A Crazy Ex

I’m still madly in love with my ex. And when I say ‘madly,’ I mean it.
Nang malaman ko na ikakasal na siya, I felt as if my world collapsed. In my desperation to stop the wedding and make him realize that he’s about to marry the wrong woman, nagpadala ako sa kanya ng mga sulat araw-araw.
Sa mga sulat na iyon, ipinaalala ko sa kanya ang lahat ng masasayang sandaling pinagsaluhan namin, ipinadala ko sa kanya ang pictures namin na may mga magagandang alaalang kalakip at ni-remind ko sa kanya ang mga pangarap na binuo naming magkasama para sa future namin.
Baka kasi sakaling ma-miss niya ang mga pinagsamahan namin. Baka sakaling maalala niya ang mga ipinangako niya sa akin. Baka sakaling ma-realize niyang… mahal pa rin niya ako at ako talaga ang babaeng para sa kanya.
Kaya lang… wrong send pala ako. Ibang lalaki pala ang nakakabasa ng mga sulat ko.
 
#CurrentlyWriting #UsapangEx #Wrongsend #LadLit