future. Para kapag tumanda na ako at nag-retire, mapapakain ko pa rin ang sarili ko.

“Excuse me, Miss Maureen,” tawag-pansin sa akin ng bank employee na nakaupo sa likod ng desk kung saan ako nakaupo. Hawak niya ang form na kanina ay f-in-ill-up-an ko.

“Yes?” pormal na sabi niya.

“Isinulat n’yo po rito sa civil status… self-sufficient?”

“Yes.” Wala akong pinili sa choices sa form kaya isinulat ko na lang ang status ko.

Kumunot ang noo ng bank employee. “Eh, ma’am. Bakit po ganito ang isinulat n’yo? Wala po kayong asawa, ‘di ba?”

“Wala. And I’m not likely to have one.”

“Kung gano’n, dapat po ch-in-eck-an n’yo na lang ‘yong ‘single’ sa choices.”

“No way!”

“Huh?”

“Miss, makinig ka, ha. Kapag nilagay ko ang single d’yan,” tukoy ko sa form, “iisipin ng lahat ng makakabasa niyan na walang nagkakagusto sa akin kaya single ako. Iisipin nilang pangit ako o kaya nadadaan lang sa filter ang pictures ko sa Facebook. Iisipin nilang masama ang ugali ko kaya walang lalaking makatagal sa akin kaya hindi pa rin ako married kahit twenty-nine years old na ‘ko. ‘Pag may mga lalaking nakabasa niyang form na ‘yan, mag-a-assume sila na naghahanap ako ng boyfriend, or worse, iisipin nilang tigang ako at kokontakin nila ‘yong number ko d’yan para makipag-sexmate o one-night stand. Hindi sila mag-a-assume na pangit ako at masama ang ugali ko kung hindi single ang nakasulat diyan. Gusto kong isipin nila na hindi ako tigang at hindi ko kailangan ng lalaki because I am rather self-sufficient. I don’t need a man in my life because I can support myself financially and am  emotionally independent, as well. I can carry myself well alone. I can live all by myself. And I am not lonely. I. Am. Not. Lonely! So they can just back off and put their scary-looking dicks back in their pants.”

Pinawi ko ang imaginary sweat sa noo ko pagkatapos sabihin ‘yon. Nganga ang bank employee. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napansin kong pati ang bank employee at client na nasa katabing desk ay nakatingin sa akin. Hanggang sa ilibot ko ang tingin ko sa buong banko at nalaman kong halos lahat, sa akin nakatingin. Ultimo iyong teller sa counter, mukhang natigil sa pagbibilang ng pera dahil sa akin.

Well, it seems na napalakas pala ang boses ko. Pero kung may single man sa loob ng bankong iyon, alam kong naka-relate siya sa mga sinabi ko.

“O, eh bakit kayo nakatingin sa ‘kin?” tanong ko sa lahat habang lumilibot ang paningin. “Totoo naman, ‘di ba? May stigma naman talaga ang pagiging single. Gano’n talaga ang iniisip ng mga tao kapag nalamang single ang isang tao. Iisipin nilang may mali sa ‘yo.” Tumayo ako at ipinaliwanag ko sa kanila ang point ko with hand gestures. “Iisipin nilang hindi ka desirable, masama ang ugali mo, mabaho hininga mo, maitim ang kili-kili mo, tigang ka, inggit ka sa mga may dyowa, bitter ka, desperada ka, malungkot ka, depressed ka, gusto mo nang mamatay, et cetera. Bullshit, ‘di ba? Why would you look down on single people? It’s not like everyone needs a romantic relationship, come on! Wala akong boyfriend o asawa because this is my choice, okay? I love being independent and alone. So, stop judging me just because I am single!”

Money-counting machines: :O

Bank books: :O

Wall: :O

Door: :O

In short, nganga silang lahat.

