Uncategorized

Chapter 2 – 40 Days To Heaven

SA ISANG condominium nakatira si Rebecca. Hindi high-end pero hindi naman cheap. Pang-middle class.

Kanina ay binati ako ng sekyu na nakapuwesto sa entrada ng condominium building. Mukhang kilala niya si Rebecca. Sinagot ko na lang ng “Ni hao,” dahil mukhang iyon lang ang alam ko sa Cantonese.

Unit 509 ang nakasulat sa address sa ID ni Rebecca. May dalawang susi sa bag niya. Isa roon ay isinuksok ko sa door knob ng unit 509. Sumikdo ang dibdib ko nang bumukas ang pinto. Patay ang ilaw sa loob ng unit kaya malamang, walang kasama si Rebecca sa bahay. Mag-isa lang siyang nakatira doon.

Thiz iz it! sabi ko sa isip ko habang pinagmamasdan ang loob ng bahay ni Rebecca. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin ang passport niya at kahit bukas na bukas din ay puwede na akong bumiyahe papuntang Pilipinas.

May credit card si Rebecca sa wallet. Puwede kong magamit iyon sa pagbili ng plane ticket. May cash din pero hindi ganoon kalaki. May ATM siya pero hindi ko alam ang pin kaya umaasa na lang ako na makita ko ang passbook niya para makakapag-withdraw ako sa bank account niya ng perang gagastusin ko habang nasa Pilipinas ako. Puwede ko namang gayahin ang pirma ni Rebecca na nasa likod ng ID niya sa transaksiyon sa banko.

Dumiretso ako sa kuwarto ni Rebecca at hinalughog ang drawer na nasa tabi ng kama niya. Walang passport doon. Saan ba usually nilalagay ng isang tao ang passport niya? Sa drawers lang naman, ‘di ba?

Hinalughog ko ang iba pang drawer sa kuwarto ni Rebecca pero wala akong nakitang passport. Naisip ko na baka hindi madalas magbiyahe pauwi ng Pilipinas o sa ibang bansa si Rebecca kaya nakatago ang passport niya. Lumipad ang tingin ko sa cabinet. Baka nakasuksok sa kung saan doon ang passport ni Rebecca.

Pagbukas ko ng cabinet ay tumambad sa akin ang nagsisiksikang mga damit na naka-hanger. Nawala sa isip ko ang passport at pinakialaman ko ang mga damit.

In fairness, may fashion sense si Rebecca. Magaganda ang style ng mga damit niya. Perfect! Magdadala ako ng mga damit niya sa pagluwas ko sa Pilipinas.

Nalibang na ako sa pagsusukat ng mga damit at sapatos at pakikialam ng mga accessories at makeup sa dresser kaya nakalimutan ko ang paghahanap ng passport.

Naglalagay ako ng lipstick sa harap ng salamin sa dresser nang ma-realize ko ang ginagawa ko. May natuklasan ako sa sarili ko. Kikay pala ako. May interes pala ako sa mga damit, sapatos, accessories at makeup.

Napangiti ako. Unti-unti ko pang makikilala ang sarili ko habang nasa katawan ako ni Rebecca. Tinitigan ko ang mukha niya sa salamin. Hinaplos ko ang pisngi niya. Maganda siya, makinis. Pero ang mga mata niya, malungkot. Hindi ko maintindihan kung bakit. Ako na ang nag-take over sa katawan ni Rebecca, dapat ay ang emosyon ko na ang nakalarawan sa mga mata niya. At sa ngayon, masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas, nakapasok na ako sa isang katawang buhay at magagawa ko na ang kailangan kong gawin bago ako kunin ng liwanag.

Naalala ko ang itinanong ko sa wu tungkol sa pagsanib. Itinanong ko sa kanya kung saan napupunta ang kaluluwa ng isang katawang sinaniban ng ibang kaluluwa.

Ang sagot ng wu, nasa loob pa rin ng katawan ang kaluluwa ng taong iyon pero wala siyang kamalayan. Natutulog ang kaluluwa niya sa loob ng katawan niya. Habang sakop ko ang katawan ni Rebecca, matutulog lang siya sa loob ng katawan niya at hindi siya magigising hanggang sa makaalis ako.

Tulog si Rebecca sa loob ng katawan niya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit malungkot ang mga mata ko gayong masaya naman ako.

Malungkot si Rebecca. Bakit nga kaya? Bakit nga kaya siya umiiyak kanina?

Marahas akong napailing. Wala akong panahon para alamin ang buhay ni Rebecca kahit medyo curious ako sa kanya. Ang kailangan kong asikasuhin ay ang buhay ko. Kailangan ko nang hanapin ang passport niya para makaalis na ako bukas.

