[PREVIEW] A Sexy Kind Of Love

IMPORTANT NOTE: This novel is not categorized as erotic yet it deals with a very sensitive subject not suitable for young readers. So, 17 years old and below, keep out. While it may not be graphic but it might be suggestive.

 

JENNILYN

Unbelievable…

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos kong titigan nang matagal ang picture ni Mindie Carlos sa magazine. It’s been a week pero hindi pa rin ako maka-get over sa katotohanang wala na siya. Kakatuntong pa lang ni Mindie sa thirty one years old. Napakaganda ng buhay niya. Nakatakda na siyang ikasal sa isang buwan sa isang lalaking halos perpekto. Pero sa isang iglap, kinuha siya ni Lord. Ang saklap lang.

Isang sikat na actress/singer/host si Mindie. Marami ang humahanga sa kanya. Kabilang na ako roon. Simula nang sumikat siya fifteen years ago, isa na ako sa mga nagke-claim na number one fan niya. Hindi lang kasi siya magaling na aktres, singer at host, ang ganda rin kasi talaga ng image niya. She had been a good role model to everyone, especially to her female fans.

Mindie was a woman of good moral values. Sa kabila ng modernong panahon kung saan maraming mga kababaihan ang nag-e-engage sa premarital affairs, si Mindie ay nagsilbing inspirasyon para sa mga kababaihang tulad ko. Bukod sa pangaral at pananakot ng lola ko, si Mindie ang naging inspirasyon ko—simula pa noong teenager pa lang ako—para hintayin ang tamang panahon para sa… you know.

No sex before marriage. Kailangang ingatan ang pagkababae hanggang sa ikasal. Tanging ang asawa lang dapat ang pag-alayan ng sarili. Dinibdib ko iyon nang bonggang-bongga to the point na napagkamalan na akong man-hater dahil sa buwisit ko sa mga lalaking puro sex lang ang nasa isip.

Nang dahil sa pag-iingat ko sa pagkakababae ko, nagawa kong hiwalayan ang first love ko kahit ang sakit-sakit, nambasted ng maraming manliligaw at nakipag-on sa isang relihiyosong lalaking hanggang holding hands lang ang kayang gawin sa akin dahil natatakot siyang magkasala kami sa Diyos.

Ginusto ko naman iyon kahit nakakaloka ang setup. Iyon kasi ang tama. Bukod sa ayokong magalit sa akin ang lola kong super duper conservative, gusto kong maging tulad ni Mindie na nagawang mai-preserve ang virginity hanggang sa matagpuan ang lalaking gusto niyang mapangasawa. Gusto kong pahalagahan ang pagkababae ko. Gusto kong malinis akong haharap sa altar.

Ang problema, nang mag-propose sa akin ng kasal ang boyfriend kong deboto yata ng lahat ng santo, hindi ako nakasagot. Doon ko na-realize na hindi ko pala mahal si Ronald. Parang ginawa ko lang pala siyang shield sa virginity ko. Limang taon. Limang taon kong niloko ang sarili ko. Friend lang pala ang turing ko sa kanya. Iyong tipong platonic, gano’n.

Nang maging single ulit ako, nagsulputan na naman ang mga pervert na lalaking malamang na gusto lang akong ligawan para mai-kama. Oo, naging paranoid ako. Feeling ko, lahat ng lalaking nagpapa-cute sa akin, gusto lang makuha ang bataan ko. Wala akong sinagot ni isa sa kanila. Ayokong i-risk ang virginity ko. So, I decided to be single and before I knew it, I was already twenty-nine.

‘Yong totoo? Nang ma-realize ko na malapit na akong mag-thirty, doon ko naramdaman na hindi ako masaya na tumuntong ako sa edad na ito na virgin pa ako. Ito ‘yong mga panahong iniisip mo nang baka may agiw na ang cervix mo o baka nagse-self decay na ang bahay-bata mo na parang isang abandoned house. Ito ‘yong mga panahong nagsisimula ka nang ma-frustrate at matakot na baka kung kailan may asawa ka na ay saka ka pa nawalan na ng gana sa sex dahil nagkaka-edad ka na.

Pero dahil mas matanda sa akin ng dalawang taon si Mindie, inalis ko ang mga pangamba ko sa dibdib. Siya ang role model ko kaya nagtiwala ako sa diskarte niya. M-in-aximize ni Mindie ang singlehood niya para kapag ikinasal siya ay wala siyang panghinayangan na ginawa habang single siya. Nang mabalitaan kong engaged na si Mindie sa boyfriend niya for two years, na-excite ako para sa kanya.

Nasabi ko pa nga, love can indeed wait. As well as, sex. Naabot na ni Mindie ang gusto niyang ma-attain sa career niya, and she was ready to settle down. Ready na siyang rumampa sa aisle patungo sa altar ng simbahan, proud sa sarili dahil malinis niyang ihaharap ang sarili sa altar, sa lalaking makakasama niya sa habangbuhay.

Pero…

Pero isang buwan bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Mindie, naaksidente ang sinasakyan niyang kotse papunta sa isang provincial gig. She was dead on the spot.

Mindie died. She died a virgin. Namatay siya nang hindi man lang niya naranasan ang sex.

Naalala ko ang isang interview kay Mindie noong pumutok ang balitang engaged na siya. Mindie had always been honest. Siya iyong tipong hindi masyadong pa-showbiz kung sumagot sa mga interview. Nang tanungin siya kung excited siya sa magiging first night nila ng would be-groom niya, tahasan niyang sinabi na super excited siya.

