#3 Barby: The Untamed Beauty And The Handsome Beast
“Kahit ilang beses pa akong umalis, babalik at babalik pa rin ako sa iyo. Because I belong to you… then and now.”
Dahil sa kagustuhan ni Barby na manalo sa pustahan nilang magkakaibigan na siya mismo ang nagpasimuno ay ginawa niya ang lahat ng paraan para maging practice player sa basketball team na kinabibilangan ng subject ng pustahan—si Patrick Raymundo.
Ngunit nakasalalay sa antipatikong si Zandro de Vera ang desisyon kung makakasali siya sa practice team. Tiniis niya ang lahat ng pang-aalaska at pagti-trip nito sa kanya manalo lang siya sa pustahan. Pero akalain ba niyang in the process ay matututuhan niyang mahalin ito?
Published: June, 2006
Reprinted: 2012, 2014