[STATUS: SELF-SUFFICIENT] Chapter Three

“OH MY god, ang ganda-ganda talaga ng anak ko!”

Sobrang galing siguro ng makeup artist na kinuha ng wedding coordinator ni Sara para kahit sambakol ang mukha ko, maganda pa rin daw ako sabi ng mama ko.

“Kung aayusin mo lang sana ‘yang expression ng mukha mo, mas maganda ka pa.”

Hindi ko siya sinunod. Hindi ko inayos ang pagkaka-twich ng lips ko. Hindi ko inalis ang pagsasalubong ng mga kilay ko ang talim sa mga mata ko habang nakatitig sa salamin sa harap ng dresser. Paano naman kasi? Paanong hindi magiging sambakol ang mukha ko kung pinilit lang akong maging abay sa kasal ng stepsister ko?

Nang sabihin sa akin ng mama ko na ikakasal na si Sara, shookt ako nang sabihin din niyang gusto ng stepsister kong maging isa ako sa bridesmaids, as if we’re close. Ayoko sana talagang pumayag dahil nga unang-una, hindi kami close ni Sara. I didn’t even find her really nice. She’s fake.

Noong nagpakasal ang mama ko at daddy niya at tumira kami ni Mama sa mansiyon nila, nahalata kong hindi masaya si Sara pero itinago niya sa mga pekeng ngiti at nagkunwaring tanggap kami dahil sa takot na hindi bigyan ng malaking allowance ng daddy niya. Fortunately, narinig ko siyang may kausap sa phone noong unang gabi namin sa mansiyon nila at narinig ko ang mga sinabi niya sa kausap tungkol sa amin ng mama ko.

Well, naiintindihan ko naman si Sara, eh. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya noong mga time na iyon. Hindi talaga madaling tanggapin na nag-asawa ng iba ang isa sa parents namin kahit pareho nang balo sina Mama at Tito Arthur. Ang kaibahan lang namin ni Sara, hindi ko ipinakita sa lahat na masaya ako at tanggap ko ang nangyari. Hindi ko kayang magpanggap na tulad niya.

Sara is a subtle bitch. Hindi kami nagrambol ni minsan pero alam naming hindi kami puwedeng maging close dahil magkaibang-magkaiba kami. Whenever she talked to me then, she would subtly brag about her very comfortable life and how she was served everything on a silver platter like she wanted me to envy her life.

Fortunately, hindi ako pinalaki ng papa ko sa luho. Tinuruan niya ako kung paanong dapat ay paghirapan ang pagkakaroon ng sariling pera. Tinuruan niya akong maging simple at hindi mapaghangad sa mga materyal na bagay. Hindi naman kasi kami mayaman pero hindi rin naman mahirap. Natutunan ko sa papa ko ang value ng hardwork. Pero hindi ko rin naman masisisi si Tito Arthur at ang late wife niya kung pinalaki nila sa layaw ang anak dahil mayaman naman talaga sila.

Isa si Sara sa mga dahilan kung bakit pinili kong bumukod at buhayin ang sarili ko noong nineteen ako. Ayoko kasing dumating ang araw na sumbatan niya ako dahil ang daddy niya ang nagpakain at nagpaaral sa akin. I did not want to owe them anything.

Pangalawa, hindi kami magkadugo ni Sara. Yes, we were binded by law but was it enough reason to include me in her entourage? Hindi ba dapat, ang mga kinukuhang kabilang sa entourage ay iyong mga alam ng ikakasal na masaya para sa kanila. Like, hello? Bakit ako magiging masaya para kay Sara dahil ikakasal na siya? Hindi nga kami close. Ni wala nga kaming contact numbers ng isa’t-isa at nakikita ko lang siya kapag may okasyon o kailangan kong dalawin si Mama sa Bulacan.