Kaytagal daw niyang hinintay ang gabing iyon sa buhay niya. Mindie said she was also human. Hindi siya tuod. Gusto rin niyang ma-experience ang sex at minsan ay natutukso rin siya pero pinanindigan niya ang paniniwala sa no-sex before marriage. Matagal daw siyang nagtiis dahil gusto niyang alagaan ang virginity at gusto niyang sa tamang panahon niya ibigay iyon sa lalaking mahal niya. Pinuri pa nga siya ng host sa kanyang hindi matatawarang self-control sa sarili dahil napaka-hot ng fiancé niya.

“Baka masunggaban ko siya agad kapag umalis na ang lahat ng bisita sa kasal,” sabi pa ni Mindie habang tumatawa. “Just kidding.”

But I knew the joke was half-meant.

Umiling-iling ako habang nakatitig pa rin sa mukha ni Mindie sa Yes! magazine. She must be really sad and frustrated right now. Kung may damdamin pa rin ang ghosts, malamang na sising-sisi si Mindie sa mga oras na iyon kung bakit naghintay siya nang matagal bago makipagtalik. Kung nalaman lang siguro niyang maikli lang ang buhay niya, malamang na kinalimutan na niya ang conservative values at ibinigay na ang sarili sa lalaking mahal niya kahit hindi pa siya kasal.

But then who knows when we are going to die? Nobody knew.

Life is short. Tama nga ang maharot kong gay friend na si Roda. Maikli lang ang buhay. Kaya habang nabubuhay ka, kailangan mo nang gawin ang lahat ng gusto mong gawin para kapag namatay ka ay wala kang pagsisihan na hindi mo nagawa habang buhay ka pa.

Like having sex.

Nagpakawala uli ako ng buntunghininga. Sinabi ko noon na gusto kong maging tulad ni Mindie. Gusto kong maging isang empowered woman with good moral values. Pero ngayong namatay siya nang isang birhen, binabawi ko na ang sinabi ko. Ayokong matulad sa kanya. Ayokong mamatay nang virgin pa rin.

Ayokong mamatay at pag-usapan ng mga tao ang virginity ko na binaon ko pa hanggang sa hukay. Ayokong sabihin ng mga taong kakilala ko na, “Hayan kasi may no-sex-before-marriage pang nalalaman. Anong napala ngayong tegi na? Nganga. Mga uod na lang ang makikinabang sa virginity niya.”

Na-realize ko ang lahat ng iyan nang habang nakasakay ako sa taxi three days ago ay biglang may bumanggang SUV sa mismong side kung saan naroon ako. Nalamatan ang salamin at nayupi nang kaunti ang pinto. Mabuti na lang at hindi ganoon kalakas ang pagbangga kundi ay baka natuluyan ako. Natakot ako. Hindi imposibleng matulad ako kay Mindie. Anytime ay puwede akong mamatay nang hindi ko inaasahan tulad niya.

Paano kung malapit na din pala akong matigok? Paano kung sa isang linggo, ma-hit and run ako habang naglalakad papunta sa parlor para sana magpa-pedicure? Paano kung mahulog ako sa manhole at walang maka-witness hanggang sa makita na lang ang bangkay ko na palutang-lutang sa ilog? Paano kung habang nagbabasa ako ng magazine, biglang bagsakan ng eroplano ang restaurant ko?

‘Wag naman sana, ‘di ba? Ayokong maging virgin ghost.

Nang sabihin ko kina Roda at Aura ang dilemma ko, in-encourage ako ng mga bruha na kalimutan na ang conservative values ko kung ayaw kong mamatay na virgin. Kako, hindi naman siguro kailangang humantong sa ganoon. Kailangan ko na lang sigurong magmadaling makapag-asawa. I need to find true love asap.

“Ay, lokang ito,” pagre-react ni Roda nang mapag-usapan namin iyon. “Anong akala mo sa true love, nabibili lang sa convenience store na open twenty-four hours?”

“Meron namang whirlwind romance, ah. Parang si Che-che at ‘yong hubby niya,” tukoy ko sa college classmate ko na after a month ay nagpakasal agad.

“Pupusta ako, maghihiwalay ‘yong mga ‘yon one of these days. Kasal agad, ‘di pa gaanong kilala ang isa’t-isa?”

“Hindi ganoon kadali ang makahanap ng mapapangasawa, bhe,” sabi naman ni Aura—my other friend. “Kahit pa maganda ka at ubod ng sexy. Baka ikaw mismo magsisi kung mag-asawa ka just for the sake of your no-sex-before marriage belief. Mahal ang annulment at matagal na proseso. Paano kung magmatigas pa ang asawa mo at hindi pumayag na ma-annul kayo or worse, humingi pa ng financial settlement ang walanghiya kapalit ng freedom mo? Gagawin mo lang complicated ang buhay mo, eh, sex lang naman ang kailangan mo at this point.”

Tama naman sila. Alam ko rin namang hindi ganoon kadaling makahanap ng true love. Mahirap din namang magpakasal nang hindi mo pa gaanong kilala ang isang tao kahit pa mahal mo siya. Hindi minamadali ang pagpapakasal dahil napakaraming kaakibat na problema kung magpapadalus-dalos sa pagpasok sa isang bagay na may legal na proseso at basbas ng simbahan.

