PROLOGUE

 

   Chapter Eight

Ganoon pala ang umibig. Ganoon pala ang masaktan sa pag-ibig. Ngayon ay alam na ni Victoria kung bakit feel na feel ng ilan kapag kinakanta sa videoke ang mga awiting “Luha,” “Almost Over You,” at “Where Do Broken Hearts Go.” Ramdam pala talaga nila ang kakaibang level ng sakit na tanging ang mga brokenhearted lang ang nakakaalam. Hindi mailalarawan sa salita kung gaano kasakit ang umasa sa forever na hindi pala kailanman magkakaroon ng kaganapan.

Napuna ni Victoria na pumapatak na ang ulan. Nagsimula nang umagos ang kanyang mga luha habang naglalakad sa kalsada nang walang tiyak na patutunguhan. Lumakas ang buhos ng ulan hanggang sa basang-basa na siya. Kung nasa pelikula lang siya, nai-imagine niyang ang music background sa eksenang iyon ay “Basang-basa Sa Ulan.”

Pero tama lang sigurong magpakabasa na lang siya. Para walang makapuna sa pag-agos ng mga luha niya…|

 

‘Ayan na… tumutulo na ang mga luha ko.

Feel na feel ko ang sakit, ang pait, at dusa ni Victoria. Sa mga sandaling iyon, feeling ko, iisa lang kami. Ako siya at siya ako. Kaya ang mga luhang malayang dumadaloy sa mga pisngi ko habang nakatitig sa LED screen ng laptop ko at patuloy sa pagtipa ng keyboard ay kanya.

Weh? Kanya lang ba talaga? pang-iintriga ng sarili ko sa sarili ko.

Kunsabagay, nakaka-relate din naman talaga ako sa eksenang sinusulat ko ngayon. Alam ko ang pakiramdam ng nasaktan na sa pag-ibig dahil napagdaanan ko na iyon in my twenty-six years of existence. Naranasan ko na ang ma-reject ng ultimate crush ko, ang umibig nang lihim dahil alam kong hindi magkakaroon ng katugon kailanman, ang ma-fall in love at ma-fall out of love at ang ma-loved at ma-unloved.

Lahat na halos, naranasan ko sa pag-ibig. Kaya siguro ang dali kong makakuha ng hugot lalo na sa mga eksenang tulad nito na nag-e-emo na ang heroine. Sa dami na ng naisulat kong romance novels, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong lumuha, sinabunutan ang sarili habang ngumangawa at minsan, kapag sobrang dalang-dala ako, humahantong pa ako sa pagwa-walling sa tuwing naroon na ako sa pagsusulat sa part kung saan nagkahiwalay ang mga bida. Damang-dama ko kasi ang sakit. Dalang-dala ako sa mga sinusulat kong eksena.

Well, hindi lang naman ang sakit ang feel na feel ko habang nagsusulat ng romance novel. Hindi lang naman doon sa parte na nagkahiwalay ang mga bida ang ramdam ko. Ang saya-saya ko kapag in love na ang heroine at kilig na kilig ako kapag in love na ang hero sa heroine at nagse-shed din ako ng tears of joy sa ending kung saan nagkatuluyan o nagkabalikan sila.

Feeling ko tuloy, ilang beses na akong na-in love, nasaktan at nakaranas ng forever.

Okay na rin ‘yon. At least, kahit single ako, nararanasan ko ‘yong ganoong klaseng roller coaster of emotions. Nararanasan ko pa ring ma-in love kahit sa ganoong paraan.

Don’t get me wrong, I’m not lonely being alone. Hindi ako bitter na single ako at nasaktan na sa pag-ibig nang ilang beses. Kasi alam ko namang there is someone out there for me. Kaya hindi ako nagustuhan ng ultimate crush ko noong high school, kaya nanatiling unrequited love lang ang relationship status ko noong college, kaya bigla na lang nawala ang magic at spark na naramdaman ko sa first boyfriend ko at kaya ako iniwan ng second boyfriend ko ay dahil hindi sila ang para sa akin.

Sabi nga nila, we will keep meeting the wrong persons until you find the right one.

