[COVER REVEAL] When In Jeju

This book will be available soon!

 

Unofficial teaser:

 

Gigi, 20. College student na Koreaboo.

Pumunta sa Jeju para humanap ng Korean boyfriend. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend ni minsan dahil gusto niyang kasing guwapo ng K-pop idols o K-drama actors ang maging first love niya.

Diane, 27. Brokenhearted.

Ipinagpalit ng ex-boyfriend sa isang Koreana. Sinundan niya sa Jeju ang ex para i-stalk at gantihan. Ang plano niya ay humanap ng guwapong Koreanong ibabandera sa ex para pagsisihan nito ang pang-iiwan sa kanya.

Alicia, 39. Naghahabol na sa “last trip.”

Dumayo ng Jeju dahil naisip na baka hindi Pinoy ang kapalaran niya kaya hindi pa rin niya nakikita si Mr. Right. Baka slit-eyed. Baka rin mas bata sa kanya. Umaasang makakakilala ng isang Korean bachelor at maranasan ang trend doong “noona romance.”

One spring day, lahat sila ay sumakay sa isang hop on-hop off public tour bus na umiikot sa Jeju City at sang guwapong Korean ang umakyat sa bus.