Pangatlo, I have never been a bridesmaid at hindi ko pinangarap. I don’t even like attending weddings. I find wedding ceremonies boring and silly. Siguro, hindi lang ako maka-relate dahil wala naman akong love life. Siguro hindi lang kasi ako hopeless romantic. Siguro kasi wala lang akong pakialam sa buhay ng ibang tao.

Hindi ko talaga makuha ang sense ng pagkuha sa akin ni Sara para maging isa sa mga abay sa kasal nila. Pero kung kinuha niya ako dahil gusto niyang mag-gloat at ipangalandakan sa akin na ikakasal na siya by making me a part of her entourage, samantalang ako, eh, ni walang boyfriend, nagsayang lang siya ng slot sa entourage na dapat ay sa isa sa friends o blood relatives niya napunta. Hindi ako naiinggit. Because I am contented being alone.

“Sana hindi na ganyan ang hitsura mo mamaya sa wedding photoshoot,” patuloy ni Mama.

Lalo akong naasar sa narinig. Nakakita na ako ng wedding photoshoots dahil nagkaroon na ako ng photo editing job na iyon ang materials. Ibig sabihin, magpo-pose ako kasama ang iba pang bridesmaids at ang bride sa harap ng camera habang nakangiti at nagkukunwaring masaya para sa bride. Ni hindi ko kilala iyong ibang bridesmaids tapos magpe-pretend akong tumatawa kasama nila? Sobrang hassle. Parang gusto ko tuloy hilingin na mag-runaway na lang ang groom at nang hindi na matuloy ang photoshoot.

“Hindi mo ba type ang makeup mo, ate girl?” tanong ng baklang makeup artist.

“Maganda ang pagkaka-makeup mo!” si Mama ang mabilis na sumagot.

“Mukha po kasing gusto niya akong murder-in.”

Dahan-dahan kong pinihit ang mukha paharap sa bading at inilipat sa kanya ang murderous stare ko. Humawak siya sa dibdib na para bang nahintakutan.

“Ano kasi… may PMS kasi siya,” pagdadahilan ni Mama. “‘Yong mood swings ba na nagaganap sa babae kapag malapit nang magkaregla.”

Tapos na ang period ko. Alam ni Mama kung bakit bad trip ako. Alam niya ang ugali ko. I am very transparent. Hirap akong magtago ng nararamdaman. Hirap na hirap akong mamlastik. Alam niyang napilitan lang akong tangggapin na maging bridesmaid ni Sara dahil nahiya lang ako kay Tito Arthur. Si Mama at ang stepfather ko kasi ang nagparating sa akin na gusto akong isali ni Sara sa entourage at hindi mismo ang bride.

“Ay, gano’n po ba, mother?” sabi ng bakla. “‘Hirap pala talagang maging girl, ‘no? Hindi lang pala basta dinudugo, may mood swings pa bago magkaro’n.”

“Oo!” sa wakas, nagkaroon ako ng urge para magsalita. “Ang hirap talagang maging babae. Bukod sa reglang ‘yan at dysmennorhea, ang dami-dami pang pinagdaraanan ng mga babae na hinding-hindi n’yo maiintindihang mga lalaki. Kung babae ka, kailangan may boyfriend ka or at least manliligaw dahil doon  mava-validate ang pagiging babae mo sa paningin ng mga tao. Kailangan lagi kang maganda at mabango kasi babae ka. Kailangan sexy ka, malaki boobs mo, flawless ka. Kailangan wala kang bakokang sa binti at wala kang buhok sa binti, lalong-lalo na sa kili-kili. Kailangan mag-asawa ka na during twenties. Kailangan magkaanak na before thirty. Not to mention, ang sakit-sakit daw manganak at pwede mo pang ikamatay ‘yon. Tapos during thirties, magsisimula nang bumagal ang metabolism mo. Tataba ka na. Lolosyang. Magkaka-wrinkles ka na. Pero ‘pag nagpa-botox ka naman para matanggal ang wrinkles mo, kukutyain ka naman ng mga tao. Sasabihin, nagpapabata ka, nagmumurang-kamatis ka. Tapos, magme-menopause ka na. Mas matindi pa sa premenstrual syndrome ang pagdaraanan mo sa perimenopause stage. Habang ‘yong mga lalaking ka-edad mo, feeling nasa prime pa at ang taas pa ng testosterone levels at puwede pang makabuntis ang mga walanghiya, samantalang ikaw luray na, laspag na, unoperational na ang matris, wala nang asim, amoy-lupa na, nilalayuan na ng mga lalaki!”

