• Upcoming Books

    Aldub Fanfiction.

    I rarely watch TV and I believe I am too old to ship love teams. But guess what? I now watch TV every noontime because of this newest quirky, crazy love team in Eat Bulaga—AlDub, the love team of Alden Richards and Divina Ursula Bukbukova Smash or better known as Yaya Dub (Maine Mendoza in real life). I always see myself as someone hard to please. Thus, hindi din ako madaling mapatawa sa jokes. It has to be really funny or you will see my awkward face asking myself inwardly “Anong nakakatawa?” But this particular segment in Eat Bulaga could really make me laugh my ass off  to the extent na…

  • Book Preview

    [Preview] A Diary Of A Broken Heart – Chapter 2

    APRIL 6, 2013 Dear Diary,                 Surprise! Buhay pa ako. Hindi pala iyong huling isinulat ko rito ang huling entry ko. Pumalpak kasi ang suicide stunt ko. Hindi ko pala kayang patayin ang sarili ko. Para akong sinapian tapos at the last minute, biglang umalis ang sapi ko kaya hindi ko natuloy na laslasin nang tuluyan ang pulso ko. Parang ganoon ang nangyari. Pero hindi ko na uulitin ang kabaliwang ginawa ko. Nangako ako sa papa ko na hinding-hindi na ako magtatangkang mag-suicide. Alang-alang sa papa ko, pipilitin kong mabuhay. Pipilitin kong maka-move on. May nakilala akong male nurse na isa sa mga nag-alaga sa akin habang nasa ospital ako.…

  • Book Preview

    [Preview] A Romance Novel – Chapter 2

    MATAPOS kong sulatan ng dedication at pirmahan ang libro ay ibinalik ko iyon sa mambabasa na pumila sa booksigning kong ginanap sa National Bookstore. Modesty aside, isa si Hara Montesa sa bestseller romance novelists. Sa tuwing may inilalabas akong bagong romance novel ay nagkakaroon ko ng booksigning. Bukod sa layunin na makabenta ng libro ay iyon din ang pagkakataon ko para makadaupang-palad ang mga taong bumibili at sumusuporta sa mga akda ko. “Idol na idol ko po kayo, Miss Hara,” bungad kaagad ng sumunod na fan sa pila. “Salamat!” magiliw na sabi ko. “Nakakawala ng stress ang mga libro n’yo. Nakakakilig… nakaka-in love… Siguro sobrang happy ng love life n’yo…

  • Book Preview

    [Preview] A Diary Of A Broken Heart – Chapter One

    APRIL 4, 2013   Dear Diary, Nakakatawa. Kung kailan last day ko na on earth saka ako nagkaroon ng time para sulatan ka. Sayang naman kasi. Baka sabihin ni May-may, namatay na ako’t lahat, hindi ko man lang ginamit o sinulatan ni isang pahina mo. Baka magtampo siya. Proud na proud pa naman ang loka noong ini-regalo ka niya sa akin noong nakaraan pang pasko. Sabi ko naman sa kanya, hindi na ako mahilig mag-keep ng diary ngayon. Nag-mature na ako. Hindi na nagsusulat sa diary ang isang twenty-eight-year old grown up woman na tulad ko. Noong bata kasi ako, ang hilig kong magsulat sa tulad mo. In fact, sampung…

  • Book Preview

    [Preview] A Romance Novel – Chapter One

    3 AM. PANAY ang hikab ko habang tumitipa sa keyboard ng laptop ko. Hay… Inaantok na naman ako habang nagsusulat ng nobela. Mukhang kailangan ko na namang lumaklak ng kape. “Laklak” talaga ang angkop na salita para sa akin dahil buong araw ay wala na akong iniinom kundi kape. Kape sa umaga. Kape sa tanghali. Kape sa gabi. Kape sa midnight snack. Kulang na lang ay pati pangmumog ko ay kape na rin. Pakiramdam ko nga, kapag naglaslas ako, imbes na dugo ang lalabas sa palapulsuan ko ay kape ang aagos mula sa hiwa. I badly needed coffee to stay awake and keep my mind active. Kaya lang lately ay…

  • Upcoming Books

    Under The Mistletoe

    Kumusta naman at July pa lang pero nakikinig na ako ng Christmas songs. Hindi ako excited sa christmas, I just need to set a mood. I need to feel Christmas para sa sinusulat kong holiday-themed novel para sa 12 Gifts of Christmas​ namin ng 11 more authors ng PHR. 1 week kong hininog sa isip ko ang premise ng story. And last night before I sleep I came up with a solid plot. At hayun, nasimulan ko na nga kagabi. The title of this novel would be “A First Kiss Under The Mistletoe.” So, why do people kiss under the mistletoe? Through research, I discovered that the reason for that…