May isang lalaking talagang nakalaan para sa akin pero hindi ko pa siya nakikilala dahil hindi pa dumarating ang tamang panahon. Alam ko, isa mga araw na ito, kakatok na lang siya sa pinto ng puso ko o papasok nang walang paalam sa buhay ko. He will turn my world upside down but he will make me the happiest woman on earth.

Oo na! Hopeless romantic ako. Dapat lang naman, ‘di ba? Kasi romance novelist ako. Kung hindi ako hopeless romantic, baka ang mga sinusulat ko ay ‘yong mga tungkol sa psycho killer at mga maligno. Well, puwede rin naman siguro akong magsulat ng tungkol sa isang psycho killer pero ang gagawin ko, mai-in love siya sa prospective victim niya na magpapabago ng buhay niya at ang maligno naman ay bibigyan ko ng forever sa piling ni “maligna.”

Sa almost six years na pagsusulat ko ng romance novels, ultimo siguro lamok kaya kong bigyan ng love life at gawan ng love story.

Kahit five years na akong walang love life, hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano ang pakiramdam ng umiibig at nasasaktan nang dahil sa pag-ibig. Why? Because writing love stories make me feel in love and brokenhearted for the past five years.

Humugot ako ng tissue mula sa tissue holder ko sa desk ko at suminga roon. Binasa ko ulit ang POV ni Victoria na heroine sa nobelang isinusulat ko. Grabe, ang drama niya. Pero perfect. Kailangan talagang umiyak din ako para maging perfect ang emo scene, eh.

Hindi pa rin ako tumatahan nang tumunog ang cellphone ko. Buti na lang, tapos na ako sa eksena, kundi, deadma ang tawag na iyon dahil ayokong mahulog sa zone sa sinusulat ko. Dinampot ko ang cellphone ko at binasa ang dumating na text message.

Good afternoon, Ms. Kathrin De Guzman. This is Matty from Moonlight Entertainment. Can I call you right now?

Moonlight Entertainment? Bakit ako tatawagan ng isang sikat na movie production company?

Napasinghap ako. Hindi kaya…

Hindi kaya napili nilang gawing movie ang isa sa mga libro ko?

OMG. Ibig bang sabihin niyan, magiging ka-level ko na sina J.K. Rowling, Sophie Kinsella at Nicholas Sparks na ginawang movie ang mga nobela?

 

 

CHAPTER ONE

Hay… ang cute talaga ni Carl.

Pasimple kong pinagmasdan si Carl na nasa kabilang column ng mga upuan, deadma sa sinasabi ng facilitator ng brainstorming-slash-refresher course na nagaganap sa pinakamalaking conference room sa opisina ng Moonlight Entertainment para sa mga screenplay writers.

Noon ko pa crush si Carl, eh. Simula pa nang kunin ako ng Moonlight para maging scriptwriter. Kaso ang masaklap, eh, may girlfriend na siya nang makilala ko siya at ngayon, engaged na siya. Kaya hanggang tingin na lang ako sa kanya.

Puwedeng-puwede talaga siyang maging hero ng romance novel. Guwapo, malakas ang karisma, matangkad at may utak. Kung nagsusulat pa rin siguro ako ng romance novels hanggang ngayon, malamang ginawa ko siyang hero sa isa sa mga nobela ko.

Medyo bibigyan ko lang ng kaunting tweak ang status ni Carl, gagawin ko siyang billionaire na CEO ng isang korporasyon na may chain of hotels. At ang pangalan ng heroine niya ay “Katrina.” Wala naman sigurong makakapansin na ibinatay ko sa real name ko ang pangalan ng heroine.

Si Katrina ay isang pretty chambermaid na nagka-crush sa big boss na—

Teka. Mas maganda siguro kung isa na lang siyang solo traveler na brokenhearted at gustong makalimot kaya nagpunta sa isang out of town resort hotel pero isang gabi ay naglasing siya at wala sa loob na sumakay sa private elevator paakyat sa penthouse ng hotel…

Chapter Two

KALALABAS pa lang ni Carl mula sa banyo nang marinig niya ang tunog ng bell sa private elevator ng penthouse ng hotel. Someone was trying to enter his elevator. It looked like he had an unexpected guest.

Suot ang bath robe at may bimpong kinukuskos sa basang buhok ay tinungo ni Carl ang harap ng private elevator para tingnan sa security monitor kung sino ang naghihintay na pindutin niya ang open button sa elevator controls.

