[PREVIEW] How To Not Fall In Love
CHAPTER ONE
I WOKE up this morning and while eyes still closed, my hand groped for the soft body beside me in bed. My palm landed on her one breast and gave it a little squeeze.
That would be the last time I’d be touching this woman beside me. Because the moment I stand up and leave the room, she’s history.
Yes, this is one-night stand.
Isa lang ito sa maraming gabing nakipagniig ako sa iba’t-ibang babae. Most of their names I could not even recall, some I didn’t even bother to ask. But before you judge me, let me just tell you why I chose to engage in one-night stands.
Well, it’s not like I am a heartless good-for-nothing jerk for wanting to bed different women whenever I want to. I am just a man with needs and they were willing to provide what I need. I don’t want to brag about my looks but I definitely have something to brag about. So needless to say, it doesn’t take a lot of effort for me to make themwant to spend a night with me. They usually come to me willingly. You see, those women also liked the idea of casual sex. So, I’m not really a bad guy, you know.
Mas magiging masamang lalaki ako kung papasok ako sa isang romantic relationship kahit alam kong hindi ako boyfriend-material. Hindi ako ang tipo ng lalaking kayang i-give up ang kalayaan para magpatali sa isang babaeng oobligahin siyang gawin ang mga bagay na hindi niya gusto pero wala siyang magawa para tumanggi dahil commited siya sa babaeng iyon.
I don’t think I am made for that. I love my freedom so much I can’t let a woman run my life like she owned me.
Hindi ako kagaya ng daddy ko na henpecked husband sa stepmother ko. Nakakaawa siya. CEO ng isang malaking land development company but outside his corporate life, alipin ng asawa.
I will let no woman control me like that. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ako nakikipag-relasyon o nakikipag-commit sa babae. Hindi ako ang tipong magpapaalipin sa pag-ibig. I haven’t even fallen in love yet. And at this rate I’m heading, I don’t think I am capable of loving a woman.
Iyon ang dahilan kung bakit hanggang one-night stand lang ang ina-allow ko sa pagitan namin ng isang babae.
Ayaw ko rin naman kasing makasakit ng babae. Ayokong umasa siya at mangarap ng happily ever after sa piling ko. No one develops romantic feelings overnight. Kaya hindi mag-e-expect ang babae ng forever sa piling ko pagkatapos ng isang gabi. Hindi sila masasaktan kapag iniwan ko na sila sa kama kinaumagahan habang natutulog pa sila.
At iyon na nga ang gagawin ko ngayon. I have to get up and start sneaking away.
It is always best to leave while the woman is still sleeping, so there would be no conversation at all after the sex. Oo, pumayag siya sa casual sex. Pero may chance pa rin na gustuhin nilang pumangalawang gabi… pangatlo, pang-apat… hanggang sa i-trap na nila ako sa isang relasyon.
Women might look harmless but they are mischievous. Kapag great catch ang isang lalaki, hindi nila pakakawalan ito hanggang sa mahulog na ang lalaki sa trap nila.
Ganoon ang nangyari sa daddy ko. My stepmother, Verna, is a vicious woman. She trapped my dad into marrying her. I don’t know if my biological mom was like that also. I didn’t get the chance to meet her. Ang sabi ng dad ko, iniwan ako ng mom ko sa kanya nang magdesisyon silang maghiwalay noong sanggol pa lang ako. Lumayo ang mom ko hanggang sa mabalitaan na lang ni Dad na namatay ang mom ko sa isang traffic accident.
Tumayo na ako at isa-isang isinuot ang mga damit ko. Natapakan ko pa ang isa sa mga condom na ginamit ko kagabi. Nilingon ko ang babaeng tulog pa rin nang matapos akong magbihis.
It was nice meeting you… What’s her name again? Mandy? Mary? Whatever your name is… Thank you for last night. You were great.
At lumakad na ako palabas ng pinto ng motel room. Tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako sa hallway. It was my secretary.
“Good morning, sir.”
“Good morning, Ellie.”
“Sir, I called to remind you of your flight to Busuanga today at eleven o’clock AM.”
I groaned in delight. “Finally. A vacation.”
“Not really, sir. Habang naroon kayo sa Two Seasons Coron Island Resort And Spa, kailangan n’yong kombinsihin si Don Timotheo Gatchalian na ituloy ang pagbebenta sa private island sa El Nido na pag-aari niya sa Everest. Your father wants me to remind you how big this project will be and he wants you to give him good news when you’re back.”
