Unbelievable. Hindi pa rin ako maka-get over sa katotohanang wala na si Mindie, ang aktres na naging inspirasyon ko para hintayin ang tamang panahon para sa… you know.
Just like Mindie, naniniwala ako sa no sex before marriage.
Pero isang buwan bago ang nakatakdang araw ng kasal ni Mindie, naaksidente siya. She died on the spot.
Mindie died a virgin.
Binabawi ko na ang sinabi ko. Ayokong mamatay nang virgin pa rin. Ayokong maging virgin ghost!
Ayoko rin namang ibigay iyon sa lalaking wala akong emotional attachment.
Ang ni-recommend ng mga kaibigan ko—si Juancho Mendoza, the only guy that I have ever loved. The guy who tried to take me to bed kaya hiniwalayan ko.
But when I tried to seduce him, nakahalata siya at sinabing, “Good boy na ako.”
Sabi ko, “Eh, di okay. Hindi ka na playboy. Ano’ng problema doon?”
“Well… medyo drastic ang pagbabago ko.”
“Ano’ng ibig mong sabihin?” “I’ve decided to embrace celibacy.”
Ang kaisa-isang lalaking gusto kong pag-alayan ng virginity ay isa na ngayong celibate! Ako na ang gustong makipag-sex, siya naman ang ayaw,
Nakakaloka!

 

Published on: March 16, 2016

No. of Pages: 256