I Love You To Death (book 1)

Imbiyernang-imbiyerna si Marian sa mahaderang may-ari ng kakompetensiya niyang funeral parlor na si Aling Poleng. Tumitindi ang kompetensiya sa pagitan ng mga punerarya nila. Pabonggahan at iba’t ibang gimik ang ginawa nila para magpasiklaban at makakuha ng customers.
Nang sa palagay ng dalaga ay nakakaungos na siya, bigla namang sumulpot si Miguel, ang super hot guy na bagong embalsamador sa punerarya ni Aling Poleng. Kaya tuloy dinumog ng mahaharot na babae ang punerarya ng matanda at mukhang willing ang mga ito na mamatayan ng kapamilya para lang makapagpa-cute sa guwapong embalsamador. Bigla ay nauungusan na si Marian ng kalaban.
Hindi matatanggap ng dalaga kung sakaling ma-bankrupt ang business niya nang dahil lang sa six-pack abs ni Miguel. Kaya naman sinubukan ni Marian na i-pirate ito ngunit hindi pumayag ang binata. Sukdulang gamitin niya ang kanyang alindog para akitin ito upang lumipat ito sa kanya. Kaya lang, imbes na maakit ito sa kanya ay siya ang naakit.
Bigla ay natuklasan na lang ni Marian na “patay na patay” na siya kay Miguel. Buhayin kaya ni Miguel ang pag-asa ni Marian na umibig muli o patayin na ng binata nang tuluyan ang puso niya?

Published: 2014

So, what can you say?

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Pin It on Pinterest