Pagkatapos ay nagkaroon kami ng diskusyon tungkol sa mga artistang hindi na virgin nang ikasal, especially iyong may mga anak na sa pagkadalaga pero hanggang ngayon ay married pa rin. Hindi naman daw basehan ang virginity para igalang at pakasalan ng isang lalaki.

“Sa totoo lang, ang mga babae lang naman mostly ang conscious sa virginity issue, eh,” sabi pa ni Aura. “Most men wala silang pakialam kahit virgin o hindi virgin ang babaeng pakakasalan nila kasi sila mismo hindi na virgin. More than women do, sila ang mas dapat makaintindi ng nature ng sexual desire dahil alam nila kung gaano kamiserable ang matigang. Kaya naiintindihan nila na tulad nila, kailangan din ng mga babae ng sex.”

“Korek,” pag-ayon ni Roda. “And that is your body, Jenn. You do what you want to do with your body. End of story.”

Pero hindi nagtapos doon ang diskusyon namin tungkol sa dilemma ko. Mahabang diskusyon pa ang naganap. Hanggang sa ma-realize ko kung ano ang dapat kong gawin.

I am already twenty-nine years old. Sapat na siguro ang panahong nabuhay ako nang may conservative values. Iisipin ko na lang na may kontrata ang pagpapahalaga sa virginity ko. Nag-expire na ang sa akin. At least, hindi ako kumerengkeng nang may gatas pa sa labi o dumanas ng teenage pregnancy.

At saka hindi na nga siguro talaga uso ang Maria Clara sa mga panahon ngayon. Dahil ang mga Maria Clara sa panahon ngayon, namamatay nang virgin. Tulad ni Mindie.

I need to get rid of this virginity… as soon as possible before it’s too late. Pero paano? Ni wala akong boyfriend. Hindi naman ako puwedeng makipag-one night stand na lang sa kung sino. Ang no-sex before marriage lang ang gusto kong i-abolish, hindi ang delicadesa ko. Kung makikipagtalik ako sa lalaking hindi ko asawa, dapat ay hindi lang sexual tension ang mayroon kami ng taong iyon, sana kahit papaano ay may romantic feelings ako sa taong iyon.

Napatingin ako sa limang FHM magazines na inilapag sa desk ko ni Aura, ang assistant ko bilang manager ng Lola Pacita’s—ang restaurant na iniwan sa akin ng namayapa kong lola. Assistant na siya ni Lola bago ko pa hawakan ang business five years ago kaya hindi na boss at amo ang turingan namin. Naging magkaibigan kami dahil hindi nalalayo ang edad namin. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon.

“O, kailangan mo ang mga ‘yan.”

“FHM?” kunut-noong tanong ko. “Ba’t kailangan ko ng FHM? Anong palagay mo sa akin? Tiburcio?”

“Ano ka ba? Hindi lang naman mga lalaki at lesbiyana ang nagbabasa niyan. Pati babae. Mas matututo ka pa nga diyan kaysa sa Cosmo.”

“Matututo ng alin?” Dinampot ko ang tasa kong may peppermint tea at sumimsim doon.

“Matututo tungkol sa sex. Kapag binasa mo ‘yan, mas malalaman mo kung paano magpaligaya ng lalaki.”

Nasamid ako sa iniinom ko at napaubo. “Huh?”

Sa totoo lang, hindi namin masyadong pinag-uusapan nina Aura ar Roda ang tungkol sa sex dahil alam nilang hindi ako masyadong receptive sa bagay na iyon. Kahit salungat sa paniniwala ko ang paniniwala nila tungkol sa sex, hindi nila ako pinakikialaman sa paniniwala ko. Iginalang nila ang desisyon kong i-keep ang virginity ko. Pero hindi maiiwasang i-tease nila ako tungkol sa pinaninindigan ko.

I have always looked at sex like it was money in a time deposit. Hindi ko pa puwedeng withdraw-hin hangga’t hindi pa dumadating ang maturity date. Ang sabi ni Aura, kung parang ibinangkong pera pala ang sex, ang pera daw niya ay puwede niyang withdraw-hin sa ATM kapag kailangan niya. In short, everybody has a choice whether you save your virginity for later or engage in sex anytime you want or need it.

Naalala ko pa ang convo namin ni Aura nang mag-usap kami tungkol sa sex a year ago…

“Paano kung kailangang-kailangan mo ng pera? Hindi mo makukuha ang pera mo dahil naka-time deposit.”

“Never ko naman kinailangan nang sobra ang perang iyon kaya okay lang.”

“Pero hindi mo pa naisip kahit minsan na kung nakuha mo na sana ang perang iyon, na-e-enjoy mo na sana siya ngayon? Hindi ‘yong naka-imbak lang siya roon at walang silbi?”

“Mas naiisip ko na sa tagal ng ipinaghintay ko para makuha ang perang iyon, mas maa-appreciate ko siya at mas masarap siyang gastusin kapag nasa kamay ko na siya.”

“Hmm… Pero paano kung ma-bankrupt ang banko mo at biglang magsara? Paano na? Hindi mo na makukuha ang pera mo.”

Ngayon ko lang na-realize ang analogy ng huli niyang sinabi. Nang mamatay bigla si Mindie, nagka-sense sa akin ang thought na iyon. That was probably the “bankrupt” Aura was talking about. Hindi ko iyon pinansin noon dahil hindi ko iniisip ang tungkol sa sudden death.

