FAQ
This is the section for Frequently Asked Questions. Click the the question to reveal the answer. If you don’t find what you are looking for in the list, feel free to use the comment area below to ask. Thank you.
Q: Puwede po bang magpabati? Sana mabati mo ako sa next book nyo. Kelan po ako mababati? Nabati mo na ba ako?”
A: Tumatanggap ako ng request na pabati. Pero dahil sa dami ng nagpapabati, kailangang pumila ang bawat nagpapabati. Inililista ko ang mga pangalan ng bawat nagpapabati. Hindi ako monthly may book release kaya kailangang maghintay. Please be patient. mababati din ang name mo.
Q: Kailan ang next release ng book mo?
A: Unfortunately, wala po akong alam rito. Ang publication na kasi ang nagla-lineup ng dates ng book releases. Kaya kapag tinanong n’yo ako, wala akong idea. Just wait patiently and the moment it gets published, malalaman n’yo kaagad mula sa website na ito.
Q: Puwede mo bang gamitin ang pangalan ko o ng boyfriend ko o ng kaibigan ko sa isa mong novel?
A: Unfortunately, hindi na ako tumatanggap ng ganitong klaseng request kasi sobrang dami ang dumarating na ganitong klaseng request, karaniwan pa hindi pang-novel ang mga pangalan. Resulta, may mga hindi mapagbibigyan. At isa pa, sa dami ng nagrerequest, kung lahat kayo gagawan ko ng nobela, baka hanggang lola na ko, di ko pa tapos ang listahan hehehe. Kaya minabuti ko na lang na hindi na tumanggap ng ganitong klaseng request. Para lahat pantay-pantay. Lahat na lang hindi. At para hindi na rin ako ma-hassle. Pasensiya na po.
Q: Puwede po bang mag-suggest ng story/plot/series?
A: May mga natatanggap akong story plots. Hindi naman sa ayaw kong kumuha ng idea sa iba, ang problema, marami pa akong nakabinbin na sarili kong story plots na naghihintay na gawin ko. Kaya ang mangyayari, kahit tanggapin ko ang plot na isinuggest, maghihintay rin yun sa imbakan. Pero welcome naman ang suggestions ng story plots, iyon nga lang hindi lahat magugustuhan ko. At siyempre, kailangan na magustuhan ko iyon para magawa kong maisulat siya. So, huwag sanang magtampo kung hindi ko magagawa iyon. About naman sa series, dalawa na kasi ang series ko ngayon at may mga assignments pa ako on the side. Kaya hindi ako nag-e-entertain ng suggestion for series. Thank you.
Q: Pa-reprint naman ng books mo. Kailan mare-reprint ang books mo?
A: As much as I want this also, kaso wala akong power to reprint. Ang PHR ang may kapangyarihan (publisher). Ginagawa ko ang part ko na maiparating sa kanila ang mga gusto n’yong maipa-reprint. Sila na ang bahala kung kailan niya ire-reprint o kung ire-reprint niya o hindi. Kung gusto n’yo, puwede naman kayong mag-request sa PHR mismo through their FB page, forum, website, email or telephone.
Q: Bakit wala ng stocks dito sa bookstores sa amin? Bakit hindi pa nakakarating ang books mo sa lugar namin?
A: Unfortunately, wala din akong alam tungkol sa distribution ng books sa bawat stores o lugar dahil ang publication na ang may trabahong i-distribute at i-deliver ang books sa iba’t-ibang branches ng Precious Pages bookstore o iba pang bookstores. Mangyaring pakihintay na lang ang re-delivery o magtanong sa sales staff sa Precious Pages Bookstore branch na binibilhan mo at mag-request na mag-deliver ulit ng title ng book na hinahanap mo.
Q: May mga kulang akong libro mo, saan ako makakakita?
A: Naturally, kapag luma na ang libro ay wala na sila sa bookstores. Kaya minsan, ang pag-asa na lang ay online sellers. Try nyo sa online shops tulad ng pinoypocketbooks.com o online sellers sa facebook, oxl o ebay. Mag-ingat lang sa pagpili ng online seller na bibilhan. Maniguro muna bago bumili.
Q: Kailan mare-release ang reprints ng books mo?
A: Ia-announce ko sa New Reprints section ng website na ito kapag may bagong reprint. Mangyaring maghintay na lang po ng announcement.
Q: Kailan ang delivery ng books sa National Bookstore branches?
A: Usually ay three weeks to one month bago magkaroon ng new titles ang National Bookstores. Still, the fastest way to have the newly released books is by visiting any Precious Pages bookstore branches located in selected SM malls. Wednesday or Thursday ang delivery day nila sa Metro Manila and nearby provinces. Sa mga malalayong provincial branches, two weeks ang hihintayin bago makarating ang new titles sa inyong lugar.