Upcoming Books

Meet The 3 Heroines of When In Jeju

Diane

NAKATITIG lang ako sa repleksiyon ko sa salamin ng dresser. Kanina pa ako nakaupo dito at tinititigan ang eyelashes kong kanina lang sa photoshoot ay on fleek pero ngayon ay nag-bleed na ang mascara at kumalat pababa ng mga pisngi ko.

Ngayon ko lang nalaman na hindi pala talaga waterproof ang mascarang nilalagay sa akin sa tuwing mine-makeup-an ako ng baklang make-up artist na si Pepay. Kung hindi pa ako ngumalngal dito, hindi ko pa malalaman na chipipay pala ang makeup na ginagamit niya sa akin.

Kunsabagay, ngayon lang naman kasi ako ngumawa nang ganito. Kaya siguro kahit waterproof ang mascara, magra-run pa rin dahil sa pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko akalaing iiyak ako nang ganito nang dahil sa letseng pag-ibig na ‘yan.

Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang mag-move on. Buburahin ko na ba ang number niya sa Contacts sa cellphone ko? Susunugin ko na ba ang lahat ng pictures namin together? Iipunin ko na ba sa isang malaking kahon ang lahat ng mga materyal na bagay na ibinigay niya sa akin para ibalik sa kanya?

Bakit kasi hindi itinuro sa school kung paano ang mag-move on kapag iniwan ka at ipinagpalit ng taong mahal mo? Hindi ko tuloy alam kung paano ko gagawin iyon. Hindi ko alam kung paano makakalimutan ang hayup na Leo na ‘yon at ang ginawa niya sa akin.

Pakshet siyang hayup siya.

Sa lahat ng lalaking naglalaway sa akin, siya lang ang pinatulan ko. Siya ang first love ko. Five years! Five years ko siyang minahal. Pagkatapos, iiwan na lang niya ako nang basta at ipagpapalit sa ibang babae—sa isang Koreanang payatot at flat-chested pa!

Oo nga at walang pores ang babaeng iyon. Hindi pa lang siguro nadidiskubre ni Leo na BB cream at cushion foundation lang ang nakatapal sa mukha no’n kaya mukhang walang pores. Oo nga, mas maputi sa akin ang babaeng iyon. Puting putla naman. Kasing puti ni The Grudge.

Hindi ko alam kung ako ang may kasalanan kung bakit nagkainteres si Leo sa mga Koreana. Simula kasi nang patikimin ko siya ng Kimchi, naging Koreaboo na ang walanghiya. Nag-feeling-Koreano na kaya siguro naghanap ng Koreana.

Hindi ko alam na ‘yong panood-nood niya ng music videos ng mga girl groups na tumutuwad-tuwad sa YouTube at pagkanta-kanta niya sa banyo ng mga kanta ni Hyuna at ng LaBoum, may pagbabadya na palang iiwan niya ako para sa isang Koreana.

Hindi naman sa pagmamayabang, ha, pero pak na pak ang alindog ko. Commercial model ako. Lingerie model din. In fact, minsan na akong na-feature sa FHM.

Marami akong natatanggap na indecent proposals galing sa mga mayayamang businessman at politians. Maraming mga guwapong lalaki ang nanlalandi sa akin kahit alam nilang taken na ako. Pero hindi ako ganoong klaseng babae. Deadma silang lahat sa akin.

Siguro nga, ine-expose ko ang alindog ko sa TV commercials, print ads at lingerie brochures pero hanggang tingin lang ang mga lalaki sa akin dahil para sa iisang lalaki lang ang lahat ng ito. Para kay Leo lang. Para sa lalaking mahal ko. Pero hindi na-appreciate ng walanghiya ang pagiging faithful at loyal ko.

Si Leo lang ang lalaking minahal ko. Kaya wala pang lalaking nakapanakit sa akin nang ganito. Siya pa lang. Kaya hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang mabuhay nang wala na si Leo sa buhay ko.

Biglang may tumili sa likod ko kaya napapitlag ako. Si Pepay na nakatutop pa ang palad sa bibig habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin na akala mo ay nakakita ng zombie.

“‘OA, ah,” walang ganang sabi ko, sabay pawi ng mga luha ko gamit ang likod ng palad.

Anyare sa ‘yo, teh? Kanina ko pa napansing parang wala ka sa mood. Ba’t kruma-crayola ka diyan?” Lumapit na ang bakla at dinampot ang makeup remover para simulang alisin ang makeup ko.