Nagtatawa si Aura. “Grabe ka, Jenn. Feeling ko, ang knowledge mo sa sex, eh, nasa pang-high school level pa lang.”

“Leche ka,” asik ko.

May asawa na kasi si Aura. Four years na siyang married pero wala pang anak kaya tuloy mas marami silang extra time ni mister na mag-jugjug-an. Kaya feeling ng bruha ay expert na sa sex.

“Talagang iniwasan ko ang makaalam ng kung anu-ano tungkol sa sex dahil ayokong matukso.”

Ni hindi pa nga ako nakakanood ni isang porn sa buong buhay ko. Ang pinaka-daring ko lang na napanood ay ‘yong isang titillating film na si Joyce Jimenez ang bida dala ng curiosity. At pagkatapos ko nga ‘yong mapanood, pakiramdam ko, kailangan kong latiguhin ang sarili kong likod nang paulit-ulit at magpapako sa krus. Hindi ko na inulit gawin iyon.

“Bilib talaga ako sa self-control mo. Nakaya mo talagang iwaksi ang makamundong pagnanasa nang ganoon katagal?”

“Grabe. Ganoon na ba talaga kaimposible sa panahon ngayon ang mag-abstain?”

“Oo! At alam kong kahit sinasabi mong nakaya mong mag-abstain nang ganoon katagal, nakakaramdam ka rin ng sexual arousal at mayroon ka ring sexual fantasies. ‘Wag kang ipokrita, ‘day. Hindi ka normal kung hindi ka nakakaramdam nang ganoon o nakakaisip ng kahalayan kahit paminsan-minsan.”

Napaisip ako. Tama naman si Aura. May ilang pagkakataon ngang nag-iisip rin ako ng tungkol sa bagay na iyon pero dahil itinanim ni Lola sa isip ko na masama iyon, pakiramdam ko nagkakasala ako sa tuwing mag-iisip ako ng tungkol sa sex. Kaya iniiwasan ko maging ang mag-isip ng tungkol doon.

Sobrang conservative ang lola ko—ang nanay ng mama ko. Ni hindi nga niya ako pinapayagang magsuot ng shorts o mini-skirt. Pati sleeveless blouse, bawal. Kailangan, laging below the knee ang haba ng palda ko. Okay lang naman sa akin iyon kasi hindi rin naman ako iyong tipo na mahilig magbilad ng skin. At naiintindihan ko naman ang purpose niyon. Gusto niyang igalang ako ng mga lalaki.

Hindi niya ako pinayagang magka-boyfriend habang nag-aaral pa. Hindi naman naging mahirap sundin ang bilin ni Lola noong high school ako dahil hindi pa naman pansinin ang beauty ko noon. Neneng-nene pa kasi ang histura ko noon kaya walang nanligaw sa akin ni isa. Pero noong mag-college ako, doon na ako nahirapan dahil doon na ako nag-bloom. Marami na ang nagsimulang magpa-cute sa akin.

Oh well, guilty ako na sinuway ko si Lola noong college ako. Nagkaroon ako ng boyfriend noong nasa third-year na ako pero inilihim ko lang iyon kay Lola dahil alam kong magagalit siya. Hindi ko naman kasi nakayanang i-resist si Juancho. Ang cute kasi niya. Mestiso, matangkad at smart pa. Sobrang sweet niya at magaling magpakilig. Kaya sino ba naman ang hindi mai-in love sa kanya?

Pero nang dahil kay Juancho, na-realize ko na tama si Lola. Natuklasan kong marami pala talagang mga lalaking hindi marunong gumalang sa pagkababae ng mga kababaihan. Isa pala roon si Juancho. Niyaya ako ng damuhong iyon na gawin daw namin ang bagay na “iyon.” Sinubukan niya akong i-seduce. Of course, hindi ako bumigay. Instead, nakipaghiwalay ako sa kanya. Nakipaghiwalay ako kahit mahal ko siya.

Juancho was my first love. Kaya sobrang nasaktan ako nang mag-break kami. Pero natuto ako ng leksiyon sa painful experience na iyon. Simula noon, hindi ko na sinuway ang lola ko. Muntik na kasi akong mapahamak nang minsang sumuway ako.

Saka lang nag-lie low sa pagiging overprotective sa akin si Lola noong maging boyfriend ko iyong apo ng amiga niya na si Ronald dahil siguro kampanteng-kampante siya na hindi ako mapapahamak sa kamay ng isang lalaking may takot sa Diyos. Nalungkot si Lola nang maghiwalay kami ni Ronald pero iginalang niya ang desisyon ko na hiwalayan si Ronald. Siguro nga, istrikta si Lola pero hindi siya namimilit ng lalaki para sa akin.

Bago mamatay si Lola two years ago, sinabi niya sa akin kung gaano siya ka-proud sa akin. Na-tempt nga ako noon na ipagtapat sa kanya na hindi si Ronald ang first boyfriend ko out of guilt. Kung sinabi ko siguro sa kanya iyon ng moment na iyon, malamang na kinurot niya ako singit bago pa siya malagutan ng hininga.

“Ano?” sabi ni Aura. “Magde-deny ka ba?”

“Oo na!” sabay irap nang kaunti.

Nanunudyo ang tingin ni Aura sa akin. “For sure, matinding-matindi na ang pagnanasang nakaimbak sa katawan mo ngayon kasi nagawa mong ipunin nang matagal na panahon.”

“Huh?”