Hinalughog ko ang cabinet. Lahat ng kahon at folder, sinilip ko. Hindi ko masyadong binusisi ang mga nakita kong gamit ni Rebecca dahil ayokong masyadong i-invade ang privacy niya. Focused lang ako sa paghahanap ng pasaporte. Pero na-haggard na ako sa kakahalughog ng mga gamit niya, wala akong passport na nakita.

“Bakit wala siyang passport?” tanong ko sa sarili ko. “Imposible.”

Napilitan tuloy akong bulatlatin ang mga papeles sa folder niya. Nakita ko ang birth certificate niya. Pure Filipina siya. Paano siya nakapunta sa Hong Kong nang walang pasaporte? Nakita ko rin ang certificate of employment niya. Tatlong taon na siyang nagtatrabaho sa Hong Kong. Meron siyang mga lumang boarding pass kaya ibig sabihin ay nakakauwi siya sa Pilipinas. One year ago pa ang date ng huling boarding pass.

Isang taon na ba siyang hindi umuwi? Hindi kaya nawawala ang passport niya?

Marahas akong umiling-iling. Hindi! Hindi nawawala ang passport ni Rebecca. Nandito lang iyon sa mga gamit niya. Kung kinakailangang halughugin ko ang buong bahay niya, gagawin ko.

 

 

 

NAKALIMUTAN ko na rin kung gaano kasarap ang matulog. Kaya pagdilat ng mga mata ko pagkatapos kong matulog nang matagal, feeling refreshed ako.

Ang sarap matulog. Noong kaluluwa pa lang ako, hindi kami natutulog. Maghapon at magdamag kaming dilat. Nagpapahinga kami pero hindi kami nakakatulog. Wala na kasi kaming body cells na kailangang i-repair sa pamamagitan ng pagtulog kaya hindi namin kailangan iyon.

Malaki at malambot ang kama ni Rebecca kaya siguro masarap ang naging tulog ko. Nag-inat ako. Narinig ko na lang ang pag-ungol ko. Ang sarap palang mag-inat.

Ang sarap palang gumising sa umaga. Nakakapagtaka kung bakit pinili kong huwag nang gumising isang umaga.

Natigilan ako nang parang may masagi akong matigas sa kama. Kinapa ko ang nasagi ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang may maramdaman akong balat. Marahas ang ginawa kong pagbaling sa tabi ko.

Nakita ko ang isang katawan! Isang matigas na panlalaking katawan na hubad. Nakatagilid ito at nakatalikod sa akin. Covered ng kumot ang mula sa baywang pababa kaya hindi ko alam kung totally nude ang katawan. Bigla akong napabalikwas.

Paano nagkaroon ng lalaki dito? Bago ako natulog, wala akong katabi. Hindi ko yata nai-lock ang pinto ng condo unit kaya may nakapasok na masamang loob!

Sa takot ay tumalon ako pababa sa kama, hinagip ko ang unan at pinaghahampas niyon ang lalaking natutulog sa tabi ko.

“Hayup ka! Hayup ka! Anong ginawa mo sa ‘king hayup ka?”

Hindi naman ako hubad pero imposibleng walang ginawa sa akin ang lalaking ito habang natutulog ako. Oo, hindi ko katawan ito pero dahil ako ang kaluluwang nag-take over dito, dapat lang na ingatan ko ito.

Halatang nagising ang lalaki dahil kumilos ito. Hindi ako tumigil sa paghampas sa kanya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Naghanap ako ng telepono para tumawag ng pulis pero walang telepono sa side table.

Pagbalik ko ng tingin sa lalaki ay nakatayo na siya. Hindi totally hubad ang lalaki pero naka-boxers shorts lang siya. Gulo-gulo ang buhok niya at halos hindi maidilat ang mga mata habang nakatingin sa akin.

May sinabi siya sa salitang Cantonese pero hindi ko naintindihan.

Natameme ako nang matitigan ang tsinito. OH-EM… ang guwapo! Mas guwapo pa sa F4! Sa tantiya ko ay nasa late twenties pa lang ang lalaki. Bumaba ang tingin ko sa malapad na dibdib ng lalaki at sa six-pack abs nito. Wow.

Bakit may guwapo sa kama ni Rebecca? Imposibleng pumasok ito sa bahay ng babae para pagsamantalahan ang babae. Sa guwapo at sexy nito, baka ito pa ang reypin ng mga babae!

“Becca, anong nangyayari?”

Marunong siyang mag-Tagalog! At kilala niya si Rebecca.

Teka lang… kung pumasok siya sa bahay ni Rebecca at natulog sa kama ng babae nang halos walang saplot, ibig sabihin… may relasyon sila ni Rebecca?

“Becca?” Kunot ang noong tanong ng lalaki.

