[EXCERPT] Status: Self-Sufficient

“Excuse me, ma’am,” tawag-pansin sa akin ng bank employee na nakaupo sa likod ng desk kung saan ako nakaupo. Hawak niya ang accomplished form kong nire-review niya.
“Yes?” pormal na sabi niya.
“Isinulat n’yo po rito sa civil status… self-sufficient?”
“Yes.” Wala akong pinili sa choices sa form kaya isinulat ko na lang ang status ko.
Kumunot ang noo ng bank employee. “Eh, ma’am. Bakit po ganito ang isinulat n’yo? May asawa na ho ba kayo?”
“Wala. And I’m not likely to have one.”
“Kung gano’n, dapat po ch-in-eck-an n’yo na lang ‘yong ‘single’ sa choices.”
“No way!”
“Huh?”
“Miss, makinig ka, ha. Kapag nilagay ko ang single d’yan,” tukoy ko sa form, “iisipin ng lahat ng makakabasa niyan na walang nagkakagusto sa akin kaya single ako. Iisipin nilang pangit ako o kaya nadadaan lang sa filter ang pictures ko sa Facebook. Iisipin nilang masama ang ugali ko kaya walang lalaking makatagal sa akin kaya single pa rin ako. Mag-a-assume ‘yong mga lalaking makakabasa niyan na naghahanap ako ng boyfriend, or worse, iisipin nilang tigang ako at kokontakin nila ‘yong number ko d’yan para makipag-sexmate o one-night stand. Hindi sila mag-a-assume na pangit ako at masama ang ugali ko kung hindi single ang nakasulat diyan. Gusto kong isipin nila na hindi ako tigang at hindi ko kailangan ng lalaki because I am rather self-sufficient. I don’t need a man in my life to support me financially and emotionally. I can carry myself well alone. I can live all by myself. And I am not lonely. I. Am. Not. Lonely! So they can just back off and put their scary-looking dicks back in their pants.”
Pinawi ko ang imaginary sweat sa noo ko pagkatapos sabihin ‘yon. Nganga ang bank employee. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Napansin kong pati ang bank employee at client na nasa katabing desk ay nakatingin sa akin. Hanggang sa ilibot ko ang tingin ko sa buong banko at nalaman kong halos lahat, sa akin nakatingin. Ultimo iyong teller sa counter, mukhang natigil sa pagbibilang ng pera dahil sa akin.
Well, it seems na napalakas pala ang boses ko. But then, I think single ladies inside that room could relate to what I just said.
“O, eh bakit kayo nakatingin sa ‘kin?” tanong ko sa lahat habang lumilibot ang paningin. “Totoo naman, ‘di ba? May stigma naman talaga kapag single ka. Gano’n talaga ang iniisip ng mga tao kapag nalamang single ang isang tao.” Tumayo ako at ipinaliwanag ko sa kanila ang point ko with hand gestures. “Iisipin nilang hindi ka desirable, masama ugali mo, mabaho hininga mo, maitim ang kili-kili mo, tigang ka, inggit ka sa mga may jowa, bitter ka, desperada ka, malungkot ka, depressed ka, gusto mo nang mamatay, et cetera. Bullshit, ‘di ba? Why would you look down on single people? It’s not like everyone needs a romantic relationship, come on! Wala akong boyfriend at hindi pa ako nag-aasawa because this is my choice, okay? I love being independent and alone. So, stop judging me just because I am single.”
Currency-counting machine:
Bank books:
Wall:
Door:
In short, nganga silang lahat.

 

***My status: Currently writing this 😀