Eh, Di Sa Puso Mo
How to spot a certified jologs:
* Mahilig gumamit ng mga salitang-kalye at mga salitang nauuso ngayon.
* Least favorite subject ang English.
* Makikita madalas na nasa tabi ng street food cart at kumakain ng isaw.
* Ang nakalagay na workplace sa Facebook profile ay “Eh, di sa puso mo.”
Well, that’s me! Alex. Certified jologs ng Saint Catherine High. Pero nagbago lahat iyan dahil gusto kong mapansin ni Sir Natividad, ang cutie pie at sosyal na bagong English teacher namin. Mula sa pagiging jologs, nagpaka-coño ako. Pero ang hirap pala, lalo na kung merong asungot na bumabasag sa trip ko.
Peste talaga itong si Jake! Classmate kong rich kid pero trying hard maging jologs. Pinagtatawanan at nilalait lang niya ang pagpapaka-coño ko. Pero ang magaling na lalaki, nagprisinta na maging tutor ko sa English!
Hindi ko alam kung ano ang trip niya, pero tinanggap ko ang offer niya. Iyon nga lang, habang tumatagal parang… kay Jake na ako nagpapa-impress at hindi na kay Sir Natividad.
Oh, noes!