“Ano ka ba? Hindi mo ba talaga na-get?”

“Na-get ko. Pero anong point mo, ha?”

“Kapag pinakawalan mo ‘yang desire sa katawan mo na matagal mong pinigilan, parang tidal wave ang effect. Hahampasin nang matindi ang lalaking pagbibigyan mo ng virginity mo.”

Ganern?” Parang gusto kong mag-blush sa sinabi ni Aura.

“Oo, gano’n talaga kapag nag-a-abstain. Kapag humulagpos na sa wakas, parang sasabog.” Humagikgik si Aura.

“Leche ka. Hindi naman siguro ako gano’n.” Inubos ko na ang laman ng cup ko. Pero napaisip ako, ganoon ba talaga iyon? Inaamin ko naman na gusto kong maranasan ang sex. Sabi nga ni Roda, it’s normal to want to have sex. It’s embedded in our brains to crave for it like how we crave for our favorite food. Pero hindi ko ma-imagine ang sarili ko na parang maging hayok sa sex dahil lang matagal akong nagpigil na maranasan iyon.

“Tingnan natin.” Parang assured ang loka sa hypothesis niya. “Basahin mo na ‘yang mga ‘yan. Lalo na ‘yong column na Women’s Confessions.”

Dinampot ko ang isang FHM magazine at binasa ang pabalat.

The science of really hot sex. Woman on top or man on top of woman? 20 New sex tips for 2015.

Napalunok ako. Talaga lang? Babasahin ko talaga ang mga ito?

Ilang taon kong iniwasan ang makabasa ng mga mahahalay na babasahing tulad nito dahil ayaw kong ma-corrupt ang isip ko. Hindi ako makapaniwalang magbabasa na talaga ako ng ganito ngayon. Wala nang makakapigil pa sa akin.

Bubuklatin ko na sana ang magazine nang marinig ko ang tatlong warning knock sa pinto at bumungad si Roda—o Rodolfo sa tunay na buhay—at nag-hello sa amin with matching taas ng dalawang braso na para bang contestant sa Miss Gay. Unfortunately, hindi pang-Miss Gay ang karakas ni Roda. Pero kahit hindi siya kagandahang bading, marami na siyang naging fafa.

In fact, ang latest niya ay isang bandista. Ayaw niyang ipakilala sa akin dahil baka pagnasaan daw ako. Hindi ko alam kung protective sa akin si Roda o insecure siya sa akin. Pero whatever, pabor sa akin na hindi niya ipinapakilala sa akin ang mga boylet niya dahil ayoko rin silang makilala. Sa mga pictures ko lang nakikita na nakalingkis siya sa mga lalaking iyon.

Kabarkada ko na si Roda simula pa noong college. Noon pa man ay marami na ang nagtataka kung bakit nagkakasundo kami ni Roda kahit magkasalungat kami ng moral values. Pero kahit maharot si Roda, palagi siyang nasa tabi ko kapag kailangan ko ng kaibigan. Never niya akong tinuruang maging kasing kiri niya. Iginalang niya ang pagiging conservative ko. To the point na siya pa ang nagtatakip ng mga mata ko kapag may hot love scenes sa mga pelikulang sabay naming pinapanood.

“Tyanan!” Inilapag ni Roda sa ibabaw ng magazines ang isang DVD na nakalagay sa CD sleeve. “Panoorin mo ‘yan. C-in-ompile ko pa ‘yan para sa ‘yo.”

“Ano ‘to?”

“Porn.”

Napatanga ako. Porn! Kinabahan ako. Manonood na ba talaga ako ng real porn videos?

Humagikgik si Aura. Halatang naa-amuse sa reaksiyon ko.

“Don’t worry, mars,” pag-assure ni Roda. “Walang threesome at orgy diyan. Ibang level na ‘yon. Para sa isang rookie na tulad mo, nag-compile ako ng romantic porn videos.”

“Romantic porn? Meron bang gano’n?” tanong ko.

“Oo naman, teh. Ito ‘yong amateur porn videos ng true-to-life couples, kaya real emotions ang makikita mo at may love na kasama kaya very sensual. Hindi scripted at hindi wild.”

Hindi ko inaasahan ang munting excitement na naramdaman ko sa sinabi ni Roda. Shhh… secret lang natin, but I have always wanted to see a video like that. I have always been curious how it goes between a man and a woman in love.

“Next time na mag-compile ako ng porn videos, iyong medyo naughty na. Kasi baka ma-bore sa ‘yo ang bed partner mo kapag puro pabebe ka sa bed.”

“Bakla, papanoorin mo ng may role play,” suggestion ni Aura.

“Yes, teh. Next time na iyon. ‘Wag nating biglain si Jenn. Saka na ang hardcore at baka himatayin ang lola mo.”

Dinampot ko ang DVD at tinapunan ng tingin ang FHM magazine. Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa dalawang pornographic materials. Hindi ako makapaniwala. Babasahin at papanoorin ko talaga ang mga ito?

Suddenly, I was struck with a foreign feeling that was somehow refreshing. So, this is the taste of liberty. Iyong malaya kang gawin ang gusto mo. Kahit noong namatay si Lola Pacita, hindi ko pa rin sinubukang magbasa ng mga bawal na babasahin o manood ng porn.

I would not say this is right. But at this point, this is what I need. When I decided to change, I know I have to free myself from the restrictions that I put in myself.

