• Book Preview

    [PREVIEW] Bad Romance

    PROLOGUE      Chapter Eight Ganoon pala ang umibig. Ganoon pala ang masaktan sa pag-ibig. Ngayon ay alam na ni Victoria kung bakit feel na feel ng ilan kapag kinakanta sa videoke ang mga awiting “Luha,” “Almost Over You,” at “Where Do Broken Hearts Go.” Ramdam pala talaga nila ang kakaibang level ng sakit na tanging ang mga brokenhearted lang ang nakakaalam. Hindi mailalarawan sa salita kung gaano kasakit ang umasa sa forever na hindi pala kailanman magkakaroon ng kaganapan. Napuna ni Victoria na pumapatak na ang ulan. Nagsimula nang umagos ang kanyang mga luha habang naglalakad sa kalsada nang walang tiyak na patutunguhan. Lumakas ang buhos ng ulan hanggang sa…