• Uncategorized

    Chapter 6 – 40 Days To Heaven

    LULUGO-LUGO ako nang makalabas ako sa Philippine embassy ng Hong Kong. Nag-inquire lang ako kung puwedeng magpa-rush ng bagong passport. Tama si Chen Li. Fifteen working days ang kailangang hintayin para magawa ang bagong passport ni Rebecca. Kahit nakiusap na ako na baka puwedeng i-rush ang paggawa ng bagong passport, hindi ako pinagbigyan ng masungit na babaeng empleyado ng embahada. Hindi raw valid ang reason ko para ipa-rush ang passport ko. Pinangaralan pa ako ng bruha na dapat daw ay matagal ko nang inasikaso ang pagre-report ng pagkawala ng passport ko. Iyon na lang sana ang tanging pag-asa ko—ang makakuha ng passport nang mabilisan para magawa ko pa rin ang…

  • Uncategorized

    Chapter 5 – 40 Days To Heaven

    SA HALIP na ma-disappoint, natuwa pa ako nang mag-text si Chen Li na hindi siya makakapunta sa bahay para sunduin at samahan ako sa memorable places na maaari raw makapagpabalik ng nawawala kong memorya bilang si Rebecca. May biglaang napakaimportanteng appointment daw siya. He felt bad daw na kailangan niya muna akong iwan para sa trabaho pero babawi raw siya bukas. Ibig sabihin, malaya akong makakakilos para hanapin ang passport ni Rebecca. Hindi ko kailangang sumama kay Chen Li sa mga lugar na pagdadalhan niya sa akin at hindi ko kailangang sumakay sa Hong Kong Kong Junk. At higit sa lahat, hindi na muna didikit ang balat niya sa akin…

  • Uncategorized

    Chapter 4 – 40 Days To Heaven

    “WALA ka bang naaalala ni isa sa kanila?” tanong sa akin ni Chen Li. Nasa harapan ko ang ilang officemates ni Rebecca na lahat ay singkit. Sila raw ang subordinates “ko” bilang marketing head. Siyempre, wala akong maaalala ni isa sa kanila dahil hindi ko naman sila kilala. Umiling ako. Nakita ko ang simpatya sa mukha ng subordinates ko. Nalungkot siguro sila sa nangyari sa akin. May ilang nagsalita at sa palagay ko, nagpahayag sila ng simpatya sa akin. May sinabi si Chen Li sa kanila. Narinig ko ang salitang “English” kaya nahulaan kong sinabihan sila ng tsinoy na hindi ako nakakaintindi ng Cantonese at English lang ang naiintindihan ko…

  • Uncategorized

    Chapter 3 – 40 Days To Heaven

    BUTI NA lang at hindi pala madalas makita sa MRI kung may amnesia ang isang tao. Wala daw nakitang abnormalities sa utak ko. Walang injury. Malaki raw ang posibilidad na temporary lang ang “amnesia” ko pero nagtataka ng doktor kung paano nangyari na lahat ng memorya ko ay nabura. Usually daw ay partial o selective lang ang amnesia. Kinabahan ako na baka maghinala si Chen Li na nagpapanggap lang akong may amnesia pero wala akong choice kung hindi panindigan ang ginagawa ko dahil wala naman talaga akong alam tungkol kay Rebecca. Wala nga rin akong alam tungkol sa sarili kong pagkatao bilang si Jannica, eh. Maraming tests ang ginawa sa…

  • Uncategorized

    Chapter 2 – 40 Days To Heaven

    SA ISANG condominium nakatira si Rebecca. Hindi high-end pero hindi naman cheap. Pang-middle class. Kanina ay binati ako ng sekyu na nakapuwesto sa entrada ng condominium building. Mukhang kilala niya si Rebecca. Sinagot ko na lang ng “Ni hao,” dahil mukhang iyon lang ang alam ko sa Cantonese. Unit 509 ang nakasulat sa address sa ID ni Rebecca. May dalawang susi sa bag niya. Isa roon ay isinuksok ko sa door knob ng unit 509. Sumikdo ang dibdib ko nang bumukas ang pinto. Patay ang ilaw sa loob ng unit kaya malamang, walang kasama si Rebecca sa bahay. Mag-isa lang siyang nakatira doon. Thiz iz it! sabi ko sa isip…

  • Uncategorized

    Chapter 1 – 40 Days To Heaven

    Ten days later… HABANG si Milet ay nanonood ng Symphony of Lights mula sa Sky Terrace 428 sa rooftop ng The Peak Tower, ako naman ay ang mga taong nandoon ang pinapanood. Naghahanap ako ng Pinay. Naghahanap ako ng posibleng masaniban para maisagawa ko ang plano ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng Pinay na nakita ko sa paglibot ko sa Hong Kong, wala ni isa sa kanila ang kasukat ko ng qi. Qi raw ang tawag sa vital energy ng isang katawan, ayon sa isang Chinese Wu o shaman na pinuntahan ko one month ago para idulog ang problema ko. Hindi ko nakakausap ang wu sa Tagalog…

  • Uncategorized

    Prologue – 40 Days To Heaven

    Victoria Harbour, Tsim Sha Tsui, Hong Kong SINO AKO? Nagka-amnesia yata ako. Namalayan ko na lang kasi ang sarili kong naglalakad sa lugar na iyon. Madilim na pero maraming ilaw na nakabukas. May clock tower, may Chinese characters sa street signs at maraming singkit ang mga naglalakad sa paligid. Nasa China ba ako? Hindi. Baka nasa China town lang. Tiningnan ko ang malaking sign sa malaking gusali sa tapat ng clock tower. Avenue Of Stars. May view deck sa kabilang banda na kailangang akyatin. Mukhang may dagat doon. Tanaw ko ang mga nagtataasang gusali sa malayo, sa kabilang ibayo. Sino ako? Nasaan ako? Bakit wala akong dalang bag? May narinig…