Love Team

Para kay Kriz, ang kanyang buhay ay isang telenovela. Bawat eksena sa buhay niya ay bahagi ng isang drama. Siya ang bida. Maraming kontrabida sa kanyang paligid. At ang kanyang ka-love team ay si Rigor, ang kanyang señorito na ubod ng guwapo ngunit ubod din ng suplado.Umiinog ang kanyang mundo sa pangangarap sa mga nakakakilig na mga eksena nila ng kanyang katambal.

Kontento na siya roon dahil alam naman niyang sadyang may mga magka-love team na hindi nagkakatuluyan sa tunay na buhay. Hindi niya inakalang sa isang iglap ay magkakatotoo ang lahat. Bigla ay nasa isang palabas siya at ang ka-love team niya ay walang iba kundi si Rigor.

Wala nga silang ipinagkaiba sa mga love teams sa showbiz. Sa harap ng mga tao ay sweet na sweet ito sa kanya ngunit kapag silang dalawa na lang ay hindi sila close. Pero `di bale, ang mahalaga ay makasama niya ito kahit sandali lang at mahalin siya nito kahit kunwari lang…

Published: 2009

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Pin It on Pinterest