![](https://heartyngrid.com/wp-content/uploads/40-days-zia-king-3642672.png)
The Making Of 40 Days To Heaven
Question: Paano nabuo ang plot/concept ng 40 Days To Heaven?
Answer:
The idea came up habang pinag-uusapan namin nina Sonia at Sofia (fellow PHR authors) ‘yong tungkol sa magiging concept ng Jeju trilogy namin. Hindi pa kami nakakabuo ng final concept para sa trilogy namin noon. Nagbe-brainstorming pa lang kami. Initially, ang balak namin iba-ibang genre. Then, sabi ni Sonia, try nya mag-horror. Kako, about ghosts? Then, iyon na nabuo ko yung plot sa isip ko in a snap. I suggested it to her. Kako, isulat niya ‘yong premise na naisip ko at sa Jeju ang location. Tinanggihan ni Sonia kaya ako na lang ang nagsulat pero hindi para sa trilogy namin. At doon na ipinanganak ang 40 Days To Heaven.
Question: Bakit sa Hong Kong ang napili mong location?
Answer:
Kasi ang story ay nangyari sa ibang bansa at gusto ko, para mas maging makatotohanan ‘yong pagde-describe ko sa place, gamitin ko ‘yong bansang napuntahan ko na. During that time, ang napuntahan ko pa lang naman na ibang bansa ay HK at Macau. I chose Hong Kong kasi mas nalibot ko nang bongga ang HK kaysa Macau at mas maraming interesting places doon na puwedeng magamit, like ‘yong huge heart-shaped thingy sa itaas ng Sky Terrace. Naging major location siya ng story at saka ‘yong Victoria Harbour.
Question: Nahirapan ka bang isulat ang 40 Days To Heaven?
Answer:
Surprisingly–despite the complexity of its plot–no. Mas mahirap kasi isulat ang isang plot kapag hindi mo masyadong bet. But this one, since I really like it, hindi ako nahirapan. I even enjoyed it at medyo mabilis ko rin siyang natapos isulat kahit na marami siyang ek-ek sa plot.
Question: Anything you want to share about this novel?
Answer:
You know, whenever I start to write, wala akong solid plot every time. I started writing 40 Days To Heaven na may plot pero wala pang details. Isinusulat ko na siya pero hindi ko pa alam noon kung paano naghiwalay si bleep at si bleep. At kung ano ang sekreto ni bleep, ano ang papel ng supporting characters, ano ang climax, nasaan ang passport, paano magtatapos, et cetera. Fortunately, everything, every little detail just came to me as I was writing it.
Have you read this book? Please let me know what you think about this book by commenting below. Thank you!
Do you want to know the story behind your favorite novel? You can request for it below.
About Author
![](https://heartyngrid.com/wp-content/uploads/crazy-ex-2.png)
![](https://heartyngrid.com/wp-content/uploads/self-sufficient-1.png)
2 Comments
Ezra El
hello po! GOOD DAY 🙂 ask lang po ako kung available po ba ito sa national bookstore? within cebu area po ? pls let me know if available po sya 🙂 thank you po 🙂 pls send me an email po sa gmail
eto po yung account ko : ezrael100716@gmail.com
thank youu po and more power 🙂
Ezra El
salamat po