Carl saw a woman with disheveled long hair and fair skin. Oh, yes. He had seen her before. Ito ang babaeng nakita niyang naglalakad sa dalampasigan na nakasuot ng red two-piece sa ilalim ng malinaw na white swimsuit cover. Hindi alam ng babae pero halos twenty minutes din niyang pinagmasdan ito mula sa ilalim ng isa sa mga gazebo sa shore.

She was beautiful and yes, she was undeniably hot. In fact, he would have wanted to approach her but he opted not to. Para kasing malungkot ang babae at parang malayo ang iniisip. Kaya pinagmasdan na lang niya ang babae mula sa di-kalayuan.

Anong ginagawa nito sa harap ng private elevator niya? May kailangan ba ang babae sa kanya? Hindi naman sila magkakilala para sadyain siya nito. Pipindutin na sana ni Carl ang button para kausapin ang babae at tanungin kung ano ang sadya sa kanya pero biglang nagsalita ito.

“Hayop kang walanghiya ka. Buksan mo ‘to!”

What the—?Did she just call me names?

Noon lang napansin ni Carl na lumuluha pala ang babae. And wait, namumula ang mukha at namumungay ang mga mata nito. Was she drunk?

“Dati-rati, halos magkandarapa ka pa para mapagbuksan ako ng pinto, tapos ngayon, wala ka nang pake kahit mapudpod ang daliri ko kakapindot ng doorbell mo!”

What? Oh, yeah. The woman was drunk.

“Bakit ka biglang nagbago? Hindi mo na ba talaga ako mahal? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan natin, basta mo na lang akong aalisin sa buhay mo? Gano’n na lang ba talaga ‘yon? Sabi mo, forever mo akong mamahalin. Nakalimutan mo na ba ‘yon?” humihikbing sabi ng babae habang nakaharap sa camera na naka-install sa itaas ng doorbell.

So, the woman was dumped by her ex-boyfriend. Ah, that was the reason why Carl did not want to have romantic relationship with a woman. Iyon ang dahilan kung bakit hanggang one-night stand lang ang ina-allow niya sa pagitan nila ng isang babae.

Ayaw niyang makasakit ng babae. No one develops romantic feelings overnight. Kaya hindi mag-e-expect ang babae ng forever sa piling niya pagkatapos ng isang gabi. Hindi ito masasaktan kapag iniwan na niya ito sa kama kinaumagahan habang natutulog pa ito.

“Ang sakit-sakit, Gary… ang sakit-sakit… Sana sinaksak mo na lang ako sa dibdib. Baka mas tolerable pa ‘yon. Kaysa ginanito mo ako. Bakit mo ako niloko? Bakit?” Humagulgol na ang babae. Yumuko ito at tumabon na sa mukha nito ang buhok.

Does that even make sense? Ah, yes. The woman was drunk and emotional. Of course, kahit ano na lang ay lalabas mula sa bibig nito. Dapat ay sinasabihan na niya ang babae na hindi siya si Gary. Hindi siya ang hayop na walanghiyang ex nitong nanloko at nang-iwan dito. Pero hindi niya magawa. For some reason, he wanted to let her vent out her emotions. Hindi pa nararanasan ni Gary ang umibig at masaktan pero nauunawaan niya ang nangyayari sa babae.

Biglang nag-angat ng mukha ang babae at padaskil na hinawi ang buhok patalikod. Nakita ni Carl ang galit sa mukha ng babae.

“Oo na! Kung ayaw mo na sa ‘kin, eh di ‘wag! Hindi ko ipagpipilitan ang sarili ko sa ‘yo. Kukunin ko lang naman ‘yong lipstick ko, eh. ‘Yong naiwan ko d’yan sa condo mo. Ang mahal-mahal n’yon, ‘no! Sayang naman kung pababayaan ko na lang diyan, eh, hindi mo naman magagamit ‘yon. Sa tingin mo, pagkatapos ng ginawa mo sa akin, lalapitan pa kita para ipagduldulan ang sarili ko sa ‘yo? Masaya ka!” Dinuro-duro pa ng babae ang camera.

Tumangu-tango si Carl. Ganyan nga. Show that man how strong you are as a woman. Don’t make yourself miserable in front of him.

