Upcoming Books

Love And Craziness

Here’s the teaser of what I am currently working on:

“Love could really drive people crazy. Like, literally crazy.”
Mula sa pagmamasid sa mental patients na nakakalat sa hallway ng psychiatric hospital ay bumaling ako sa nagsalita sa tabi ko—sa isang babaeng nakasuot ng puting coat na may nakaburdang pangalan na may suffix na M.D. sa bandang dibdib.
Yes. This is just what I need to do for my assignment as a journalist. Kailangan kong mag-obserba sa kalagayan ng mga pasyente sa mental asylum na iyon at mag-interview ng resident doctors doon. 
“Love did this to them?” turo ko sa mga pasyente.
“Yes. Lahat ng mga pasyenteng ‘yan, dumanas ng pagkabigo at pagkasawi sa pag-ibig kaya nagkaganyan sila.”
“Is that… even serious?” hindi makapaniwalang tanong ko habang tinititigan ang seryosong mukha ng magandang doktora.
“Have you ever been in love?” tanong ng doktora sa akin.
“No.”
“Then you won’t understand even if I explain it to you. Love is so powerful it makes strong people weak, smart people dumb and sane people insane. Masuwerte ka at hindi ka pa nai-in love.”
That’s ridiculous. But she’s a doctor. So, maybe she wasn’t just exaggerating things. If that is the case, then I must avoid love at all cost. 
Tinitigan ko ang doktora. Ang ganda niya. I wonder if she has a boyfriend.
Inalok ko ang kamay sa doktora. “By the way, I’m Renz Olivar, Dra…” Tinapunan ko ng tingin ang nakaburdang pangalan sa uniporme ng babae. “Morales…”
“Aria!” tawag ng isang babaeng may edad na sa doktorang katabi ko. “Kinuha mo na naman ang coat ko! Ibalik mo sa akin ‘yan!”
Bumulong sa akin ang babaeng katabi ko. “Don’t fall in love, okay? That’s my prescription for you.” At tumakbo na siya palayo habang humahalakhak.
Dammit. That woman… is a mental patient!

About Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.