Napanganga ang baklang makeup artist. Nakita ko ang paglunok niya habang nakatitig sa akin. Si Mama naman ay kinapa ang mukha para siguro i-check kung masyadong halata ang ipina-botox niya noong isang linggo.

Ibinalik ko na ang tingin sa reflection ko sa salamin. “Kaya tigilan mo na ‘yang pagpapa-girl mong ‘yan dahil ang hirap maging babae.”

“O-oo, ate girl.” Tumikhim ang bading. “Oo, ate.” Biglang naging baritono ang boses ng bruha. “Ayoko nang pangaraping maging babae.”

Tumawa si Mama pero halatang alanganin. “Okay na siguro, ‘no?” tanong niya sa bakla. “Tapos na ang hair and makeup? Puwede nang magbihis si Maureen?”

Mabilis na nagligpit ng mga gamit ang bakla at nagmadali nang umalis sa room ko. May sariling kuwartong pina-reserve para sa akin ang mommy ko sa venue ng kasal dahil alam niyang magta-tantrums ako nang ganoon at ayaw niyang masaksihan iyon ng ibang bridesmaids kung isasama ako sa room na designated sa kanila.

“May problema ka na rin sa pagiging babae mo ngayon?” tanong ni Mama nang kami na lang dalawa ang nasa room. “Ang akala ko, ‘yong stigma ng pagiging single lang ang ipinagmamaktol mo?”

Tiningnan ko siya sa salamin. “Mas gusto ko pa ring maging babae kaysa maging lalaking walang balls at mahilig manloko ng mga babae.”

Nanlaki ang mga mata ni Mama. “May problema ka rin sa mga lalaki? Akala ko ba, hindi ka man-hater?”

Nagpakawala ako ng buntonghininga. “‘Ma, stressed lang ako. Bakit kasi kasama ako sa entourage?”

“Kasi kapatid mo ang bride.”

“Hindi ko siya kapatid by blood.”

“Kapatid mo pa rin siya. It’s about time na magturingan kayong magkapatid kasi hindi kayo nagkaroon ng chance na maging close dahil umalis ka ng bahay. Baka ito na ang way niya para mapalapit sa ‘yo.”

Napailing-iling na lang ako. I don’t think so. Hindi sinubukan ni Sara na makipaglapit sa akin noon, bakit ngayon pa?

“Mag-behave ka, ha. Alalahanin mo, maraming bisita.”

I stared at my mom in disbelief. “‘Ma, iniisip mo bang guguluhin ko ang wedding ni Sara?”

“Hindi, ah! Naisip ko lang ang simangot mo kanina. Baka gumano’n ka habang naglalakad sa aisle.”

Nagbuga ako ng mirthless laugh. Para ano? Para isipin ni Sara na bitter ako dahil ikakasal na siya samantalang mas bata siya sa akin ng tatlong taon at ako, single since birth? No way. I will put on my happiest smile at her wedding. So happy na baka mapagkamalan pang ako ang bride sa sobrang saya.

“Mag-smile ka, ha. Gandahan mo ang smile mo para mas lumutang ka sa bridesmaids. Nakita ko na ‘yong mga dalaga sa entourage. Ikaw ang pinakamaganda, basta mag-smile ka lang. At saka, nakita ko ‘yong best man ni Luis, ang guwapo!”