Magpapanggap ba akong kilala ko siya? Pero paano ko gagawin iyon? Eh, hindi ko nga siya kilala! Hindi ganito ang plano ko. Ang plano ko ay umalis na agad kapag nakuha ko ang passport ni Rebecca. Hindi ko in-expect na may dyowa pala siya. Eh, anong iniiyak-iyak niya kagabi kung hindi pala siya brokenhearted?

“Becca? What’s wrong, sweetie?”

Confirmed! Dyowa nga ni Rebecca ang lalaking ito!

“Bakit kung makatingin ka, parang hindi mo ako kilala? Are you all right?”

Hindi ako puwedeng magpanggap na kilala ko siya. Magtataka siya kapag nag-usap kami at malaman niyang marami akong hindi alam sa kanya at maging sa sarili ko.

Humawak ako sa likod ng ulo ni Rebecca at nakapa ko pa rin ang bukol doon. Mabilis akong nakaisip ng alibi. Noong isang araw lang ay nakinood ako ng TV sa isang bahay na naraanan ko. May eksena sa isang pelikula na naaksidente ang sasakyan ng bidang babae at paggising niya ay hindi na niya kilala kung sino siya at mga taong nakapalibot sa kanya sa ospital.

Nagka-amnesia ang babae. Nabagok ang ulo nito at naalog ang parte na may kinalaman sa memorya kaya nagulo ang memory ng bidang babae. Hindi lang naman siguro sa mga palabas nangyayari iyon. Puwede sigurong sa totoong buhay.

“B-Boyfriend ba kita?” tanong ko.

Halatang nabigla ang lalaki sa itinanong ko. “Huh?”

“S-Sagutin mo ‘ko… boyfriend ba kita?”

Bahagyang namilog ang mga mata ng lalaki. May sinabi siya sa salitang Cantonese.

“Hindi ko naiintindihan ang sinasabi mo. Mag-Tagalog ka.”

Halatang naguguluhan ang lalaki. “What are you talking about, Becca?”

“Hindi kita kilala… Hindi ko kilala ang sarili ko.”

Mukhang namangha ang lalaki. “What?”

“Kagabi, nagising na lang ako sa kalsada na masakit ang ulo at may bukol.” Kinapa ko ang bukol sa likod ng ulo ni Rebecca. “Hindi ko na maalala kung anong nangyari. Hindi ko na maalala kung sino ako. Nalaman ko lang kung ano ang pangalan ko nang makita ko ang ID sa bag na nakasabit sa akin. May address na nakasulat sa ID kaya pinuntahan ko ang bahay na ito.”

Tumutop sa bibig ang lalaki habang nanlalaki ang mga mata. “Oh, Sweetie!” Mabilis na lumapit sa akin ang lalaki at niyakap ako sa pagkabigla ko.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakawala ba ako sa yakap niya dahil hindi ko siya maalala o hahayaan ko siyang yakapin ako dahil may relasyon kami?

Kinapa ng lalaki ang likod ng ulo ko at naramdaman ko ang pagsalat niya sa bukol ko.

“Does it hurt?” tanong ng lalaki.

Tumango ako.

“Oh god, Becca! You might have a temporary amnesia or something.”

Nakahinga ako nang maluwang. Buti na lang kinagat niya. Tama. “Temporary amnesia” lang ito dahil babalik din ang “memorya” ni Rebecca kapag umalis na ako sa katawan niya.

“Amnesia?” kunwari ay tanong ko.

“Nawala ang memory mo, sweetie, dahil sa blow na nakuha mo sa ulo.” Hinawakan niya ang mukha ko at tinitigan ako.

Grabe, mas guwapo siya sa malapitan.

“Kaya ba magulo ang kuwarto mo? Hinalughog mo ang mga gamit mo para maalala mo kung sino ka?”

“O-Oo,” sabi ko na lang.

Niyakap ulit ako ng lalaki. “Poor sweetie…”

Teka nga. Yakap siya nang yakap sa akin nang naka-boxers lang siya! Oo nga, guwapo siya at hindi ko katawan ito pero nakakailang pa rin. Kumawala ako sa yakap niya at humakbang nang paatras.

“Sino ka?”

Nagpakawala ng buntonghininga ang lalaki. “I’m Chiu Chen Li, your fiancé.”

Fiance? Bakit walang suot na engagement ring si Rebecca? Naalala ko ang isang singsing na may malaking bato na nakita ko sa drawer ng dresser. Baka engagement ring iyon.

“We’re getting married four weeks from now.”

Ikakasal na si Rebecca in four weeks? Ikakasal na pala siya sa pagkaguwapu-guwapong lalaking ito, anong iniiyak-iyak niya kagabi?

Hinawakan ni Chen Li ang mga balikat ko. “I have to take you to the hospital. You have to regain your memory.”

“No! I don’t like hospitals!” Hindi ko sigurado kung totoo sa loob ko iyon o kailangan ko lang umiwas sa checkup dahil baka mabuking ako na nagpapanggap lang na nawalan ng memorya.

