• New Releases

    Keep Calm And Walwal Trilogy

    Keep Calm And Walwal Trilogy 1: Janina P64, 144pp “Would you want to get reckless with me, Janina?” Breadwinner ako. Ang masaklap, pinapakain ko pati mga batugang kamag-anak ko. Pasan ko ang daigdig ang peg ko. Pero dumating ako sa point ng buhay ko na nagsawa na akong kumayod at magsakripisyo para sa mga taong hindi ko naman responsibilidad. Sawa na ako sa buhay ko. Gusto ko ng change. Ayoko nang maging responsableng nilalang! Kaya isang gabi, nagdesisyon akong mag-walwal. Sa pagwa-walwal ko, nakilala ko si Tom. Pero sino ba ang mag-aakala na ang isang gabing nagpaka-reckless ako, manganganib ang buhay ko—dahil itong si Tom, may baliw palang fiancée. At…

  • Book Preview,  Upcoming Books

    [EXCERPT] Keep Calm And Walwal, Janina

    Unedited excerpt from KEEP CALM AND WALWAL, JANINA. (Book 1 of the trilogy): “So, now what?” “What?” balik-tanong ko sa tanong ni Tom. “How do we start being reckless?” Nag-isip ako. “Paano nga ba? Well, naumpisahan na natin noong umalis tayo nang hindi sinasabi kung saan tayo pupunta kahit kanino. Ngayon naman… gawin natin kung anong gusto natin. ‘Yong mga bagay na dati, hindi natin kayang gawin dahil masyado tayong responsibleng tao. Gawa tayo ng bucket list.” “Bucket list?” “Bucket list ng mga kabalahuraan na gusto nating ma-accomplish.” Halatang na-amuse si Tom. “Okay. We’ll start by creating our bucket list.” Tumango ako. “Anong una sa bucket list mo?” Halatang nag-isip…