“Ipinagpalit lang naman kasi ako ng hayup kong boyfriend sa isang Koreana.”

“OMG! Nababaliw na ba siya? Ipinagpalit niya ang isang diyosa? Hay naku, magsisisi rin ‘yon, teh. Malamang nagpa-plastic surgery lang ‘yong Koreanang iyon kaya gumanda. Uso kaya sa kanila ang retoke. At ‘pag nalaman ng dyowa mo ‘yon, babalik ‘yon sa ‘yo. Iba pa rin ang natural.”

“Babalik?” Tatanggapin ko ba si Leo kung sakaling bumalik siya sa akin? “Hindi na, ‘oy! Matapos niya akong gaguhin, masaya siya kung babalikan ko pa siya!”

“That’s my girl!” nasisiyahang sabi ni Pepay habang pinapahiran ako ng makeup remover.

“Hindi lang siya ang lalaki sa mundo.”

“True. At naghihintay lang silang maging single ka ulit. I’m sure, the moment na malaman nilang break na kayo ni Leo, pipila na sila para mapansin mo. Marami pang boylet na mas hot pa kaysa sa kanya, no?”

True. Hindi ko nga lang alam kung mai-in love ako sa kanila kagaya nang pagka-in love ko kay Leo. Pero kailangan kong ma-in love ulit. Kailangang may pumalit sa kanya sa puso ko. Hindi ako puwedeng magdusa nang matagal sa ginawa sa akin ng lalaking iyon.

Hindi ko hahayaang malaman ni Leo kung gaano ako nasaktan sa ginawa niya. Hindi ako makakapayag na habang nagsasaya siya sa piling ng maputlang babaeng ‘yon, ako naman, nalulusaw ang mascara sa kakaluha.

Magmo-move on ako. Kakalimutan ko si Leo. At soon, “hu u?” na siya sa akin.

Nag-ring ang cellphone ko. Sinagot ko ang tawag nang makita ang pangalan ni Mara sa screen.

“Bes, alam mo ba kung anong nasagap ko kani-kanina lang?” bungad kaagad ng kaibigan kong nagtatrabaho sa mismong opisina kung saan accounting head si Leo. Kaya alam kong tungkol sa ex ko ang nasagap niya. “Hindi pumasok si Leo ngayon, eh. Nagtaka ako kung bakit may reliever siya. Nag-leave daw dahil nag-out of the country. At alam ko ba kung sinong kasama?”

“Natural! Eh ‘di ‘yong Korean white ‘surfing board,’” bitter na sabi ko.

“Oo, at nagpunta silang Jeju Island!”

Nanigas ang mga panga ko. Jeju Island.

Noong nagsisimula nang maging Koreaboo si Leo, niyaya niya akong magpunta sa Jeju-do. Nagplano kami. Ang kaso, hindi nagkakatugma ang schedules namin pero umasa akong matutuloy din iyon dahil gusto ko talagang makapunta sa Jeju kasama siya.

Ako dapat ang kasama ni Leo sa Jeju Island pero ang ‘white surfing board’ na iyon ang isinama niya.

Ang sakit, bes… Gusto ko sanang sabihin kay Mara kaya lang, nakikinig si Pepay.

“Naka-post na nga agad ‘yong pictures nila sa IG. Kapal! Talagang nag-post pa. Respeto lang sana sa ‘yo dahil kaka-break n’yo lang five days ago. Sana man lang sinarili na muna niya para hindi mo makita!”

Nang wala na sa linya si Mara, nagdalawang-isip pa ako kung titingnan ko ang pictures ni Leo at ng Koreana sa Instagram hanggang sa mag-decide akong hindi na lang tingnan ang mga picture dahil baka lalo lang akong masaktan.

Pagtingin ko sa top bar ng cellphone ko, may nakita akong dalawang icons ng Instagram. May nag-like at comment siguro sa picture na i-p-in-ost ko kanina. Ibinaba ko ang scroll para makita ang notification pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ang preview ng picture na sinasabi ni Mara.

Si Leo at ang Koreana, magkadikit ang mga pisngi at kuntodo smile!

Nakalimutan kong naka-“favorite” pala ako sa profile ni Leo kaya nakakatanggap ako ng preview notifications ng mga post niya sa IG.  Tutal ay nakita ko na, binuksan ko na lang.