 

I DON’T usually go outside the house at night, but when I do, pupunta ako sa pinakamalapit na bar para uminom ng cocktail drinks. I love cocktail drinks. Sumubok akong magtimpla ng sarili kong cocktail drink sa bahay para hindi na ako lumalabas sa gabi pero hindi kasing sarap ng kung paano ‘yon tinitimpla ng bartender sa Nite Life Bar. Kung puwede lang sanang hingin ang recipe nila.

I groaned in delight as I tasted the sweetness, sourness and bitterness of Piñacolada. Isa ito sa cocktail drinks na binabalik-balikan ko sa Nite Life… kahit wala naman talaga akong night life. Nakaupo ako sa stool sa harap ng bar counter dahil doon kadalasang pumupuwesto ang mga taong walang kasamang uminom. Mula roon ay inilibot ko ang tingin sa loob ng bar habang patuloy ako sa paunti-unting paghigop ng cocktail drink ko.

The bar was filled with people enjoying the music and their drinks, talking amidst the loud music, laughing out loud and even… making out.

Inalis ko ang tingin sa nakita kong naghahalikan. Hindi ako maka-relate sa mga tao sa bar na iyon. Wala kasi akong social life. Hindi dahil freelancer ako at sa bahay lang ako nagtatrabaho. Kahit noong nagtatrabaho pa ako as an employee, wala rin akong naging close friends sa mga kasamahan ko sa work.

Well, I am not very friendly. But let me just make it clear, being not sociable isn’t synonymous to being a bitch. I just don’t really like people that much. That’s why I stay away from them. Less people, less complications, less drama.

That’s why my life is so peaceful. Kasi wala akong relationships in any form. Wala akong kaibigang mang-iistorbo kapag may kailangan o may problema sila. Halos wala na rin kaming interaction ng mama ko dahil bihirang-bihira ko siyang makausap at makita. Wala akong kapatid na kaasaran. Wala akong boss na nang-aalipin sa akin. At wala akong boyfriend o asawang magbibigay sa akin ng sakit ng ulo.

The only thing that gives me stress is my job. Eh, ano naman kasing trabaho ang hindi nagbibigay ng stress, ‘di ba? Lalo na kung demanding ang clients. Wala na akong magagawa sa bagay na iyon. I still have to deal with people because of my job. Pero at least, hindi ko sila kailangang kilalanin on a personal level. Kapag natapos na ang project, babu na rin sila sa buhay ko.

Nang humarap ulit ako sa bar counter, nasalubong ko ang tingin ng bartender na si Gregie. Ngumiti siya sa akin. Obligado akong ibalik ang ngiti niya kahit papaano dahil baka duraan niya ang drinks ko next time kapag inirapan ko siya.

Ah, this guy. Hindi siya ang ipinunta ko rito kundi ang cocktail drinks na tinitimpla nilang bartenders pero bakit pakiramdam ko, iniisip niyang siya ang ipinupunta ko roon? Minsan nang sumubok si Gregie na magpa-cute sa akin pero tinabla ko siya kaya hindi na umulit. Naisip siguro na hindi ako tulad ng mga babae sa bar na nabobola niya. Actually, cute naman si Gregie, matangkad at maganda ang built. Magkasing-edad kami. Halata mang hindi ganoon katalino, mukhang may sense namang kausap. Ang problema, I am not looking for love o kahit fling.

“Masarap?” tanong ni Gregie.

Tumango ako. “Are you fishing for compliment o gusto mo lang mag-start ng conversation pero wala kang maisip na creative na pasakalye?”

Tumawa siya. “Bakit ang witty mo?”

Nagbuga ako ng hangin. “Witty o sarcastic?”

“Pareho.”

I groaned. “Shut up and let me enjoy my drink.”

Ngumisi si Gregie. “Ang tagal mo nang bumabalik-balik dito pero ni minsan, hindi kita nakitang may kasamang uminom.”

