This Christmas...

Someone is about to be stranded in an island with the man of her dreams…

ALL I WANT FOR CHRISTMAS IS YOU

Available now!

Taon-taon na lang ay kabilang sa SMP—Samahan ng mga Malalamig ang Pasko—si Moana. Kaya medyo bitter siya sa Christmas. Gayunpaman ay nagdesisyon siyang ang Paskong iyon ay hindi na magiging malamig para sa kanya. Magkakaroon na siya ng lalaking makakasama sa araw na iyon. Come hell or high water! Ten days before Christmas ay sumali si Moana sa isang speed-dating event. Ngunit nabigo pa rin siyang makahanap ng prospective boyfriend. Dahil sa sobrang pagkadismaya ay nagpasya siyang pumunta na lang sa probinsiya at doon gugulin ang Pasko. Laking gulat ni Moana nang sa bangka papunta sa isla ay nakasakay niya ang pinagpapantasyahang male fashion model—si Kirst—na bawat cell yata sa katawan ay perfect. Buwenas, sabi niya sa isip. At buenas na naman nang nauwi sila sa pagkaka-stranded sa isang deserted island. Silang dalawa lang ang tao sa islang iyon. At imbes na mag-panic sa nangyari ay gusto niyang magdiwang. Sa wakas ay natupad ang wish ni Moana na may makakasamang lalaki sa Pasko. Pero hindi merryng-merry ang Christmas niya. Dahil ang guwapong modelo na magpapainit sana sa Pasko niya ay saksakan ng suplado at pa-hard to get pa! Published on: December 12, 2015