Naglahong bigla ang galit sa mukha ng babae at pumalit ang pagmamakaawa. Pagkatapos ay humagulgol ulit. “Ang totoo… gusto lang talaga kitang makita ulit, eh. Kaya kunwari kukunin ko lang ‘yong lipstick ko. Miss na kasi kita, eh. Miss na miss na kita…”

Umiling-iling si Carl. Sana nagagawa lang ng babae iyon dahil lasing ito.

“Buksan mo na ‘tong pinto, Gary, please?”

Bumuntonghininga si Carl. May pakiramdam siyang kung hindi niya pagbubuksan ang babae ay hindi ito aalis sa harap ng elevator niya. Puwede naman niyang tawagan ang security para paalisin ang babae pero hindi niya magawa. Maybe it was because of the whisky that he had drank a while ago that made him think a little weird but he had this feeling that he wanted to let the woman in.

Hindi na nag-isip pa si Carl. Pinindot niya ang button para kusang bumukas ang elevator sa ibaba. Wala nang oras para magbihis pa siya. S-in-ecure na lang niya ang buhol ng tali ng roba. The woman would never know he was wearing nothing underneath…

Naputol ang paghabi ko ng nobela sa isip nang makasalubong ko ng tingin ang lalaking nasa tabi ni Carl, si Douglas. Kung makatingin ang loko, parang alam niyang ini-imagine ko si Carl na walang saplot. Bahagyang tumaas ang isang sulok ng mga labi niya. Alam kong hindi ko dapat gawin pero inirapan ko si Douglas nang slight.

I hate that guy.

Nakakaasar siya. Hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakilala ko siya. Halos magkasabay lang kaming dumating sa Moonlight. Nalaman ko noon na tatlong taon na siyang nagsusulat sa telebisyon bago siya kinuha ng Moonlight para magsulat ng pelikula.

Nang malaman ni Douglas na isa akong romance novelist, ang hirit kaagad niya, “So, isa ka pala sa mga dahilan kung bakit maraming babaeng hopeless romantic ngayon at matataas ang standards pagdating sa mga lalaki sa physical and monetary aspect kaya tuloy marami ang tumatandang dalaga.”

Alam ko ang ibig niyang sabihin. Sa romance novels kasi ay palaging sobrang guwapo ang mga lalaki at karaniwan nang milyonaryo o may mataas na posisyon sa isang malaking korporasyon.

Biro lang daw iyon pero half-meant, syempre. Kaya simula noon, inis na ako sa kanya.

Nang minsang makasabay ko siya sa vendo machine sa office, sinabi niya na buti raw at naisipang kong magsulat na lang sa pelikula para mas maging realistic daw ang mga isinusulat ko kaysa sa romance novels na masyadong idealistic at hindi na kapani-paniwala. Natarayan ko tuloy siya.

Hindi ko alam kung may galit siya sa mga romantikong babasahin o sa mga babae niyang nagde-demand ng forever sa kanya o wala talaga siya ni katiting na romantic streak sa katawan. Basta, inis ako sa gaya niyang parang ang tingin sa true love ay isa lang fiction.

Sa loob ng dalawang taon ko sa Moonlight, hindi ko pa siya nakakasama sa isang project—thank God—pero asar ako sa kanya. Over-confident kasi. ‘Kala mo kung sinong guwa—all right, guwapo nga siya. Hindi por que naiinis ako sa kanya, magsisinungaling na ako. Oo, lume-level siya ng kakisigan kay Carl. Pero hindi ko siya naging crush kahit kailan dahil simula pa lang nang una ko siyang makita, napreskuhan na agad ako sa kanya.

Oo na. Isa siya sa bankable screenwriters ng Moonlight sa ngayon. Actually halos magkasabay lang kaming dumating sa Moonlight. Kahit twenty-nine years old pa lang siya at limang taon pa lang na nagsusulat ng script, multi-awarded screenplay writer na agad siya. Ilan nang screenplays ang napanalunan niya sa movie awards. Kakapanalo pa nga lang sa Canes Festival ang isa sa mga pelikulang isinulat niya ang script at sa kanya ang original concept.