“Dahil mas masarap uminom na mag-isa. Mas mananamnam mo ang iniinom mo. So, kung hahayaan mo ‘kong namnamin ang iniinom ko ngayon, that would be better.” Ngumiti siya para hindi ito ma-offend kahit alam niyang sanay na ito sa kanya.

“Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sa ganda mong ‘yan, wala kang boyfriend o kahit nakaka-date man lang.”

Here we go again… Kanina lang, nagkaroon ako ng meltdown sa banko dahil ayaw tanggapin ng bank employee ang civil status na preferred ko. Que wala raw iyon sa choices sa form. Natural, wala sa choices iyon. Kasi gusto nila, manatiling api ang mga walang romantic partner.

Mabuti na lang at sinabihan ako ni Gregie na maganda ako. Kung hindi, baka ini-splash ko sa mukha niya ang laman ng basong hawak ko kahit gaano pa iyon kasarap. Ang pinakaayoko sa lahat—bukod sa pinipilit akong i-check ang “single” box sa form for civil status—ay iyong tinatanong ako kung bakit wala pa akong boyfriend. I guess, lahat ng single ay ayaw makarinig ng tanong na iyan.

“Pick-up line ba ‘yan o talagang nagtataka ka?”

Tumawa si Gregie. “Pareho.”

Napailing-iling ako sabay sipsip ng Piñacolada. Kailangan kong sumipsip ng malamig para palamigin ang ulo kong biglang uminit at nang hindi ko masungalngal si Gregie.

“Hindi ko rin maintindihan kung bakit ine-expect ng mga tao na kailangang palaging may boyfriend o may ine-entertain na manliligaw ang mga babae. Hindi ba puwedeng masaya sila sa buhay nila kahit walang boyfriend o kainumang lalaki sa bar?”

Mukhang nag-isip si Gregie. “Pero ‘di ba ‘yon naman ang nagpapasaya sa mga babae? Love. Romance.”

Napadiin ang hawak ko sa baso. “Wait lang, ha. Iniisip mo bang atat na atat ang lahat ng mga babae sa love at romance? Na doon lang nakabase ang happiness namin?”

“Hindi naman atat pero… ‘yon ang pinakahahangad n’yo, ‘di ba? Love. Kasal. Happy ending. ‘Di ba?”

Isa pa iyan sa pinaka-hate ko, eh. Iyong tingin ng mga lalaki na wala nang inisip at pinangarap ang mga babae kung hindi love, romance, wedding, happy ending. In short, fairy tale. Fucking fairy tale. Fortunately, I’m too mature and too sane to believe in that crap.

I snorted. “Let me enlighten you. Hindi lahat ng babae gusto ng mga ‘yan. Hindi lahat ng babae, damsel in distress! Hindi lahat, nangangarap ng isang prinsepe na sasagip sa kanila at magpapaligaya sa kanila ever after! I don’t want to be Cinderella! I don’t need a fucking prince!” Pagkasabi niyon ay hinigop ko nang mabilis ang piñacolada para mag-subside ang init ng ulo ko at para na rin makalayas na ako sa harapan ni Gregie.

Halatang namangha si Gregie sa intensity ng boses ko na parang isang aktibistang may matinding ipinaglalaban. Hindi ko matanggap na ang alam ng mga lalaki ay love at wedding lang ang makakapagpasaya sa mga babae.

Napahawak ako sa lalamunan ko dahil biglang sumakit. Ah, shit. I groaned. Hindi dapat ako humigop nang marami.

“Okay ka lang?” narinig kong tanong ni Gregie. Mukhang naalarma sa ginawa kong pagdaklot sa leeg ko at pag-ungol.

Tiningnan ko siya nang matalim habang nakahawak pa rin sa leeg. “Hindi ako okay,” mariing sagot ko. “Hangga’t may mga lalaking tulad mo na ganyan ang tingin sa mga babae, hindi ako magiging okay!”

Nganga si Gregie.

