The Ultimate K-Pop Fangirl
Soon on St Catherine High Series.
Unofficial Teaser:
Annyeong haseyo! Ako si Sandy, ang certified K-pop fangirl na hindi nangangawit ang ngalangala sa pagtili sa tuwing nanonood ng music videos at concerts ng mga “bias” kong K-pop idols. Kung ang iba, may American dream, ako naman ay may Korean dream. At ang ultimate dream ko, makatapak sa Seoul at ma-meet ang lahat ng K-pop idols ko.
Kaya naman maloka-loka ako nang biglang… OMO! may mapadpad na Koreano sa school namin na kamukha pa ng isa sa mga “bias” ko.
Eotteoke! Eotteoke?
Nag-ala-ninja tuloy ako sa kaka-stalk kay Choi Dong Ho.
Pero may epal na umaaway kay Dong Ho, ang schoolmate naming si Pocholo na parang mainit yata ang dugo sa mga Koreano. Aba, syempre, hindi ko hahayang i-bully niya ang crush ko. Kaya inaway ko siya.
At doon na nagsimula ang matinding giyera sa pagitan namin ni Pocholo.
K-pop fanatic VS Anti-K-pop. Sino ang magwawagi?
3 Comments
Adrianne Marie
Have you heard of a K-drama called “Reply 1997”? That was the first time that I got my first dose of K-Pop noon (college years, 1997), pero I’m not a K-Pop fan anymore ngayon. Wala na yung mga favorite K-Pop groups ko noon e hahaha!
Looking forward to the next installment. 🙂
Heart Yngrid
Ako naman I’m more of a Kdrama fan than Kpop pero I like listening to their songs. Magaganda ang songs nila. Esp ‘yong mga upbeat. Sarap pakinggan.
Adrianne Marie
Di ako masyado sa K-drama o K-pop, pero yung lumang K-Pop (back in the ’90s), I used to love them. Old school kaya ako LOL.
“Reply 1997” takes place in the late ’90s when K-Pop was still in its very early days, starting w/ the boy band H.O.T. Kahit love story, it gives you a bit history ng K-Pop. I like it though. Yung main character ng drama, ultimate K-Pop fangirl (well, ultimate H.O.T. fangirl). Pwedeng research lol.