My job as a project director has always been that demanding. My father gives me a lot of extra work. Hindi ko alam kung talagang bilib lang siya sa karisma ko sa mga tao kaya tiwala siyang mapapahinuhod ko si Don Timotheo Gatchalian o sadyang gusto niya lang akong magpakitang-gilas sa board of directors dahil gusto niyang ako ang mag-succeed ng posisyon niya bilang CEO ng Everest Land Development Corporation balang-araw. But I am only thirty-one and he’s only fifty-eight. Matagal pa siyang mauupong CEO. Too early para magpabango sa board.
Pumasok ako sa elevator. “I know, I know. It’s just that I haven’t been on a beach for a long time.”
And it’s not as if I’ll be spending every minute begging Don Timotheo to sell us his island. I have a lot of free time to relax and unwind and probably meet someone to spend a steamy one night with in that island.
“Four days lang ang ibinigay ng CEO para sa business trip n’yo, sir.”
Four days lang? My father is so cruel to me. Pero pagdating kay Tita Verna, para siyang maamong tupa. He’s so unfair.
“Okay. Meet me at the airport in an hour.”
Coron, Palawan
PINAGMASDAN ko ang napakalinaw na tubig ng dagat, puting buhangin at asul na kalangitan. What a perfect place and a perfect weather. Parang gusto ko nang umpisahan ang pagre-relax at kalimutan muna ang sadya sa lugar na iyon.
Actually, hindi lang ang view ng paligid ang pinagmasdan ko nang marating ko ang beach. Women in bikinis. May mga nakahiga sa beach benches. May ilang nakatayo sa paddle boat. May mga naglalakad sa buhangin.
This place is so beautiful it would be a pity if I don’t meet someone here… for a night of fun, of course.
Natuon ang tingin ko sa isang babaeng naglalakad sa shore. No, she’s not wearing skimpy bikini. Nakasuot siya ng mahabang floral sun dress at brim hat. But she did not have to be almost naked for me to know she has a nice body. Hakab naman sa suot ng babae ang kurbada ng katawan. Sa tantiya ko ay nasa mid to late twenties siya. Mga nasa five feet-seven inches siguro ang taas.
Inalis ng babae ang hat at isinayaw ng hangin ang mahaba niyang buhok. Profile pa lang ng babae ang natatanaw ko pero halatang maganda siya. At nang lumingon ang babae, nakita ko ang buong mukha niya.
Damn. She’s beautiful.
Her eyes look sad though. Nagpatuloy sa paglakad ang babae. Hinintay ko siyang maghubad ng sun dress pero hindi niya ginawa. Tumayo lang siya sa shore at malamang ay nakatitig lang sa tubig.
Perhaps she really is sad.
Maybe I should approach her. Maybe she needs someone to cheer her up. Or… a steamy night with a handsome stranger, perhaps?
One side of my lips jerked up. Hindi ko akalaing ganito kaaga ako makakakita ng babaeng makakakuha ng interes ko sa islang iyon. Well, I have pretty high standards with women. Kahit pa physical contact lang ang namamagitan sa amin, pili pa rin ang mga babaeng pinapatulan ko. Hindi sapat na maganda ang mukha at katawan. She has to capture my taste. And that woman at the shore, she has captivated me even from afar.
Hahakbang na sana ako papunta sa babae pero nakita ko si Don Timotheo Gatchalian na naglalakad sa shore kasama ang asawa niya.
Shit.
Kailangan ko munang kalimutan ang babae. Mas mahalaga pa rin ang trabaho ko. Pumunta ako sa lugar na iyon para personal na kausapin si Don Timotheo na ituloy ang pagbebenta ng isla nito sa El Nido sa Everest para mapagtayuan ng isang five-star resort island na tulad ng sa Two Seasons.
Noong isang linggo lang kasi ay biglang nag-back out ang don. Hindi pa siya nakakapirma ng kontrata kaya walang habol ang Everest. Sa hindi namin malamang dahilan ay biglang nagbago ang isip niya. Pinaimbestigahan ng Everest kung bakit nag-back out ang don. Hindi naman niya ibinebenta sa iba sa mas malaking halaga ang isla. Totoong hindi na niya gustong ibenta ang property.