Siya ang pinakamagaling na writer pagdating sa action, suspense-thriller at indie-style movies. Halos wala nang revisions ang scripts na isinusulat niya. Halos nasusunod sa direction ang buong script kapag siya ang nagsusulat. Kaya gustung-gusto siya ng mga film director. Sabi nila, Doug makes their job easy.

Ang balita ko, kumukuha ng units si Doug sa film directing. Dapat nga siyang mag-director na lang. Sigurado namang hindi ko siya makakatrabaho kapag naging director na siya dahil romantic comedy ang genre ng mga isinusulat kong scripts. Imposibleng mag-direct ng romcom ang isang tulad ni Doug na unang-una ay never pang nagsulat ng romance ang mokong na iyon.

Pangalawa, paano naman makakasulat ng romance ang isang lalaking never pa yatang nagseryoso ng babae sa buong buhay niya? In short, wala siyang romantic streaks sa katawan, paano siya makakapag-direct ng romantic movie?

Sa romance novels, karaniwan na ‘yang mga ganyang klaseng lalaki. Iyong mga mukhang hindi pa nararanasan ang ma-in love sa buong buhay nila at kabi-kabila ang flings pero lovable pa rin sila bilang hero. Well, sa romance novels lang ‘yon. Kasi doon, may pag-asa silang magbago at ma-in love kapag nakita na nila ang babaeng magpapatibok ng puso nila. Iyong heroine sa istorya na makakapagpabago sa kanila.

Sa totoong buhay, hindi ganoon palagi. Dahil sabi nga nila, once a playboy, always a playboy. Kaya ang tulad ni Douglas na parang walang kakayahang ma-in love, mas malaki ang chance na hindi siya magbago. At ano ba ang pakialam ko kung magbago man siya o hindi? As if naman makikinabang ako kapag nagbago siya at biglang naging romantic.

“Now, let’s do some exercises,” sabi ng creative head ng Moonlight na nagsasalita na sa harapan.

Bigla akong na-excite sa activity na sinabi ng creative head. Magpapares-pares daw ang writers at magdudugtungan ng kuwentong maisip on the spot. Anything goes daw. Kahit saan makarating ang istorya ay walang mare-reject na ideas.

Hindi ako na-excite dahil exciting ang activity at nakakagising ng creativity. Na-excite ako dahil bunutan ang mangyayari. Bawat isa ay bubunot ng numero at ang magkapares na number na mabubunot ay siyang magka-partner sa activity. Ibig sabihin, may chance na makapareha ko si Carl.

Oo na. Engaged na siya. Hindi ko nakakalimutan iyon. Gusto ko lang namang kahit papaano, magkaroon kami ng moment together. Kahit iyon na lang, bago man lang siya ikasal a few months from now.

Nang bumunot ako ng binilot na papel mula sa fish bowl, nagdasal ako nang lihim na sana mabunot ni Carl ang kapareho ng number ko.

Please, Lord. Please…

“Sana tayo na lang ang magka-partner.”

Binalingan ko ang kapwa ko romcom writer na si Alma na nakaupo sa tabi ko. Hindi pa ba siya nagsasawa na halos magkasama kami palagi sa paggawa ng mga commissioned scripts?

‘Wag ka nga, Alma, sabi ko sa isip ko. ‘Wag mong sirain ang ilusyon ko.

 

HINDI ko alam kung anong naging napakalaking kasalanan ko sa buhay ko at sa dinami-rami namin doon—scriptwriters, people from concept development group at headwriters, si Douglas pa ang nakabunot ng kapareho ng number na nabunot ko. Okay lang naman na hindi si Carl ang maka-partner ko sa activity, ‘wag lang sana si Douglas. Tapos kami pa ang number one.

Just my freaking luck.

Hindi ko alam kung para saan ang ngisi sa mukha ni Douglas. Nag-e-enjoy ba siya dahil halatang nadismaya ako nang malaman kong siya ang ka-partner ko? Nakakaasar talaga siya.

Tumayo na kami sa harapan ng room.

“Who wants to start?” tanong ng facilitator.

“Ladies first,” sagot agad ni Douglas.

Ako pa talaga ang gusto niyang pahirapan sa pag-iisip ng intro. ‘Kainis talaga siya.

“Okay. You have one minute each para magsalitan.”