Nasa Jeju International Airport ang dalawa. At parang ang sasaya nilang mga pakshet sila.

Pumitlag si Pepay nang bigla ko na lang ibagsak sa dresser ang cellphone ko. Kiber kung mabasag ang Gorilla glass niyon.

Anyare sa’yo?”

“Pupunta ako sa Jeju!” Naninigas ang mga pangang sabi ko.

“Jeju? Sa South Korea ‘yon, ‘di ba?”

“Oo! Hindi ako makakapayag na hindi ako makapunta doon!” Hindi ako makakapayag na sila, nakapunta roon at ako, hindi. “Pupunta ako doon. Now na!”

 

 

Gigi

DAEBAK!”

Amaze na amaze ako habang nakasilip sa window ng eroplanong sinasakyan ko. Hindi ito ang first time kong makasakay ng eroplano at makakita ng clouds, pero first time kong  makasakay sa Jeju Air.

Si Song Joong Ki kaya ang model ng Jeju Air! Kaya kanina nang pumasok ako doon, kilig na kilig na agad ako. Para ko na ring nasakyan si Song Joong Ki.

Kekeke. Sorry na. Twenty years old na naman ako. Hindi na ako minor kaya puwede na siguro akong maging naughty.

I can’t believe I’m traveling alone. Exciting pala.

Actually, may kasama dapat ako—si Ate Chi-chi, ‘yong pinsan kong twenty-four years old. Kaso hindi siya nakatuloy kasi bigla siyang itinanan ng boyfriend niya. Grabe lang. Talagang itinaon pa na papunta kami ng Jeju island. Pero ano ba ang laban ko sa love? Kaya hinayaan ko na lang sila. In fact, sinabihan pa ako ni Ate Chi-chi na huwag ko raw sasabihin sa parents niya na hindi kami magkasama, na kasama niya ang boyfriend niyang bandista na ayaw ng parents niya para sa kanya.

Hindi ko sinabi sa parents ko na mag-isa lang akong nag-travel papunta sa Jeju. Hindi ko sinabi sa kanila na hindi ko kasama si Ate Chi-chi dahil bukod sa pinagbilinan ako ng pinsan ko na huwag sabihin na hindi kami magkasama, hindi ako papayagan ng parents ko na pumunta sa ibang bansa nang mag-isa. Bata pa rin kasi ang tingin sa akin ng parents ko kahit twenty na ako. But it’s about time I show them that I’m a grown up now. I can take care of myself even if I travel alone to another country.

Hindi ako tourism student for nothing, ‘no? I am bound to travel the world. Soon, ‘yong suot na uniform ng babaeng nag-serve ng bottled water sa akin kanina, iyon ang isusuot ko. Gusto kong maging flight attendant sa Jeju Air.

Pero sa ngayon, magfa-fangirl muna ako sa Jeju Island. Pupunta ako para sa one week K-Pop Expo in Jeju kung saan uulan ng K-pop idols and some of them are my favorites, like BTS, EXO, Infinite, Seventeen, BOTB, MONSTA X, NU’EST, A-Pink, to name a few. Hindi lang ‘yon, pupuntahan ko rin ‘yong mga popular filming locations ng mga Korean drama sa Jeju.

Thirteen years old pa lang ako, nanonood na ako ng mga Korean drama, nakikinig ng K-pop, nagbabasa ng Manhwa (Korean manga) at nangangarap na makarating sa South Korea.

Yes, I am a self-confessed Koreaboo. Iyon ang tawag sa mga taong may matinding fascination or obsession sa Korea at damang-dama ang Hallyu wave. In fact, feeling ko, Koreana ako noong past life ko kaya ganoon na lang ang sobrang fascination ko sa Korea at anything Korean.

Napatingin ako sa ahjussi na nakaupo sa aisle seat. Bakante ang seat in between us dahil para dapat iyon kay Ate Chi-chi. Napatingin din sa akin ang Koreanong lalaki na sa tingin ko, nasa mid-fourties. Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya. Mabilis akong ngumiti at nag-“Anneong hasaeyo!” sa kanya. Gumanti ng bati ang ahjussi.

Hindi lang pagbati ang alam ko sa Korean language. As a tourism student and as a Koreaboo, medyo malapit ko nang ma-master ang Korean language. Kaya kahit mag-isa lang akong mag-tour around the island, hindi ako maliligaw dahil marunong akong mag-Korean.