Kaya ako pumunta rito nang malaman ng isa sa “researchers” namin na nasa island resort na ito si Don Tim. I need to convince him to carry on with the selling of his island.
WALA na si Don Timoteo sa silyang katapat ko sa mesa sa Bahura Bar pero nanatili ako roon. The old man joined me for a drink but could not keep drinking till midnight. Wala pang alas onse ng gabi ay nagpaalam na siya dahil tinawagan na ng asawa at pinababalik na sa kuwartong tinutuluyan.
My dad and Don Tim had a lot in common. Isa roon ay ang pagiging masyadong masunurin sa asawa. That is why I don’t have plans to settle down or even commit myself in a relationship. Ayokong makita ang sarili ko na ginagawa ang ginagawa nila. Ayokong magpamando sa isang babae.
Puwede akong mag-stay doon hanggang sa i-announce na ng crew ng resort bar na magsasara na sila. Walang babaeng magdidikta sa akin na tumigil na sa pag-inom. I rarely get wasted anyway. Mataas ang tolerance ko sa alcohol.
Hindi ako makapaniwala sa ipinagtapat na dahilan ni Don Tim kung bakit hindi na niya gustong ibenta pa ang isla sa amin o sa kahit sinuman. It was all because his wife had told him to stop selling the island.
Inubos ko ang laman ng baso ko at umiling-iling habang nangingiti nang pasarkastiko at nakatingin sa kawalan.
That was it? Wife’s order? Dammit.
Why am I surrounded with henpecked men? Bakit hinahayaan nilang kontrolin sila ng mga babae at pagmukhain silang walang balls? Are they out of their mind?
Naalala ko pa ang isang bahagi ng conversation namin kanina.
“Bakit ayaw ipabenta ng asawa n’yo?”
“For sentimental reasons, hijo. You know, women are overly sentimental.”
“Why do you let her stop you?”
“She’s my wife, hijo.”
“Exactly. She’s your wife, not your tyrant.”
Tumitig sa akin si Don Tim na parang bahagyang nabigla sa sinabi ko at pagkatapos ay tumawa siya. “When you get married, you’ll know why.”
Get married? He must be kidding. Relationship nga, wala ako, balak pang magpakasal?
Biglang tumunog ang cellphone. I snorted at the sight of the caller’s name. Si Anton, ang bestfriend kong dalawang taon nang kasal at may isa nang anak. Malamang ay magrereklamo na naman siya sa akin tungkol sa asawa niyang biglang naging nagger at authoritarian nang manganak. Very sweet at submissive si Lala noong sila pa lang. Pero biglang nagbago ang babae. Ang akala ko, bitches lang o mga babaeng aso ang nag-iiba ang temperament kapag nakapanganak. Pati pala mga tao.
Palaging nag-aaway ang mag-asawa pero sa huli, si Lala pa rin ang nagwawagi dahil walang magawa si Anton kundi ang sumunod. Ayaw raw kasi niyang maghiwalay sila ng asawa dahil ayaw niyang mahiwalay sa anak nila. Gusto niyang lumaki ang anak niya na may buong pamilya. That was tragic. Iyong ayaw mo nang makasama ang isang babae pero dahil nakatali ka, hindi mo puwedeng iwan.
Poor Anton. Dati ay nagagaguhan siya sa akin dahil hindi ako nakikipag-commit sa babae at isang bagay lang ang habol ko sa kanila pero nang mag-asawa siya, na-realize niya kung gaano kagaling ang diskarte ko. Pati na rin ang kakayahan kong iwasan ang ma-in love sa isang babae.
Love.
Love could be a man’s downfall. I don’t want to fall in love and be some woman’s bitch.
Look at me, dahil hindi ako nai-in love sa mga babae, wala akong gaanong problema. I am free and happy. Walang girlfriend na demanding sa oras ko. Walang asawang nagger na pagbabawalan ako sa mga gusto kong gawin.
Kung nakinig lang sa akin noon si Anton na huwag siyang magpakasal, hindi sana ako ang shock-absorber niya ngayon.
Tumigil na ang pagtunog ng cellphone bago ko pa sagutin kaya hindi ko na pinansin ang tawag ni Anton. I am not here in this beautiful island to listen to his grievances. I am here to work, yes. But I’m also here to relax after work. Bukas ko na ulit kakausapin si Don Tim para kombinsihin siyang ituloy ang pagbenta ng isla. Magre-relax muna ako ngayon.