Dahil walang time para mag-isip ng premise, nag-decide na lang ako na gamitin ang eksena na naisip ko kanina habang pasulyap-sulyap ako nang lihim kay Carl.

“May isang guy na ang pangalan ay… Gary…” Siyempre, hindi ko gagamitin ang pangalan ni Carl habang nakikinig si Carl at pinapanood ako. “Gary Montenegro. Tall, handsome, smart guy, young billionaire. CEO ng isang malaking corporation na may chain of hotels si Gary. Isang araw, nagbakasyon siya sa isa sa mga hotel niya na located sa province at may beach, let’s say sa Bora. Tumuloy siya sa penthouse ng hotel na pang-VIP at may private elevator. Habang nasa itaas siya, tumunog ‘yong bell ng elevator. Someone is trying to get inside the private elevator. Nang tingnan niya ang monitor, nakita niya ang isang babae na hindi niya kilala pero earlier sa beach, nakita niya naglalakad sa dalampasigan and he found her pretty. The lady was drunk. At napagkamalan ng babae na pinto ng condo ng ex nito ‘yong panel ng elevator. Sabi ng babae sa pinto, ‘Buksan mo ‘to, hayop ka’ mga gano’n. Hanggang sa mag-drama na ‘yong babae. Na-grasp ni Gary na brokenhearted ‘yong girl. For some reason, natagpuan na lang niya ang sarili na pinipindot ang button ng elevator para bumukas ang lift sa ibaba at makapasok ‘yong girl at makaakyat sa—”

“Time’s up,” putol ng facilitator. “Your turn, Doug.”

Umiling-iling si Douglas habang nakangisi. Wait. Pinagtatawanan ba niya ang eksenang naisip ko?

“Little did Gary knew, that women, Rebecca Agustin, was just pretending to be drunk so she could infiltrate his place. She’s actually a spy doing an undercover job…”

Nanlaki ang mga mata ko sa idinugtong ni Douglas sa inumpisahan ko. Biglang naging espiya ang heroine ko?

NO!!!

Parang gusto kong ibulyaw sa mukha ni Douglas pero hindi puwede. Hindi ko siya puwedeng kontrahin. Iyon ang rule ng activity. Kahit anong idugtong ng kapareha, walang say ang ka-partner at ang gagawin na lang ay dudugtungan ang kuwento ayon sa mga sinabi ng previous narrator at panatiliin ang flow ng istorya.

Hindi ako makapaniwalang ang isang brokenhearted na babaeng vulnerable dapat nang mga oras na iyon ay biglang naging isang lady spy. Pero ano ba ang dapat kong asahan sa isang kaparehang hindi marunong magsulat ng romance? Naturally, action movies at suspense-thriller ang specialty ni Douglas kaya ginawa niyang espiya ang heroine kong dapat ay umiiyak lang at nag-e-emote sa nabigong pag-ibig. Palibhasa kasi mukhang hindi pa nararanasan ni Doug ang ma-heartbroken kaya naisip siguro niyang hindi niya kayang i-sustain ang plot na hinahayon ng intro ko.

“She’s tough and packed with deadly combat skills,” patuloy ni Douglas. “She has a mission. Her client wants her to find a missing heirloom—a two-century old antique emerald necklace which was believed to bring good luck to the person who possesses it. Ang heirloom ay pag-aari ng angkang pinagmulan ng client ni Becca. The client believed it was stolen by Gary. Kaya biglang yumaman at naging successful si Gary sa kabila nang pabagsak na ang kabuhayang ipinamana rito ng mga magulang na nagawa nitong ibangon at paunlarin sa loob lamang ng dalawang taon. Becca does not believe in that shit. A magical antique necklace? What the heck? But it’s her job to recover the necklace because the client is paying her huge sum of money. And her beauty could be her potent weapon for that mission. Kaya nang araw na iyon, sadyang sinundan niya si Gary sa hotel. Naisipan niyang magpanggap na lasing at wala sa tamang wisyo para may alibi kung bakit niya kakatukin ang private elevator ng penthouse para makapasok. But she made sure na hindi siya ipahihila ni Gary sa security dahil nagsuot siya ng sexy dress na alam niyang hindi matatanggihan ni Gary kapag nakita—”

“Time’s up,” pigil ng facilitator.

