Somewhere in May 2006, na-publish ang kauna-unahang nobela ko under PHR. Unfortunately, hindi ko na maalala ang exact date ng kung kailan na-publish ang unang nobela ko bilang si Heart Yngrid. Kaya cine-celebrate ko na lang ang anniversary ko sa PHR ng isang buong buwan ng Mayo. 😀

So, yes, 2016 na kaya sampung taon na akong nagsusulat para sa PHR. Isang dekada! At nakakatuwa kasi ‘yong mga reader na naroon simula pa noong 2006 ay nandiyan pa rin most of them at bawat taon ay nadadagdagan.

Maraming salamat sa mga reader na patuloy na tumatangkilik! Kayo ang dahilan kung bakit umabot ako ng isang dekada sa pagsusulat sa PHR. Kaya happy 10th anniversary kay Heart Yngrid at sa mga reader na nagbabasa ng mga nobela ko. Salamat sa isang dekadang puno ng pag-ibig! 🙂 -HY

(image ctto)