Lumabas ako sa Bahura Bar para pumunta sa beach. Maghahatinggabi na kaya halos wala nang tao sa beach. Naiilawan ng outdoor floor lamps ang shore pero napakadilim na ng dagat. Nevertheless, I could see a female body figure from afar. A woman clad in long black dress was standing at the beach.
Bigla kong naalala ang babaeng nakita ko kanina sa beach na dapat ay lalapitan ko pero hindi ko itinuloy. Kahubog ng babaeng iyon ang katawan ng nakatalikod na babaeng nakikita ko nang mga sandaling iyon. Siguro ay siya rin iyon.
Unti-unting umangat ang isang sulok ng mga labi ko. If the woman is indeed sad, I am here to comfort her. As long as we’ll end up cuddling each other.
Humakbang ako palapit sa dagat at nakompirma kong siya nga ang babae kanina nang matanaw ko ang profile niya. Natuklasan kong hindi pala tahimik na nakatitig lang sa dagat ang babae. Nagsasalita siya. In, fact… nagmumura siya.
“…hayop ka! Ang kapal ng mukha mong gago ka! Fuck you ka!” Sabay sipa ng buhangin papunta sa tubig sa gigil na paraan.
Napatigil ako sa paghakbang. Mukhang mali ako ng timing. Hindi siya malungkot. Galit siya. Mukhang nagagalit siya sa isang partikular na lalaki. Baka ako pa ang mapagdiskitahan.
Natanaw ko ang isang bote ng alak sa buhangin. The woman is drunk. I avoid drunken women. Hindi ako nagsasamantala ng kalasingan ng babae. Nag-about face na ako pero hindi ko naituloy ang paglayo nang marinig ang biglang paghagulgol ng babae.
“Bakit gano’n? Akala ko, ikaw na. Akala ko, finally, nakita ko na ‘yong lalaking mamahalin ako habangbuhay. Hindi pa rin pala. Isa ka rin pala sa kanila… sa mga walanghiyang lalaking minahal ko pero ginago lang ako at iniwan lang bandang huli…”
Hindi ako tsismosong tao. Pero hindi ko alam kung bakit gusto ko pang pakinggan ang mga sasabihin ng babae. Nakuha ko na ang gist ng problema niya. Apparently, she was duped or dumped by his ex. At hindi lang iyon ang unang pagkakataong winalanghiya siya ng isang lalaki. Mukhang ilang beses na siyang iniiwang luhaan ng iba’t-ibang lalaking minahal niya.
Ah, Love… Napailing-iling ako. That thing really sucks. Nang dahil sa pesteng pag-ibig na iyan, may isang napakagandang babaeng humahagulgol ngayon.
Ah, I hate hearing women cry. While I despise nagging bitches, I am aware that some women are being played at by men. Ito iyong mga lalaking hindi papayag na sila ang makontrol ng mga babae, tulad ko. Pero iba ako sa mga lalaking iyon. I don’t usually make women cry.
Kaya nga iniiwasan kong magpaasa ng babae, eh. Kaya nga hindi ko pinapalalim ang pagtingin nila sa akin. Kasi ayokong magpaiyak ng babae. Ayokong makasakit ng damdamin nila. I may be a jerk for practicing casual sex but I don’t hurt women’s feelings. Hindi ako nagpapaasa ng babae tulad ng ugok na nagpaiyak sa babaeng nakatayo sa beach ngayon. Hindi ko pinapangakuan ng forever ang mga babaeng nagdaan sa buhay ko.
“I hate you, Jomar!” sigaw ng babae. “Habangbuhay kitang kamumuhiang hayup ka! Kayo… kayo ng mga gagong ex ko! Magsama-sama kayong mga walanghiya kayo!” Humagulgol ang babae. “Ayoko na! Ayoko nang ma-in love…”
Nagpakawala ako ng relieved sigh at tumangu-tango. Umikot ulit ako para ibalik ang tingin sa babaeng nakasalampak na pala sa buhangin.