Ibinalik ko na ang tingin sa labas ng bintana at pinanood ang Korean clouds. I can’t wait to set my foot on Jeju Island. Iyon kasi ang number one popular holiday destination ng mga Korean sa mga K-drama at reality shows. They also say it’s a popular honeymoon destination for newly weds. So, siguro, ang romantic ng place na iyon.

Gusto kong makaakyat sa Hallasan Mountain. Sobrang kinilig kasi ako doon sa scene nina Kim Sam Soon at Sam Shik sa My Name Is Kim Sam Soon. Gusto ko ring mapuntahan ‘yong Seeas Hotel sa Jungmun Resort. Doon kasi nag-switch ng bodies sina Gil Ra-im at Kim Joo-won sa Secret Garden.

Gusto kong makapagsuot ng hanbok at mag-pretend na nasa Jeoseon period ako. Gusto kong makakain ng jjajangmyeon o black beans pasta kasi iyon ang palaging kinakain sa mga K-drama. Gusto kong mamitas ng orange gaya ng ginawa ni Joo Yoo-rin sa My Girl. At saka gusto kong makatikim ng Soju… pero hindi ‘yon dapat malaman ng parents ko.

All right. Hindi lang ang k-pop, view, culture at food ang ipupunta ko roon. Pupunta rin ako roon para makilala ang first love ko.

Yes. Sa Jeju ko gustong makilala ang magiging first boyfriend ko.

Kahit maraming nagpapa-cute sa akin sa Pinas, hindi ko sila pinapansin. Ayoko ng Pinoy. I want a Korean for a boyfriend. Hahanap ako ng Korean boyfriend sa Jeju. At promise, pag-uwi ko, hindi na ako NBSB at meron na akong namja chingu.

Yes, tiwala lang, Gigi! Fighting!

 

 

Alicia

I AM currently staring at this bus they call “Jeju Golden Bus.” It looks more like a school bus rather than a public tour bus.

I sighed. Come on, I am thirty-eight years old. Hindi ba alangan na sumakay ako sa ganito ka-childish-looking na bus?

Tumingin ako sa Korean tour guide na nagdala sa akin sa Jeju Welcome Center. Sa tingin ko, nasa early thirties siya. She could converse in English. Hindi nga lang ganoon ka-fluent pero comprehensible naman. Mabuti nga at may nakuha pa akong marunong mag-English dahil hindi raw uso ang English sa lugar na iyon.

“Am I really going to ride in here?” pagkompirma ko.

“Yes, madam. You say you want to take a bus.”

Yes, I’ve told her that. Sinabi ko na ayokong mag-rent ng private car to tour me around the city. Gusto kong sumakay sa public buses. Iyong may makakasabay akong Koreans. Iyong may makakabanggaan akong Korean passengers sa pag-akyat at baba ng bus. Iyong may makakatabi ako sa seat. Yes, I am traveling alone in this famous Island in South Korea but it doesn’t mean I have to be really alone. I need to see people.

I went here to meet people. Koreans. Korean guys, to be exact. Interesting, charming and attractive Korean guys, to be more exact.

“This is the good bus for you, madam, because the bus tour you around the city. You have a one day pass so you can get in and get out at every bus stop. This is not the only Golden Bus that go around the city. A new bus will start touring around after one hour and another one after one hour and so on. So, each time you want to get to a bus to take you to next destination, you can wait the next bus that stop at the bus stops at a scheduled time. They have twenty-two stops, madam.”

Oh, please. Stop calling me ‘madam,’ you make me feel really old, gusto ko sanang sabihin sa kanya pero hindi ko na itinuloy dahil baka maisip pa niyang bitter ako sa edad ko.

Oo na, I’m thirty-nine and still single. Kaya medyo sensitive talaga ako kapag pinag-uusapan na ang tungkol sa edad.

“Okay, I get it.”

“But tomorrow, you can ride the regular public buses, madam. Just buy T-Money card.”

“All right. Can I hop in now?”

“Yes, madam.”

Hahakbang na sana ako paakyat ng bus pero hindi ako natuloy dahil nakuha ang atensiyon ko ng isang batang lalaking papalapit sa guide.

Omma…” Iyon lang ang naintindihan ko sa sinabi ng bata. Anak pala iyon ng guide.

Nag-usap ang dalawa at sa tingin ko ay gustong sumama ng bata sa ina pero ayaw itong payagan ng huli. May Koreanong lumapit. Mukhang kasing edad ng guide na tinawag ng babae na “Yobo.” Mukhang asawa ng guide ang lalaki. Nag-usap ang mag-asawa.