Hindi ako dapat ma-guilty. I am an adult. I am very much legal. *Repeat until fade.*

“So,” sabi ni Aura, “after niyang mabasa at mapanood ang mga ‘yan, ano nang next step? Ihu-hook up natin siya sa isang guy?”

Nag-panic ako sa sinabi ni Aura. “Hoy, teka! Hindi n’yo ako basta-basta puwedeng ibugaw sa kung sinong lalaki!”

“Alam namin, teh!” sagot ni Roda. “Don’t worry, we will find a few sexually appealing guys na alam naming magugustuhan mo and then you decide whether to do it with him or not.”

“Do what?” paninigurado ko.

Pinandilatan ako ni Roda. “Sex. Ano pa?”

Sunud-sunod ang pag-iling na ginawa ko. “Hindi! Hindi ako makikipag-sex sa taong hindi ko mahal. Payag na akong gawin ‘yong bagay na ‘yong before marriage pero hindi sa taong wala akong emotional attachment.”

Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa dalawa na nakatanga sa akin.

“Seryoso ka ba?” tanong ni Aura. “Akala ko ba nagmamadali ka dahil ayaw mong matulad kay Mindie.”

“Pero hindi ko kayang gawin iyon kasama ang isang lalaki na hindi ko pa gaanong kilala at hindi ko mahal.”

“Kung gano’n, kailangan nating humanap ng lalaking mala-love at first sight ka,” sabi ni Roda.

Tumawa si Aura. “Gaga! Hindi totoo ang love at first sight. Gawa-gawa lang ‘yon ng mga hopeless romantic. Balikan mo na lang ‘yong ex mo,” suggestion ni Aura. “May emotional attachment ka naman do’n, ‘di ba?”

“Si Ronald?” pagkompirma ko. “Hindi ko naman siya mahal, eh. Alam n’yo ‘yon. May feelings ako sa kanya pero na-realize kong hindi ‘yon romantic love.”

Suminghap si Roda. Nanlalaki ang mga mata ng bakla. “Si Juan Carlo!”

Natigilan ako nang banggitin ni Roda ang pangalang iyon. Juan Carlo… Juancho!

“Juan Carlo who?” nalilitong tanong ni Aura.

“Juan Carlo ‘Juancho’ Mendoza,” nangingiting sagot ni Roda. “Ang first boyfriend at first love ni Jennilyn na feeling ko, eh, hindi pa rin niya nakakalimutan after so many years.”

Iniwasan ko ang nanunudyong tingin ni Roda at namamanghang tingin ni Aura.

Juancho Mendoza. The only guy that I’ve ever loved. The guy who tried to take me to bed. And yes, tama si Roda. Hindi ko pa rin nakakalimutan si Juancho after all these years.

 

 

JUANCHO

Dammit. I exhaled in exasperation as I stared at the knob of the door in front of me. What am I doing here? I’m not supposed to be here.

Hindi ako dapat pumunta rito, dito sa venue ng stag party ng kaibigan kong si James dahil alam ko kung anong mayroon dito bukod sa alak.

Sex.

Yes, sex. Because the last time I attended a stag party, I woke up butt-naked on the floor with a hot naked woman beside me. Yes, we had sex. I reckon we had sex like two hungry animals that night. And I didn’t even know who she was. Ang alam ko lang, isa siya sa tatlong female exotic dancers na lumabas mula sa big cardboard cake. And she was the hottest among the three.

Yeah, that was one of the several one night stands I had in my thirty years of existence. Well obviously, I’m no saint. I’m just a typical male with a healthy sexual appetite who luckily possesses good looks, sex appeal, great personality and money. And women would hop into my bed willingly.

Sinong mag-aakala na darating ang panahong poproblemahin ko kung paano iiwasan ang mga babaeng gustong sumampa sa kama ko? Sinong mag-aakala na darating ang pagkakataong kailangan kong iwasan ang sex?

Oh, fuck. This is driving me insane. It’s been five months. Five months without sex. Hindi ko akalaing tatagal ako nang ganito. Hindi ko akalaing nabuhay ako ng limang buwan na walang sex. It had been quite a struggle avoiding women, especially when they were the ones who frequently ask me to join them in bed.

Five months down. Seven months more.

Seven fucking months more.

I could feel that my dick is severely depressed with what is going on. Kung makakalipat lang siguro siya sa ibang male groin, malamang na nilayasan na ako nito. But what can I do? I made a pact and I intend to fulfill that no matter how hard it is to do.

Last night, napanaginipan ko na naman si Mishie. This time we were having sex in my dream. When he went down on me, he grabbed my balls and squeezed the hell out of them. Nagising akong basang-basa ng pawis. Kinapa ko pa nga ang ibaba ko dahil sa takot na baka wala na akong balls. Hindi ako makapaniwalang hanggang sa panaginip ay ganoon na lang ang gigil ni Mishie sa akin. Not in a sexual way though. She was mad at me. Her ghost was definitely mad at me.

Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa pagkamatay ni Mishie. Although my cousins and friends have told me it wasn’t my fault that my crazy ex was obsessed with me. Ang sabi nila, namatay si Mishie nang dahil sa sarili niyang kagagawan. Ginusto talaga ni Mishie na mamatay… kasama ako.

I could still remember that day Mishie died. We were in a car. Nagmamaneho ako noon sa isang liblib at mabanging kalsada sa Batangas. Hindi ko dapat kasama si Mishie sa kotse ko. In fact, hindi ko dapat siya kasama at all. Matagal nang tapos ang relasyon namin.