Yes. That’s right. Stop falling in love. Do not fall in love again…
“Sawang-sawa na akong magmahal at masaktan lang. Hindi ko maintindihan kung bakit n’yo ako ginaganito… Naging mabuting girlfriend naman ako sa inyo, ha. Minahal ko kayo nang tapat… Hindi ako naglandi sa ibang lalaki habang nasa relationship pa tayo. Pero bakit lahat kayo, nakuha lang akong lokohin at ipagpalit sa iba…”
Napailing-iling ako habang nakahalukipkip. I feel sorry for the woman. But I want to give the men she was talking about the benefit of the doubt. Malay ko ba kung masyadong demanding at possessive ang babae kaya nagsawa ang lalaki at iniwan siya. Baka nakita ng mga lalaking iyon na posibleng maging “tyrant” ang babae balang-araw kaya hangga’t maaga ay kumawala na sila.
Tumayo ulit ang babae. “Ayoko nang magmahal… Ayoko na talaga…” Ilang saglit na nakahinto lang ang babae pero nang gumalaw ay nakita kong humahakbang na siya papunta sa tubig.
Napamulagat ako. What the hell? Is she going to drown herself to death? Namalayan ko na lang ang sarili ko na tinatakbo na ang palapit sa babae. Hinagip ko ang braso niya para pigilin siya sa patuloy na paghakbang palusong sa tubig.
Lumingon ang babae sa akin. Halatang nasorpresa sa paglitaw ko. Namamangha at nagtatanong ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.
I know this is untimely, but let me just say Damn, she’s beautiful! Kahit pa hilam sa luha ang mga mata niya at medyo magulo ang mahaba niyang buhok. Napakaganda niya para mamatay lang nang ganoon.
“Don’t do it,” sabi ko sa kanya.
“Do what?” tanong niya.
“Don’t kill yourself. ‘Wag kang magpakalunod. ‘Wag mong sayangin ang buhay mo nang dahil lang iniwan ka ng ex mo.”
Halatang nasorpresa ang babae sa sinabi ko. Nagtataka siguro siya kung paano ko nalaman na iniwan siya ng ex niya. I felt the need to explain.
“I’m sorry, pero narinig kita habang naglalabas ka ng galit sa ex mo… at sa mga lalaking minahal mo. I was standing nearby.” Itinuro ko ang pinanggalingan ko. “Don’t do it. Don’t take your own life.”
Nagbuga ng hangin ang babae.
“Ako?” turo niya sa sarili. “Magpapakamatay nang dahil sa gagong Jomar na ‘yon? Hindi pa ako nababaliw, ‘no!”
Nakaramdam ako ng relief. “So, bakit ka lulusong sa tubig sa ganitong oras ng gabi?”
“Gusto ko lang i-dip ang paa ko sa tubig, masama ba?”
“Talaga?” Hindi ko itinago ang konting pagdududa ko.
“Hindi ako ang tipo na nagpapakamatay nang dahil sa pag-ibig. At sa tingin mo ba, kung magpapakamatay ako, bakit dito pa sa Coron? Maha-hassle pa ang rescue team sa pag-recover ng bangkay ko. Gagastos pa sa pagpapa-ship ng bangkay ko sa Maynila ang mga mahal ko sa buhay. Napaka-impractical, ‘di ba? Napaka-selfish. Kung magpapakamatay ako, doon na lang ako sa bahay ko magbibigti. At least, lubid lang ang puhunan at hindi na ako makakaperwisyo pa sa iba.”
Ayokong ngumiti. It is improper to smile at the situation. Pero na-amuse ako sa sinabi ng babae.
“Puwede mo na akong bitiwan,” sabi ng babae, sabay singhot.
Binitiwan ko ang braso niya pero hindi ako bumitiw ng tingin sa kanya. This is very unlikely of me but I feel the urge to wipe her tears down with my fingers. Pero bago ko pa magawa iyon, balewalang pinawi ng babae ng likod ng mga palad ang mga luha.
“Puwede mo na akong iwan. Promise, hindi ako magpapakalunod dito.” Ibinalik niya ang tingin sa dagat. “Hindi ako magpapakamatay nang dahil sa walang kuwentang lalaki.”
Hindi ako kumilos para sundin siya. Sinamahan ko siya sa pagtanaw sa dagat at pagdama ng malamig na tubig sa mga paa.
This isn’t my idea of a pleasurable night in an island with a beautiful woman. But I think I am staying beside her.
One Comment