May waiter na lumapit para magpahanda ng isang scotch on the rocks at isang tequila sunrise sa bartender kaya laking pasasalamat ko. Sa wakas, I can drink alone peacefully nang walang kakausap sa akin at sasabihin ang mga bagay na hindi ko gustong marinig. Dinama ko ulit ang leeg ko. May mainit na likidong umakyat sa esophagus ko hanggang sa lalamunan ko kaya pati dibdib ko, masakit na rin.

Ah, this pain again. Ilang weeks ko na ring nararamdaman ito sa tuwing umiinom ako ng anything with alcohol and fruit juice. Usually, after a meal, I feel really bloated kahit konti lang ang kinain ko.

Noong una akong nagpa-check up, ang sabi ng doktor, mayroon daw akong laryngopharyngeal reflux or simply, acid reflux. Dahil sobra daw acidic ng sikmura ko, nagba-backflow ang acid paakyat sa esophagus at lalamunan ko. Kung magpapatuloy daw iyon, posibleng magkaroon ako ng ulcers sa esophagus. Binigyan ako ng gastroenterologist ng mga gamot at ang bilin niya, ‘wag daw akong masyadong magpapa-stress which is kind of hard because whenever I have deadlines, I always tend to stress myself out. At ang sabi pa niya ‘wag na akong iinom ng alcoholic drinks. Pero hindi ko kaya. I need my cocktail drinks even once a week!

Napahawak ako sa dibdib. I think I need to set an appointment for an endoscopy dahil baka may esophageal ulcers na ako.

“Is something wrong?” tanong ng isang lalaking tinig sa tabi ko.

Pagbaling ko, nakita ko ang isang morenong lalaking sa tantiya ko ay nasa early thirties na nakaupo na sa tabi ko. Iyon ang downside ng pag-upo sa harap ng bar counter, pwedeng-puwede kang tabihan ng kahit sino nang walang paalam.

Inalis ko ang kamay sa dibdib ko. “Nothing,” sabi ko na lang. “I’m okay.”

Alam kong hindi talaga siya concerned. Tulad lang din siya ni Gregie na walang maisip na creative na pasakalye para magsimula ng conversation.

Ngumiti ang lalaki. “Alone?”

Tumango ako. “But not lonely.”

Tumawa nang marahan ang lalaki. Tinapunan niya ng tingin ang baso ko. “Your glass is almost empty. Do you want another fill of that?”

Tinitigan ko ang lalaki. Sabi na nga, eh. Naghahanap ng ka-hook-up ang lalaking ito. Ganyan ang mga style nila. Mag-aalok na bibilhan ang babae ng drinks kapalit ng pakikipag-usap sa kanila.

Hinigop ko ang natitirang laman ng baso ko. “Why?” tanong ko kahit alam ko naman kung bakit.

“I’d buy you another drink.”

I pretended to laugh softly. “Really? You’d buy me a drink?”

Tumawa rin ang lalaki. “Yes, really.”

“Sa tingin mo, hindi ko kayang bumili ng sarili kong drinks?”

Nalusaw ang ngisi sa mga labi niya.

“I can buy my own drinks. I can even buy you, your friends and this bar.”

Tumawa ulit ang lalaki. Naisip siguro na nagbibiro lang ako dahil famous line ni Anne Curtis iyon sa viral video ng aktres. “You’re funny.”

Ngumiti ako. “Aha. Sabi nga nila. Pero seryoso ako doon sa part na I can buy my own drinks. I don’t need anyone to buy anything for me. I can provide for myself. Para ano pang nagtatrabaho ako, ‘di ba? Kung iaasa ko lang sa lalaki—and a stranger at that—ang pambili ko ng drinks. Kaya maghanap ka na lang ng ibang malilibre mo, okay? Ciao!” Pagkasabi niyon ay bumaba na ako sa stool at iniwang nakatanga ang lalaki.

 

NOTE:This preview is unedited and raw. So if you happen to spot some errors, just let them be.