Nakanganga lang ako sa mga sinabi ni Douglas. Kung may deadly combat skills lang din siguro akong tulad ni Rebecca ay baka nabigyan ko na ng roundhouse kick ang lalaking ito. Hindi ako makapaniwala kung paanong sa isang minuto lang ay nagawa niyang pakomplikaduhin ang premise ng supposedly ay isang pang-hugot romcom movie lang sanang plot.

Spy?

Missing heirloom hunt?

Magical antique necklace?

Sa isang minuto ay nakapag-insert siya ng action, adventure at fantasy! Siguro kung hindi naawat si Douglas, pati horror naipasok niya. Hindi na ako magtataka kung may isang zombie na makasama sa characters ng plot na iyon.

“Kath?” untag sa akin ng facilitator.

Niyon ko lang na-realize na nakanganga pa rin ako. “Yes?”

“Your turn.”

Naraanan ko ng tingin si Douglas na nakangisi na para bang siyang-siya sa reaksiyon ko. Feeling siguro niya, na-amaze ako dahil nagalingan ako sa mga sinabi niya. Saglit ko siyang pinaningkitan ng mga mata para lang ma-realize niya na mali ang iniisip niya. Kung nagawa niyang i-mess up ang plot ko, magagawa ko ring guluhin ang kanya.

Humarap ako sa mga tao sa silid at nagsimulang isalaysay ang pumasok sa isip ko. “Pero nang makaakyat si Rebecca at bumukas ang elevator, nagpanggap siya na biglang naging medyo sober at kunwari na-realize na wala siya sa condo ng ex niya. Humingi siya ng sorry kay Gary hanggang sa mag-drama na siya at naglabas kunwari ng sama ng loob tungkol sa ex niya. Gary tried to comfort her. At doon na nagsimula ang pagiging malapit nila sa isa’t-isa. At first, ang gusto lang talaga ni Rebecca ay ang imbestigahan si Gary pero habang nagkakasama sila at nagkakalapit, unti-unti, na-realize niya kung gaano kabait, ka-gentleman at kasarap kasama si Gary. Minsan kapag magkasama sila, parang nawawala sa isip niya na may misyon pala siya dito. One time, muntik na siyang mabuwal, Gary came to the rescue at hinila siya kaya napayakap siya kay Gary. At hindi inaasahan ni Rebecca na maaapektuhan siya sa pagkakadikit ng mga katawan nila. Right there and then, na-realize ni Rebecca kung paano niya d-in-eprive ang sarili sa ganoong klaseng pakiramdam. Masyado kasi siyang busy being tough and impassive because of her job. Sa loob ng mga bisig ni Gary, na-realize niya na babae pa rin pala siya. At kailangan pa rin pala niya ng lalaki sa buhay niya. Maybe it was crazy but she thought she likes Gary already… o baka nga in love na siya. And she thinks he also has feelings for her–”

“Time’s up,” awat ng facilitator. “Your turn, Doug.”

Binalingan ko si Douglas at lihim akong nagdiwang nang makita ko ang hilatsa ng mukha niya ng mga oras na iyon. Halatang naalibadbaran siya sa pagkawasak ng tough lady spy character na nilikha niya.

Wala na ang ngisi sa mukha ni Douglas. He looked bloodthirsty now.

“Little did Rebecca knew, pinapasakay lang ni Gary ang espiya. All along he knew she was spying on him. Hindi siya makapaniwala na may isang espiyang kasing-stupid ni Rebecca. Imbes na si Gary ang paikutin ng spy habang lihim na iniimbestigahan, si Rebecca pa ang napapaikot ni Gary. Pero kaya naman niyang i-tolerate ang incompetence ni Rebecca as a lady spy, only because her beauty could fill in her lack of intelligence. He admits she is hot and everytime their skin brush against each other, he’ll have stir in his groin. How he wanted to screw her, kaya lang hindi niya puwedeng sirain ang image na ipinakilala niya kay Rebecca or he would blow his cover. He has to act like a perfect gentleman for now… dahil nararamdaman naman niya na nahuhulog na sa kanya si Rebecca and sooner or later, he knows she’ll be the one to ask him to screw her…”

Bumaling sa akin si Douglas at nakita ko ang triumph sa mga mata niya dahil siguro nasiyahan sa reaksiyon ko. Aware ako sa panga kong nalaglag nang marinig ang mga sinabi niya at ang mga mata kong feeling ko ay konting push na lang, eh, puwede nang malaglag mula sa eye socket.

