RF012 St. Catherine High Series 2: Eh, Di Sa Puso Mo

Price: 64php
Release Date: January 4, 2017

Teaser:

How to spot a certified jologs:

* Mahilig gumamit ng mga salitang-kalye at mga salitang nauuso ngayon.
* Least favorite subject ang English.
* Makikita madalas na nasa tabi ng street food cart at kumakain ng isaw.
* Ang nakalagay na workplace sa Facebook profile ay “Eh, di sa puso mo.”

Well, that’s me! Alex. Certified jologs ng Saint Catherine High. Pero nagbago lahat iyan dahil gusto kong mapansin ni Sir Natividad, ang cutie pie at sosyal na bagong English teacher namin. Mula sa pagiging jologs, nagpaka-coño ako. Pero ang hirap pala, lalo na kung merong asungot na bumabasag sa trip ko.
Peste talaga itong si Jake! Classmate kong rich kid pero trying hard maging jologs. Pinagtatawanan at nilalait lang niya ang pagpapaka-coño ko. Pero ang magaling na lalaki, nagprisinta na maging tutor ko sa English!
Hindi ko alam kung ano ang trip niya, pero tinanggap ko ang offer niya. Iyon nga lang, habang tumatagal parang… kay Jake na ako nagpapa-impress at hindi na kay Sir Natividad.
Oh, noes!

 


RF013 St. Catherine High Series 3: Confessions of a K-Pop Fangirl

Price: 59php
Release Date: January 4, 2017

Teaser:

Annyeong haseyo! Ako si Sandy, ang certified K-pop fangirl na hindi nangangawit ang ngalangala sa pagtili tuwing nanonood ng music videos at concerts ng mga bias kong K-pop idols. Kung ang iba, may American dream, ako naman , may Korean dream. At ang ultimate dream ko, makatapak sa Seoul at ma-meet ang lahat ng K-pop idols ko.
Kaya naman maloka-loka ako nang biglang… OMO! May napadpad na Koreano sa school namin na kamukha pa ng isa sa mga bias ko. 
Eotteoke! Eotteoke?
Nag-ala-ninja tuloy ako sa kaka-stalk kay Choi Dong Ho. 
Pero may epal na umaaway kay Dong Ho, ang schoolmate naming si Pocholo na parang mainit yata ang dugo sa mga Koreano. Aba, siyempre, hindi ko hahayang i-bully niya ang crush ko. Kaya inaway ko siya.
At doon na nagsimula ang matinding war namin ni Pocholo.
K-pop fanatic VS Anti-K-pop. Sino ang mananalo?