[EXCERPT] Keep Calm And Walwal, Hara
Unedited excerpt from KEEP CALM AND WALWAL, HARA. (Book 2 of the trilogy):
NGUMITI sa akin ang DJ. And I must admit, bumilis ang tibok ng puso ko.
When was the last time my heart beat like this? Hindi ko na matandaan.
He looked pleased. “You looked surprised. Why?”
Umiling ako nang makabawi sa pagkabigla. Hindi ko lang ine-expect na lalapitan niya ako. Kakasabi ko lang kanina na hindi niya ako lalapitan. I mean, sa dami ng babae roon na mukhang sabik na sabik sa atensiyon niya.
“Y-you just… startled me.” Did I just stammer? “Ang alam ko kasi, wala akong katabi tapos biglang may magsasalita.”
“You recognized me.”
“Huh?”
“That look in your face when you saw me. Halatang namukhaan mo ako kaya ka nagulat.”
Pinakatitigan ko ang lalaki. Sikat ba siyang DJ? International DJ ba siya? Ka-level ba niya si Avicii? Hindi ako ganoon ka-updated sa music industry. Ngayon na nga lang ulit ako nakakita ng nagdi-DJ. Sa histura niya, parang confident pa siya na kilala ko siya.
Umiling ako. “No, I’m sorry but I don’t know you.”
Kumunot ang noo niya. “Are you sure?”
Medyo nairita ako. Guwapo sana pero parang masyado yatang feeling sikat? “I’m sure. I don’t know you.”
Napatingin ako sa mga babaeng nasa di-kalayuan na nakatingin sa akin. Probably the same women who were fangirling in front of the DJ a while ago. Halata ang inggit at selos sa mukha ng mga babae. Naiinggit sila sa akin dahil nilapitan ako ng DJ? Pero bakit nga ba ako ang napiling lapitan ng lalaking ito? And why do I feel pleased? ‘Di ba hindi siya ang tipo kong lalaki?
Tinitigan ako ng lalaki na para bang inaarok niya kung nagsasabi ako ng totoo. Hindi ko napigilan ang mapabuga ng hangin. He is indeed handsome. Nag-uumapaw ang sex appeal. But he seemed so full of himself. Kapag ganito ang lalaki, kahit sobrang guwapo, nakaka-turn off.
“Really? Hindi ka naniniwala na hindi kita kilala? Who are you para kailangan kilala kita?”
Unti-unting ngumisi ang lalaki. “I’m Uno.” Tinungga niya ang boteng hawak.
Uno. Hindi ko nga talaga siya kilala. Iniwas ko ang tingin sa Adam’s apple niyang gumagalaw habang lumuluglog siya ng alak. His entire neck looks sexy but I shouldn’t care.
“And you are?” tanong ni Uno nang bumaling ulit sa akin.
“Hara.” Hindi ko dapat sinabi ang pangalan ko. I should’ve told him to leave me alone like what I did to the other guys who didn’t meet my qualifications. Pero bakit hindi ko ginawa?
Typically, nakikipag-shakehands ang lalaki sa babaeng nilapitan at gustong digahan pero hindi nag-offer ng handshake si Uno. Hindi ko alam kung mare-relieve ako o maiinsulto.
Pero grabe si Uno kung makatitig. At kung makangiti siya, parang may alam siyang sekreto ko. Who is this guy? Apparently, hindi kami personal na magkakilala. Baka naman nakainom si Uno kaya ganoon umakto.
Pero hindi naman namumungay ang mga mata niya. Hindi naman siya mukhang tinablan na ng alak.
“So, inindyan ka ba ng boyfriend mo?” tanong niya. Ipinaalala ang unang tanong sa akin.
Is that his way to find out if I am single? Type ba niya ako? “Wala akong boyfriend.” Sinabi ko lang ang totoo.
Ngumisi si Uno, halatang nasiyahan sa nalaman. Bakit kinilig ako ng slight?
Teka, Hara, sabi ng isip ko. Ipapaalala ko lang sa ‘yo na boyfriend-material ang hanap mo. ‘Yong gentleman… medyo naughty pero gentleman pa rin. ‘Yong may magandang trabaho. ‘Yong puwedeng ipagmalaki. ‘Yong hindi lang puro guwapo pero may utak. ‘Yong seseryosohin ka at hindi lang balak makipag-hookup sa ‘yo…
But, duh, I’m in Boracay. This isn’t the proper venue to seach for a boyfriend-material guy. Ang uso dito, MOMOL at one night stand.
Ubos na ang laman ng baso ko. I should be getting my ass out of here, pero hindi ko alam kung bakit parang biglang bumigat ang mga paa ko.
“Let me get you another glass,” sabi ni Uno na parang hindi ako bibigyan ng pagkakataong tumanggi.
Napatitig ako sa kanya at para akong nahipnotismo ng titig at ngiti niya. Shit, he’s so hot. Kahit mayabang, kahit walang stable job… sino ang babaeng tatanggi sa lalaking ito?
(This novel along with the rest of the KEEP CALM AND WALWAL Trilogy will be available in September)