Yes, we had a relationship before but it was purely sexual. I never loved Mishie and she knew that. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya maka-get over sa akin. Obsessed siya na mapaibig ako. Kaya kahit wala na kaming relasyon ay bumubuntot-buntot pa rin siya sa akin, hinahabol-habol ako na parang isang obsessed freak. I even came to point na pinagtataguan ko na siya. Nakarating pa ako sa kung saan-saang bansa para lang iwasan siya. Ganoon siya katindi.

And there came that day. Bago iyong eksena na magkasama kami ni Mishie sa kotse habang nagmamaneho ako sa isang liblib na kalsada, nagpunta muna ako sa isang resort sa Batangas kasama ang isang babaeng itago na lang natin sa pangalang “Marie.” Yes, she was one of those women who used to provide my sexual needs. Marie and I were enjoying each other when Mishie unexpectedly came into the scene. Hindi ko alam kung paano niya nalamang naroon ako. At hindi ko na malalaman pa.

Nagwala si Mishie sa resort. Nag-eskandalo. Para siyang nababaliw. Ipinahiya niya ako mga tao sa resort. Ang akala tuloy ng mga tao doon ay girlfriend ko siya at nahuli niya akong may ibang babae. Sa sobrang hiya at inis ko sa pinaggagagawa niya, hinila ko siya palabas ng resort at isinakay sa kotse ko paalis sa lugar na iyon.

Hindi tumigil si Mishie sa pagdakdak habang nasa kotse kami. Galit na galit siya sa akin. Kung makaarte siya ay daig pa ang isang legal wife sa mister nitong nahuling nangangaliwa.

“I hate you! I hate you!” nakakabinging singhal ni Mishie. “You fucking beast!”

“Shut the fuck up, Mishie!” I said, gritting my teeth.

“Minahal kita, Juancho! Minahal kita nang sobra-sobra! Paano mo nagagawa sa akin ito?”

“Stop acting like you own me, Mishie.”

“But you belong to me, Juancho. Akin ka lang! Naiintindihan mo ba? You are mine! Only mine forever!”

“I don’t know what you’re talking about. We’re done. We were done a long time ago. Wala ka nang karapatang manghimasok pa sa buhay ko. Wala ka nang pakialam kahit sumama ako sa kung sino-sinong babae. Kaya tigilan mo na ‘yang kahibangan mo. Nagsasawa na ako, Mishie. Napapagod na ako sa kakatago’t kakaiwas sa ‘yo. You’re turning my life into a nightmare. Leave me alone from now on. I don’t want to see you ever again.”

Nagsimulang umiyak si Mishie. “Hindi mo ba talaga ako minahal, Juancho? Kahit konti?”

“Hindi. I never told you I loved you.”

Biglang humagulgol nang malakas si Mishie. At nang tumahan ay biglang nanlisik ang mga mata niya. Iyong klase ng panlilisik ng mga mata na parang papatay ng tao. Nagulat na lang ako nang alisin niya ang seatbelt niya at umagaw sa manibela. Gumewang ang sinasakyan namin pakanan.

“What the hell?” asik ko, mangha sa ginawa ni Mishie.

“Kung hindi kita makakasama habangbuhay, mas mabuting mamatay na lang tayo nang magkasama.”

“You’re crazy!”

Nag-agawan kami sa manibela. Pati paa kong nakatapak sa accelerator ay nagawa niyang tapakan upang makontrol ang bilis ng sasakyan. Namangha ako sa lakas ni Mishie. Kahit kailan ay hindi ko siya nakitaan ng ganoong klaseng lakas ng katawan. It was like she was being possessed or something. Ginawa ko ang lahat para makontrol pa rin ang manibela at accelerator pero nang malingat ako nang kaunti, nagawa niyang maidikit ang nguso ng kotse sa bingit ng daan kung saan may bangin.

And the next thing I knew, dumadausdos na ang sasakyan ko pababa ng bangin. Kitang-kita ko kung paanong malakas na humampas sa nabasag na windshield ang katawan ni Mishie bago sumapok sa mukha ko ang airbag.

I have survived the car crash, obviously. Mishie died.

I was in shock. Ilang araw akong hindi makausap pagkatapos ng insidenteng iyon. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ni Mishie. Hindi ko dapat siya pinatulan ng araw na iyon. Nagtimpi sana ako tulad ng palagi kong ginagawa sa kanya. I fueled her anger when I said those harsh things. Ako ang dahilan kung bakit parang nawala siya sa katinuan ng araw na iyon.

It’s been five months since she died. Five months na rin akong celibate.

Yes. I’ve decided to be celibate out of guilt of Mishie’s death and to pay for my sins, not only to her but to all the women that I’ve hurt before because of my selfishness.

Nang mamatay si Mishie, doon ko na-realize kung gaano ako naging kasama bilang lalaki. I’d been a heartless playboy. I’d been a dick my whole life. Kung kasalanan ang kawalang kakayahang makaramdam ng pag-ibig sa lahat ng mga babaeng nagdaan sa buhay ko, makasalanan nga ako at dapat akong ipako sa krus. All I had wanted was to bed them. Hindi ko sila minahal.

Kaya nag-decide ako na parusahan ang sarili ko. At isa lang ang klase ng parusang naisip ko na alam kong magpapahirap talaga sa akin. Nangako ako sa sarili ko na hindi ako gagalaw ng babae sa isang buong taon.