Na-OP tuloy ako. Hindi dahil hindi ko naiintindihan ang pinag-uusapan nila, kundi nasa tabi ko kasi ang isang buong pamilya. Isang babaeng may asawa at anak.

Yes, I’m pushing forty and I’m not a wife and a mother yet. That sucks.

Nag-decide na akong ipagpatuloy ang pag-akyat sa bus bago pa ako lamunin ng bitterness ko. Sa bandang gitnang row ako umupo. May isang lalaking tour bus staff na nag-assist sa akin.

Hindi nagtagal, umakyat din ang guide ko at ilang saglit pa ay umaandar na ang Golden Bus. Two-seater bawat window ang bus. Ako ang nakaupo sa window seat at nasa tabi ko ang guide. Dahil siguro weekdays kaya walang gaanong pasahero ang Golden bus. So far, no sight of a good-looking Korean guy.

Tiningnan ko ang bus leaflet na ibinigay ng tour bus staff at nakita ko ang Jeju Love Land. Nalaman ko ang tungkol sa bizarre erotic park na ito nang i-Google ko kung anu-ano ang magagandang puntahan at mataong lugar sa Jeju. I am an open-minded person so I find this place amusing.

“I’d like to get off at the bus destination number twenty.”

“You want to see the Jeju Museum of Art?” tanong ng guide. Kalapit lang kasi ng Love Land ang Jeju Museum Of Art ayon sa leaflet. “Or the Love Land?”

Ang Love Land lang talaga ang gusto kong makita pero baka magmukha akong pervert kapag sinabi ko iyon kaya sinabi ko na lang na, “Both.”

“You also see the Mysterious Road there. You will be amaze.”

Mysterious road… Yeah, I’ve encountered that in the Internet.

“You say you are a doctor, madam,” sabi ng guide maya-maya pagkatapos akong makuwentuhan ng iba pang mga lugar na mararaanan ng Golden Bus na magandang babaan pero sa destination number twenty lang ako naging interesado.

“Yes.”

“Wow. You must be very intelligent. What type of doctor, madam?”

“Neurosurgeon.”

“Wow! Like Park Shin Hye in Doctors!”

Kumunot ang noo ko.

“The TV drama, madam.”

“Ah…” Hindi naman kasi lahat ng Korean drama ay napanood ko. Iilan lang ang napanood ko at ang mga tema pa ay iyong may edad na ang babae at mas matanda ang babae kaysa sa lalaki. Mukhang uso iyon sa Korea, which I find fascinating.

“How old are you, madam, if you don’t mind?” tanong ng guide.

Iyan ang pangalawa sa pinaka-ayaw kong tanong, eh. Ang una ay ‘yong ‘Kailan ka mag-aasawa?’ “Thirty-nine.”

Mukhang namangha ang guide. “Oh, really? You don’t look your age.”

“Really?” I don’t look like my age daw. Hindi ko napigilan ang mapangiti. Bibigyan ko ito ng malaking tip mamaya.

“You look just like my age. Thirty-seven.”

Medyo na-disappoint ako. Two years younger lang pala. Kung maka-react kasi siya, akala ko ang laki ng gap ng assessment niya sa edad ng looks ko. Pero puwede na rin. Kaysa naman I look older than my age. At least, may two years na nabawas sa edad ko.

Tumanaw ako sa labas ng bintana para tingnan ang nadaraanan namin.

“How many kids you have, madam?”

For a moment, hindi ako nakakilos nang marinig ko iyon. Did she just… Did she just say I look like I’ve given birth to not just one child but many?

Naramdaman ko na lang ang paninigas ng mga panga ko.

My weight is proportioned to my age and height. I am not fat! Maybe I do not have a supermodel body but mine doesn’t look like I’ve already given birth!

Nang balingan ko ang guide ay nakita kong nakatingin siya sa kamay kong may hawak ng papel na ibinigay niya sa akin kanina. Mukhang nagtataka siya kung bakit halos kuyumusin ko na ang papel.

Gusto kong isinghal sa pagmumukha ng guide ko na wala pa akong anak, pero sa halip na gawin iyon, dumukot na lang ako ng ilang bills ng Korean won sa wallet ko at ibinigay sa kanya.

“I think I can tour around alone. Thanks for your service.”

Mukhang napatanga ang guide. “You don’t need my service anymore, madam?”