“Yes, I know that. But you have to be treated. Baka nagkaroon ka ng brain injury kaya wala kang maalala.”

“I feel fine. Hindi masakit ang ulo ko. Wala lang akong maalala pero sabi mo nga, temporary amnesia lang ito at babalik din ang memorya ko.”

Umiling si Chen Li at kinapa ulit ang likod ng ulo ko. “At least have this bump checked.”

Pumiksi ako. “Ayoko!”

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Chen Li habang nakatitig sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko.

Naisip kong magdahilan para hindi siya magduda na nagsisinungaling lang ako. “Ni hindi nga kita kilala. Bakit ako sasama sa ‘yo? P-Paano kung hindi pala kita totoong fiancé? Paano kung niloloko mo lang ako?”

“Come on, Becca. Isn’t it enough proof that I am in my boxers right now and I was sleeping beside you? Kung wala tayong relasyon, paano ako makakapasok dito sa bahay mo? I have a key in this house, sweetie.”

“N-Nagli-live in na tayo?”

“Not really. I don’t really live here. Dito lang ako natutulog pamin-minsan. I have my own house… and soon, you will live there with me.”

Tinapunan ko ng tingin ang abs ni Chen Li. My ghad. Kapag nakita ito ni Milet, siguradong mamanyakin ito ng bruhang iyon.

“Hindi mo ba talaga ako naaalala kahit kaunti?” Halata ang frustration sa mukha ni Chen Li.

Umiling ako. “Pasensiya ka na… pero… hindi ko alam kung paniniwalaan kita.”

Sinuklay ni Chen Li ng mga daliri ang buhok patalikod at medyo na-mesmerize ako dahil ang suwabe ng pagkilos niya. Panis na panis si Jerry Yan sa tsekwang ito.

“We have pictures on your phone.”

“My phone? Cellphone? Wala akong cellphone nang gumising ako sa daan. Wala rin akong nakitang phone dito sa bahay na ‘to. Baka nahulog ko sa kung saan.”

Lumakad si Chen Li papunta sa kabilang bahagi ng kama at dinampot sa side table ang isang cellphone. Pinagpipindot niya iyon at pagkatapos ay lumapit ulit siya sa akin. Ipinakita niya sa akin ang picture nila ni Rebecca mula sa cellphone niya.

Naka-backhug si Chen Li kay Rebecca sa picture at parehong nakangiti ang mga ito. Tinanggap ko ang cellphone at in-slide ang touch screen para makita pa ang ibang pictures.

“Are you convinced now?” tanong ni Chen Li.

Hindi naman ako nagdududa na nagsasabi ng totoo ang lalaki. Kailangan ko lang talagang umarte. Naisip kong samantalahin ang pagkakataon para may malaman tungkol dito at kay Rebecca.

“Gaano na tayo katagal na mag-dyowa?” tanong ko.

Dyowa?” kunot-noong gagad niya.

Dyowa, hindi mo alam? Gaano ka kagaling mag-Tagalog? Paano ka natutong mag-Tagalog kung Chinese ka?”

“I am half-Filipino, half-Chinese but I was born here in Hong Kong so I’m an HK citizen. I lived in the Philippines for seven years. Kaya marunong akong mag-Tagalog.”

Tsinoy pala siya!

“Tumira ka sa Pilipinas? Doon ba tayo nagkakilala?”

“No. Dito na tayo nagkakilala. Look, sweetie, I think I need to bring you to the hospital first.”

“No! Babalik din siguro ang memory ko. Kailangan ko lang magpahinga.”

“But—”

“Umalis ka na.”

“What?” Halatang napantastikuhan siya.

Dahil baka kapag nagtagal ka pa, baka maakit na ako sa ‘yo! “Gusto kong magpahinga.”

“Pero kailangan mong magpatingin sa doktor. We’re not talking about a little head bump or an ordinary headache here, Becca. You’ve lost all your memories, for Christ’s sake!”

Oo nga naman. Hindi ko naman siya masisisi kung mag-aalala siya bilang fiancé ni Rebecca. Baka mas maghinala siya kung hindi talaga ako papayag na magpatingin sa doktor. Pero paano kung mabuking ako ng doktor na nagpapanggap lang akong nawalan ng memorya? Teka… totoo namang nawalan ako ng memorya, ha! Hindi nga lang dala ng medical reason.

“Hindi ako aalis dito hangga’t ‘di ka sumasama sa akin.”

Hindi ka rin magbibihis? Iniwasan kong bumaba ang tingin sa bandang ibaba ng waistband ng boxer shorts niya. “Sige. Sasama na ako.” Dahil baka mas delikado kung magtatagal kang halos hubad sa harapan ko.

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.