Hi, guys! Feel free to ask me anything! As long as your questions are answerable and not super duper personal, I will answer them. All you need to do is type in your question and you’re done. No collection of names and emails. You will get your answer as soon as I log in. Thank you.

 


Hello po Miss Heart. Bagay po talaga sa inyo ang pangalan nyo….Because din sa inyo, nainspire akong sumubok magsulat ng ilang short-love related stories. Hindi ko pa po nasubukan na magpost ng mga stories kahit sa fb account ko. Pero gusto ko pong maging determine at maging katulad nyo on the future. Gusto ko sanang magtanong kung ano po ba yung dapat na isa-isip ng isang manunulat pag nagsusulat na sya….? Sa’n po ba kayo humuhugot ng inspirasyon ? This I will ask to you is literal for me, but I’m still afraid po kasi eh. Hope you can give me some brief advice. God bless Miss Heart and more power. I Heart You po….. 18. July 2017

I get inspired through watching movies, Kdramas, listening to music, through real life experiences (of myself and other people). Ang creativity kailangan mo rin kasing pakainin yan. Hindi naman laging magpo-produce yang mag-isa. So, you watch or read fictional stories or take interest in real life stories also para malangisan ang creativity mo. Observe other people’s writings. Hindi ko sinasabing gayahin mo, gawin mo lang basehan kung paano naisulat ang isang kuwento sa teknikal na paraan. Kailangan mong maging matiyaga. Writing a book-length story could be really dragging and stressful kaya kung wala kang tiyaga, wala kang matatapos. Goodluck sayo. Sana matupad mo yung goal mo 🙂


Hi miss heart! Saan po ako pwede mkabili ng ‘hitch catch’ novel na ebook? Wala po kasi sa preciouspagesebookstore.com.ph. Thanks po! 5. July 2017

Unfortunately, walang ebook format ang Hitch Catch.


Hi po! San po ba pwedeng magpasa ng novel para po sa mga aspiring writers? yun pa rin po bang nasa una-unang page ng phr book? 25. May 2017

[email protected]


Hi, Ms Heart ! Are the Drop-Dead Playboys written in filipino or in english ? 25. May 2017

Tagalog with English.


Hi, good day Ms. Heart! Nagco-collect ako ng mga books written by you and other writers ng PHR. Possible pa rin po ba na mare-print yung mga nauna na ninyong books? I would like to read all of your work kasi eh. And also, I was planning to participate in PHR’s workshop this coming May. Sana makita kita doon. Thank you. More power and God Bless po! 🙂 25. May 2017

Apparently, wala ako doon sa workshop. Sorry for the late reply. Oo, posible na ma-reprint sila lalo na kung may mga nagre-request mismo sa kanila ( sa page nila sa facebook). In fact, na-reprint na ‘yong first 6 books ng SCU at ‘yong Shakespearean Tales and A Love Revenge trilogy.


Page 1 of 8 1 2 3 4 5 6 7 8