Ngumiti ako nang pilit. “Yes. You can hop off the bus at the next stop.”

As if on cue, huminto ang bus. In-announce ng tour bus staff ang destination.

“Oh, there it is. You can get off here. ‘Bye!”

Halatang pilit din ang ngiti ng Koreana. “Thank you, madam. Enjoy your trip. ‘Bye!”

Nagpakawala ako nang marahas na paghinga nang makababa na ang guide. I am so upset.

Why would she say that? That was so rude. Nakita ba niya na mayroon akong wedding ring? Wala naman, ‘di ba? Bakit kailangan niyang itanong ang isang bagay na wala namang basehan? Dahil ba thirty-eight na ako? Kaya ine-expect niyang may asawa at anak na ako? That is so unfair.

Por que ba sila, may asawa at anak na, dapat meron na rin ako sa edad kong ito? Parang ang daling makakita ng mapapangasawa. Parang gano’n-gano’n lang ang pagpili ng lalaking makakasama sa habangbuhay.

Hindi alam ng guide na iyon ang istorya ng buhay ko. Hindi niya alam na punung-puno ako ng regrets sa buhay ko. Hindi niya alam kung ilang beses na akong nasaktan sa pag-ibig. Hindi niya alam kung ano ang pinagdaraanan ko.

Hindi niya rin alam kung bakit ako nandito sa Jeju Island. Nag-file ako ng two weeks vacation leave sa ospital na pinapasukan ko dahil may balak akong gawin sa lugar na iyon.

My plan is to find myself a husband in that place. Yes, I’m fucking desperate that way. I badly need to get married.

Thirty-five ako nang ma-realize kong baka hindi Pinoy ang kapalaran ko dahil lagi na lang nauuwi sa hiwalayan ang mga naging relasyon ko. So, I tried dating an American, it didn’t work. I tried a European, it also didn’t work.

Two months ago, nakita kong nanonood ng isang Korean drama sa cellphone niya ang bagong nurse sa ospital na pinagtatrabahuhan ko during breaktime. Hindi ko akalain na mayroon palang guwapong Koreano.

I wasn’t really turned on by slit-eyed men but it suddenly changed when I saw Ji Chang Wook in the K-drama “The K2.” He was such a hottie.

Kaya simula noon, naging interesado na akong manood ng K-drama kapag wala akong pasok. Mostly, iyong may temang older women at younger men ang bida ang mas nae-enjoy kong panoorin, o iyong tinatawag nilang “noona romance,” like Witch’s Romance at I Hear Your Voice.

Nagkaroon tuloy ako ng fantasy na puwede rin akong magkaroon ng boyfriend na mas bata sa akin at mukhang sa Korea ko matatagpuan ang lalaking iyon.

That’s why I am here. I should have gone to Seoul dahil siguradong mas maraming tao roon pero dahil hindi ko naasikaso ang pagkuha ng visa, I ended up going here in Jeju. I’d come to Seoul if I failed meeting someone here.

Pero sana… sana makakilala ako ng lalaking hinahanap ko sa lugar na iyon. I don’t want to grow old alone.

I don’t want to be alone.

Naramdaman ko na lang ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ito kasama sa itinerary ko. Wala akong balak na maging emosyonal sa Jeju. But I feel like crying. Bakit kasi napaka-unfair ng mundo?

I’m absolutely not ugly, not stupid nor vapid, not some slacker who marries for financial support and definitely not a promiscuous woman. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit wala pa akong asawa hanggang ngayon.

Natigil ang pag-e-emote ko nang makarinig ako ng kumakanta sa bandang likod ko. Korean ang kinakanta ng isang pambabaeng boses. Sinilip ko sa pagitan ng seats ang kumakanta.

Isang young woman na nakasuot ng kulay pink na headphone ang naroon at sumasayaw-sayaw pa habang nakaupo. Halatang Filipina kahit golden brown ang kulay ng buhok. Sa tantiya ko ay seventeen years old pa lang siya.

K-Popper, naisip ko. Narinig ko sa nurses ang term na iyon. Iyon daw ang tawag sa fans ng Korean pop music.

Wala siyang pakialam kahit may nakakarinig sa pagkanta niya despite the fact na hindi maganda ang boses niya.

Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana. I wish I could turn back time and be as young as her again. It’s good to be young. You can act silly and it’s okay. And you don’t need to desperately search for love because you have all the time in the world.

About Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.