SCH Book 6 – Relationship Status: Friendzoned

Joanna Sevilla.
Sixteen years old.
Naniniwala sa destiny.

Isa lang naman ang mission ko: ang makipagbati uli sa ex-friend kong si Gerard. Bakit? Para magawa ang side ng bargain ko kay Camille—ang i-matchmake siya kay Gerard. Kapalit naman niyon ay tutulungan niya akong mapansin ng super crush kong si Derrick Villados, ang captain ng Saint Catherine High basketball varsity.

Alam kong mission impossible ako kay Gerard dahil FO na kami, as in friendship over! Pero susubukan ko pa rin.

Kaso lang, hindi ko in-expect na habang sinusubukan kong suyuin ang pakipot na si Gerard, mare-realize ko kung bakit deads na deads si Camille sa kanya. Para tuloy gusto ko nang makipag-compete kay Camille… ang kaso, may laban ba ako, kung friendzoned ang beauty ko kay Gerard?

 

Published: Sept. 13, 2017