Gusto kong matawa sa hitsura ni Mama nang banggitin ang “guwapo.” Nanlalaki at kumikislap ang mga mata niya. I wonder kung gaano ka-guwapo ang best man ng groom para mag-swoon ng ganoon ang isang fifty-two-year old married woman.

“Kaya gandahan mo ang smile mo, Maureen, ha. Para matipuhan ka no’ng best man at malay mo, kayo na ang next na ikasal.” Humagikgik si Mama.

Kusang nag-twitch ang lips ko. Ano bang pinagsasabi ng nanay ko? Parang hindi niya alam na wala akong balak mag-asawa. Hindi ko na lang siya kinontra dahil hahaba lang ang usapan. Tiningnan ko na lang ang mukha ko sa salamin at nag-practice kung paano ngingiti mamaya sa photoshoot at aisle march pero kapag naiisip ko kung gaano ka-hassle ang mangyayari mamaya, nauuwi sa pag-grit ng mga ngipin ang ngiti ko.

Kinuha ni Mama mula sa pagkaka-hanger ang gown ko. “And don’t forget… saluhin mo ang wedding bouquet, ha.”

Na-master ko na sana ang ngiting dapat kong ipakita mamaya pero nalusaw iyon dahil sa sinabi ni Mama. Nuncang makipag-agawan ako sa punyetang wedding bouquet na iyon.

 

AWARE ako na halatang-halatang peke lang ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko habang kinukuhanan ng group picture ang bridesmaids, maid of honor at ang bride. Hirap na hirap pa akong i-maintain dahil parang kusang nagre-revert sa twitch ang lips ko.

“Bridesmaids, tingin kayong lahat sa bride,” utos ng machong photographer na malakas ang pakiramdam kong pa-mhin.

Bumaling ako kay Sara. In fairness, ang ganda ng makeup niya pero no, hindi ako sang-ayon sa sinabi ni Mama kay Sara kanina na ang stepdaughter niya ang pinakamagandang bride na nakita ni Mama sa buong buhay niya. Of course, that’s an exaggeration. Magaling lang talagang mambola ang Mama ko kaya sila nagkasundo ni Sara.

But then, I got to say, mukhang sobrang happy nga talaga ng aura ni Sara. Nagniningning ang mga mata niya at wagas ang ngiti sa mga labi niya. Ganyan nga siguro talaga ang pakiramdam ng ikakasal. Pero temporary lang naman iyan dahil posibleng maghiwalay rin sila ni Luis kapag nagkasawaan na sila.

“Miss Sara, kunwari nakikipag-interact ka sa kanila,” instruct ng photographer. “Bridesmaids, kunwari tinatanong n’yo ang bride kung anong nararamdaman niya sa mga oras na ito. Tapos, Miss Sara, sagutin mo sila happily.”

I groaned inwardly. Ano ba kasing ka-ek-ekan ito? I am not made for this kind of silly ceremonials. Pero kung may gusto akong itanong kay Sara sa mga oras na iyon, hindi iyong kung ano ang nararamdaman niya dahil obvious namang para siyang nakatapak sa alapaap sa saya. Gusto kong itanong kung emotionally ready na siya kung sakaling mambabae si Luis o hindi mag-work out ang marriage nila at mauwi lang sa annulment ang engrandeng wedding na iyon.

“Now, everyone laugh while looking at the bride,” mando ng photographer.

Now I know why Sara put me into this. Gusto niya akong magmukhang tanga sa kakasunod sa pagmamando ng photographer na ito at kaka-pretend na masaya para sa kanya.

“Ah, bridesmaid number two from the left,” tawag-pansin ng photographer.

Tumingin ako sa order ng puwesto namin. Nasa left ako. May isa akong katabi na nasa dulo. Nang tumingin ako photographer, nasalubong ko ang tingin niya.

“Me?” turo ko sa sarili.

