Relationship Status: Friendzoned

Joanna Sevilla. Sixteen years old. Naniniwala sa destiny. Isa lang naman ang mission ko: ang makipagbati uli sa ex-friend kong si Gerard. Bakit? Para magawa ang side ng bargain ko kay Camille—ang i-matchmake siya kay Gerard. Kapalit naman niyon ay tutulungan niya akong mapansin ng super crush kong si Derrick Villados, ang captain ng Saint Catherine High Basketball varsity.

Alam kong mission impossible ako kay Gerard dahil FO na kami, as in friendship over! Pero susubukan ko pa rin.

Kaso lang, hindi ko in-expect na habang sinusubukan kong suyuin ang pakipot na si Gerard, mare-realize ko kung bakit deds na deds si Camille sa kanya. Para tuloy gusto ko na makipag-compete kay Camille…kaso, may laban ba ako, kung friendzoned ang beauty ko kay Gerard?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.