Keep Calm And Walwal Trilogy
Keep Calm And Walwal Trilogy 1: Janina
P64, 144pp
“Would you want to get reckless with me, Janina?”
Breadwinner ako. Ang masaklap, pinapakain ko pati mga batugang kamag-anak ko. Pasan ko ang daigdig ang peg ko. Pero dumating ako sa point ng buhay ko na nagsawa na akong kumayod at magsakripisyo para sa mga taong hindi ko naman responsibilidad.
Sawa na ako sa buhay ko. Gusto ko ng change. Ayoko nang maging responsableng nilalang!
Kaya isang gabi, nagdesisyon akong mag-walwal. Sa pagwa-walwal ko, nakilala ko si Tom. Pero sino ba ang mag-aakala na ang isang gabing nagpaka-reckless ako, manganganib ang buhay ko—dahil itong si Tom, may baliw palang fiancée. At gusto akong patayin ng bruha! Kaya ngayon, always on the run ang drama ko.
Teka lang! Hindi ito ang change na gusto ko. Sawa na ako sa buhay ko pero hindi ibig sabihin, gusto ko nang mamatay!
Akala ko, katapusan ko na. Pero to the rescue si Tom. “Run away with me,” iyon ang sabi niya. Itatago raw niya ako sa fiancée niya.
Habang magkasama kami, unti-unti kong napapansing hindi na lang ang buhay ko ang nanganganib. Pati yata ang puso ko.
Keep Calm And Walwal Trilogy 2: Hara
P59, 128pp
How dare he remind me how he smudged my lipstick with his lips that night.
I am ambitious. I am thirsty for success. Gusto kong maging lider ng isang malaking kompanya balang-araw. I know I can attain that dream because I am smart, driven, hardworking, and competent.
Ang kaso, hindi ko nakuha ang pinakaaasam kong promotion dahil maruming maglaro ang kalaban. I ended up leaving my previous work and found myself in AIM—ang kompanyang mahigpit na kakompetensiya ng iniwan kong kompanya.
Hindi ko naman ine-expect na makikita ko uli roon ang lalaking nakasama ko isang gabi nang mag-walwal ako sa Boracay. And he’s no stranger! I found out he’s Juan Sixto Santos III, o mas kilala sa tawag na “J” na hate na hate ko noong high school. He asked me to do an “under the table” job for him. The nerve!
Guwapo nga pero mayabang, tamad, at walang direksiyon ang buhay. He thought his charm would work on me but I would never fall in love with someone like him.
Hanggang sa malaman ko ang sekreto ng pagkatao ni J. Kasabay niyon, unti-unti ko nang kinakain ang sinabi ko na hindi ako mai-in love sa kanya.
Keep Calm And Walwal Trilogy 3: Clara
P59, 128pp
“She’s a very interesting woman. She has two faces and has a lot of secrets.”
My name is Maria Clara and I live up to my name. Kilala ang angkan namin bilang konserbatibo at relihiyoso. Kaya ginawa ko ang lahat para pangalagaan ang image ng pamilya namin, to the point na hindi ko na tuloy naranasang magka-boyfriend. And recently, naakit ng iba ang lalaking gusto ko dahil sa restrictions ko bilang isang “Maria Clara.”
Kaya nakapagdesisyon ako. Kailangan ko nang maging tulad ng karaniwang babae sa panahon ngayon. Iyong babaeng hindi mangingimi na ipakita sa isang lalaki ang feelings niya, iyong malayang kumilos para magustuhan din sila ng lalaking gusto niya. Nang pumunta ako sa Boracay, I changed myself and assumed the name of “Claire” to suit my transformation.
Mukhang napasobra yata ang transformation ko dahil nagising na lang ako isang umaga na may katabi nang isang estrangherong lalaki sa kama!
Ang akala ko, puwede ko na lang kalimutan ang nangyari sa akin sa Boracay nang magkaroon ako ng bagong manliligaw—si Froilan. He was a great catch. But in a wicked twist of fate, nalaman kong kaibigan pala niya ang lalaking nakasama ko sa Boracay—si Liam!
Kinailangan kong itago kay Liam na ako si Claire. Pero paano kapag nabuking niya ako?
Date published: September 12, 2018