Confessions Of A Shopaholic

Novel by Sophie Kinsella
Translated in Filipino by: Heart Yngrid

Kilalanin si Becky Bloomwood, ang kaakit-akit na bida na may malaking puso, matayog na pangarap—at may isa lang na munting kahinaan…

Lahat ng pinapangarap ng mga babaeng nasa edad niya ay na kay Becky Bloomwood na: isang flat sa London sa pinakamodernong lugar, isang grupo ng mga sosyal na kaibigan, at isang aparador na puno ng magagarang damit at sapatos. Ang problema lang, hindi niya kayang bayaran ang mga iyon—kahit isa sa mga iyon. Hindi lang kasi nakababagot ang trabaho niya bilang isang journalist sa Successful Saving magazine, hindi rin malaki ang sinusuweldo niya roon. Pero paano niya mapipigilan ang sarili niya na bilhin ang isang perpektong pares ng sapatos na tumutukso sa kanya? O ang magandang silk blouse sa window display ng isang kilalang boutique? Pero kailan lang ay nakatanggap siya ng mga nakatotoreteng sulat mula sa Visa at Endwich Bank—mga sulat na naglalaman ng kabuuan ng mga utang niya na ni hindi niya kayang tingnan—at hirap na hirap na siyang bale-walain ang mga iyon. Sinubukan niyang magtipid; sinubukan din niyang kumita nang mas malaki pero hindi siya nagtagumpay. Ang tanging konsolasyon niya ay ang bumili ng kahit ano para sa sarili niya… kahit anong munting bagay…
Sa wakas, isang istorya ang nakakuha ng interes niya. At ang front-page article na isinulat niya tungkol doon ang pinagmulan ng sanga-sangang pangyayari na nagpabago sa buhay niya—at ng mga tao sa paligid niya—habang-buhay. — with Nan’s Dialangen Tweenty’one.

Published: December, 2013

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.