PATULOY sa pagtakbo si Ava. Pakiramdam niya ay may humahabol sa kanya kahit alam niyang nakalayo na siya nang husto. Panay ang paglingon niya. Pakiramdam ng dalaga ay mayroong taong bigla na lamang susulpot at huhulihin siya.
Ayaw nang manatili pa ni Ava sa lugar na tinakasan niya. Sa lugar na iyon na imbes na gumaling ang emotional pain na nagpapahirap sa kanya ay parang lalo lamang siyang ginugupo ng matinding kalungkutan. Pumayag siya na ma-confine sa isang private mental health care facility para magamot ang matinding depression pero huli na nang ma-realize ni Ava na may ulterior motive si Lucinda sa pagrerekomenda sa kanya sa lugar na iyon.
Siguro nga ay may major depression si Ava. Marahil nga ay cloudy ang kanyang pag-iisip dahil sa matinding emotional pain na pinagdaraanan pero hindi pa siya nasisiraan ng katinuan para hindi tuluyang matunugan ang plano ng kanyang madrasta. That witch wanted to get rid of her by detaining her in that miserable place.
Ava had been practically detained, like a perilous psychotic patient. People there treated her as if she had already lost her mind. Ang sabi ng resident psychiatrist ay “psychotic depression” ang tawag sa kondisyon niya. At may early symptoms din siya ng schizophrenia. Hindi siya naniniwalang mayroon siyang ganoong uri ng mental disorder dahil wala naman siyang hallucinations at delusions.
Oo, napakagulo ng isip ni Ava. Marami ang pumapasok at gumugulo sa kanyang isip pero wala siyang nakikitang hindi naman nag-e-exist o naririnig na boses sa loob ng kanyang isip. She was only severely depressed. She was not insane!
Tumigil si Ava sa pagtakbo dahil ginupo na siya ng pagod. Umupo siya sa ilalim ng waiting shed. Malayo na siya. Hindi dapat siya maging paranoid. Pinagmasdan ni Ava ang mga sasakyang nagdaraanan sa harapan niya pero wala roon ang kanyang atensiyon.
Now what?
Ngayong nakatakas na si Ava sa lugar na tila pinagkulungan sa kanya ng madrasta, ano na ang gagawin niya? Saan siya pupunta?
Hindi puwedeng bumalik sa kanyang bahay si Ava dahil siguradong hahanapin siya roon ng madrasta o ng mga tauhan nito. Baka doon pa siya mahuli kung sakali. Baka sapilitan siyang ipakulong ng madrasta sa mental facility na tinakasan at idadahilan ang “pagkabaliw” raw niya. Saan siya makakapunta kung wala ni isang kusing na laman ang bulsa niya? Puwede sana siyang lumayo kung may pera lang siya pero nasa bahay ang lahat ng ATM at money cards niya. Ni wala siyang hawak na susi ng sarili niyang bahay. Paano siya makakapasok at makakakuha ng pera?
Malaki ang manang iniwan kay Ava ng amang kakayao lamang ngunit hindi niya alam kung paano maa-access ang kayamanang iyon sa mga oras na iyon. Gusto niyang tawagan si Attorney Calderon na namahala sa pagpapatupad ng last will ng kanyang ama pero hindi niya sigurado kung tunay na loyal ito sa kanyang ama. Paano kung may sekretong alliance ito sa madrasta niya at sabihin kung nasaan siya?
Sino ang kaibigang puwede niyang hingan ng tulong sa mga oras na ito? Wala ni isa man lang sa mga kaibigan ni Ava ang dumalaw sa mental facility sa loob ng halos isang buwan niyang pagkaka-confine doon. Sinabi ba sa kanila ni Lucinda na psychosis ang sakit niya kaya siya nilayuan ng mga kaibigan? Lalo siyang nakaramdam ng matinding lungkot nang malamang wala pala siya ni isang tunay na kaibigan.
Saan siya pupunta?
Walang mapupuntahan. Walang kaibigang mahihingan ng tulong. Wala ring nobyong dadamay kay Ava sa pighating dinaranas niya dahil hindi na siya mahal ng ex-boyfriend na si Dion.
Naramdaman ni Ava ang matinding bigat sa dibdib hanggang sa ma-realize niyang lumuluha na naman pala siya. She’s all alone. She was all alone in this world.
What’s the use of still living, then? sabi niya sa isip habang nakatingin sa kawalan.
Ano pa bang dahilan niya para mabuhay? Nawala na ang lahat sa kanya. Wala na siyang mga magulang, walang nobyo, walang kaibigan.
Tiningala ni Ava ang madilim na kalangitan. Naroon ba ang mga magulang niya?
She missed her mom so much. At kahit recently lang nawala ang kanyang ama ay miss na miss na rin niya ito. Gusto niyang makita ulit ang mga magulang. She wanted to go back to the times where the three of them were still together.
“Can you just take me? Take me where you are right now, Mom, Dad…” lumabas nang kusa sa bibig ni Ava. “Para magkasama na ulit tayong tatlo.”
Am I asking for death? puna ni Ava sa sinabi niya. Naramdaman na naman niya ang kakaibang bigat sa dibdib. Ano nga bang saysay ng mabuhay kung wala naman siyang kasama sa mundong iyon? Kung wala na siyang kayang maramdaman sa kanyang dibdib kung hindi matinding kalungkutan? Wala nang silbi ang mabuhay pa siya. Wala na siyang mapupuntahan. Dapat na lang nga siguro niyang tapusin ang lahat ng paghihirap niya.
I don’t know where to go from here. I might as well just die.





Leave a Reply