“Yes, you. Miss, ipakita mo naman na masaya at excited ka para sa bride.”

Ibinalik ko ang ngiti ko kanina, labas ngipin. “Hindi pa ba nasasayahan sa hitsura ko?”

Umiling ang photographer. “Sorry, ha. Not to offend you pero para kang may constipation sa ngiti mo.”

Nakarinig ako ng mga pigil na pagtawa pero nag-create pa rin ng kaunting sound. Ngayon ko nasiguro na paminta nga ang photographer na ito. Hindi ganoon ka-blunt ang isang tunay na lalaki sa pagpuna sa isang babae.

“Kanina ko pa napapansin na parang pilit lang ang mga ngiti mo,” patuloy ng photographer. “Even your poses were so lifeless. So frigid. You looked like the odd woman out. I’m sorry but you’re ruining the group pictures.”

Ang ngiti ko, nauwi na sa pagdiin ng mga ngipin ko, lalo na nang makita ko sa gilid ng mga mata si Sara na tinakpan ng palad ang bibig. Pinagtatawanan niya ako. Right. Kinuha niya ako as a bridesmaid because she knew I’d be bad at this. Alam niyang hindi ko kayang magpanggap na tulad niya. Gusto niya akong magmukhang katatawanan.

“Sayang,” dagdag pa ng bruho. “Maganda ka pa naman kaya lang your awkward smile is ruining your face.”

“Hey,” sabad ni Sara. “Don’t be too blunt on her. She’s my older sister.”

“Oh, your older sister!” bulalas ng taklesang paminta. “And I suppose she’s still single, right? Otherwise, she’d be a matron of honor.” Bumalik sa akin ang tingin ng photographer nang tumango si Sara. “Now I know why…” May munting ngiti sa mga labi ang photographer.

Now he knows why what? Na kaya pilit lang ang ngiti ko at parang lifeless at frigid ay dahil ako na mas matanda sa stepsister ko ay wala pang asawa, samantalang ang stepsister kong nakababata ay ikakasal na? Ganoon ba ang iniisip ng pamintang ito? Na inggit at bitter ako dahil naunahan ako ni Sara na mag-asawa?

Gustong-gusto kong sampalin ng takong ng sapatos ko ang malditang paminta pero ayokong magkaroon ng komosyon sa okasyong iyon nang dahil sa akin. Nagpa-cool na lang ako kahit ang init ng bungo ko.

“Gano’n ba? Sorry, ha. Nagwa-warm up pa lang kasi ako kanina. Hindi talaga ako ganoon ka-lifeless at frigid. Fine, I’d be full of life sa next shots just for you. Madali naman akong kausap, eh.”

Ngumiti ang photographer. Mukhang nasiyahan sa “positibo” kong pagtanggap sa blunt criticisms niya kahit nilait-lait niya ako. “That’s good. Okay. Position, girls.”

Nang magsimulang mag-flash ang camera ay ibinigay ko ang exaggerated na ngiti, ngiting pabungisngis, exaggerated na tawa na kita ngalangala at ubod lakas at tawang nakataas ang dalawang kamay sa ere. Hinawi ko ang bridesmaids sa tabi ni Sara at nag-pretend akong kinakausap siya habang tawang-tawa. Hindi ko pinansin na halatang natitigilan siya sa pinaggagagawa ko. Inakbayan ko ang bride habang naka-japan-japan at heart finger. Nag-wacky face poses din ako. Pagkatapos ay nagbigay ako ng poses na pang-Next To Model—isang kamay sa likod ng ulo, labas kilikili, isang kamay sa baywang, naka-smize, naka-booty tooch, liyad-dibdib pose. Pak!

Pamintang photographer: :O

Bride: :O

Other bridesmaids: :O

Camera: :O

Puno sa likod as backdrop: :O

In short, nganga silang lahat.

 

NOTE:This preview is unedited and raw. So if you happen to spot some errors, just let them be.