Pakiramdam ko, hindi talaga si Rebecca ang tinawag niyang stupid at incompetent kundi ako. At oo, nagsusulat ako ng romance, alam ko ang tungkol sa sexual tension. Nagsusulat din ako ng love scenes na bagamat hindi detalyado ay suggestive pa rin. I am rather open-minded. At aware ako na ang mga lalaki, mahilig talaga sa sex. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nabastusan at naeskandalo ako sa pagkakabanggit ni Douglas ng sexual desire ni Gary kay Rebecca.

That is not how I describe my heroes’ sexual desire to my heroines! Hindi ganyan kakaswal. I describe the sexual tension in such a tasteful way that no one would think as if they were reading pornography.

And how dare he use the word “screw” in front of all these people?

“And then one night,” patuloy sa pagkukuwento ng pervert na lalaki, “she actually did. They shared one steamy night together. But the next morning, nang magising si Rebecca, ibinunyag na ni Gary na alam niyang from the very start ay isang espiya si Rebecca at inamin niya ang pagpapaikot niya sa babae—”

“Time’s up,” awat ng facilitator na mukhang naa-amuse na sa nangyayaring dugtungan ng kuwento at palitan ng mga reaksiyon namin ni Gary. “Your turn, Kath.”

Kumuyom ang mga palad ko pero ngumiti ako nang humarap sa mga tao. “Of course, nagalit si Rebecca dahil niloko lang pala siya ng hayop na lalaki. Umalis siyang galit na galit. Na-realize niyang hindi naman niya talaga mahal si Gary. First time kasi niyang magkagusto sa isang lalaki kaya akala niya, pag-ibig na iyon. Aminado siyang naisahan siya roon pero hindi siya papayag na hindi makaganti. Kaya kinabukasan, binalikan niya si Gary at tinutukan ng baril. He shot him in the head. He died. The end.”

Nganga ang lahat pero wala akong pake. Halatang nabigla din si Douglas sa pagtapos ko sa kuwento sa madugong eksena. Matalim ang tinging ibinigay ko sa kanya. Bigla na lang siyang tumawa.

“What the hell?” halata ang pagkalibang na sabi ni Douglas. “You killed the lead character!”

“Why not? He’s a jerk.” And when I said ‘jerk,’ kay Douglas talaga patukoy iyon.

“You can’t just kill a lead character like that just because you find him a jerk. I’m sure, marami pang puwedeng mangyari sa kuwento. How could you abruptly end it?”

Ngayon ako naniniwala na sa akin talaga niya pinatungkol ‘yong ‘incompetent.’ Eh, di ikaw na. Galing mo, eh, gusto ko sanang sabihin pero magmumukha akong unprofessional. Nandoon pa naman ang head at ang isa sa mga producers.

“Sorry, ha. Masyado kasi akong nadadala sa mga sinusulat ko.” Ngumiti ako sa mga tao sa silid. “Puwede naman nating gawan ng plot twist. Bubuhayin natin ang katawang-lupa si Gary at magiging zombie siya. Tapos siya naman ang gaganti kay Rebecca. Kakagatin niya si Rebecca kaya magiging zombie din si Rebecca. Tapos, how ironic, kasi kung kailan zombies na sila pareho, saka pa sila totoong na-in love na sa isa’t-isa at nagkatuluyan sila. And they lived happily ever after! I mean, they lived dead happily ever after. The end.”

Nagtawanan ang mga tao. Kaya tumawa na rin ako. Nakita kong tumatawa rin si Carl.

Pakshet. Bakit nawala sa isip ko na naroon si Carl? Pinagbutihan ko sana. Hindi dapat ako nagpadala sa inis ko kay Douglas. Ngayon, pinagtatawanan siguro niya ang kagagahan ko.

Tinapunan ko ng tingin si Douglas na tumatawa rin habang sapo ang tiyan.

Kabagan ka sana.

Kung nagsusulat pa rin ako ng nobela, malamang ginawa kong kontrabida at pinatay ko din sa nobela itong si Douglas na ‘to.

 

*NOTE: This preview is unedited.