My cousins and friends were amused to hear about the pact I made myself. Baka daw naalog nang husto ang ulo ko sa nangyaring car crash kaya nakapag-isip ako ng ganoon kawirdong bagay. O kaya naman, dala ito ng post-traumatic stress na nakuha ko nang dahil sa aksidente. The truth was, I myself was amazed with my sudden realizations and decisions. Maaari ngang naalog ang utak ko o ano. Still, desidido akong pagbayaran ang mga kasalanan ko kahit sa ganitong paraan.

Umiling-iling ako habang nakatitig pa rin sa door knob. I shouldn’t have come here. Uuwi na lang ako kaysa masira ko ang pangako kong maging celibate. Delikado kapag hindi ko nakontrol ang pag-inom ko at mawalan ako ng control sa sarili kong katawan nang dahil sa alak. Nakipagpustahan pa naman sa akin ang mga loko kong kaibigan na hindi ko raw kayang mag-abstain nang ganoon katagal. My dignity is at stake. I shouldn’t be as reckless as I was before.

Tatalikod na sana ako para umalis nang biglang bumukas ang pinto at bumungad si James—ang would-be groom.

“Juancho!” malakas na sabi niya. “Akala ko hindi ka na darating kasi allergic ka na sa chicks.”

Bumuntonghininga ako. “Actually, man, I didn’t mean to be spoilsport but I think I have to—” Bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay hinila na ako ni James papasok sa loob. I have to go, shit.

“Hey, everyone, Juancho is here!” malakas na anunsiyo ni James sa lahat ng nasa silid.

Nagsilapitan at nagsiapiran sa akin ang mga kaibigan at kakilala ko sa party. I have always been the life of the party. But this time, it felt weird to be in a party like this. Isang party na for boys only dahil alam naman nating maya-maya lang ay may hot chicks nang magbe-break in para magpainit ng kasiyahan.

Inilibot ko ang paningin sa paligid. Wala pa ni isang babae. Thank god there’s no cardboard cake at sight. Mukhang hindi traditional stag party ang ipinahanda ng pinsan ni James at kaibigan ko ring si Toffer para sa groom.

Binigyan agad ako ng alak ni Toffer. “Bullshit ka, akala ko hindi ka na darating.”

“Actually, hindi dapat ako nagpunta rito.”

“Fuck you, man,” sabi ni Toffer. “You’re becoming a bore because of that fucking nonsense of a pact.”

Hindi ko siya makontra. I admit I’ve became a bore. Hindi ako dating ganito. Ako ang pinakakalog at hyper sa lahat ng mga kaibigan ko. But since Mishie’s death, nagbago ako. Feeling ko, bigla akong naging mature.

Hindi ko masasabing gusto ko itong pagbabagong nangyayari sa akin gayong alam kong nahihirapan ako. Hindi biro ang magpigil ng sexual urges. I’m still a man with needs. Lalo na kung mae-expose sa tukso. Kaya hindi talaga dapat ako nagpunta dito. This is a stag party. A party for unmarried men. Hindi puwedeng mawalan ng mga babaeng magpapainit sa party na ito.

“I’ve become a bore, all right. And I think I gotta go. Nagpakita lang ako sa inyo. Baka kasi sabihin n’yo, wala akong pakisama kung hindi ako darating sa despidida de soltera ni James.”

“No, man,” kontra ni James. “Your dick pulled you here.” Tumawa ang magpinsan. “Stay. You badly need to get laid. Parating na ang chicks para sa inyo.”

Ngumisi ako. “Damn you, James. Gusto mo lang manalo sa pustahan.”

Tumawa si James. “Forget the bet. I won’t tell Matt and Marc if you get laid tonight.” Ang pareho nang married man na mga pinsan ko ang tinutukoy ni James. “Promise ‘yan. After tonight, you can pretend that you’re still celibate.”

It was my turn to laugh. “Gago.” Inubos ko ang laman ng basong hawak ko. “I need to go.” Tinapik ko ang balikat ni James at itinaas ko ang mga kamay para magpaalam sa iba pa naming mga kaibigang naroon.

“Are you serious?” parang hindi makapaniwala si Toffer. “Aalis ka na talaga?”

“Oo nga. Mag-enjoy na lang kayo, all right?” Iniumang ko ang kamao ko para makipag-fist bump pero halatang reluctant sila na makipag-fist bump sa akin.

Napailing-iling si James habang nangingiti. Hindi rin ako natiis at iniumpog na rin ang kamao sa kamao ko. Alam kong naiintindihan niya ako pero hindi lang siya makapaniwalang kaya ko talagang maging celibate nang matagal.

Nakipag-fist bump na rin sa akin si Toffer pero halatang napipilitan lang. “Enjoy jacking off in your pad.”

Natawa ako. “Gago.” Tinalikuran ko na sila at lumapit sa pinto pero nang buksan ko na iyon para lumabas, bumungad sa akin ang mga babaeng nakasuot ng iba’t-ibang sexy costumes.

Lahat ay ngumiti sa akin at tiningnan ako nang may pagnanasa. Ang nasa unahan na parang pinagkasya lang ang napakalaking dibdib sa suot na masikip na midriff corset ay inilabas pa ang dila upang i-trace ng tip niyon ang upper lip habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

“Hi, handsome,” the lady said in a sexy, husky voice. “We’re here na.”

Napalunok ako. SHIT.